Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGSULAT

Ang pagsulat ay isang masalimuot at komplikadong preosesong pangwika na


nauugnay sa pagbuo at konstruksyon, pag-unawa at pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon ng mga ideya at kaisipan.

Ano ang kailangan natin?


 Kaalaman
 Karanasan
 Paniniwala’t saloobin

 Kailangan at mahalaga ang pagsulat sa isang komunikayon.

Bakit nga ba naimbento ang pagsulat?


- para makapagbigay ng impormasyon
- para maihayag ang mga saloobin, ideya, at kaalaman tulad ng mga
kwento o mga sanaysay

Kailan nagkaroon ng papel?


- sa panahon ng Egypt

Hangarin
 Naimbento sa hangarin ng taong mapanatili kundi man ay maihanay ang
kanyang mga kaisipan.

Ano ang pagsulat


 Sa simpleng pagpapakahulugan, ang pagsulat ay ang paghahatid ng
mensahe sa awtor sa mga mambabasa.
 Ang pagiging epektibo ng manunulat ay nakasalalay sa paraan ng
kanyang pagsulat, wikang ginamit, linaw ng mensahe, uri ng
impormasyon at iba pang mga salik.

Iba’t ibang kahulugan ng pagsulat


 Ang pagsulat ay isang sistema ng komunikasyon interpersonal, na
gumagamit ng mga simbolo at inuukit/sinusulat sa isang makinis na bagay
tulad ng papel, tela o di kaya’y isang malapad at makapal ng tipak na
bato. (Badayos, 1999)
 Ang pagsulat ay isang kasanayan sa pakikipagtalastasan na isinatitik ang
mga nakalap na impormasyon mula sa pagbasa. (Recuba, et, Al. 2000)
 Ang pagsulat ay kasanayang nangangailangan ng disiplinang mental at
mataas na kaalamang teknikal at pagkamalikhain gayon din ng sapat na
kasanayan. (Recuba, et. Al. 2003)

Kalikasan at kahulugan ng pagsulat


 Ang pagsulat ay isang pagsasatitik ng mga pahayag, ideya, kaalaman,
iniisip at nadarama na may tiyak na layunin.
Pagsulat ay di biro
 Nangangailangan ito ng disiplinang mental at mataas na kaalamang
teknikal at magkalikhain, gayon din ng sapat na kasanayan. (Tanawan, et.
al)

Binigyang linaw ni Garcia (2008)


 Ang pagsulat ay pagsasatitik sa papel o sa anumang bagay na maaaring
gamitin na pagsasalitan ng mga ideya, sagisag at paglalarawan ng isang
indibidwal o grupo ng mga indibidwal sa pagnanais na maisiwalat ang
kaniya o kanilang naiisip at nadarama.

Winika ni Lalunio (1985)


 Ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan, ang bunga ng
interaksyong proseso ng mga mag-aaral at produkto sa sosyo-kultural na
kontekstong nakakaapekto sa pagkatuto.

Gonzales (2005)
 Ang kakayahang makapagpahayag nang mainaw sa pamamagitan ng
panulat ay maituturing na isa sa pinakaimportanteng kasanayang
matatamo ng tao.
 “Walang misteryong taglay ang mabuting panulat, ito ay kasanayang
natutuhan.”

Xing at Jin (1989)


 Ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng
wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang
mga elemento.

Ano ba ang pinakalayunin ng pagsulat?

 Makapagpahayag ng mensahe
 Nararapat lamang na ang presentasyon at pagtalakay sa ideya ay
sapat at kumpleto, makatotohanan, makabuluhan at malinaw.

 Ang pagsulat ay isang multi-dimensiyonal na kasanayan.


 Anuman ang maging layunin ng pagsulat, mahalagang maunawaan na
ang pagsulat ay isang multi-dimensyunal na proseso.
 Binubuo ito ng iba’t ibang dimensyon. Dalawa sa mga ito ang sumusunod:
(Reader-reaction theory by Norman Holland)

A. Dimensiyong Oral
 Kapag ang isang tao ay nagbabasa ng isang tekstong iyong isinulat,
masasabing nakikinig siya sa iyo.
 Di mo man siya kilala ng personal, nagkakaroon siya ng ideya kung sino
ka.
 Isang manunulat ang nagsabing ang isang akda ay ekstensiyon lamang
ng pagkatao.
B. Dimensiyong Biswal
 Ang dimensyong ito ay mahigpit na naiuugny sa mga salita o
lenggwaheng ginagamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad
ng simbolo na nakalimbag.

Kahalagahan ng Pagsulat

Mga Pilosopiya ng Pagsulat


1. Ang pagsulat ay isang proseso
2. Ang pagsulat ay isang proseso at produkto
3. Ang pagsulat ay pagbuo ng desisyon
4. Ang pagsulat ay pagtuklas
5. Ang pagsulat ay isang pagtugon
6. Ang pagsulat ay sariling pagkatao
7. Ang pagsulat ay pakikihalubilo
8. Ang pagsulat ay humuhubog sa personalidad
9. Ang pagsulat ay mapaghamon
10. Ang pagsulat ay pinaglalaanan ng panahon

Layunin ng Pagsulat
 Ekspresibo
- pagpapahayag ng iniisip o nadarama
 Transaksyunal
- panlipunan pakikipag-unayan sa mga tao sa lipunan, sosyal na gawain

You might also like