Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

BANGHAY ARALIN NG PAKITANG TURO SA ARALING PANLIPUNAN 10

I.LAYUNIN
1.Naipapaliwanag ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok
sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling
pamayanan.
2.Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan.
3.Napapahalagahan ang mga papel ng isang mamamayan para sa pagbabagong
panlipunan.

II.PAKSANG-ARALIN: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan


Sanggunian: Araling Panlipunan 10, Quarter 4, Modyul 1
MELC sa Araling Panlipunan, Quarter 4, Week 1-2
Kagamitan: laptop, powerpoint presentation, telebisyon,learning modyul

III.PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

Magandang hapon giliw kong mag-aaral! Magandang hapon din po.


Pakinggan natin ang ulat mula sa namamahala
ng attendance. Lahat po ay present.

Magaling!
(Tatayo ang mga mag-aaral at
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.
mananalangin)

B. Balik Aral
Sa nakalipas na aralin ay tinalakay natin ang
tungkol sa mga isyu sa kasarian at lipunan.
Magbigay nga kayo ng halimbawa nito.
Diskriminasyon sa mga LGBT sir.
Paghadlang sa karapatan ng mga
Magaling!
LGBT
C. Pagganyak

Bago natin tuluyang simulan ang ating bagong


aralin, nais ko munang pakinggan ninyo ang
awiting “Akoy Isang Mabuting Pilipino” ni Noel
Cabacungan.
Maaari ninyong basahin ang kanta.
Pwede ring sumabay sa pag-awit.
Pagkatapos ng awit, sasagutin ninyo ang aking
mga tanong tungkol dito.
Basahin ang mga tanong sa harap.
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang katangian ng isang


mabuting Pilipino ayon sa awitin?
2. Sino-sino ang itinuturing na
mamamayang Pilipino?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng
isang mamamayan ang kaniyang mga
Ipinapaalala ko ang mga pamantayan kapag tungkulin at pananagutan?
tayo ay may gawaing ganito. Balikan na lamang
ninyo sa inyong mga isip.

Handa na ba kayo? Opo.


(Ipaparinig ng guro ang awitin) (Pakikinggan/aawitin ang “Akoy Isang
Mabuting Pilipino”)
Ngayon, sagutin natin ang mga tanong.

1. Ano-ano ang katangian ng isang mabuting


Matapat, makabayan, mabuti sa
Pilipino ayon sa awitin? kapwa, responsable

Magaling.

2. Sino-sino ang itinuturing na mamamayang Ang mga naninirahan sa bansang


Pilipino? Pilipinas.
Tama.

3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang Upang ang bansang mahal ay maging


mamamayan ang kaniyang mga tungkulin mapayapa at maunlad.
at pananagutan?

Magaling.

D.Paglalahad

Ano sa palagay mo ang pinakapaksa ng awit Ang pagiging isang mamamayan .


na narinig?

Tama.

Iyan ang ating pag-aaralan ngayon, tungkol


sa konsepto at katuturan ng pagkamamamayan.

E.Pagtatalakay
Ano ang alam mo sa salitang May tungkuling dapat gampanan
pagkamamamayan? Pagiging mabuting tao sa kapuwa at
Magbigay ng mga salita o pahayag na may sa bansa
kaugnayan dito.

Magaling.

Ngayon tayo ay may gagawin. Magkakaroon


kayo ng paghahabi-habi ng mga kaisipan. Lahat
kayo sa pangkat ay maglalahad ng mga ideya
tungkol sa paksa. Pagkatapos ay aayusin ninyo
ang mga ito at iuulat sa klase.
.
Gawain 1. (Pangkatang maghahabi ng kaisipan
Panuto. Maghabi ng kaisipan tungkol sa paksang ang mga mag-aaral)
Ligal na pananaw sa konsepto ng
Pagkamamamayan. Gawin ito sa 5 minuto.

Pangkat 1.
Tapos na ang takdang oras. Bawat pangkat na Ang konsepto ng citizenship
ay pupunta sa harap para sap ag-uulat. (pagkamamamayan) o ang kalagayan
o katayuan ng isang tao bilang
miyembro ng isang pamayanan o
estado ay maaaring iugat sa
kasaysayan ng daigdig. Ang
kabihasnang Griyego ay binubuo ng
mga lungsod-estado na tinatawag na
polis. Ito ay isang lipunan na binubuo
ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin.

Magaling.
Pangkat 2.
Ang polis ay binubuo ng mga
citizen na limitado lamang sa
kalalakihan. Ang pagiging citizen ng
Greece ay isang pribilehiyo kung saan
may kalakip na mga karapatan at
tungkulin. Ayon sa orador ng Athens
na si Pericles, hindi lamang sarili ang
iniisip ng mga citizen kundi maging
ang kalagayan ng estado. Ang isang
citizen ay inaasahan na makilahok sa
mga gawain sa polis tulad ng
paglahok sa mga pampublikong
Mahusay. asembliya at paglilitis.
Pangkat 3.
Ang isang citizen ay maaaring
politiko, administrador, husgado, o
sundalo.
Sa paglipas ng maraming
panahon, ay nagdaan sa maraming
pagbabago ang konsepto ng
Magaling.
citizenship at ng pagiging citizen.

Kapag sinabi nating Citizenship ano ito?


Kalagayan ng isang individual sa isang
estado o bansa sir.
Tama!

Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang


citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng
estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro
ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan
bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga
karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng
estado sa Saligang-batas ang tungkulin at
karapatan ng mga mamamayan nito.

Ano naman ang ibig sabihin ng citizen?


Individual na nakatira sa isang estado
Mahusay! sir.

Sa anong artikulo ng 1987 Saligang Batas


makikita ang pagkamamamayan o citizenship? Artiluo IV sir

Tama!

Sa 1987 Saligang Batas, Artikulo IV ng


ARTIKULO IV
Pilipinas, inisa-isa rito kung sino ang maituturing
PAGKAMAMAMAYAN SEKSIYON
na mamamayan ng Pilipinas.
1. Ang sumusunod ay mamamayan ng
(Pakibasa)
Pilipinas:
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa
panahon ng pagpapatibay ng
Saligang-Batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay
mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit
ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit
sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan
ayon sa batas.

SEKSYON 2.Ang katutubong inianak


na mamamayan ay yaong
mamamayan ng Pilipinas mula pa sa
pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang anomang
hakbangin upang matamo o malubos
ang kanilang pagkamamamayang
Pilipino. Yaong mga nagpasiya na
maging mamamayang Pilipino ayon
sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay
dapat ituring na katutubong inianak
na mamamayan.

SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang


Pilipino ay maaaring mawala o muling
matamo sa paraang itinatadhana ng
batas.

SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang


kanilang pagkamamamayan ng
mamamayan ng Pilipinas na mag-
asawa ng mga dayuhan, matangi
kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa
ilalim ng batas, na nagtakwil nito.

SEKSYON 5. Ang dalawahang


katapatan ng mamamayan ay
Sa kabila nito ay maaaring mawala ang salungat sa kapakanang pambansa at
pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Unang dapat lapatan ng kaukulang batas.
dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng
naturalisasyon sa ibang bansa.
Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1.)Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang
Batas ng ibang bansa;
2.)Tumakas sa hukbo ng sandatahan ng ating
bansa kapag may digmaan, at
3.) Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

Ano naman ang dalawang prinsipyo ng


pagkamamamayan?

Magaling! Jus sanguinis at jus soli sir.


Ano ang Jus Sanguini?
. Ang pagkamamamayan ng isang tao
Magaling. ay nakabatay sa pagkamamamayan
ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito
Ano naman ang Jus soli o jus loci ? ang prinsipyong sinusunod sa
Pilipinas

Magaling.
Ang pagkamamayan ay nakabatay sa
Ang mga nasabi na natin ay ang mga legal lugar kung saan siya ipinanganak. Ito
na pananaw ng pagkamamamayan. ang prinsipyong sinusunod sa
Mayroon din tayong tinatawag na lumawak Amerika.
na pananaw ng pagkamamamayan.
Paano kaya ito?

Ang pagkamamamayan ng isang


Magaling. indibiduwal ay nakabatay sa
pagtugon niya sa kaniyang mga
Ano pa? tungkulin sa lipunan at sa paggamit
ng kaniyang mga karapatan para sa
kabutihang panlahat.
Mahusay.

Ano pa? Igigiit ng isang mamamayan ang


kaniyang mga karapatan para sa
ikabubuti ng bayan.

Hindi niya inaasa sa pamahalaan ang


Mahusay.
kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay
nakikipagdiyalogo rito upang bumuo
Tama lahat ang mga sagot ninyo. Iyan ang
ng isang kolektibong pananaw at
tinatawag nating lumalawak na pananaw ng
tugon sa mga hamong kinakaharap
pagkamamamayan. Nakaankla ito sa kung paano
ng lipunan
natin isinasabuhay ang ating pagkamamamayan.

Bilang isang mamamayan, ano ano kaya ang


mga magagawa ninyo na maaring makatulong sa
ating bansa na maaaring magbunga ng
malawakang pagbabago sa ating lipunan?

Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod


sa batas.

Laging humingi ng opisyal na resibo


sa anumang binibili.

Huwag bumili ng mga bagay na-


smuggle. Bilhin ang mga lokal na
produkto. Bilhin ang gawang-Pilipino.
Positibong magpahayag ng tungkol sa
atin gayundin sa sariling bansa.

Igalang ang nagpapatupad ng batas-


trapiko, pulis at iba pang
lingkodbayan.

Itapon nang wasto ang basura.


Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.

Suportahan ang inyong simbahan.

Tapusin nang may katapatan ang


tungkulin sa panahon ng eleksiyon.

Maglingkod nang maayos sa


pinapasukan.
Magaling! Ang gaganda ng mga sagot ninyo.
Magbayad ng buwis.

Tulungan ang isang iskolar o isang


F. Paglalapat batang mahirap.

Magsulat ng tatlong katangian ng aktibong


mamamayan sa bawat pananaw ng
pagkamamamayan. Magbigay ng maikling
paliwanag kung bakit ito nagging katangian ng
isang aktibong mamamayan. Ligal
Lumalawak
Na
na pananaw pananaw

Aktibong
mamamayan
yan

G.Paglalahat

Bilang isang Pilipino, paano mo naisasabuhay


ang iyong pagkamamamayan?

Bilang isang Pilipino naisasabuhay ko


ang aking pagkamamamayan sa
pagkilala ng ating mayamang kultura,
kasaysayan at mga bayani; pagtupad
H. Pagpapahalaga sa tungkulin at pagtatanggol para sa
kalayaan at kapayapaan ng bansa.
Tanong:
Ano ang kahalagahan ng bawat mamamayan sa
mga pagbabagong panlipunan?

Ang bawat mamamayan ay may


mahalagang papel na dapat
gampanan upang makatulong sa
pagbabago at pag-unlad ng lipunan.
Ang ilan sa mga ito ay ang pag-aaral
ng mabuti dahil sa edukasyon ang
susi sa pag-unlad. Paano tayo
makakatulong sa pagbabago kung
tayo mismo ay mangmang sa mga
nangyayari sa ating bansa. Ito ang
una sa responsibilidad ng mga
mamamayan lalo na ng kabataan.
Kung tayo ay may sapat na
edukasyon, hindi tayo matatapakan
ng mga mapanlinlang na gobyerno.
Kung tayo ay edukado magiging
mapanuri tayo sa mga taong
niluluklok natin sa gobyerno at
pagboto sa mga taong nais
magserbisyo. Ito ang pinakamalaking
responsibilidad ng isang
mamamayan.

IV. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan.”


Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya

Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?

A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anoman ang estado sa buhay


B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang
kinabibilangan
C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may
pagtutulungan
D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa
ang kaunlaran

2. Ito ang tawag sa proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas.
A. Asosasyon B. Bokasyon C. Dedikasyon D. Naturalisasyon

3. Sino sa sumusunod ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas
ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino

4. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal
maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan.

5. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang HINDI nagpapakita ng lumawak na konsepto ng


pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang
kaban ng bayan.

6. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari
sa kanilang paligid?
A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa
bansa
B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng
Saligang-Batas
C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at
hamong panlipunan
D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo
ang mga mamamayan sa bansa.

7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang
mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa
sa kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.

8. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987
ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito
D. Lahat ng nabangit

9. Ito ay ang prinsipyo ng pagkamamamayang nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
A. Jus Sanguinis B. Jus Soli C. Jus Collins D. Jus Love

10. Basahin ang sumusunod na mensahe. “Ask not what your country can do for you, ask what you
can do for your country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.

V. Takdang Aralin

Panuto: Gumawa ng komik istrip na nagpapakita ng isang halimbawa ng Jus Sunguinis at Jus Soli na
naaayon sa inyong lugar.

Ang Komik Istrip ay isang pahinang graphic arts na may nakatatawang drawing ng mga
tauhan at may salitaan upang ipakita ang isang isyu sa lipunan. Madalas na makikita ang komic strip
sa mga dyaryo o pahayagan.

Rubrik sa Paggawa ng Komik Strip

Pamantayan 5 4 3 2 Puntos
Kaisipan ng Buo ang Walang mali Nakalilito ang Hindi buo ang
Komiks kaisipan ng sa wika at kaisipan diwa diwa o
komiks. Ito ay gramatika, ng komiks. kaisipan ng
nakaaaliw. baybay at komiks.
mga bantas.
Gamit ng Natutukoy May isa o May Halos mali
Wika ang lahat ng dalawang maramiramin lahat ang
tamang gamit mali sa g mali sa ginawang
ng wika sa pagtukoy sa pagtukoy sa pagtukoy sa
usapan ng gamit ng wika gamit ng wika gamit ng wika
komiks. sa sa usapan sa usapan ng sa usapan ng
ng komiks. komiks. komiks.
Guhit Napakahusay Mahusay ang Hindi gaanong Hindi
ang pagguhit. pagguhit. mahusay ang mahusay ang
Ang komiks ay pagguhit ng pagguhit ng
kaakit-akit komiks. komiks.
tingnan. Marumi ang Maraming
gawa bura at dumi
ang gawa.
Wika/ Walang mali Mahusay ang May Halos lahat ay
Gramatika sa wika at pagguhit maramiramin may mali sa
gramatika, g mali sa wika wika at
baybay at at gramatika, gramatika,
mga bantas. baybay at mga baybay at
bantas mga bantas

Inihanda ni; Binigyang pansin ni

CHRISTOPHER B. SALUDEZ GLOCERIA P. MELCHOR


Guro I Dalub Guro II

Pinagtibay:

NANCY C. PADILLA
Ulong Guro III

You might also like