Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang climate change ay ang pagbabago ng klima na ang dahilan ay ang patuloy na pagtaas ng

greenhouse gases. Nagiging dahilan ng climate change ang palala na palalang pag-init ng
mundo. Isa sa mga pinakamapaminsalang dulot ng climate change ay ang bagyo. Sa mga
nagdaag taon marammi na ang nawaln ng ari-arian o pangkabuhyan at namatay dahil dito. 

Noong taong 2009 buwan ng Setyembre ay ginulat ng bagyong Ondoy ang Pilipinas. Ayon sa
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),
pinaniniwalaang umabot sa 341.3 mm ang taa ng tubig na ibinuhos ng bagyo.  Sa kabila ng
maraming tubig ay naging mahina naman ang lakas ng hangin na dala nito na umabot lamang ng 65
kph at bugso na 80 kph. Itinatayang umabot ng 1.09 bilyong-dolyar ang kabuuang naging pinsala na
dala ni Ondoy at umabot sa 710 ka-taong namatay.

Ang bagyong Sendong ay isang maulang bagyo katulad ni Ondoy, na nanalasa sa Hilagang bahagi
ng Mindanao noong taong 2011, buwan ng disyembre. Umabot ng 65 kph ang lakas ng hangin at
may bugso na 80 kph. Nagdulot ng malawakang pagbaha ang bagyong Sendong na umabot
hanggang 10 talampakan na naging  dahilan ng malaking pinsala na malapit ng umabot ng 1
bilyong-piso at pagkamatay ng 1 412 na ka-tao

Ang Super Typhoon Yolanda ang isa sa mga hindi malilimutang sakuna na humagupit sa Pilipinas.
Nanalasa ito noong taong 2013, buwan ng Nobyembre. Itinatayang umabot ng hanggang limang
metro ang taas ng storm surge na naging dahilan ng pagkasira ng mga ari-arian at ilang mga
paliparan. Umabot ng 315 kph ang lakas ng hangin na may bugso na hanggang 379 kph. Ang
naging kabuuang halaga ng pinsala ay umabot ng 14 bilyong-dolyar at 6 340 na mga taong
namatay.  

Sa panahon ngayon ang climate change ay patuloy na nagiging problema ng Pilipinas. Ang bagyo
ang isa sa dulot ng climate change na nagging dahilan ng pagka-wala ng maraming ari-arian at
pagka-matay ng libo-libong mamayang Pilipino. Kailangan nating pangalagaan ang ating kapaligiran
at kalikasan upang maiwasan ang patuloy na paglala ng climate change.

You might also like