Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN NG PAKITANG TURO SA ARALING PANLIPUNAN 10

I.LAYUNIN
1. Nasusuri ang mga dahilan,paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng
mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika 17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog -
Silangang Asya

II.PAKSANG-ARALIN: Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng


mga Kanluranin sa Unang Yugto(Ika16 at Ika-17 Siglo)pagdating nila sa Silangan at Timog-
Silangang Asya
Sanggunian: Araling Panlipunan 7, Quarter 4, Modyul 1
MELC sa Araling Panlipunan, Quarter 4, Week 1-2
Kagamitan: laptop, powerpoint presentation, telebisyon

III.PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

Magandang umaga giliw kong mag-aaral! Magandang umaga din po.


Pakinggan natin ang ulat mula sa namamahala
ng attendance. Lahat po ay present.

Magaling!
Tatayo ang mga mag-aaral at
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin. mananalangin

B. Balik Aral
Bago tayo dadako sa susunod na aralin,
balikan muna natin ang iyong mga natutunan sa
mga nakaraang modyul.

Panuto: Tukuyin kung saan kabilang ang mga


ambag o kontribusyong ito. Piliin ang titik ng
wastong sagot sa mga pagpipilian sa loob ng
kahon.

A. Literatura B. Pagtatanghal C. Musika at Sayaw (Gagawin ng mga mag-aaral ang


D. Arkitektura gawain pagkatapos ay iwawasto
namin ang kanilang mga kasugutan)

1. Natya Shastra 6. Law of Manu


2. Bhangra 7. Sanskrit drama
3. Hagia Saphia 8. Raghuwamsha
4. Arabian Night 9. Kathakali
5. Dame of the Rock 10. Taj Mahal
Magaling!

C. Pagganyak

Noong Elementarya pa lamang kayo ay


napagaralan na ninyo ang mga iba’t ibang
dayuhan sumakop sa ating bansa. Ngayon, Amerikano sir
pangalanan nga ninyo sila.

Tama! Hapones sir


Ano pa

Magaling! Espanyol sir

Ano pa

Mahusay!

D.Paglalahad

Sa bawat dayuhan na sumakop sa ating bansa


ay mayroong kani kaniyang dahilan upang
sakupin ang ating bansa.
Ito ang pokus ng ating talakayan ngayon, Mga
Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Unang
Yugto(Ika16 at Ika-17 Siglo)pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya

E.Pagtatalakay
Politikal sir
Ano-ano ang mga dahilan ng Imperyalismo at
kolonyalismo.

Magaling!

Ang pagkakaroon ng mga kolonya at dagdag na


teritoryo ay bunga ng pagnanais na mapalawak
ang politikal na kapangyarihan. Pangkabuhayan sir

Ano pa

Ito ay palakasin ang ekonomiya at


Mahusay! payamanin ang bansa sa
pamamagitan ng pagkontrol sa
Ano ang pangunahing motibo ng pagkakaroon ng kalakalan, pagkuha ng mga likas na
mga kolonya at teritoryo. yaman gaya ng ginto, pilak,
pampalasa at hilaw na materyales.

Tama!

Nais din nila ang magkaroon ng pamilihan para sa


kanilang surplus na produkto, mapakinabangan
ang murang paggawa ng mga mangagawa sa
kolonya at makahanap ng mapagkakakitaan at
paglalaanan ng puhunan. Nasyonalismo

Ano pa ang ibang dahilan.


Ang pagkakaroon o pananakop ng
teritoryo ay batayan ng pagdakila at
Bakit? pagbibigay karangalan sa bansa
upang maitaguyod ang pambansang
pagkakakilanlan.

Magaling!
Estratehiya at Seguridad
Ano pa
Sapagkat hangarin ng mga
imperyalistang bansa na madagdagan
Bakit isa ito sa mga dahilan? ang likas na hangganan, makontrol
ang komunikasyon, magkaroon ng
outlet para sa labis na populasyon at
magkaroon ng base militar sa ibayong
dagat.

Mahusay!
KAPANGYARIHAN AT KATANYAGAN
Ano pa

Tama!

Ang pagkakaroon ng maraming teritoryo ay


nangangahulugan na malakas at
makapangyarihan ang isang bansa. Ang pagiging
malakas at makapangyarihan ay nagbibigay- daan
upang ito ay makakuha ng respeto mula sa ibang
bansa.
MORAL O HUMANITARYAN
Ano pa

Magaling!

Ikinatwiran ng mga imperyalistang bansa na


isinagawa nila ang pananakop ng mga kolonya
upang mapalaya ang mga tao mula sa mapaniil na
pamumuno, maihatid ang makabagong
teknolohiya sa mga katutubong sinakop at
maipalaganap ang paniniwala at relihiyon. Inisip
ng mga Europeo na ang kanilang pamumuhay ay
higit na mas mataas ang antas kaysa sa mga
katutubo.

Ngayon dumako naman tayo sa pamamaraan ng


pananakop noong unang yugto ika 16 siglo.

PORTUGAL- Ang Portugal ang unang bansa sa


Europe na nakarating sa Asya sa pamamagitan ng
paglalayag sa karagatan. Naging mabilis ang mga
Portuges sa paggalugad at pag-angkin sa ilang
baybayin sa China at Timog Silangang Asya.
Nakapagtatag ang mga Portuges ng himpilan ng
kalakalan sa mga mahalagang ruta ng kalakalan sa
Asya.Ang mga Portuges ang unang pangkat ng
mga Europeo na nakarating sa China at
nagkaroon ng himpilang pangkalakalan sa Macau
noong 1517. Nang lumaon, nakipagtunggali ang
mga Portuges sa iba pang mangangalakal upang
makuha ang kalakalan ng pampalasa.

SPAIN – Pumangalawa ang Spain kasunod ng


Portugal sa Panahon ng Pagtuklas at Paggalugad.
Marami itong kolonya na naitatag sa Central
America at South America. Sa Asya, ang Pilipinas
ang nag-iisang kolonya nito sa pamamagitan ng
paglalayag ni Ferdinand Magellan na siyang
nakatuklas nito. Sinakop naman ang kapuluan sa
pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi. Tumagal
ng 333 taon ang haba ng pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas.

NETHERLANDS- Ang Dutch East India Company ay


nagtatag ng himpilan sa Batavia (kasalukuyang
Jakarta sa Indonesia). Layunin ng kompanya na
mahigitan ang mga kakompetensiyang bansa sa
Europe sa larangan ng kalakalan. Nakapagtatag
ang mga Dutch ng imperyo sa Silangan sa
pagsusumikap ni Jan Pieterszoon Coen ang
gobernadora-heneral ng kompanya.
Nakipagkalakalan sila sa mga Hapones sa maliit
na isla ng Deshima (ang kasalukuyang Nagasaki).

Ikalawang Yugto (Simula 1763)


Ang ikalawang yugto ng pananakop ng mga
bansang makapangyarihan ay bahagi ng panahon
ng Imperyalismo. Ito ay nagsimula bunga ng
Rebolusyong Industriyal kung saan ay naging mas
mahalaga ang paghahanap ng hilaw na
materyales at pagkakaroon ng pamilihan kaysa sa
mga pampalasa.Mas marami ang nasakop sa
panahong ito.

NETHERLANDS - Nakipagkompetensiya ang mga


Dutch upang makontrol ang mga ruta ng
kalakalan sa Indian Ocean at kalakalan ng mga
pampalasa pamamagitan ng Dutch East India
Company. Sa huli nawala sa mga Dutch ang
Formosa nang makuha muli ito ng mga Tsino.
Nanatili ang kapangyaruhan nito sa Indonesia.

BRITAIN– Ang Britain ang nakapagtatag ng


pinakamalaking imperyo sa mundo. Kabilang sa
mga teritoryo nito ang Burma
(Myanmar),Singapore, Malaysia, Brunei, Sarawak
at North Borneo (bahagi ng Indonesia) at
Hongkong.

FRANCE – hinangad ng France na magkakaroon


1. Naipalaganap ng mga
ng malawak na imperyo sa Asya. Subalit ng
makapangyarihang bansa ang
matalo ito sa Napoleonic Wars, iilan na lamang
kanilang impluwensiya sa malaking
ang naging teritoryo nito. Noong ika-20 siglo, ang
bahagi ng mundo.
pinakamahalagang teritoryo nito ang Indotsina na
2. Nagkaroon sa mga
binubuo ng Vietnam, Laos at Cambodia.
makapangyarihang bansa ng mga
UNITED STATES- Nakuha ng United States ang Sphere of Influence at mga espesyal
Pilipinas bilang resulta ng kanilang pagwawagi na pribelihiyo sa pakikipagkalakalan.
laban sa Spain sa Spanish-American War 3. Nakatulong sa mga bagong
bansang mananakop ang paglaganap
Ano ano ang mga epekto ng Imperyalismo at ng industriyalisasyon, na naging
Kolonyalismo. mabilis ang isinagawang paraan ng
pananakop.
4. Matindi ang naging kompetisyon
sa pag-aagawan ng mga kolonya.
5. Umusbong ang pananaw na
Militarismo dahil sa tindi ng sigalot at
pag-aagawan ng teritoryo. Kailangan
nilang magtatag ng malakas na
puwersa upang maprotektahan at
mapangalagaan ang kani-kanilang
teritoryo.
6. Naging mabilis ang paghatid ng
mga hilaw na materyal dahil sa
naimbentong bagong kagamitan
tulad ng steam boat at pag-unlad ng
sistema ng komunikasyon. 7.
Lumaganap ang kultura ng mga
Kanluranin sa rehiyon.
8. Nagpatayo ang mga Kanluranin ng
simbahan, paaralan at iba pang
institisyon upang bigyang katwiran
ang pananatili ng mga Europeo sa
kanilang teritoryo.
9. Umiral sa kolonya ng lipunan ang
bagong wika, kaalaman at paraan ng
pamumuno.
10. Ipinakilala ng mga mananakop
ang kanilang relihiyon at politikal na
istruktura na nagsilbing matatag na
pundasyon sa mga lokal na
komunidad.

Magaling!

F. Paglalapat

Ngayon meron tayong gawain, Tukuyin ang


dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin na
isinasaad ng bawat pahayag. (Mga Pagpipilian:
Politikal, Pangkabuhayan, Nasyonalismo,
Estratehiya at Seguridad, Kapangyarihan at
Katanyagan, Moral at Humanitaryan).

1. Magkaroon ng outlet para sa labis na


populasyon.
2. Kinailangan ng mga bansang mananakop na
palakasin ang kanilang hukbong sandatahan at
hukbong pandagat.
3. Ang pagkakaroon ng teritoryo ay batayan ng
pagdakila at pagbibigay karangalan sa bansa
upang itaguyod ang pambansang
pagkakakilanlan.
4. Pangunahing motibo ng mga mananakop na
palakasin ang kanilang ekonomiya at pagyamanin
ang kanilang bansa.
5. Ang pagkakaroon ng maraming teritoryo ay
nangangahulugan ng malakas at
makapangyarihang bansa at makakukuha ng
respeto sa ibang bansa.
6. Ayon sa mga imperyalistang bansa na ang
kanilang pananakop ay para mapalaya ang mga
tao mula sa mapaniil na pamumuno.
7. Nais din nila na magkaroon ng pamilihan sa
mga surplus na produkto.
8. Inisip ng mga Kanluranin na ang kanilang
pamumuhay ay higit na mas mataas ang antas
nila sa mga katutubo.
9. Ang mga mananakop ay may hangaring maging
tanyag dahil sa kanilang paglalayag sa karagatan
at pagtuklas o pananakop ng mga bagong lupain.
10. Isa ring dahilan ng mga Kanluranin sa
pananakop ay ang pagkakaroon ng mga base
militar sa ibayong dagat.

G.Paglalahat

Ipaliwanag ang sanhi at epekto ng mga salik o


kaganapan kaugnay ng mga epektong hatid ng
Imperiyalismo at Kolonyalismo.

IV. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang Britain ang nagtatag ng pinakamalaking imperyo sa mundo. Alin sa sumusunod na
bansa HINDI kabilang sa kanilang imperyo?
A. Singapore B. Brunei C. Burma D. Formosa
2. Ito ang dahilan kung bakit nakuha o nasakop ng United States ang kapangyarihan sa
Pilipinas.
A. Resulta ng pagwawagi nila laban sa Spain
B. Bahagi ng kanilang paglalayag at paggagalugad
C. Ipinambayad ng Japan sa pagkatalo nila sa labanan
D. Sila ang unang nakipagkalakalan sa mga Pilipino
3. Ang pananaw na ito ay umusbong dahil sa matinding sigalot at pag-aagawan ng mga
makapangyarihang bansa ng kanilang mga territory.
A. Komunismo B. Militarismo C. Imperyalismo D. Piyudalismo
4. Marami ang naging epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya. Alin sa sumusunod
ang HINDI?
A. Pagkakaroon ng mga Kanluraning bansa ng Sphere of Influence.
B. Nanatili ang kultura ng mga katutubo dahil tinutulan nila ang anomang
impluwensiyang Kanluranin dahil sa kanilang paghihimagsik.
C. Nagpatayo ang mga Kanluranin ng mga simbahan, paaralan at iba pang
institusyon. D. Ipinakilala ng mga mananakop ang kanilang relihiyon at politikal na
istruktura.
5. Maraming dahilan kung bakit naitatag ang Imperyalismo at Kolonyalismo ng mga
Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Alin dito ang hindi?
A. Kapangyarihang Politikal
B. Maparami ang kanilang lahi
C. Pagpapalakas ng Ekonomiya
D. Estratehiya at seguridad
6. Pagpapalakas ng ekonomiya ang isa mga pangunahing motibo ng mga Kanluranin sa
pananakop. Marami silang nga mithiin. Alin sa mga ito ang HINDI?
A. pagkuha ng mga likas na yaman
B. pagkontrol sa kalakan
C. magkaroon ng pamilihan sa mga surplus na produkto
D. gagamitin nilang tambakan ng kanilang mga basura
7. Ito ang unang bansa sa Europe na nakarating sa Asya sa pamamagitan ng paglalayag sa
karagatan.
A. Portugal B. Spain C. Britain D. France
8. Nasakop ng mga Portuges ang Macau noong ________.
A. 1521 B. 1517 C. 1715 D. 1535
9. Ito ay ang nag-iisang bansa na nasakop at naging kolonya ng Spain sa Asya.
A. China B. Japan C. Pilipinas D. Indonesia
10. Ang Dutch India Company ay itinatag ng _________ sa Indonesia na may layuning higitan
ang mga kakumpetensiyang bansa nito.
A. Portugal B. Spain C. Netherlands D. France

V. Takdang Aralin

Panuto: Gumupit ng mga larawan ng mga edidensiya ng pananakop ng mga


Kanluranin dito sa ating bansa. Idikit ito sa coupon bond at bumuo ng sariling hugis sa mga
larawang nalikom. Tukuyin kung saang lalawigan o bayan ito matatagpuan at sinong
Kanluranin ang nag-iwan ng bakas na ito.

Kraytirya Puntos
Kaugnayan sa paksa 40 puntos
Pagkamalikhain 30 puntos
Orihinalidad 30 puntos

Inihanda ni; Binigyan pansin ni

CHRISTOPHER B. SALUDEZ GLOCERIA P. MELCHOR


Guro I Dalub Guro II

Pinagtibay:
Nancy C. Padilla
Ulong Guro III

You might also like