Mods

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2A
Suliraning Pangkapaligiran sa
Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2A: Suliraning Pangkapaligiran sa Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Katherine T. Estrella
Editor: Lynn C. Demafeliz
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Maria Katherine T. Estrella
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office-Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Magandang Araw! Pag-aaralan sa modyul na ito ang “Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Pilipinas”.
Makikita sa larawan ang ilang halimbawa ng mga suliraning ito gaya ng problema sa basura, pagkakalbo
ng kagubatan at polusyon. Pag-aaralan mo ang sanhi at epekto ng mga suliraning ito gayundin ang iba’t
ibang tugon upang masolusyunan ito.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Konteksto ng Suliraning
Pangkapaligiran
Aralin 2 – Mga Suliranin at Hamong
Pangkapaligiran sa Pilipinas
Aralin 3 – Mga Batas at Programang
Nangangalaga sa
Kapaligiran

Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:09700jfSanta_Cruz_Tondo,_Manila_Tayuman_Bridge_Estero_Drainagefvf_15.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Deforestation_in_the_wake_of_Typhoon_Bopha_in_Cateel,_Davao_Oriental.jpg
https://en.wikipedia.org/wiki/Environmental_law#/media/File:AlfedPalmersmokestacks.jpg

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na


pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency – MELC) at mga kaugnay
na layunin:
1. Naipaliliwanag ang konteksto ng suliraning pangkapaligiran;
2. Natatalakay ang kalagayan, suliranin, at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas
partikular sa solid waste, polusyon at deforestation (MELC); at
3. Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng
komunidad.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ang sumusunod ay itinuturing na 3. Ito ang batas na naglalahad ng mga
suliraning pangkapaligiran, maliban sa alituntunin sa wastong pamamahala ng
isa. solid waste sa Pilipinas.
A. polusyon A. RA 9030
B. deforestation B. RA 9003
C. terorismo C. RA 8739
D. solid waste D. RA 9275
2. Ano ang pangunahing dahilan ng 4. Ito ay tumutukoy sa permanenteng
problema sa solid waste sa bansa? pagkasira ng mga kagubatan.
A. Kawalan ng disiplina ng tao sa A. reforestation
tamang pagtatapon ng basura. B. fuel wood harvesting
B. Kawalan ng batas na siyang C. deforestation
mangangasiwa sa problema sa D. afforestation
basura.
C. Paglaganap ng iba’t ibang sakit 5. Layunin ng batas na ito ang bumuo ng
dulot ng pagtatapon ng basura pambansang programang tutugon sa
D. Pagtatapon ng mga electronic suliranin sa polusyon sa hangin sa
waste sa mga landfill. bansa.
A. RA 9030
B. RA 9003
C. RA 8739
D. RA 9275

Modyul Mga Suliraning Pangkapaligiran


2A sa Pilipinas
Sa kalikasan tayo umaasa ng pangangailangan natin sa araw-araw. Tayo ay mapalad dahil ang
ating bansa ay pinagkalooban ng saganang likas na yaman. Ngunit, sa hangarin ng tao na mapaunlad ang
sarili at bansa, hindi naiiwasan na mapabayaan ang kapaligiran. Ang kapabayaang ito ay nagdudulot ng
iba’t ibang suliranin na nakaaapekto hindi lamang sa kapaligiran kundi sa mga tao mismo.
Kaya naman, mahalaga na matugunan ang mga suliraning ito ng bawat isa upang patuloy nating
malinang ang kapaligiran at magamit pa ang mga ito ng mga susunod na henerasyon. Tayo mismo ang
dapat manguna sa mga hakbang na gagawin upang matiyak ang pagpapanatili at pangangalaga sa
kalikasang umaaruga sa atin.

1
Balikan
Magbigay ng tig-isang halimbawa ng sumusunod na kontemporaryong isyu. Pagkatapos
nito ay sagutan ang mga tanong sa ibaba.
A. Isyung Panlipunan- ___________________________ Mga Tanong:
B. Isyung Pang-ekonomiya- ___________________________
C. Isyung Pangkalusugan ___________________________ 1. Paano mo maiuugnay ang mga
D. Isyung Pangkapaligiran- ___________________________ isyung ito sa iyong sarili?
2. Bakit mahalaga na mulat ka sa
mga kontemporaryong isyu sa
lipunan?

Tuklasin
May nararanasan o kinakaharap ka ba na mga
suliraning pangkapaligiran sa inyong lugar? Ano
ang pinagmulan ng problema at ano ang naging
epekto nito sa iyo?

Kopyahin sa kuwaderno ang tsart sa ibaba at


punan ng sagot batay sa iyong sariling karanasan.

Suliraning Pangkapaligiran Pinagmumulan ng Epekto nito sa akin


sa aming komunidad suliraning ito at sa pamilya
1.
2.
3.

Suriin

Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran


Ang Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng 7,641 na isla. Ang bansa ay sagana sa
pinagkukunang yaman partikular sa yamang likas. Ito ay tirahan ng iba’t ibang species ng halaman
at hayop. Mayaman din ang bansa sa mga yamang mineral gaya ng copper, nickel, chromite, at gold.
Sa likas na yaman nagmumula ang mga produktong ginagamit sa pang-araw-araw, mga inaangkat,
at pinagmumulan ng kabuhayan ng mga Pilipino.
Ang ating likas na yaman gaya ng mga bakawan at mga bulubundukin ay nagsisilbi rin nating
proteksiyon laban sa mga natural na kalamidad. Kaya naman tunay na mahalaga ito sa atin. Sa
kabila nito ay hindi maiiwasan ang banta dito. Sa pagdaan ng panahon ay unti-unting napapabayaan
at nasisira ang kapaligirang dulot ng iba’t ibang gawain ng tao at maging ng kalikasan. Ang pagkasira
na ito ng kalikasan ay nakapagpapalala sa epekto ng mga natural na kalamidad na nararanasan ng
bansa taon-taon. Ano nga ba ang mga suliraning pangkapaligiran sa bansa at paano ito nakaaapekto
sa pamumuhay ng tao at sa estado ng kapaligiran?

Solid Waste
Isa ang solid waste sa mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng Pilipinas. Ang
patuloy na pagtaas ng populasyon ay siya ring pagtaas ng dami ng basura na napoprodyus ng tao.
Ayon sa Republic Act 9003, ang solid waste ay tumutukoy sa lahat ng basura na mula sa tahanan,
komersyal, institusyonal, industriya, konstruksyon, paligid, basura mula sa sektor ng agrikultura, at
iba pang hindi mapanganib / hindi nakalalason na basura.
Sa ulat na inilabas ng Senate Economic Planning Office o SEPO noong 2017, tumaas mula
37,427.46 tonelada kada araw noong 2012 sa 40,087.45 tonelada noong 2016 ang basurang
nakolekta sa Pilipinas. Sa parehong ulat, mula 2012-2016, Metro Manila o NCR ang may
pinakamalaking volume o dami ng pinagmumulan ng basura. Ito ay dahil sa laki ng populasyon, dami
ng establisyimento at modernisadong pamumuhay sa lungsod. Sa katotohanan, nitong 2018 ay nasa
9,212 toneladang basura ang mula sa Metro Manila. Ito ay ayon sa ulat na inilabas ng Department
of Environment and Natural Resources (DENR). Makikita sa dayagram na mula sa DENR ang dami
ng basura na napoprodyus sa bawat lokalidad sa NCR.

2
Sa dayagram ay makikita na ang lungsod ng Quezon ang may
pinakamalaking koleksyon ng basura kada araw at ang Pateros naman
ang may pinakamaliit. Sa ulat ng Philippine News Agency (PNA) noong
2019, 85 porsiyento lamang ng basura ang napupunta sa mga sanitary
landfills. Ang iba ay napupunta sa mga ilog, estuaryo at iba pang
anyong tubig kabilang na ang Manila Bay. Ito ay nagdudulot ng
polusyon sa tubig at pagbara ng mga drainage system kaya
nagkakaroon ng pagbaha sa tuwing may malakas na buhos ng ulan.
Sa pagtataya ng World Bank, tataas pa ang mapoprodyus na
basura sa mga lungsod sa Pilipinas ng 165 porsyento hanggang 77, 776
tonelada kada araw sa taong 2025 (SEPO, 2017).
Saan nga ba nagmumula ang basura? Ang solid waste ay
maaaring magmula sa mga tahanan o residensyal, komersyal,
institutional o mga industriya. Sa mga ito, ang pinakamalaking
pinagmumulan ng solid waste ay ang residensyal. Ayon sa National
Solid Waste Management Status Report (2008-2018), 56.7% ng solid
waste ay mula sa mga tahanan. Kabilang na dito ang mga papel, bote,
plastic containers, tissue at diapers, yard waste, kitchen scraps at mga
Pinagkunan: Philippine News Agency, 2019
special wastes.
https://www.pna.gov.ph/articles/1063093 Natatandaan mo pa ba ang mga uri ng
Pinagkunan: National Solid Waste Management Status Report (2008-2018) basura?
Mayroon dalawang uri nito:
1. BIODEGRADABLE O MGA
NABUBULOK NA BASURA
2. NON- BIODEGRADABLE O HINDI
NABUBULOK
- recyclable (nareresiklo)
- residual (wala nang gamit )
- special wastes (nakalalason o
nakamamatay).
Pinagkunan: Metropolitan Manila
Mula sa mga datos na ipinakita, tunay na Development Authority. Proper Waste
nakaaalarma ang suliranin sa basura sa ating bansa. Kaya Segregation Seminar
naman alamin natin kung bakit humantong sa ganitong
kalagayan o estado ang sulirnanin natin sa basura. Batay sa ulat, sa ating mga tahanan nagmumula
ang malaking porsiyento ng basura. Nangangahulugan ito na ang kawalan ng disiplina ng mga tao
tungkol sa wastong pagtapon at paghihiwalay ng basura ang pangunahing dahilan ng suliranin. Ang
pagtatapon sa mga bakanteng lote, mga ilog at iba pang anyong tubig, gayundin din ang pagsusunog
ng basura ay nagdudulot ng polusyon sa tubig at hangin. Ito rin ay nakasasama sa kalusugan ng
tao. Ang mga basura ay naglalabas ng mga nakalalasong kemikal at pinagmumulan ng mga insekto
na maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit. Ang methane gas na nagmumula sa mga dumpsite ay
makaaapekto sa kalusugan ng mga tao na makalalanghap nito. Makadaragdag din ito sa suliranin
ng global warming. Ang hindi wastong pangangasiwa ng basura ay magbubunga din sa pagbara ng
mga drainage system na magiging sanhi ng pagbaha at pagkasira ng mga impraestruktura dulot ng
baradong daluyan ng tubig.

Ang labis na pagkonsumo ng tao ay nakadaragdag din sa dami ng basura. Ang mga electronic
waste gaya ng sirang telepono, telebisyon at iba pa ay itinatapon sa mga landfill. Ang patuloy na
paggamit ng single-use plastic gaya ng straw, plastic bag, candy wrapper ay may epekto rin sa ating
kapaligiran, mga hayop, at sa ating kalusugan. Ang mga plastic na ito ay non-biodegradable o hindi
nabubulok. Sa pagdaaan ng panahon ito ay nagiging pira-piraso at tinatawag na microplastic. Ayon
sa International Union for Conservation of Nature, mahigit 300 milyong tonelada ng plastik ang
napoprodyus kada taon kung saan nasa 8 milyon dito ay napupunta sa karagatan na nagiging sanhi
ng pagkamatay at kapahamakan sa mga hayop sa dagat. Batay naman sa ulat ng Ocean Conservancy
Charity and the McKinsey Center for Business and Environment noong 2015, ang Pilipinas ay
pangatlo sa buong mundo na pinagmumulan ng polusyon sa plastik. Bagaman may mga Local
Government Unit sa Pilipinas na nagba-ban na sa paggamit ng single-use plastic, mahalaga na
maipatupad ito sa lahat ng antas.

Ang patuloy na industriyalisasyon ay may epekto sa paglala ng basura. Ang mga solid waste,
chemical waste, at hazardous waste na nagmumula sa mga industriya na kapag hindi
napangasiwaaan nang maayos ay makasasama sa kapaligiran.

Programa at Batas Tungkol sa Solid Waste Management sa Pilipinas


Isang hakbang na ginawa ng pamahalaan upang masolusyunan ang problema sa basura ay
ang pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Ecological Waste Management Act of 2000. Ito ay
naisabatas noong Enero 2001. Ang RA 9003 ay nagsasaad ng mga alituntunin sa wastong
pamamahala ng basura, pagpapalaganap ng kaalaman sa wastong paggamit ng likas-yaman at
pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan
ang basurang agad lamang itinatapon. Layunin din nito na maipaliwanag ang benepisyo ng
pagkakaroon ng pasilidad sa bawat lugar na maaaring pag imbakan ng balik-materyales o lugar para
i-proseso ang mga ito (National Solid Waste Management Commission).

3
Tingnan ang kahon tungkol sa
mahahalagang nilalaman ng batas.
Ang National Solid Waste
Management Commission ay ang
pangunahing ahensiya na naatasan sa
pagpapatupad ng RA 9003. Pangunahing
programa sa ilalim ng batas na ito ay ang
mekanismo sa tamang paghihiwalay ng
basura, mga paraan sa pagbabawas at mga
programa sa pagreresiklo. Isa pa sa
mahalagang nilalaman ng batas ay ang
pagbuo ng mga Material Recovery
Facilities/Systems o MRF. Sa MRF ginagawa
ang paghihiwalay o pagbubukod ng basura
bago dalhin ang mga nakolektang basura sa mga dumpsite. Dito rin dinadala ang mga nahakot na
nabubulok na parte ng basura para gawing pataba sa lupa. At pansamantala rin dito na nilalagay
ang mga ireresiklo na materyales. Ang bawat barangay ay inaatasan na magkaroon ng MRF. Batay
sa National Solid Waste Management Status Report 2018, nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng
barangay na may MRF mula 2,701 noong 2008 sa 13,612 noong 2018.
Tungkulin naman ng bawat lokal na pamahalaan na magpatupad ng mga batas sa
pagbubukod ng basura sa pinagmulan nito, maging ang pagtatatag ng mga pasilidad para sa natirang
basura at mga special waste. Kaya naman may kani-kaniyang estratehiya ang bawat lokal na
pamahalaan upang mapangasiwaan ang kanilang mga basura.
Hindi lamang pamahalaan ang tumutulong sa paglutas ng problema sa basura sa ating
bansa. Naririyan din ang mga Non-government Organization o NGO na may adbokasiya sa
pangangalaga sa kapaligiran. Ilan sa mga ito ang Greenpeace, Mother Earth Foundation, Bantay
Kalikasan at iba pa. Malaki ang gampanin nila upang isulong ang tamang pangangasiwa ng basura
at pangangalaga sa kalikasan sa kabuuan.
Ilan sa gawain ng mga NGO na ito ay ang pagsasagawa ng pananaliksik, mga kampanya, mga
programa at proyektong pangkapaligiran (Department of Education, Learner’s Module).
May mga indibidwal, grupo ng tao at mga eskwelahan din ang nag-iisip at nagpapatupad ng
mga proyektong pangkapaligiran. Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga ecobricks, ito ay mula sa
mga plastik na bote na ginagawang bricks. Nariyan din ang proyekto sa isang paaralan sa Negros
Occidental kung saan ginawa nilang “plastic free” ang kanilang canteen sa pamamagitan ng paggamit
ng mga kawayan, bao ng niyog, at dahon ng saging bilang gamit sa pagkain.
Ang paglutas sa suliranin sa basura ay tungkulin ng bawat isa. Kung ang bawat mamamayan
ay sumusunod sa batas at may disiplina, hindi malayo na matugunan natin ang isyung
pangkapaligiran na ito.

Polusyon
Kaakibat ng suliranin sa basura ang polusyon sa tubig at hangin. Ayon sa National
Geographic, ang polusyon ay ang pagkakaroon ng mga nakapipinsalang materyales sa kapaligiran.
Ang mga nakapipinsalang materyales ay tinatawag na pollutants. Ito ay maaaring mula sa kalikasan
gaya ng abo mula sa bulkan o mula sa mga gawain ng tao. Ang pollutants ay makasisira sa kalidad
ng hangin, tubig, at lupa.

Polusyon sa Hangin
Ang polusyon sa hangin ay isang malaking hamon sa bansa. Ayon sa pag-aaral ng World
Health Organization (WHO), ang masamang kalidad ng hangin ay maiuugnay sa halos 2.2 milyong
pagkamatay ng tao sa buong mundo. Sa Pilipinas ang polusyon sa hangin ay tinuturing na isa sa
malaking banta sa kalusugan kung saan nagtala ng 45.3 na pagkamatay sa bawat 100,000 katao
dahil sa sakit dulot ng polusyon sa hangin. Sa ulat ng WHO noong 2018, pangatlo ang Pilipinas sa
buong mundo sa pinakamaraming kaso ng pagkamatay dahil sa polusyon sa hangin. Nanguna ang
China at sinundan ng Mongolia. Ilan sa mga sakit na dulot o may kaugnayan dito ay ang sakit sa
puso, stroke, lung cancer, hika o asthma at iba pang sakit sa baga at paghinga.
Saan nga ba nagmumula ang polusyon sa hangin? Ang pagsusunog ng mga fossil fuel gaya
ng karbon, langis at natural gas ay isa sa pangunahing pinagmumulan nito. Ang mga sasakyan at
pabrika ay naglalabas din ng mga pollutant gaya ng nitrogen oxide, sulfur dioxide at hydrocarbons.
Ang mga kemikal na ito ay nagre-react sa araw na siyang nagpoprodyus ng smog. Ang greenhouse
gases gaya ng carbon dioxide at methane ay isa ring pinagmumulan ng polusyon. Ang pagsusunog
ng fossil, pagkasira ng kagubatan, at hindi tamang pagtapon ng basura ay nakadaragdag sa
greenhouse gases na siya namang nagreresulta sa patuloy na pag-init ng mundo.
Batay sa ulat ng National Emmisions Inventory noong 2018, pinakamalaking bahagi o 73
porsiyento ng pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa Pilipinas ay mula sa tinatawag na mobile
sources gaya ng sasakyan, motorsiklo, trak, at mga bus. 16 porsiyento naman ay mula sa stationary
sources gaya ng mga planta at pabrika. Ang natitirang 11 porsiyento ay mula sa area sources gaya
ng konstruksyon, pagsusunog ng basura, kaingin at iba pa.
Sa pag-aaral na ginawa ng ilang eksperto mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) makikita na
bahagyang bumuti ang kalidad ng hangin sa National Capital Region noong ipinatupad ang Enhanced
Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19. Sa kanilang obserbasyon, bumaba ang antas ng
nitrogen dioxide o NO2 (pollutant na mula sa mga sasakyan, trak, bus, at mga pabrika) noong ikalawa

4
hanggang ikaanim na linggo ng pagpapatupad ng ECQ. Ngunit nang unti-unting niluwagan ang
quarantine ay siyang ring pagtaas muli ng polusyon sa hangin.

Polusyon sa Tubig
Bukod sa polusyon sa hangin, ang polusyon sa tubig ay isa ring suliraning pangkapaligiran
sa bansa. Ang Pilipinas ay isang arkipelago na napalilibutan ng maraming anyong tubig. Ang
pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig tulad ng plastik, kemikal, langis, mga dumi mula sa
industriya, at iba pa ay sanhi ng pagkadumi at pagkasira nito. Nakadaragdag din sa polusyon ang
pagmimina at oil spill.
Apat ang pinagmumulan ng polusyon sa tubig sa Pilipinas: ang pinakamalaking bahagdan
ay mula sa domestic sewage (33%), sinundan ito ng agricultural livestocks (29%), industriya (27%),
at non-point sources (11%). Tinatayang 58 porsiyento ng groundwater sa Pilipinas ay kontaminado
ng coliform na bacteria. Sa 421 na pangunahing ilog sa Pilipinas, 180 dito ay marumi o polluted na
(Tuddao, 2019).
Ang tubig ay pangangailangan natin sa araw-araw. Kung ang tubig na ating ginagamit ay
marumi at kontaminado, ano ang maidudulot nito? Pangunahing epekto ng maruming tubig ay ang
pagkakaroon ng sakit. Ilan sa mga ito ay ang gastroenteritis, diarrhea, typhoid, cholera, dysentery, at
hepatitis. Ayon sa WHO noong 2016, isa sa sampung nangungunang sanhi ng pagkamatay sa
Pilipinas ay ang acute watery diarrhea, na nagkaroon ng 139,000 na kaso.
Ang maruming tubig ay magiging sanhi din ng pagkalason at pagkamatay ng mga species sa
mga anyong tubig. Ito ay makaaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda at magreresulta din ito ng
pagbaba ng suplay ng pagkain na nagmumula sa tubig. Isang halimbawa nito ay ang naganap na oil
spill sa Guimaras noong 2006 kung saan nasa 500,000 litro ng langis mula sa isang oil tanker ang
natapon. Malaki ang naging epekto ng trahedya na ito sa kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar.
Halos isang taon na tumigil ang kanilang pangingisda. Maging ang kanilang mga bakawan ay
naapektuhan din.

Programa at Batas laban sa Polusyon sa Pilipinas


Ang kalagayan ng polusyon sa bansa ang nagbunsod sa pamahalaan upang gumawa ng mga
batas na siyang tutugon sa suliraning ito.
Noong 1999 naisabatas ang Republic Act 8739 o mas kilala bilang Philippine Clean Air Act
of 1999. Layunin nito na pangalagaan ang kalidad ng hangin sa ating bansa sa pamamagitan ng
pagbuo ng pambansang programa sa pamamahala sa suliranin sa polusyon sa hangin. Saklaw ng
batas na ito ang lahat ng maaaring pagmulan ng polusyon sa hangin gaya ng mobile point (mga
sasakyan, traks, bus, jeep, tricycle, at iba pa) at area source naman na tumutukoy sa mga nakatigil
na mapagmumulan tulad ng mga pang-industriya na kompanya at mga smokestacks ng mga planta,
hotel, at iba pang mga establisyimento. Lahat ng ito ay kailangang sumunod sa air quality standards.
Ilan sa mga nagawa sa ilalim ng pagpapatupad ng batas na ito ay paglalagay ng air quality
monitoring stations sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region at sa iba pang lungsod upang
ma-monitor ang kalagayan ng hangin at makakuha ng mga impormasyon para makapagsagawa ng
pollution management at control program. Bukod dito pinasimulan din ang paggamit ng mga malinis
na alternatibong gasolina tulad ng CNG o compressed natural gas at liquefied petroleum gas at ang
pagtanggal ng mga incinerators na ginagamit sa mga bio-medical wastes (Philippine Star, 2005).
Sa inilabas na ulat ng Environmental Management Bureau noong 2018, naitala ang
pagkakaroon ng 102 na air quality monitoring stations sa buong bansa na may kakayahang mamonitor
ang mga pollutant sa hangin. Pagdating naman sa mobile sources, patuloy na nakikipag-ugnayan
ang ahensiya sa Department of Transportation (DOTr) at iba pang stakeholders sa pag-aaral sa
pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program sa ilalim ng administrasyong
Duterte.
Bukod dito, ipinapatupad din ang Anti-Smoke Belching kung saan ang mahuhuli na lalabag
dito ay may kaukulang multa. Ang Department of Environment and Natural Resources-
Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na
pamahalaan ng NCR ay nagsagawa ng Bantay Tambutso Project o Anti-Smoke Belching Operation
noong 2019 kung saan nasa 60,915 na mga sasakyan ang kanilang nasuri. Sa mga ito, 66% o 40,
392 ang hindi pumasa sa pamantayan sa usok na ibinubuga. Patunay lamang ito na kailangang
mahigpit ang pagpapatupad ng batas upang matiyak na mabawasan ang anumang nakasasama sa
hangin sa bansa.
Samantala, ang Philippine Clean Water Act of 2004 o RA 9275 naman ay naglalayong
protektahan ang mga anyong tubig sa bansa laban sa polusyon. Nagbibigay ito ng komprehensibong
estratehiya upang maiwasan at mabawasan ang polusyon sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t
ibang sektor. Ilan sa ipinagbabawal sa ilalim ng batas na ito ay ang pagdidiskarga o pagdideposito ng
anumang pollutant sa tubig na makasisira sa natural na daluyan nito at hindi awtorisadong
transportasyon at pagtatapon sa tubig ng dumi, nakalalason at pinagbabawal na kemikal at solid
waste.
Bukod dito, ipinatutupad din ng DENR ang Adopt-an-Estero / Waterbody Program na may
layuning linisin at pagbutihin ang kalidad ng tubig sa mga ilog at creek sa bansa. Nakikipagtulungan
ang ahensiya sa mga mamamayan sa komunidad sa paglilinis ng mga anyong tubig na ito. Sa
kanilang ulat noong 2018, mayroong 65 na estero ang na-adopt at may kabuuan nang 585 sa buong
bansa.
Isa sa prayoridad din ng DENR ay ang rehabilitasyon ng Manila Bay. Sinimulan ito noong
2019 at nagpapatuloy pa rin sa kasalukuyan. Iba’t ibang grupo ng mga tao ang lumahok at

5
nakipagtulungan sa ahensiya sa layuning malinis ito. Maliban dito, matatandaan na sumailalim din
sa rehabilitasyon ang Boracay sa loob ng anim na buwan noong 2018. Pansamantalang isinara ang
isla sa mga turista upang maibalik ang dating linis at ganda ng lugar.
Ilan lamang ito sa ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang suliranin sa polusyon.
Sa kabila ng pagkakaroon ng mga batas ay patuloy pa rin ang paglala ng polusyon sa bansa. Sa
katunayan, pang 57 sa 98 na mga bansa ang Pilipinas na tinaguriang “World’s Most Polluted
Countries” sa taong 2019. Ito ay batay sa pag-aaral ng IQAir. Patunay lamang ito na kailangan pang
ayusin ang pamamahala laban sa polusyon sa bansa. Ang maayos at tamang implementasyon ng
batas at ang pagsunod ng mga tao ang siyang magiging susi sa pagresolba ng suliraning ito.

Deforestation
Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa kaya naman mayaman ito sa biodiversity at malawak
na kagubatan. Dito tayo umaasa ng ating mga pangangailangan. Ang kagubatan ay nagbibigay ng
trabaho sa mga mamamayan, ito rin ang pinagmumulan ng ilang produkto na ginagamit natin. Noong
1900s, nasa 20 milyon ang ektarya ng kagubatan ng Pilipinas. Subalit isa ito sa mga bansang
naapektuhan ng pagkaubos at pagkasira ng kagubatan. Sa datos ng Forest Management Bureau,
makikita ang pagkawala o pagkaubos ng kagubatan ng bansa kada taon. Noong 2003, 7.2 milyon
ektarya ang kagubatan, subalit nitong
2015 ay 7 milyon na lamang. Sa kabuuang
30 milyong ektaryang lupain ng bansa,
23% nito ang kagubatan o forest cover.
Ayon sa mga eksperto, kailangang ilaan
ang 54% bahagi ng lupa sa kagubatan
upang magbigay ng proteksiyon sa mga
pagguho ng lupa at magkaroon ng sapat
na tubig sa mga watershed.

Ang permanente at pangmatagalang pagkaubos ng kagubatan ay tinatawag na deforestation.


Ito ay bunga ng mga gawain ng tao o natural na kalamidad. Ilan sa mga gawain ng tao na nagdudulot
ng deforestation ang sumusunod:
- ilegal na pagtotroso - paglipat ng tirahan o migrasyon
- ilegal na pagmimina - fuel wood harvesting
- pagdami ng populasyon - industriyalisasyon
Ang mga gawaing ito ay nagbubunga ng iba’t ibang suliranin gaya ng pagguho ng lupa,
pagbaha, pagkasira ng kalidad ng lupa, banta sa seguridad sa pagkain, at pagkasira ng tirahan ng
mga hayop at halaman.
Nararanasan ng ating bansa ang mga epekto na ito ng pagkasira ng kagubatan. Ilang mga
insidente ng landslide at pagbaha ang naganap sa bansa. Isa na dito sa Itogon, Benguet noong 2018
kung saan nasa 58 na katao ang naitalang namatay dahil sa landslide dulot ng bagyong Ompong.
Pagmimina ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa lugar. Sa maraming mga lalawigan, hindi
bababa sa 50% ng topsoil ay nawala, at 70% ng lahat ng mga taniman ng lupa ay mahina laban sa
pagguho ng lupa. Ang Pilipinas ay nahaharap sa kawalan ng katiyakan ng tubig dahil sa hindi maayos
na mga wastershed. Mahigit sa 57% ng mga pangunahing waterhed ay kritikal. Nasa 418 na rin ang
nanganganib na animal species sa bansa ayon sa International Union for the Conservation of Nature
and Natural Resources (IUCN) red list criteria.
Mahigit sa 100 milyon na ang populasyon ng bansa. Ang patuloy na paglaki nito ay
nangangahulugan ng pagtaas ng demand ng tao sa pagkain, tahanan, espasyo, at iba pang
pangangailangan. Kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan ng kagubatan ng bansa, mahihirapan
tayo na matugunan ang mga pangangailangan na ito.
Programa at Batas na Nangangalaga sa Kagubatan sa Pilipinas
Maraming batas, kautusan, programa, at proyekto sa mga nagdaang taon na ang
isinagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor para pangalagaan ang kagubatan. Mula 1910 o

6
Panahon ng Pananakop ay may mga reforestation project na ang naipatupad hanggang sa
kasalukuyan. Ang ilan sa mga ito ay makikita sa talahanayan

Ang mga batas at programang ito ay nagbunga ng mabubuting resulta. Ayon sa FAO's 2015 Global
Forest Resources Assessment, tumaas ng 240,000 ektarya ang lawak ng kagubatan ng bansa mula
2010-2015. Noong Disyembre 2017, nasa 1.6 milyong ektarya ng kagubatan ang sumailalim sa
rehabilitasyon sa ilalim ng National Greening Program (Philippine Star, 2018). Sa kabilang banda,
kailangan pa rin ang patuloy na pagsubaybay at mahigpit na implementasyon ng mga batas upang
matiyak na hindi magpapatuloy ang pagkasira ng kagubatan ng bansa.

Pagyamanin

Gawain 2A.1 Buod-Basa. Batay sa binasa sa Suriin ay punan ng tamang impormasyon ang data retrieval
chart sa ibaba. Kopyahin ang tsart sa hiwalay na papel at sagutan ito.
Suliraning Dahilan/Sanhi Epekto sa Tao Epekto sa Tugon ng
Pangkapaligiran Kapaligiran Pamahalaan
1. solid waste
2. polusyon sa
hangin
3. polusyon sa
tubig
4.deforestation
Gawain 2A.2 May Magagawa Ka! Magsulat ng sampung
(10) simple at konkretong paraan upang makatulong ka sa
pagtugon sa mga suliraning pangkapaligiran na
nararanasan sa iyong komunidad. Tiyakin na ito ay
makatotohanan at kaya mong gawin sa iyong simpleng
paraan. Sundin ang format sa ibaba at sagutan sa hiwalay
na papel.

Isaisip

Isagawa
Gawain 2A.4 Proyektong Pangkapaligiran. Sa
bahagi ng Alamin ay inilista mo ang mga suliraning
pangkapaligiran sa inyong komunidad o barangay.
Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa inyong
barangay ang nais mong masolusyunan? Isulat ito
at mag-isip ng isang proyektong pambarangay na
siyang tutugon sa problemang ito. Gumawa ng isang
project proposal tungkol sa mungkahi mong
solusyon. Ipagpalagay na ikaw ay maghahain ng
proposal na ito sa inyong barangay kaya naman
gawin itong makatotohanan, konkreto, at detalyado.
Sundin ang format sa ibaba at gawin ito sa bond
paper. Isaalang-alang ang rubriks sa ibaba sa
paggawa ng gawain.

7
Tayahin

Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang problema sa solid waste at deforestation ay 7. Anong batas ang nagpoprotekta sa mga
mga halimbawa ng anong uri ng kontemporaryong nakatakdang national park sa bansa?
isyu? A. RA 9003
A. Isyung Pang-ekonomiya B. RA 9072
B. Isyung Pangkapaligiran C. RA 7586
C. Isyung Panlipunan D. RA 9275
D. Isyung Pangkalusugan 8. Batay sa IQAir, ang Pilipinas ay pang-57 sa 98 na
2. Ang sumusunod ay sanhi ng deforestation, mga bansa na tinaguriang “World’s Most Polluted
maliban sa_____ Countries”. Anong hakbang ang nararapat na
A. Ilegal na pagtotroso gawin ng pamahalaan bilang tugon dito?
B. Pagtaas ng populasyon A. Gumawa ng batas na siyang susugpo sa
C. Paggguho ng lupa suliranin sa polusyon sa hangin sa
D. Ilegal na pagmimina bansa.
3. Ang pagkakaroon ng polusyon sa hangin ay bunga B. Paigtingin ang implementasyon ng
ng________ Philippine Clean Air Act at iba pang
A. Pagsusunog ng mga fossil fuel programang tutugon sa suliranin sa
B. Pagkaubos ng mga halaman at hayop polusyon sa hangin.
C. Pagtatapon ng electronic wastes sa mga C. Magsagawa ng survey tungkol sa mga
MRF lugar na may maduming hangin sa
D. Paggamit ng solar energy ng mga tao bansa.
4. Ano ang epekto ng polusyon sa tubig sa mga tao? D. Ipagsawalang-bahala ang nasabing
A. Ito ay nagdudulot ng pagdumi ng tubig. resulta ng pag-aaral dahil walang epekto
B. Nalalason ang mga isda sa mga anyong sa kalagayan ng bansa.
tubig. 9. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari
C. Ito ay banta sa kalusugan ng mga tao. mong gawin upang makatulong sa pagtugon sa
D. Dadami ang taong aasa sa pangingisda mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap
bilang kabuhayan. ng bansa?
5. Nasa higit 100 milyon na ang populasyon ng A. Sumali sa mga paligsahan sa barangay
Pilipinas. Kung patuloy ang pagdami ng tao, ano na makatutulong sa sariling pag-unlad.
ang maaaring idulot nito sa likas na yaman ng B. Gumawa ng batas na siyang susugpo sa
bansa? mga suliraning pangkapaligiran.
A. Kasabay ng pagtaas ng populasyon ang C. Sundin ang mga batas na ipinapatupad
pagdami ng likas na yaman ng bansa. ng pamahalaan sa pangangalaga sa
B. Magkakaroon ng kakulangan at pang- kapaligiran.
aabuso sa likas na yaman dahil sa D. Suportahan ang piling programa ng
paglobo ng populasyon. komunidad para sa pangangalaga ng
C. Patuloy na aasa ang mga tao ng kanilang kapaligiran.
pangangailangan sa likas na yaman. 10. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng bawat
D. Lilimitahan ng pamahalaan ang paggamit sektor sa pagtugon sa mga suliraning
sa likas na yaman upang hindi maubos pangkapaligiran ng bansa?
ng mga tao. A. Malawak ang suliraning pangkapaligiran
6. Ito ay programang nagsimula noong 2011 na may kaya dapat na ang bawat isa ay nakikiisa
layunin na makapagtanim ng 1.5 bilyong puno sa sa pagresolba nito.
buong bansa. B. Walang kakayahan ang pamahalaan na
A. National Greening Program tugunan ang suliraning pangkapaligiran.
B. National Forest Protection Program C. Ito ay susi upang mahikayat ang dayuhan
C. Forestland Management Project na pumunta sa ating bansa.
D. Integrated Natural Resources and D. Ang pagtutulungan ay magreresulta sa
Environmental Management Project kaunting solusyon sa problemang
kinakaharap ng bansa

Karagdagang Gawain
Gawain 2A.5 Dito sa Aming Barangay. Maghanap ng isa o dalawang kamag-aral na nasa parehong barangay para sa
gawaing ito. Magsaliksik ng dalawang programa o proyekto ng inyong barangay tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.
Maaaring bisitahin ang facebook page ng barangay o kaya naman ay kontakin at makipanayam sa opisyal ng barangay
tungkol sa kanilang mga programa kung papayagan. Matapos makuha ang impormasyon ay gumawa ng isang
infographic na siyang magpapakita ng impormasyon tungkol sa programa. Maaaring gumawa ng infographic sa
www.piktochart.com o sa www.canva.com at isave at iprint ito.
Mga Impormasyon na kailangan:
1. Pamagat ng Proyekto ng Barangay
2. Layunin
3. Paraan ng Pagpapatupad
4. Resulta

Gawain 2A.6 Status Report. Pumili ng isang batas o programang


pangkapaligiran na nais pagtuunan nang pansin at suriin. Magsaliksik
tungkol sa kasalukuyang estado ng pagpapatupad ng batas na ito.
Mangalap ng mga impormasyon, datos, o balita na may kaugnayan sa
implementasyon nito. Sagutan ang dayagram sa ibaba.

You might also like