Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Compostela Valley State College


Montevista, Compostela Valley Province
Montevista Branch
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5
Unang Markahan

I. Layunin: sa pagtatapos ng aralin, ang mga bata ay ina-asahang;

A. Matukoy ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng


sinaunang Pilipino sa kasalukuyan

B. Mapahalagahan ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng


sinaunang Pilipino sa kasalukuyan

C. Mai-ugnay pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng sinaunang


Pilipino sa kasalukuyan

II. Paksang Aralin

Paksa: Nasusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng


sinaunang Pilipino sa kasalukuyan

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum sa Araling Panlipunan 5

Kagamitan: Visual Aid at Tsart

III. Pamamaraan

A.

 Pagdadasal
 Pagbati
 Classroom Management
 Attendance Checking

A. Panlinang na Gawain
A. Aktibidad 1

B. Pagsusuri

Ano sa tingin nyo ang ibig sabihin ng mga Larawan?

Ano ang iyong napansin sa ating aktibidad?


C. Paghahalaw

Kultura
 Pananampalataya
 Kaugalian
 Relihiyon
 Pagpapahalaga

Istilo ng kasuotan:

 Putong –kapirasong tela na isinosuot sa ulo


 Kangan – pang itaas na kasuotan na walang manggas o kuwelyo
 Bahag- kapirasong tela na isinusuot pang ibaba

Tatlong antas ng Katayuan sa Lipunan

 Maharlika

 Mayamang angkan sa lipunan


 Hindi nagbabayad ng buwis
 Katulong ng Datu sa pakikipag-digma o Bagani

 Timawa

 Ito ay kinabibilangan ng mga mangangalakal,mandirigma at iba pang


karaniwang mamayang isinilang ng malaya o naging malaya mula sa
pagkakaalipin.
 Alipin- ang pinaka mababang antas sa lipunan – ang isang katutubo ay nagiging
alipin kung sya ay ipinanganak na ang mga magulang ay alipin , pagkabihag mula
sa labanan , hindi pag bayad ng maayos sa kanyang utang at nakagawa ng
kasalanan at ang pigiging alipin ang kanyang naging parusa.

 Aliping namamahay – mas mataas na uri kaysa sa aliping saguiguilid


sapagkat siya ay may sariling pamamahay at ari-arian. Nagsisilbi lamang
sya sa DATU kung panahon nan g anihan, kapag may mga ipinapatayong
mga tahanan o tuwing kailangan lamang.
 Aliping saguiguilid – ay walang anumang ari-arian at nakatira sa tahanan
ng mismong maharlika o timawang kanyang pinaglilingkuran dahil sya ay
itinuturing din na pag aari ng kanyang mga panginoon.

D. Paglalapat

Ang tanong na ito ay Para Sa’yo

 Mga Direksiyon sa Paglalaro


 Pumili ng maikling kanta
 Kantahin ang napiling kanta habang ipinasa-pasa ang bola nga mga tanong
 Kung sino man ang napaghinto-an ng bola ito mismo ang sasagot sa tanong na nasa
bola

Mga tanong:

1. Sila ay mga aliping may sariling tahanan ngunit hindi sa kanila ang lupang
tinitirikan ng kanilang pamamahay ay hindi nila pag-aari
2. Ang mga malayang tao sa lipunan kung saan sila ay ipinanganak na
MALAYA hanggang sa kanilang mga kaanak?
3. Ano ang tawag sa ating mga ninuno na nag palipat-lipat ng tirahan sa
iba’t-ibang pook?
4. Ano ang tawag sa pang-ibabaw na kasuotan na walang manngas
5. Ang mga sina-unang Pilipino ay may mga natatanging kultura bago pa
man sila nasakop, ano ang mga ito?
6. Ang piraso ng tela na iniikot sa ulo ng mga kalalakihan?
7. Ang malawak na kaalaman ng mga Pilipino ay hango sa edukasyong
___________?
8. Saan nag-aaral ang mga sinaunang Pilipino at tinuturan silang mag
basa,mag bilang at sumulat?
9. ___________ang tawag sa mga may pinaka-mababang antas sa lipunan.
10. Mag-bigay ng tatlong karapatan ng babae.
11. Ano ang ibig sabihin ng Bagani?
12. Mag bigay ng isang pagkakasala upang ikaw ay maging isang alipin?
13. Maari bang ipagbili ang isang alipin?
14. __________ang tawag sa mga mangangalakal.
15. Ibigay ang Apat na natatanging kultura ng mga Pilipino noon?

IV Pagtataya

Sumulat ng isang sanaysay na may 500 mahigit na salita na nagpapakita ng mga


pagkakaiba sa pagitan ng nakaraan at hinaharap at kung paano ito naging makahulugan.

V. Takdang Aralin

Bumuo ng konklusyon tungkol sa kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa pagkabuo ng


lipunang at pagkakakilanlang Piliipino ng hindi lumagpas sa 300 na salita.
Ipinasa ni: PROCHINA, PRIMA VELLE R.

BEED 3B

You might also like