Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kahunan ang pandiwang angkop sa panahunang ipinahihiwatig sa pangungusap.

1. (Diniligan, Dinidiligan, Didiligan) ng babae ang mga halaman bukas nang umaga.
2. Ang sanggol ay (umiyak, umiiyak, iiyak) tuwing siya’y basa.
3. (Tumawa, Tumatawa, Tatawa) siya matapos niyang mabasa ang liham mo.
4. (Kadarating, Darating, Dumarating) pa lamang ni Willie sa bahay, sinusundo na siya ng isa pang
kaibigan.
5. (Nagbibihis, Kakabihis, Magbihis) ka na at baka ka maleyt sa kasal ng pamangkin mo.

Basahin Mo

Ang mga “Bidang” Pilipino

“May nababasa tayo tungkol sa mga ‘bidang’ Pilipino sa mga kuwentong-bayan at epiko,” wika ni
Ginang Santos. “Sa bawat lalawigan ng Pilipinas ay may mga ‘bida’ tayong kinikilala, ayon sa ating panitikan.
Magbigay kayo ng alam ninyong ‘bidang’ Pilipino.”

“Sa Katagalugan po ay kilala si Bernardo Carpio, ang may kahanga-hangang lakas na pumigil sa
dalawang nag-uumpugang bato,” sagot ni Adela.

“Sa Ilocos po ay kilala si Lam-ang, ang magaling na mandirigma sa epikong Ilocano,” dugtong ni Rodel.
“Sa ating mga kuwentong-bayan, nariyan din po ang diwatang si Maria Makiling,” sabi naman ni
Clarissa. “Napabantog siya dahil sa kaniyang kabaitan sa mga mamamayan ng Laguna.”

“Sa mga komiks po ay marami ring mga ‘bidang’ Pilipino na nagtataglay ng mga katangiang kahanga-
hanga at dapat pamarisan katulad nina Darna, Captain Barbel, at Kapitan Kidlat,” dagdag naman ni Mikko.
“Tagapagtanggol po sila ng naaapi at simbolo ng kapayapaan.”

Si Dumagit at Diwani naman po ang hari at reyna ng kagubatan at tagapagtanggol ng mga hayop at
kalikasan sa mga kuwentong Pilipino natin noong unang panahon,” sabi ni James.

“Sa panahon natin ngayon, marami rin pong mga huwarang Pilipino sa tunay na buhay na nakagawa
ng kabutihan sa ating bayan at sa kapwa. Nariyan po si Rona Mahilum, ang batang nagligtas ng kaniyang mga
kapatid nang sila’y samaing-palad. Niligtas sila ni Rona habang nasusunog ang kanilang tahanan. Sa
pangyayari pong ito ay muntik na siyang mamatay,” dagdag ni Cynthia.

“Ang mga tapat na taong nagsauli ng mga naiwang salapi at gamit ng iba ay maaaring ituring na
huwaran din, di po ba?” tanong ni Rowena.

“Tama kayo. Ang mga ‘bidang’ Pilipino ay nagpapakita ng mga katangiang dapat pamarisan. Ano-ano
ba ang mga katangian ng ‘bidang’ Pilipino sa ngayon na dapat nating tularan?” tanong ni Ginang Santos.

“Isa po ang pagiging tapat kahit sa maliliit na bagay,” sagot ni Rommel.

“Ang pagiging mabuting mamamayan ay katangian din po ng isang ‘bidang’ Pilipino. Kasama po rito
ang pangangalaga ng ating kalikasan at kapaligiran. Nakatutulong ito upang maging maayos at mapayapa ang
buhay natin,” dagdag naman ni Bianca.

“Sinisikap ng ‘bidang’ Pilipino na magkaroon ng kontribusyon kahit sa maliit na paraan, sa


pagpapanatili ng kapayaan at katiwasayan sa kaniyang paligid. Hindi po siya palaaway,” sabi naman ni
Joshua.

“Nakatutuwang marinig ang mga katangiang binanggit ninyo. Maaari nating itala at ipaskil ito sa isang
lugar sa ating silid para lagi nating maalaala ang mga ito at maging gabay natin sa araw-araw,” sabi ni Ginang
Santos.

“Kami na po ang magpaplano kung paano namin iaayos ang mga ito sa bulletin board,” ang alok ni
Luis.
“Magaling. Nakikita ko na ang mga katangian ng ‘bidang’ Pilipino sa inyo,” nakangiting pagtatapos ni
Ginang Santos.
Halaw sa Kaluskos 4 Tomo 10 Blg. 1 SY 2006–2007

Suriin ang kahulugan ng salita sa bawat kahon.

Ano ang tawag sa mga salitang binigyan ng kahulugan sa bawat kahon? Matutukoy mo ba ang
kaibahan ng salita sa kahon A sa salita sa kahon B?

Ang salitang binigyang-kahulugan sa bawat kahon ay tinatawag na tambalang salita.


Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinag-isa. May mga tambalang
salita na pinagdurugtong ng gitling (–) at mayroon din namang hindi ginigitlingan.

Isaisip Mo

  Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinag-isa. May mga tambalang
salita na pinagdurugtong ng gitling (–) at mayroon din namang hindi ginigitlingan.
Mauuri sa dalawa ang anyo ng tambalang salita:

1. literal (hindi ganap) – Nananatili o hindi nagbabago ang kahulugan ng dalawang salitang
pinagtambal. Ang halimbawa nito ay ang salitang kuwentong-bayan . Pag-aralan sa ibaba ang iba pang
halimbawa ng literal na tambalang salita:

abot-tanaw – naaabot ng tanaw ang isang bagay, tao, o anuman


bahay-kalakal – isang bahay o gusali kung saan maaaring ibenta ang mga paninda, kargamento, at iba
pa
hukbong-sandatahan – pangkalahatang puwersang militar ng isang bansa

2.  matalinghaga (ganap) – Nagkakaroon ng panibagong kahulugan ang dalawang salitang


pinagtambal. Ang halimbawa nito ay ang salitang samaing-palad . Pag-aralan sa ibaba ang iba pang
halimbawa ng matalinghagang tambalang salita:

magdilang-anghel – magkatotoo sana


kapit-tuko – mahigpit na pagkapit (halimbawa sa posisyon sa gobyerno)
matapobre – mapanghamak sa mahirap
Isulat Mo

Panuto: Bilugan ang titik ng angkop na kahulugan ng tambalang sa bawat bilang.

1. bungang-isip
a. mula sa bunga ng panaginip
b. mula sa bunga ng mga nakikita
c. mula sa bunga ng iba’t ibang pangyayari
d. likhang-isip

2. nagpakitang-gilas
a. ipinakita ang pagiging malikhain
b. ipinakita ang katalinuhan
c. ipinakita ang pagiging aktibo
d. ipinakita ang kahusayan at kakayahan

3. bahay-kubo
a. maliit na bahay na gawa sa kawayan at sawali
b. maliit na bahay na gawa sa dahon ng saging
c. maliit na bahay na gawa sa iba’t ibang kahoy
d. maliit na bahay na gawa sa bato

4. kwentong-likha
a. mga tinipong kwento
b. mga isinulat na kwento
c. mga ginupit na kwento
d. mga pinagsama-samang kwento

5. kilalang pamilya
a. maykaya sa buhay
b. sikat sa pamilya
c. pamilyang kasama sa pulitika
d. malaking pamilya

Takdang Aralin:
Tukuyin kung literal o matalinghaga ang salita ang tambalang salitang may salungguhit sa bawat bilang.
Ibigay na rin ang kahulugan ng mga ito.

____________ 1. Ang bahay-kubo namin ay talaga namang masarap tirhan lalo


na kung tag-init.

____________ 2. Ang bahaghari ay waring nakangiti sa akin at nagbibigay-saya.

____________ 3. Marami ang nagtataingang-kawali sa tuwing ayaw nilang


marinig ang katotohanan.

____________ 4. Tuwing Pasko ay pumupunta sila sa bahay-ampunan para


bisitahin at bigyan ng kasiyahan ang mga ulila.

____________ 5. Ibig niya talaga ang makahanap ng isang hanapbuhay upang


matustusan ang pag-aaral ng kapatid.

You might also like