Ang tatlong ito ay pinaniniwalaang kakatok ng tatlong beses sa
iyong bahay pagkatapos ay aalis din kaagad.Ayon sa mga matatanda ay hayaan lamang at huwag pagbuksan ang ganitong katok.Pagkatapos kumatok ng tatlong ito ay lilipat naman sila sa ibang bahay.Dahil sa walang nagtatangkang magbukas sa pinto kapag nakarinig ng tatlong katok at walang pagtugon kung ito ay tatanungin nila.Ang mga paranormal expert ay hindi kung ang mga ito ay tao ba , demonyo , o ang sariling bersyon ng mga pilipino na Angel of Death.Pinaniniwalaan na kapag pinagbuksan ng pinto ang tatlong ito ay maaring ikaw ay sundan at guluhin nila.Pinaniniwalaan na dadaan ang ilang araw matapos marinig ang katok ay makakabalita na lamang ang nakarinig neto na mayroon nang masamang nangyari
Walang pinaniniwalaan na panlaban sa mga nilalang na ito ,
ngunit mas mabuting magdasal na lamang at mag-ingat. Pinaniniwalaan na ang tatlong ito ay maaring sundo, isang sundo na kukuha sa isang kaluluwa at hindi alam kung saan ito dadalhin.
Kung sakali man na ikaw ay naging isang kaluluwa , maaaring
makasalmuha ang sundo na ito.
Sa dami ng paniniwala ng mga pilipino patungkol sa kamatayan
ng isang tao o sa isang bagay na kapahamakan ang dulot.Mga pamahiin tulad ng tulad ng pagbagsak ng picture frame , pag-iikot ng plato sa tuwing aalis ang isang tao habang sila ay kumakain at marami pang iba na kasama na sa buhay ng bawat pilipino. Kung sakaling may narinig man tayong katok sa ating pinto , at kung wala tayong inaasahan na bisita o kung sino ay mas mabuting huwag natin itong buksan.Hindi dahil sa takot sa mga mangangatok ngunit para sa iyong sariling kapakanan. Ang panahon ngayon sa pilipinas na sobrang gulo na kahit sino ay maaring maging biktima.Akyat bahay , magnanakaw at iba pang masasamang tao na maaring gumawa ng masama sa iyo. Kung ikaw ay takot ay ayos lamang, ngunit mas mabuti nang hindi magtapang tapangan upang makasigardo sa kaligtasan nang ating buhay. Kung iniisip mo na alam mo na ang lahat at kaya mo na ang lahat ay hindi nakakatulong upang humaba pa ang iyong buhay , matuto na sumunod sa payo ng mga matatanda upang makaligtas sa kahit anong elemento sa mundo o sa kahit anong klase ng masasamang tao sa panahon ngayon.