Reviewer in Filipino 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REVIEWER IN FILIPINO 2

Ang Pagbati ay isang mahalagang gawi na dapat ugaliin ng batang tulad mo. May magagalang na pagbati para
sa bawat pagkakataon gaya ng ;

1. Magandang Umaga/Tanghali/Hapon o Gabi


- ito ay madalas na pagbati sa nasasalubong at nakakausap rin. Data iayon sa oras o panahon ang
gagamiting pagbati
Halimbawa:

1. Magandang umaga po Bb. Chen.


2. Magandang hapon po sa inyong lahat.
3. Magandang gabi po. Pwede ko po ba makausap si Anna?

2. Salamat Po
- ito ay pagpapahayag ng galak sa magandang ginawa.
Halimbawa:
1. Salamat po ate, sapagkat tinuruan mo ako sa aking aralin.
2. Salamat po Bb. Chen sa pagtuturo niyo sa amin ngayong araw.

3. Ikinalulugod ko po na kayo ay aking makilala


- ito ay pagpapaabot ng pagtanggap sa bagong nakilala.
Halimbawa:

1. Ikinalulugod ko na makilala kayong lahat aking mga kamag-aral.

4. Maligayang kaarawan sa iyo


- ito ay pagbati sa may kaarawan o sa taong ginugunita ang araw ng kanyang kapanganakan.
Halimbawa:
1. Maligayang kaarawan sayo aking kaibigan, sana ay maging maligaya ka sa araw na ito.
5.Kamusta po Kayo?

Tandaan:
Ang “Po” at “Opo” ay laging nakakabit sa pakikipag-usap , lalo na kung ang kausap ay nakatatanda,
bilang paggalang.

Magagalang na Pananalita sa Paghingi ng Pahintulot:


1. Maaari po ba akong magtanong?
2. Maaari po ba akong maglaro?
3. Maaari po ba akong lumabas ng bahay?

Magagalang na pananalita sa pagtatanong ng lokasyon ng lugar:


1. Saan po nakatira si Aling Mila?
2. Papaano po pumunta sa Maynila?
3. Saan po banda ang bahay ni Mang Lito?

Magagalang na Pananalita sa Pangtanggap ng tawag sa Telepono


1. Sino po sila?
2. Sino po ang gusto ninyong makausap?
Magagalang na Pananalita sa Pagbibigay ng reaksyon o Komento:
1. Mahusay!
2. Magaling!
3. Maganda!

Pangngalan- tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.


Halimbawa ng ngalan ng tao:
a) Guro
b) Pulis
c) Doktor
d) Lola
e) Kuya
Halimbawa ng ngalan ng bagay:
a) Damit
b) Bulaklak
c) Payong
d) Kwaderno
Halimbawa ng ngalan ng hayop:
a) Aso
b) Ibon
c) Kuneho
d) Baka
Halimbawa ng ngalan ng lugar:
a) Paaralan
b) Mall
c) Ilog
d) Bundok
Halimbawa ng ngalan ng pangyayari:
a) Kaarawan
b) Pasko
c) Binyag
d) Family Day

Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.


Bahagi ng pangungusap:
i. Simuno – ang tawag sa pinag-uusapan sa pangungusap.
Halimabawa:
1. Ang mga tao ay nagtatakbuhan.
2. Sina ate at kuya ay naglilinis sa labas ng bahay.
3. Nagluluto ng masarap na ulam. si Aliza

ii. Panaguri – ang nagsasabi tungkol sa simuno.


Halimbawa:
1. Ang halaman ay dinidiligan ni Hari tuwing umaga.
2. Ang mga tanim na gulay ay maraming bunga.
3. Si Bb. Yani ang nagturo sa mga bata na magsulat at magbilang.

You might also like