Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Nang sumapit ang panahon ng reboluston, marami na ring mga Pilipino

ang naging matindi and damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa

ibang bansa upang mag-aral gaya nina Dr. Jose Rizal, Garciano Lopez-

Jaena, Antonio Luna, at Marcel H. del Pilar. Samantala, itinakda noong

1897 sa panahon ng himagsikan ng Saligang Batas ng Biak na Bato na

nag-aantas na ang wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng mga

Pilipino. Ito ang naging midyum sa mga pahatid-sulat at dokumento ng

Katipunan. Bunsod ng damdaming nasyonalismo, dumami ang mga

akdang pampanitikang makabayan na nasusulat sa wikang Tagalog

(Badayos, et at, 2009). Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging

makabayan, masisidhiing damdamin laban sa mga Kastila ang

pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.

Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang

mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Ginamit nilang

intrumento ang edukasyon na sistema ng pampubliking paara;an at

pamumuhay na demokratiko. Sa kapangyarihan ng Batas Blg. 74 ng


Komisyong Pampilipinas noong 1901, ipinag-utos na gamitin ang Ingles

bilang wikang panturo sa mga paaralang bayan na itatatag (De Vera,

2010:47) Ang mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga

naging guto noon. Naniniwala ang mga kawal Amerikano na

mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang ingles upang

madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano.

Sa panahon ng pamahalaang Komonwelt noong 1935, nagkaroon ng

pagsusulong para sa isang probisyong pangwika na magtatakda ng

kikilalaning wikang pambansa. Sa pamamagitan ng Saligang Batas 1935,

Artikulo XIV, Seksiyon 3, ang Pambansang Asembleya ay naatasang

gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng lahat

ng wikang pambansa salig sa isa sa mga wikang opisyal. Sa panahong

wala pang natatakda and batas, Ingles at Kastila ang kinikilalang mga

wikang opisyal. Bunga nito, pinagtubay ang Pambansang Asembleya

noong Nobyembre 13, 1936 ang Batas Komonwelt Blg. 184 nagtatag sa

Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na may tungkuling magsaliksik sa


mga diyalekto sa Pilipinas bilabg magiging batayan ng wikang

pambansa. Naging saigan sa pagpili ay ang wikang maunlad sa kayarian,

mekanismo at literatura, at ginagamit ng nakararaming Pilipino. Si

Jaime C. de Veyra ang unang tagapangulo ng SWP at matapos

maisagawa ng Surian and atas ng batas, ipinahayag ni Pangulong

Quexon ang Kautusan Tagapagpaganap Blg, 134 na nagreerekomenda

ng TAgalog ang gawing saligan ng wikang pambansa. Taong 1940, sa

bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ipinahintulot ng

Pambansa, Sinimulang din ituro sa mga paaralang publiko at probado

ang wikang pambansa na batay sa Tagalog

Ang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nabunsod ng mga

Hapon sa bansa, ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang

wikang Tagalog. Nagbunga ito ng pagdami ng mga babasahing

nakalimbag sa nasabing wika at naging masigla ang manahong ito para

sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa pagnanais na butahin ang

anumang impluwensiya ng mga Amerikano. Sa bisa ng Order Militar Blg.


13 na ibinaba noong Hulyo 1942, nag-utos na gawing opisyal na wika

ang Tagalog at ang wikang Hapon.

Sa pagbalik ng mga Amerikano ay nagpatuloy ang mga hakbangin sa

pagpapaunlad ng wikang pambansa. Ilan sa mga batas pangwila na

naipatupad ay ang sumusunod: Batas Komonwelt Blg. 70 (Hulyo 4,

1946) na naghahayag sa wikang pambansa bilang Wikang Pambansang

Pilipino na isa sa mga opisyal na wika sa bansa; ang Proklamasyon Blg.

12 (Marso 26, 1954) na nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay

kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang

Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 2; inilipat ng panahon ng

pagdiriwang nito simula Agosto 13 hanggang 19 sa bisa ng

Proklamasyon Blg. 186 (Setyembre 23, 1955) bilang pagkilala sa

kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng

Wikang Pambansa” Sa ilalim ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose B.

Romero, ipinatupad ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959) upang

tawagon ang wikang pambansa na Pilipino na lamang upang paikliin

ang dati nitong katawagan. Nang sumapit ang dekada 60, sinimulan
gamitin ang Pilipino para sa mga sertipiko at diploma sa paraan

gayundin sa mga edipisyo, gusali, tanggapan, at mga dokumento ng

pamahalaan.

Sa kabilang banda, nagsagawa muli ng hakbang ang Pambansang

Asambleya tungo sa paglinang at pormal na adapsiyon ng isang

panlahat na wikang pambansa na tatawaging Pilipino ayon sa itinakda

ng Saligang Batas 1973, Artikulo XIV, Seksiyon 3. Naisaad rin dito na

hangga’t hindi bilanggo ang batas, ang Ingles at Pilipino pa ron ang

kikilalaning mga wikang opisyal ng bansa. Sa larangan ng edukasyon,

itinakda ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (hulyo 10, 1974) ang

paggamit ng Ingles at Pilipino bilang wikang panturo at pagkatuto sa

lahat ng antas.

Bilang pagtugon sa tadhana ng Konstitusyon 1986 hinggil sa mabilis na

pagbabago, pag-unlad, at paglaganap ng Filipino bilang wikang

pambansa, tuwirang binanggit sa niratipikang Konstitusyon noong 1987

na espesipikong matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na ang wikang


pambansa ay Filipino. Bilang dagdag, pinagtibay muli ang patakarang

bilinggualismo sa mga paarakan sa pamamagitan ng pagtuturo ng

parehing Ingles at Filipino sa lahat ng antas. Sa panahon ding ito nalikha

ang inangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) alinsunod sa Kautusang

Tagapagpaganap Blg. 117 bilang pamalit sa SWP na tutugon sa patuloy

na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.

Nang pumasok ang dekada 90, itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino

(KWF) ayon sa Batas REpublika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) bilang

pamalit sa LWP. Binigyang din ng kahalagahan ang pagdiriwang ng

wilang pambansa sa pamamagitan ng pagpapahaba nito mula sa isang

linggo hanggang maging isang buwan ang tueing sasapit ang Agosto

ayon sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041 (1997) na nilagdaan sa ilang

adminidtration ni datiing Panguling Fidel V. Ramos.

Sa panahon ng Internet at pag-usbong ng globalisasyon, hindi na

lamang Ingles ag maituturing na wikang nagningi babaw at presensiya

ng mga gumagamit nito. Sang-ayon sa pag-aaral ni Levin (200 na


nabanggit sa adka di Flora), anglalaho na ang dominasyon ng Ingles lalo

na sa cyberspace. Kapansin-pansin ang paglaganap ng wikang Filipino

bunsod ng paggamit at pagsusuling dito ng midya – telebisyon, radyo,

at Internet. Maging sa operasyon at gamit ng teknolohiya, ang wika ay

itinuturing na opsyion para sa serbisyong masa gaya ng komunikasyon

at negosyong transaksyon. Sa usapin naman ng wikang ginagamit bilang

panturo at pagkatuto, mula sa patakarang bilingguwalismo ng 1973 at

1987 ay isinusuling ang multilinggualismo sa pamamagitan ng

Multilinggual Language Education na nag-ugat sa matagumpay na

eksperimento sa Lubuagan, Kalinga. Dito at natunghayan na ang pag-

aaral ng inang wila o mother tongue ay napagpapatibay ng pundasyon

para sa pagkatuto ng ikalawang wika gaya ng Ingles. Ang proyekto ng

multilingguwalismo ang itinuturing na trend sa mundo sa panahon ng

globalisasyon (San Juan, 2008 sa akda ni De Vera, 2010). Sa kasalukuyan

ay ipinatupad sa bansa ang Mother Tongue Based-Multilinggual

Education (MTB-MLE) sa mga mag-aaral sa pre-school hanggan ikatlong

baitang alinsunod sa Kautusan Blg. 74 Serye 2009 ng Kagawaran ng


Edukasyon bilang bahagi ng kurikuuj ng K-12. Ang pagbabago sa

kurikulum ay alinsunod sa Enhanced Basic Education Act ng 2013 na

naglalayong gawing kompulsaryo ang pagpasok sa kindergarten ng mga

bata habang dalawang taon naman ang idaragdag na taon sa

sekondarya.

You might also like