Filipino Sa Piling Larangan Aralin 6

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

FILIPINO SA

PILING
LARANGAN
ARALIN 6 – ANG
NILALAMAN NG PAPEL
PANANALIKSIK
MGA NILALAMAN NG
PAMANAHONG PAPEL O
PANIMULANG PANANALIKSIK
 PAHINA NG PAMAGAT
 Dito nakatala ang pamagat ng
pamanahong papel, pangalan ng mga
mananaliksik, kanilang affiliation
(unibersidad) ang gurong tagapatnubay,
ang kanyang affiliation, at ang petsa ng
pagpasa.
 ABSTRAK
 Itoang pinakabuod ng pag-aaral na
nakapaloob sa isang talata. Kasama rito
ang layunin ng pag-aaral, pamamaraan,
o metodo, mga pangunahing resulta ng
pag-aaral, at kongklusyon.
 PANIMULA O INTRODUKSYON
 Sa panimula inilalagay ng mananaliksik ang
kanyang intensyon kung bakit binuo ang
papel at kalakip nito ang batayang teoretiko
 Ang batayang teoretiko ay isang sistema o
modelo na sinusunod ng manunulat upang
panindigan ang kanyang pananaliksik.
 Ito ay maaaring mula sa mga mag-aaral ng
isang eksperto o mga praktikal na aplikasyon.
Kasama pa rin sa panimula ang maikling
paliwanag sa disenyo ng pag-aaral.
MGA KAGAMITAN AT
PAMAMARAAN
 Sa bahaging ito dinodokumento ang
espesyal na kagamitang ginamit at mga
hakbangin sa pagkuha ng datos.
 Halimbawa, sa isang eksperimento sa
laboratoryo, ilalahad sa bahaging ito ang
mga solution at reagent(elemento) na
ginamit
 Sa pagdodokumento ng mga pangyayari,
maaaring may isang hidden at specialized
camera.
 Ang pamamaraan naman ay maaaring
pakikipanayam, pagpapasagot ng sarbey o
tseklist, obserbasyon, imersyon, pakikihaluboli
at marami pang iba.
 Hinihiling
na maging maikli, tuwiran, at
kompleto ang paglalahad at iwasan na
maging detalyado sa maliliit na mga
gawain.
RESULTA NG PAG-AARAL
(RESULT)
 Dito iniuulat ang mga datos na nakalap
sa tulong ng mga bilang, talahanayan,
tsart, dayagram, larawan, at grap.
 Hinihiling na ipresenta ang mga
dokumento sa pinakaepektibong paraan.
 Kalakip ng mga pantulong na grapiko
ang pamagat at maikling deskripsyon
tungkol dito.
PAGTATALAKAY (DISCUSSION)
 Sa bahaging ito inilalagay ang iyong
interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga
datos na nakolekta. Inaasahan na malinaw
at malalim ang pagtatalakay dito.
 Kung ang resulta ng pag-aaral ay taliwas sa
inaasahan, magbigay ng mga katanggap-
tanggap na dahilan.
 Kung ito naman ay pabor, suportahan ng iba
pang mag-aaral o ebidensya na
magpapatibay sa kinalabasan ng inyong
pananaliksik.
Kailangang mahusay at
matibay ang pagkakagawa ng
bahaging ito sapagkat dito
ibinabatay ang bubuoing
kongklusyon.
KONGKLUSYON
(CONCLUSION)
 ANG KONGKLUSYON ay ang iyong
matibay na pagpapasiya at
pagpapalagay sa kinahantungan ng
iyong pag-aaral. Iniiwasan dito ang
purong opinyon at intuwisyon.
 Ang nabuong kongklusyon ay maingat na
binuo, batay na rin sa mga nakalap at
inayos na datos at impormasyon.
 Dapat ang kongklusyon ay rasonable at
mapangatwiranan.
 Ang iyong munting pag-aaral ay hindi
makakasakop sa kabuoan o laging totoo
sa ilan at sa iba pang pagkakataon kung
kaya’t iwasan ang pagbibigay ng
paglalahat o generalization.
MGA GINAGAMIT NA
SANGGUNIAN (REFERENCES)
 Sa bahaging ito itinatala ang lahat ng
mga babasahin, gaya ng aklat, dyornal,
pahayagan, magasin, at nalathalang
pag-aaral.
 Kasama pa rin ang mga sanggunian
mula sa internet at mga dokumentadong
artikulo na nasa anyong multimedia,
gaya ng video, slides, at audio-visual
tapes o CD.
 Ang pag-aayos ng mga sanggunian sa
bibliograpiya ay paalpabeto gamit ang
pangalan ng awtor.
 Kung gumamit ng maraming dyornal,
maaaring ayusin ang mga ito batay sa
pinaka-napapanahong isyu patungo sa
luma.
 Iwasang gumamit ng di nalathalang teksto
gaya ng handout mula sa guro o tala mula sa
lektyur, gayundin ang pinakalumang
sanggunian.
 Sa pananaliksik, naaangkop lamang ang
mga sanggunian na nakapaloob sa
hinaharap hanggang sa sampung taong
lumipas..
 Maging maingat naman sa pagpili ng
mga web site. Humanap ng mga angkop
na website na binuo ng mga eksperto at
kapani-paniwalang institusyon sa
larangan ng sinasaliksik.
TAKDANG ARALIN
 GUMAWA NG ISANG SULATING PANANALIKSIK
TUNGKOL SA PANAHON NG
PANUNUNGKULAN NI DATING PANGULONG
MARCOS MULA (1966-1986), PAGDEKLARA NG
BATAS MILITAR (MARTIAL LAW) HANGGANG
SA SIYA AY MAPATALSIK NOONG 1986 SA
PAMAMAGITAN NG SNAP ELECTION AT
PEOPLES’ POWER REVOLUTION AT ANG
NAGING URI NG KANILANG PAMUMUHAY NG
KANYANG PAMILYA.
 GUMAMIT NG TAMANG IMPORMASYON AT
DATOS MULA SA MGA AKLAT, JOURNAL, AT
INTERNET.
 IWASAN ANG PAGGAMIT NG BIAS NA
IMPORMASYON.
 ILAHAD AT ISULAT ANG LAHAT NG NASALIKSIK
O LAHAT NG NATUKLASANG IMPORMASYON
SA PAMAMAGITAN NG ISANG SULATING
NARATIBO AT DESKRIPTIBO.
 IPASA SA AKING EMAIL ANG NAGAWANG
SULATIN SA IKA-5 NG MAYO, 2022.

You might also like