Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

QUIRINO STATE UNIVERSITY

Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400

Modyul 6: PANAHON NG HAPON


Mga Aralin
a. Ang Maikling Kwento
b.Ang Tula
c. Ang Dula
d.Ang Nobela

Inaasahang Bunga:
a. Nakababanggit ng mga pangyayari na naganap noong sakupin ng mga Hapon
ang Pilipinas
b. Nailalarawan ang pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng Hapon
c. Naihahambing ang panahon ng Hapon sa panahon ng Kilusang Propaganda

Panimula
Noong Disyembre 8, 1941 ay bigla na lamang binagsakan ng bomba ng mga
Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii na kinaroroonan ng Hukbong dagat ng mga
Amerikano.Maraming nawasak sa sasakyang pandagat ang Amerika. Sunud-sunod na
binagsakan ng bomba ang Malaysia, Indonesia, China at Pilipinas. Madaling nasakop
ng mga Hapones ang Pilipinas sapagkat hindi ito nakahanda sa pagsalakay ng mga
kaaway.Pansamantalang napinid ang mga palimbagan kaya’t namahinga ang mga
manunulat. Muling nabuksan ang lingguhang “Liwayway” isang babasahing magasin,
na naging dahilan nang muling pagsulat ng mga manunulat. Sinundan ng “Taliba”
ang Liwayway. Ipinagbawal ang magasing Ingles tulad ng “Tribune at Free Press”.
Sa panahon ng kanilang pananakop ay naging paksain ng mga akdang pampanitikan
ang buhay-lalawigan at gumamit sila ng wikang tagalog sa pagsusulat sapagkat
ipinagbawal sa panahong ito ang wikang Ingles. Dahil sa pagmamalasakit ng isang
pinunong Hapones na itinalaga ng kanilang pamahalaan na si Kinichi Isakawa,
pinagsumikapan niyang tumulong sa pagpapaunlad ng mga gawaing kaugnay sa
pantikan at kultura.Nagkaroon ng mga seminar na makatutulong sa mga manunulat
upang mahasa sa larangan ng pagsulat. Tinawag itong “Pasanayan ng mga
Manunulat” at ang naging puno ng tagapanayam ay ang lubos na kinikilalang si Lope
K. Santos. Madilim ang kalagayan ng bansa noong panahon na ito, may kagipitan,
sindak at agam-agam ng kalooban ay sumilang ang mga magagaling na manunulat na
hanggang ngayon ay hindi kumukupas ang ningning tulad nina Liwayway Arceo,
Alicia L. Lim, Ligaya D. Perez, Gloria Villarasa Guzman atbp.
Ito ang Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino, ang mga manunulat sa Ingles at
Tagalog ay nagkaisa sa pagtatampok ng panulaang Tagalog na nagpapataas sa uri ng
pamunuang pampanitikan. Kinilala sa mga pamunuang pampanitikan sa tula sina:
1.Alejandro Abadilla
2.Inigo Ed Regalado
3.Ildefonso Santos

Nakilala ang mga ss. sa mga Sanaysay


1. Gloria Villarasa
2. Lina Flor
3. Tarrosa Sabido

Sa pamunuang-panlipunan na nakapag-ambag nang Malaki sa sariling panitikan ay


natampok sina:
1.Pura Santillan Castrence
2.Maria Luna Lopez
3.Emilio A. Cruz

ANG MAIKLING KUWENTO


Sa panahong ito, isinaaklat ang itinuturing na pinakamahuhusay na akdang
pampanitikan ng 1943. Nakilala ito sa pamagat na 25 Pinakamabuting Kathang
Pilipino ng 1943. Ang Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan ni N. V. M. Gonzalez, ang
Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes, at Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway
Arceo, ang itinuturing na pinakamahusay na maikling kuwento sa panahong ito.

Ang Tula

43 | P a g e
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400

Ayon kay Dr. Lydia Fer Gonzales, ang haiku (tulang Hapones) ay binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. May limang pantig ang unang
taludtod, may pitong pantig naman ang kalawang taludtod, at may limang pantig ang
ikatlong taludtod. (575)
Kung tutuusin, napakaikli ng haiku ngunit kinakailangang may masaklaw itong
kahulugan, matayog na kaisipan, mataimtim na damdamin, at puno ng kariktan.Ang
dalawang halimbawa ng haikung ito ay mula kay Gonzalo Flores, na nalathala sa
Liwayway noong Hunyo 5, 1943.

1. Anyaya
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta

2. Tututol
Hila mo'y tabak
Ang bulaklak, nanginig!
Sa paglapit mo.

Ang tulang tanaga ay tulad din ng haiku, maikli ngunit ito'y may sukat at tugma.
Binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod(7777). Ang mga halimbawa ng tanagang
ito'y hango kay Ildefonso Santos, na nalathala sa Liuwayway noong Abril 10, 1943.

1. Kabibe
Kabibe, ano ka ba?
May perlas, maganda ka
Kung diit sa tainga
Nagbubuntung-hiniga

2. Palay
Palay siyang matino
Nang humangi'y yumuko,
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

3. Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa-nagkabitak
Sa kahon-nalugayak,
Sa puso-naglagablab!

ANG DULA
Punong-puno ng takot ang panahon nang alipinin ng mga Hapones ang
Pilipinas. Laganap ang takot dahil sa kabangisan ng bagong mananakop. Hindi
kayang ilarawan ng mga salita ang labis na hirap na dinanas ng mga Pilipino subalit
nakuhang patawanin ang mga Pilipino ng dulang Sa Pula...Sa Puti ni Francisco "Soc"
Rodrigo. Tinalakay sa nasabing dula ang bisyo ng lalaking sabungero at mga taktika
ng asawang babae upang hindi matalo at huminto sa bisyo ang lalaki (Santos, 1985).

Ang Nobela
Noong panahon ng mga Hapones, hindi naging maunlad ang nobela dahil sa
kakapusan ng papel na magagamit. Ang ilan sa mga nobela noong panahon iyon:
“Tatlong Maria” ni Jose Esperanza Cruz, “Pamela” ni Adriano Laudico, “Magandang
Silangan” ni Gervacio Santiago, “Sa Sundo ng Pangarap” ni Gervacio Santiago at
“Lumubog na Bituin” ni Isidro Z. Castillo.

ANG LITERATURA NG HUKBALAHAP


Ang Hukbalahap ay sumilang bunga ng iba't ibang kadahilanan (Cesario Y. Torres,
1982):
1. Ito ay resulta ng 400 taong pananakop ng mga dayuhan sa Pilipinas.

44 | P a g e
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400

2. Nag-ugat ito nang malalim sa kahirapang dala ng sistemang enkomyenda ng mga


Kastila na sa kalauna'y naging sistema ng panghuhuthot.
3. Sa panahon ng mga Amerikano, hindi rin na nabigyan lunas ang problema sa
kabukiran sa dahilang ang ginawang reporma ay panakip-butas lamang.
Hindi na rin matiis ng mga mambubukid ang ginagawang pagmamalabis at
kalupitan ng mga enkomyendero kaya nagkaisa silang maghimagsik. Sa gitna ng
matinding paghihimagsik, ito ng awit ng paghihimagsik, ng dula ng pakikibaka, at ng
sumilang ang literatura ng Hukbalahap. Binubuo ang literaturang ito ng awit ng
paghihimagsik, ng Dula ng pakikibaka, at ng pahayagang lihim.

Ang Awit ng Paghihimagsik


Ang awiting "Sulong Tayong Gerilyero" ay inaawit ng mga Huk saan man sila
naroroon, maging sa panahon ng pakikipaglaban, sa “firing line," sa bundok, gubat,
parang, sa baryo, o sa bukid. Naging popular ang nasabing awitin sa masa at sa mga
anak nila. Ang awiting "Gumising Ka, Kabataan" ay napabilang sa mga awitin ng Huk.
"Ang Pambansang Awit" na may ibang titik ay inaawit sa mga pagtitipon, programa, at
kumperensya. Inaawit din ng mga lider at kasapi ng kilusan ang awiting
"Hukbalahap" sa panahon ng laban, kahit habang naglalakad lamang kapag alam
nilang hindi sila namamalayan ng mga kaaway, sa programa, sa pagtatrabaho, sa
himpilan, at kahit saan.

Ang Dula ng Pakikibaka


Noong Enero, 1943, si Juan Feleo, katulong si Alex Sunga, ay naglunsad ng
grupong pangkultura na nagpalabas ng iba't ibang pagtatanghal sa kanayunan.
Nueva Ecija Cultural and Dramatic Association (NECDA) ang tawag sa grupo. Ang
paksa ng mga palabas na itinatanghal ay ukol sa kasaysayan ng Pilipinas at ang
pangangailangan sa pakikipaglaban.
Ang Malayang Pilipinas, ang kauna-unahang dulang ipinalabas na umabot nang
40 minuto ang pagtatanghal. Ayon kay Cesario Torres (1982), ang dula ay tungkol sa
tatlong magkakapatid. Ang isa'y sundalong labi ng Bataan, ang ikalawa'y PC ng
Hapon, at ang pangatlo'y isang magbubukid na kabilang naman sa Hukbalahap. Ang
diwa ng dula'y pagkakaisang tunay. Inaakit ng Huk ng dalawa niyang kapatid na
sumanib sa kanyang gerilya na lumalaban sa kaaway ng bayan. Pinapaksa nito ang
pakikiisa sa pakikibaka, sa halip na maging palahintay o kaya'y makipagtulungan sa
kaaway.
Sumulat si Antonio G. Canlas ng Arenas, Arayat, Pampanga, ng dula sa wikang
Kapampangan na pinamagatang E. Magbabo eng Deiwacan (Hindi Mangibabaw ang
Kasamaan). Ang tema ng dula ay ang kalupitan ng mga Hapon, ang dahilan ng
pakikiisa ng sambayanan sa Hukbalahap, at ang pangingibabaw ng kabutihan sa
kasamaan.
Tungkol naman sa isang dalagang sumapi sa mga Huk ang dulang
pinamagatang ang Bulaklak ng Hukbalahap. May kasamang mga talumpati, awit, at
tula ang nasabing dula na tumagal mula sa dalawa hanggang tatlong oras ang
pagtatanghal.

ANG PAHAYAGANG LIHIM


Ang leaflet at pahayagan ay masasabing bahagi rin ng literatura ng
Hukhalahap.
Ang kilusan ay may dalawang pahayagan:
1. Ang pahayagan para sa mga pinuno at kawal ng Hukbalahap o para sa mga kasapi
ng kilusan na pinangalanang Hukbalahap.
2. Ang pahayagan ay para sa mga mamamayan o para sa masa na pinamagatang
Katubusan ng Bayan.
Ang mga lathalain sa pahayagang Hukbalahap at Katubusan ng Bayan ay
halaw o batay sa mga gawain ng kilusan lalong-lalo na sa larangan ng pakikibaka o
pakikipaglaban. May maiikling dula, iskit, mga tulang may temang mapanghimagsik,
mga sulat na may kaakibat na kasiyahan dahil sa mga natatamong tagumpay, at mga
suhestyon para sa ikagaganda at ikahuhusay ng mga pahayagan ang mga lathalain.
Ang mga ito ay ipinadadala ng mga mambabasa sa mga kasapi ng kilusan sa ibang
bansa (San Francisco at New Delhi) upang malaman din nila ang mga ginagawa ng
kilusan laban sa mg Hapones sa iba't ibang mga pook sa Pilipinas. Sa panig naman ng

45 | P a g e
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400

mga kasapi ng kilusan dito sa Pilipinas, may mga natatanggap at nakukuha rin silang
balita mula sa San Francisco at New Delhi sa pamamagitan ng radyo.
Bilang kabuuan, masasalamin sa literatura ng Hukbalahap ang paglalarawan
ng identidad o pagkakilanlan nito bilang isang mapanghimagsik na kilusan na ayon
kay Cesario Y. Torres (1982) ay may layuning ipagtanggol, iligtas, at palayain ang
sambayanang Pilipino sa malupit na pananakop ng mga Hapones. Sa kabila ng
pagdarahop, panganib, at kalupitan, ang panitikan ng Hukbalahap ay nagsilbing
sandata upang lumaganap at mapatanyag ang diwa ng pakikibaka para sa kalayaan.

Panlinang na Gawain (Gumamit ng bukod na Bond Paper)


A.Panuto: Ibigay ang kaisipang nais ipabatid ng kasunod na mga tanaga at haiku
sa pamamagitan ng pagpapaliwanag nito.

1. Ang katoto kapag tunay


Hindi ngiti ang pang-alay 2. Hila mo’t tabak
Kundi isang katapatan Ang bulaklak nanginig
Ng mataos na pagdamay Sa paglapit mo

3. Wala iyan sa pabalat


At sa puso nakatatak
Nadarama’t nalalasap
Ang pag-ibig na matapat

1._______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3._______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

B. Bumuo ng sariling tanaga at haiku batay sa paksa na nasa loob ng kahon.

TANAGA HAIKU

Pag-ibig sa Bayan Pagkabata

Pagmamahal sa kapwa Biyaya

46 | P a g e
QUIRINO STATE UNIVERSITY
Cabarroguis Campus
Cabarroguis, 3400

Siyasat sa Pang-unawa
I. Pagtatapat-tapat
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasagutang hinihiling ng nasa Hanay A. Isulat
ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
_____1. Ang unang magasing a. Haiku
nailathala noong panahon ng
b. Narciso Reyes
Hapon.
_____2. Ito ay dulang isinulat ni c. Nueva Ecija Cultural and
Francisco “Soc” Rodrigo tungkol
Dramatic Association
sa pagkahumaling ng asawang
lalaki sa pagsasabong. d. Liwayway Arceo
_____3. Ang itinuturing na
e. Sa Pula, Sa Puti
“Gintong Panahon ng Panitikan”.
_____4. Ang kauna-unahang f. Tanaga
dulang ipinalabas na umabot
g. Kinichi Isakawa
nang 40 minuto ang
pagtatanghal. h. Liwayway
_____5. Binubuo ng labimpitong
i. Ang Malayang Pilipinas.
pantig na nahahati sa tatlong
taludtod. May limang pantig ang j. Panahon ng Maikling Kwento
unang taludtod, may pitong
k.Panahon ng Hapon
pantig naman ang kalawang
taludtod, at may limang pantig l. Hukbalahap
ang ikatlong taludtod.
_____6. Binubuo ng apat na
taludtod. May pitong pantig ang
bawat taludtod.
_____7. Ang may akda ng Lupang
Tinubuan.
_____8. Ang may akda ng Uhaw
ang tigang na Lupa.
_____9. Ang grupong naglunsad
ng pangkultura na nagpalabas
ng iba't ibang pagtatanghal sa
kanayunan.
_____10. Siya ang pinuno ng mga
Hapon.

Sanggunian:
 Sanchez, Remedios A & Reyes, Juvy Jane S. Panitikan ng Pilipinas 2019:Library
Service & Publishing INC.
 Casanova, Arthur P. et.al Panitikang Pilipino, 2001: Rex Book Store, Inc.
 Tiamson, Ligaya R. et.al Panitikan sa Pilipinas, 2001: Rex Book Store, Inc

47 | P a g e

You might also like