Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN NG PAKITANG TURO SA ARALING PANLIPUNAN 10

I.LAYUNIN
1. Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga karapatang pantao upang matugunan ang
iba’t ibang isyu at hamong panlipunan;

II.PAKSANG-ARALIN: Karapatang Pantao: Para sa Mga Bata at Kababaihan


Sanggunian: Araling Panlipunan 10, Quarter 4, Modyul 3
MELC sa Araling Panlipunan, Quarter 4, Week 4
Kagamitan: laptop, powerpoint presentation,learning modyul

III.PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

Magandang umaga mga mag-aaral! Magandang umaga din po.

Tingnan natin ang ating attendance. Lahat po ay present.

Magaling.

Tumayo ang lahat para sa ating panalangin. (Tatayo ang mga mag-aaral at
mananalangin)

B. Balik Aral
Ano-ano ang mga uri ng karapatang
pantao?
Sibil
Politikal
Pangkabuhayan
Panlipunan
Mahusay!

C. Pagganyak

Basahin ang mga balita patungkol sa ibat


ibang uri ng pang-aabuso ng karapatang pantao
sa mga slides. Pagkatapos sagutin ang mga
katanungan.
Lumala ang sitwasyon ng karapatang pantao sa
Pilipinas noong 2020. Tuloy-tuloy ang
pagpuntirya sa maralitang tagalungsod ng
mapamaslang na “giyera kontra droga” ni
Pangulong Duterte na sinimulan sa pag-upo niya
noong Hunyo 2016.
Ang pulisya at mga di-kilalang lalaking may-baril
na konektado sa pulisya ay nagsagawa ng libo-
libong extrajudicial killings. Biglang dumami ang
bilang ng kaso ng pamamaslang sa panahon ng
Covid-19 lockdown, umakyat nang higit sa  50
porsiyento mula Abril hanggang Hulyo
2020 kumpara sa nakaraang apat na buwan.
Halos walang nanagot sa mga pagpatay na ito.

Dumami noong nakaraang taon ang pananakot


at pang-aatake, pati ang pagpatay, sa mga
aktibistang makakaliwa, tagapagtanggol ng
kalikasan, lider ng komunidad ng katutubo, 
mamamahayag, abogado, at iba pa. Binulabog
ng gobyerno ang mga mamamahayag at media
companies, sa pang-uusig na may politikal na
motibasyon at iba pang aksiyong legal; hinatulan
ng isang korte ang peryodistang si Maria Ressa
ng cyber libel noong Hunyo, habang ipinasara ng
gobyerno ang pinakamalaking television network
nang sumunod na buwan.

Noong Marso, ipinailalim ang bansa sa lockdown,


nirestriktuhan ang galaw ng mga tao para
malimitahan ang pagkalat ng Covid-19. Ang
militar, kasama ang pulisya at lokal na mga
opisyal ang nagpatupad ng lockdown. Umabot sa
libo-libo ang inaresto at ikinulong sa masisikip na
kulungan at piitan kung saan mataas ang
tiyansang magkahawaan ng virus. Tinarget ng
pulisya at lokal na opisyal ang mga bulnerableng
populasyon, kabilang ang mga lesbian, gay,
bisexual, at transgender (LGBT) at mga bata, at
sa ibang kaso pinahiya sa publiko at minaltrato
ang mga ito.

Mga katanungan:

1. Sino ang lubos na naaapektuhan sa mga isyung


ibinigay?
2. Anong karapatang pantao ang nilabag sa mga
isyung ito?
3. Paano ito tinugunan ng pamahalaan upang
maprotektahan ang mga biktima ng pang -aabuso
at paglabag ng karapatang pantao?
D.Paglalahad

Bawat isa sa atin, bata man o matanda, babae, o


lalaki, bakla o tomboy o kahit na anung estado sa
buhay ay mayroong karapatan na isulong at
pangalagahan ang mga karapatang pantao. Ito
ang ating tatalakayin ngayon ang Karapatang United Nations Convention on the
Rights of the Child
Pantao: Para sa Mga Bata at Kababaihan

E.Pagtatalakay

Ano ang UNCRC?

Magaling!
1. Karapatang Mabuhay (Survival
Isa itong pandaigdigang kasunduan ng mga bansa Rights)
upang mabigyang proteksiyon ang mga batang  Karapatan sa edukasyon
may 18 gulang pababa sa anomang bansa sa  Karapatan sa pagpapaunlad sa
daigdig. personalidad
 Karapatan sa relihiyon
Ang karapatan ng mga bata ay nakagrupo sa apat
 Karapatang makapaglaro at
na aspeto. Ano-ano ang mga ito at ano ang mga
makapaglibang
karapatang nakapaloob dito?
 Karapatan sa impormasyon at
kaalaman

2. Karapatang Pangkaunlaran
Mahusay! (Developmental Rights)
 Karapatan sa edukasyon
Mahalaga ang kalinga ng mga magulang at  Karapatan sa pagpapaunlad sa
pamilya upang sila ay mabuhay ng may dignidad. personalidad
 Karapatan sa relihiyon
Ano pa!  Karapatang makapaglaro at
makapaglibang
 Karapatan sa impormasyon at
kaalaman

Magaling!
3. Karapatan ukol sa Pagbibigay
Mahalagang mapaunlad ang kakayahan ng mga Proteksiyon (Protection Rights)
bata habang sila ay bata pa upang sa susunod na
panahon ay makabubuo tayo ng bansang  Karapatan sa isang payapa at ligtas
maunlad din. na pamayanan
Ano pa!  Karapatan sa proteksiyon sa oras
ng armadong labanan
 Karapatan sa proteksyon laban sa
diskriminasyon
 Karapatan laban sa pang -aabuso at
pagsasamantala

Tama!

Ang pangangalaga sa kapakanan ng mga bata ay


4. Karapatan sa Pakikilahok
mas mahalaga sa panahon ng digmaan,
(Participation Rights)
kalamidad at panganib.
Karapatang makapagpahayag ng
sariling opinyon o pananaw.
Ano pa!

Magaling!

Ngayon, tignan naman natin ang Kababaihan sa


Lipunang Pilipino.

Sa mahabang panahon, tiningnan ang


mga tungkulin ng babae at lalaki batay sa
bayolohikal na katangian ng ating lipunan. Ang
mga babae ay nanganganak kayat pangunahin sa
naging tungkulin niya ay mag-alaga ng bata at
gampanan ang mga gawaing bahay. Dahil sa ang
lalaki ay hindi nanganganak, naging tungkulin niya
ang maghanapbuhay sa labas ng tahanan.
Samantala, tiningnan ang babae na may maliit at
malambot na pangangatawan kayat pananahi,
panunulsi, pagluluto at iba pang pambahay na
gawain ang iniatang sa kanya.
Dahil nagkaroon ng pagkakaiba-iba ng
tungkulin ang babae at lalaki, ang naging resulta
ay ang kakulangan ng pagkakataon ng babae sa
pagganap ng mahahalagang gawain sa lipunan.
Dahil dito, marami sa mga kababaihan
ang nakaranas ng di-pantay na pagtingin na  Karapatan sa pantay na
nagreresulta sa iba’t ibang problema tulad ng pagtingin sa babae at lalaki
pambugbog ng asawa, karahasan sa kababaihan,  Partisipasyon sa politikal at
pagbebenta sa mga babae, at iba pa. pampublikong larangan
 Partisipasyon sa
Ngayon ano-ano ang mga Kasunduan sa Pag-aalis pandaigdigang talastasan
ng Diskriminasyon Laban sa Kababaihan  Karapatan sa nasyonalidad
(Convention on Elimination of Discrimination  Pantay na karapatan sa
Against Women) edukasyon
 Karapatang maghanapbuhay
 Karapatan sa pangangalaga
ng kalusugan at pagpaplano
ng pamilya
 Karapatang magtamo ng
pangkabuhayan at
panlipunang benepisyo
 Pantay na pagtingin sa mga
kababaihan sa rural
 Pantay na pagtingin sa harap
ng batas
 Karapatang mag-asawa at
magkapamilya

Magaling!

Punta naman tayo sa Konsepto ng Paglabag sa


Karapatan .
Anomang karapatan na hindi natatamasa Pisikal na Paglabag sa Karapatang
o naisusulong ng tao ay isang uri ng paglabag sa Pantao
karapatang pantao. Ang paglabag sa karapatang
pantao ay makikita kapag nilabag ng tao at ng
estado ang Saligang-Batas ng Pilipinas at ang mga
Pandaigdigang Instrumento sa Karapatang
Pantao. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag
sa Karapatang Pantao.
Ano-ano ang mga karapatan sa paglabag ng tao?

Tama!
Kapag ang nasaktan ay ang pisikal na
pangangatawan ng tao.

Ano pa! Istruktural na Paglabag sa Karapatang


Mahusay! Pantao.

Ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma


sa isang tao. Nawawalan ng kapayapaan ng loob
ang isang tao at bumababa din ang pagtingin niya
sa kaniyang sarili.

Ano pa!

Tama!
Kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa ang Tahanan.
kaniyang kalagayan sa lipunan at wala siyang
kapangyarihang magdesisiyon para sa sarili, sa
pamilya, sa pamayanan, sa bansa at daigdig.

Tignan din natin ang mga paglabag sa karapatang


Pamayanan
pantao na nangyayari din sa ating kapaligiran.
Ano-ano ang mga ito?

Tama!
Sapaggkat ang madalas na paglabag ay ang pang-
aabuso sa mga bata at kababaihan

Ano pa! Paaralan

Magaling!

Dahil ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan ay


hindi tumupad sa tungkuling panatilihing malinis,
maayos at mapayapa ang kapaligiran

Ano pa! Bansa

Mahusay!

Ang pananakit pisikal, sekswal at sikolohikal sa


mga mag-aaral ay ay paglabag din sa karapatan
ng mga mag-aaral.

Ano pa!
Tama!

Dahil ang mga kinatawan ng pamahalaan tulad ng


pulis, militar, pinuno at kagawad ng barangay, o
1. Laban sa mga Paglabag sa
iba pang sangay ng pamahalaan, ay nanakit sa
Karapatang Pantao, Pagdulog sa mga
mga tao. Ang pamahalaan ay walang programa
local na hukuman.
upang umangat ang kabuhayan, panlipunan, at
2. Pagdulog sa Pandaigdigang
kultural na kalagayan ng mga mamamayan.
Hukumang Pangkatarungan.
3. Edukasyon para sa Karapatang
Ano ang dapat na maging hakbang upang Pantao.
mabigyang proteksiyon ang mga ito? 4. Pagsasabuhay ng Karapatang
Pantao.
Mahusay!

F. Paglalapat

Gawain 1: Alamin mo, Karapatan Mo


Suriin ang iba’t ibang karapatan ng mga bata.
Piliin ang tamang sagot sa ibaba

SR -Survival Rights PRO -Protection


Rights
DR-Developmental PAR -Participation
Rights Rights

_____ 1. Karapatan sa pamilya


_____ 2. Karapatan sa relihiyon
_____ 3. Karapatan sa edukasyon
_____ 4. Karapatan sa kalusugan
_____ 5. Karapatan sa maayos na pamumuhay
______6. Karapatan sa impormasyon at kaalaman
______7. Karapatan sa proteksyon laban sa
diskriminasyon
______8. Karapatan laban sa pang -aabuso at
pagsasamantala
_____ 9. Karapatan sa proteksiyon sa oras ng
armadong labanan
_____ 10. Karapatang makapagpahayag ng
sariling opinyon o pananaw

Gawain 2: Ating Buhay, May Bata at Babae


Panuto. Suriin ang sumusunod na sitwasyon.
Lagyan ng tsek (√) ang mga sitwasyong nagbibigay
halaga sa karapatan ng mga bata at kababaihan
at ekis (X) naman kung linalabag ang mga
karapatang ito.
_____1. Si Gay ay isang Project Manager na
nagpapatayo ng tulay sa Cagayan.
_____2. Ang mga katutubo ay pinaalis sa kanilang
lupain dahil sa gagawing dam ng gobyerno.
_____3. Sinuntok ni Juan ang kaniyang asawa
noong makita niyang walang nalutong pagkain.
_____4. Ang mga frontliners ay nabigyan ng
bakuna laban sa COVID-19 upang maprotektahan
sila.
_____ 5. Hindi na tumanggap ng mga taong galing
Maynila ang Barangay Uno dahil sa takot sa
COVID-19.
_____ 6. Ang isang Asyano ay binugbog ng hindi
nakikilalang lalaki sa Amerika ng walang dahilan.
_____7. Sinabihan si Sarah ng kaniyang mga
kamag -anak na siya ay hindi makapagtatapos ng
pag -aaral.
_____8. Na-raid ng pulis ang isang lugar na
dumarakip ng mga bata para sa ilegal na
pagtratrabaho.
_____ 9. Ang family planning ay binuo upang
hindi mahirapan ang mag -asawa sa
pagpapamilya. _____10. Walang naniniwala kay
Mirriam Defensor Santiago na kaya niyang
pamunuan ang bansa noong siya ay tumakbo
bilang pangulo. _____ 11. Kahit na may
pandemya, ang edukasyon ng mga bata ay hindi
natigil sa pamamagitan ng pagbibigay ng self-
learning modules.
_____12. Ginahasa ang isang batang babae ng
kaniyang ama ngunit ayaw itong isumbong ng
kaniyang ina dahil sa kahihiyan.
_____13. Ang Virlanie Foundation ay tumutulong
at kumukupkop sa taong nagmula sa pang -
aabuso at mga walang tirahan.
_____14. Ang SIRIB Association ay nagsasagawa
ng debate kada taon na sinasalihan ng iba’t ibang
mag -aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Ilocos
Norte. _____15. Ang mga beauty queens, tulad ni
Pia Wurtzbach at Catriona Gray ay layuning
bigyang kaalaman ang lahat tungkol sa AIDS, HIV
at kakulangan sa edukasyon sa ating bansa.

G.Paglalahat
Ano-ano ang mga karapatang pantao na sa
palagay mo ay hindi natatamasa ng sumusunod
sa ibaba sa iyong pamayanan o sa ating bansa?
Magbigay ng dalawa.
Mga bata
Mga kababaihan
Mga katutubo

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Paano mapapangalagaan ang iyong karapatan?
a. Pag -alam sa iba’t ibang karapatang pantao at mga paglabag dito.
b. Pagkilos ay kailangan upang maprotektahan ang ating mga karapatan.
c. Huwag makontento sa hindi maayos na pamamahala at ipaglaban ang naaayon.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
2. Paano nasasabing nalabag ang karapatang pantao ng mga bata sa paaralan?
a. Sila ay nagiging tampulan ng tukso.
b. Sila ay inutusang maglinis sa loob ng silid -aralan.
c. Sila ay pinagalitan ng guro.
d. Wala sa nabanggit ang tamang sagot.
3. Ang sumusunod ay aspeto ng karapatan ng mga bata maliban sa isa. Alin dito?
a. Survival Rights c. Protection Rights
b. Appreciation Rights d. Developmental Rights
4. Saan idinudulog ang mga kaso patungkol sa alitan ng tao na galing sa iba’t ibang bansa?
a. UNCRC c. Lokal na hukuman
b. Supreme Court d. Pandaigdigang Hukuman
5. Sa mahabang panahon, ang mga kababaihan ay walang parte sa lipunan. Ano ang dahilan nito?
a. Mag-alaga lamang ng bata ang alam nilang gawin.
b. Sila ay para lamang sa panganganak.
c. Marami silang dapat gawin sa loob ng bahay.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
6. Sino ang tumutulong at nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga Pilipinong mahihirap?
a. PAO b. CHR c. UNCRC d. Lahat ng nabanggit
7. Bakit mahalaga ang kalinga ng mga magulang at pamilya sa pangangalaga sa karapatan ng mga
bata?
a. Dahil wala pa silang kakayahang iligtas ang kanilang sarili
b. Upang umunlad ang ating bansa
c. Dahil wala pa silang kakayahang maghanapbuhay
d. Dahil hindi pa nila kayang alagaan ang kanilang mga sarili
8. Paano nasasabing nalabag ang karapatang pantao ng mga bata at kababaihan sa loob ng
kanilang tahanan?
a. kapag sila ay nagtratrabaho c. kapag sila ay inabuso
b. kapag hindi maibigay ang kanilang mga kailangan d. lahat ng nabanggit
9. Ito ay isang pandaigdigang kasunduan ng mga bansa upang mabigyan ng proteksiyon ang mga
kabataan.
a. UNCR b. UNCRC c. CHR d. UDHR
10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi lumabag sa emosyonal na karapatang pantao?
a. Hindi pinayagan ng asawa ni Ana na siya ay lumabas ng bahay.
b. Pinagmumura ng nanay ang bata noong nakita niya itong pagala-gala.
c. Kinausap nang masinsinan ng tatay ang kaniyang anak noong malaman niyang ito ay
nakipag -away.
d. Hindi pinakain si Mimi dahil mababa ang kaniyang grado.

V. Takdang Aralin

Panuto: Magtanong ng mga paraan kung paano itinataguyod ng sumusunod ang karapatan ng
bata at kababaihan.

MGA MGA BATA MGA KABABAIHAN


NAGTATAGUYO
D
Nanay

Tatay

Pinuno ng
Barangay

Pulis

Guro

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

CHRISTOPHER B. SALUDEZ GLOCERIA P. MELCHOR


Guro I Dalub Guro II

Pinagtibay:

NANCY C. PADILLA
Ulong Guro III

You might also like