G12 Acad. Mod 1 FINAL

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

12

Filipino sa Piling
Larang
Unang Markahan – Modyul 1:
Akademikong Pagsulat
Kahulugan ng Akademikong
Pagsulat (1.1)
FILIPINO – Ikalabing-dalawang Baitang
Flexible Learning Instructional Material
Unang Markahan – Modyul 1: Akademikong Pagsulat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Romulo D. Arguilles, Jr.
Editor: Romulo D. Arguilles, Jr.
Tagasuri: Gerryl The A. Jaena
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: May P. Pascual- CID Chief
Analie Lobaton-EPS- LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Division of Cadiz City

Office Address: Abelarde St., Zone III, Cadiz City, Negros Occidental
6121 Philippines
Telefax: (034) 493 - 0352
E-mail Address: deped.cadizcitydivision@deped.gov.ph
ARALIN Akademikong Pagsulat:
Katuturan ng Akademikong Pagsulat
1.1
Baitang : 12 Markahan : Una
Panahong Igugugol : Unang Linggo

Ang araling ito ay magbibigay ng ibat ibang kaalaman at kasanayan hinggil sa


paksa, ang akademikong pagsulat. Layunin din ng araling ito na bigyang kahulugan
ang mga konseptong may kinalaman sa paksa tulad ng Akademikong Pagsulat,
Pagsulat, akademiko at iba pa.

Alamin
Matapos ang araling ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
1. : Nabibigyang kahulugan ang Akademikong Pagsulat ( CS_FAII/12 PB-0a 101 )

Subukin
I. Panuto: Sagutin ang ilang mga katanungan.Isulat sa nakalaang patlang ang titik ng
tamang sagot.
___1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya at konsepto sa paraang nakalimbag.
a. pagsulat b. pagbasa
c. paglimbag d. pagpinta
___2. Uri ng pagsulat na lumilikha ng mga sulatin tulad ng tesis, abstrak, posisyong
papel, ulat at iba pa.
a.malikhain b. akademiko
c. teknikal d. impormal
___3. Ang salitang ito ay tumutukoy sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o
larangan ng pag- aaral.
a. pagsulat b. akademik
c. pagbasa d. sulatin
___4. Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng
mga__?
a. mga iskolar b. akademikong komunidad
c. akademikong institusyon d. lahat
___5. Ayon sa manunulat na ito, ang pagsulat ay komprehensibong kakayahan na
naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, , retorika at iba pa.
a. Xin at Jin b. Pek at Buckingham
c. Karen Gocsik d. Karen et al.
II. Panuto: Isulat ang salitang Akademiko kung ang akda o sulatin ay napapabilang sa
akademikong pagsulat at Malikhain naman kung ito ay malikhaing
pagsulat.
________________1. Nobela
________________2. Bionote
________________3. Maikling kwento
________________4. Talimpati
________________5. Pabula
________________6. Lakbay sanaysay
________________7. Tesis
________________8. Alamat
________________9. Kwentong bayan
________________10. abstrak

Balikan
May isang kasabihan “ Ang Di marunong lumingon sa pinanggalingan, Di
makarating sa paroroonan”. Bago tayo maglakbay tungo sa ating paksa, atin munang
balikan ang dating karanasan. Sagutin ang mga tanong hinggil dito. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang.

1. Sino sa mga kaklase mo ang naaalala mong nagtamo ng karangalan gaya na


Best in Reading o Best in Sports?
: ________________________________
2. Paano niya natamo ang karangalang ito?
:
_____________________________________________________________

_____________________________________________________________
3. Saan ito ginanap?
: ________________________________
4. Anong programa o patimpalak ito?
:_________________________________

Tuklasin
May iba’t ibang anyo o uri ng pagsulat. Nariyan ang Akademikong Pagsulat, Malikhaing
Pagsulat, at Teknikal na Pagsulat. Ang una, ang akademikong pagsulat ang siya nating paksa sa
araling ito na pagtutuonan ng pansin. Para sa karagdagang kaalaman, pansinin muna ang pagkakaiba
ng Sulating Akademiko sa iba pang uri ng pagsulat.

Mga Uri ng Pagsulat

Akademikong Pagsulat
-isang masinop at sistematikong pagsulat na isinasagawa sa isang
akademikong institusyon na nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayan. Layunin nitong
magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. Isang halibawa nito ay ang
tesis, disertasyon, rebyu, at iba pa.

Teknikal na Pagsulat
-Uri ng pagsulat na nagbibigay impormasyon sa pagbuo ng distinasyon o
pagbibigay ng solusyon sa isang komplikadong suliranin. Gumagamit ito ng mga teknikal na
terminolohiya.
Malikhaing Pagsulat
-Anumang pagsulat na lumalabas sa hangganan ng karaniwang propisyunal,
pampamamahayag, pang akademya o liksikal na anyo ng panitikan. Maaaring ang paksa at pangyayari
ay hango sa tunay na buhay o likhang –isi lamang na bunga ng pagkamalikhain at mataas na
imahinasyon ng pag-iisip.

Suriin
Panuto: Batay sa sa binasang paksa sa bahaging Tuklasin sa itaas, suriin at kilalanin
ang sumusunod na mga halimbawa ng sulatin na nakatala sa ilalim. Isulat sa Hanay A kung ito ay
sulating akademiko at ihanay naman sa Hanay B kung Malikhaing pagsulat .

tula disertasyon nobela rebyu kwento


Sintesis dula kritisismo tesis alamat

HANAY A (akademiko) HANAY B (malikhain)


___________ __________
___________ __________
___________ __________
___________ __________
___________ __________
___________ __________
Pagyamanin

Ang Pagsulat
Kahulugan:
-- Artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman sa
paraang nakalimbag.
--Ayon kina Xing at Jin, “ ang pagsulat ay isang komprehensibong
kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan , pagbuo ng
kaisipan, retorika at iba pang elemento .“
--Ayon naman kay Peck at Buckingham, ang pagsulat ay ekstensyon ng wika
at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita
at pagbasa.
Ang Akademik o akademiko
Kahulugan:
--Ang salitang Akademiko o academic ay mula sa wikang Europeo na:
Academique—Pranses
Academicus—Medieval Latin
--Tumutukoy ito sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larangan ng pag-
aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral, kaiba sa
teknikal o praktikal na gawain ( www.oxporddictionaries.com )

Ang Akademikong Pagsulat


Kahulugan:
--Pagsulat ng mga Pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa isang
akademikong institusyon o unibersi dad sa isang tiyak na larangan.
--Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang akademikong pagsulat ay:
1. ginagawa ng mga iskolar at para sa iskolar
2. ang mga paksa at tanong ay nakalaan sa interest ng akademikong
komunidad.
3. nararapat na maglahad ng importanteng argumento.
--Uri ng pagsulat na nagluluwal ng mga sulatin tulad ng:

1. Abstrak 11. Repliktibong Sanaysay


2. Sentesis 12. Adyenda
3. Bionote 13. Pictorial Essay
4. Talumpati 14. Lakbay-Sanaysay
5. Panukalang Proyekto 15. Ulat
6. Katitikan ng Polong 16. Kritisismo
7. Posisyong Papel 17. Rebyu
8. Tesis 18. Disertasyon
9. Pamanahong Papel 19. Manwal
10. Mapanuring Sanaysay 20. Sanaysay tungkol sa kasaysayan
--Sa madaling salita, ang akademikong pagsulat ay uri ng pagsulat na
isinasagawa ng mga iskolar, dalubhasa, mag-aaral, guro, o iba pang
propisyon na ginagawa sa akademikong institusyon at nagluluwal ng mga
pormal na sulatin gaya ng nakatala sa itaas.

Isaisip

Ang pagsulat ay:


1. artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamda-
man sa paraang nakalimbag.
2. isang komprehensibong kakayahan dahil kailangang
magkaroon ng kaalaman sa wastong gamit, talasalitaan , pagbuo ng kaisipan,
retorika at iba pang elemento ang isang manunulat
3. ekstensyon ng wika at karanasan mula sa pakikinig, pagbasa, at pagsasalita.
Ang salitang akademik o akademiko ay:
1. tumutukoy sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larangan ng pag- aaral na
nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral, kaiba sa teknikal o praktikal
na gawain.
Ang akademikong pagsulat ay:
1. pormal na gawaing pagsulat ng mga sulatin o akdang isinasagawa sa isang
akademikong institusyon o unibersi dad sa isang tiyak na larangan.
2. nagluluwal ng mga pormal na sulatin tulad ng abstrak,
sentesis, bionote, talumpati, at iba pa.
3. Ang paksa ay ayon sa interest ng akademikong komunidad.

Isagawa
Sa bahaging ito ay ilalapat natin ang mga kaalamang natutunan natin mula sa talakayan.
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang kahulugan ng isang konsepto.
1.Ang pagsulat ay _____________ ng mga ideya, konsepto, paniniwala at
nararamdaman sa paraang _____________.
2.Ayon kina_________________, “ ang pagsulat ay isang_________________
kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan , pagbuo ng
kaisipan, retorika at iba pang elemento .“
3. Ayon naman kay __________________, ang pagsulat ay ______________ ng
wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita at pagbasa.
4. Ayon kay ________________(2004), ang akademikong pagsulat ay ginagawa
ng mga ___________ at para sa mga iskolar.
5. Ang salitang Akademiko o academic ay tumutukoy sa isang_______ na
sulatin o akdang isinasagawa sa isang _________________ institusyon o
unibersidad sa isang tiyak na larangan.
Tayahin
Ngayon, alam kong handa ka na sa ating maikling pagsusulit hinggil sa paksang tinalakay
natin mula sa simula ng aralin.

A.
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Uri ng pagsulat na lumilikha ng mga sulatin tulad ng tesis, abstrak, posisyong
papel, ulat at iba pa.
a.malikhain b. akademiko
c. teknikal d. impormal
2. Ito ay artikulasyon ng mga ideya at konsepto sa paraang nakalimbag.
a. pagsulat b. pagbasa
c. paglimbag d. pagpinta
3. Ang salitang ito ay tumutukoy sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o
larangan ng pag- aaral.
a. pagsulat b. akademik
c. pagbasa d. sulatin

4. Ayon sa manunulat na ito, ang pagsulat ay isang komprehensibong


kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, , retorika at
iba pa.
a. Xin at Jin b. Pek at Buckingham
c. Karen Gocsik d. Karen et al.

5. Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng


mga?
a. mga iskolar b. akademikong komunidad
c. akademikong institusyon d. lahat

B.
Panuto: Tukuyin kung alin sa sumusunod na mga sulatin ang
napapabilang sa sulating akademiko. Bilugan lamang ang bilang
kung ang aytem ay napapabilang sa Sulating Akademiko.
1. disertasyon
2. kwento
3. kritisismo
4. tula
5. rebyu
6. nobela
7. Sintesis
8. alamat
9. tesis
10. dula

You might also like