Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Balitang may puso

puso –
 –ito
ito ang
lathalain.. Taliwas sa tuwirang balita
lathalain
na nabubuo lamang ng kalansay ng
pangyayari, ang lathalain
lathalain ay
 ay may
laman at dugo –
dugo –ganap
ganap na katauhan-
lumuluha, tumatawa, sumasayaw at
nagdaramdam.
Malaya at maluwag ang paraan ng
pagsulat, ang lathalain ay hindi
natatakdaan ng anumang istilo. Hindi
nakabilanggo ang manunulat sa uri ng
sulating ito. Hindi nakakahon.
 Ang alinmang simula o wakas ng
lathalain ay maaaring tanggapin basta’t
ito’y makaaantig ng damdamin ng
mambabasa. Ang tanging itinakda sa
ganitong sulatin ay ang pagpapatingkad
ng emosyon.
1.Nakaaaliw o nakasisiya.
Dito ang personalidad ng manunulat ay
nabibigyan ng buong kalayaan. Maaari
siyang lumikha tulad ng isang alagad ng
sining. Maari niyang masdan at sundan ang
isang ideya na magka-anyo, magkahugis at
lumaki sa isang kabaguhang sadyang
kanya –
kanya  – matalino
 matalino ang feature
kung matalino ang manunulat.
2. Ito ay Kawili-wili
Sabihin ang ibig sabihin sa isang
kapansin-pansing paraan. Sa ganito
magagawang matalos ng mambabasa
hindi lamang kung ano ang nangyari
kundi makikita, maririnig, madarama
at malalasa niya ang pangyayari.
Kung ang isusulat ay ukol sa sirkus,
kinakailangang maipakita, maiparinig,
maipaamoy at maipalasa ang ukol sa sirkus-
ang ukol sa nagsasayaw na elepante, ang
paghahabulan at pagtutuksuhan ng mga
tsonggo at iba pa.
Nangangahulugan na buong-buong
naihahatid sa mambabasa ang lahat ng
karanasan ng manunulat sa loob ng
sirkus, at ito ay kailangang maisulat
agad sa unang pangungusap o
linya ng lathalain.
3. Ang pagsulat ng Lathalain ay tulad sa
paglalaro ng magic.
Sa pamamagitan ng malikot at mayamang
guni-guni ng manunulat ay naaaninag ang
paksa mula sa pinakapayak mang pangyayari.
Pagkatapos makapili ng paksang may
ipinangangako, siya ay magsisimula na.
Sisiyasatin niya ang lahat ng pangyayari o facts
na may kinalaman sa paksa.
Hanggat hindi niya nabibigyan ng kasiyahan
ang sarili ay hindi siya titigil sa pagkalap ng mga
detalyeng mapapakinabangan sa pagsulat.
4. Ang lathalain ay hindi basta na lamang
buong kahiwagaang nabubuo sa isipan
ng manunulat.
Hindi ito tulad sa mga sulating
pampanitikan na pagkaraang makaisip ng
paksa ay susulat na lamang at magsisimulang
mangarap. Manapa’y ang feature ay bunga ng
masikhay na pagmamasid at pagsisiyasat.
Karaniwan na ang isang manunulat
ng feature ay nakaharap sa
isang mabigat na suliranin.
♦ Ang pagsulat nito ay batay sa isang
karaniwang pangyayari.

♣ Ito ay maisusulat sa isang bagong paraan,


kahit pa ang paksa ay palasak na.

♠ Ang isang lumang paksa o ideya ay


magiging maganda sa paningin kung ito ay
magmumukhang bago.Ito ang pananagutan
ng manunulat, ang humanap ng paraan
upang ang isang lumang paksa ay
maging bago sa paningin ng iba.
1.Ang paksa ay batid ng halos lahat ng
mambabasa.
 Ang mga karaniwang
karaniwang pook, pangyayari,
pangyayari,
bagay ay lalaging malapit sa damdamin ng
mambabasa.

2. Ang paksa ay kailangang masiyasat


nang buong husay.
Lahat ng detalye na maaaring
makapagpatingkad ng paksa ay
kinakailangang mapasama sa
pagsulat.

You might also like