Mabukakar Lokm

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
Division of Cadiz City
Cadiz District IV
CADIZ WEST II ELEMENTARY SCHOOL
Cadiz City
FILIPINO 6- Q3-SUMMATIVE TEST #1

Pangalan:________________________Baitang At Seksyon:_____________ Iskor:___________

A. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na teksto at sagutin ang mga tanong
tungkol dito.
Ulat ni Liza
Isang malakas na lindol ang yumanig sa Davao del Sur noong ika-16 ng Oktubre,
2019. Ito ay may lakas na 6.4 magnitude. Dahil sa lakas ng pagyanig, maraming mga
bahay at gusali ang nasira. Gumuho ang mga lupa sa iba’t ibang bahagi ng Davao del
Sur. Sa takot, nagsilikas ang mga tao sa ligtas na lugar.

Nagpadala ng tulong ang pamahalaan sa mga nasalanta ng lindol. Maraming mga


pribadong indibidwal at grupo ang nagbigay ng mga relief goods. Ang iba naman ay
nagbigay ng tulong pinansyal. Sa panahon ng sakuna, dapat lahat tayo ay alerto at
laging handa.

1. Ano ang yumanig sa Davao del Sur?


a. bagyo c. baha
b. sunog d. lindol
2. Kailan ito nangyari?
a. Oktubre 16, 2019 c. Oktubre 18, 2019
b. Oktubre 17, 2019 d. Oktubre 19, 2019
3. Gaano kalakas ang pagyanig?
a. 6.3 magnitude c. 6.5 magnitude
b. 6.4 magnitude d. 7.0 magnitude
4. Saan nangyari ang lindol?
a. Mindanao c. Davao del Sur
b. Davao City d. Davao del Norte
5. Paano paghandaan ang mga sakuna?
a. Maghintay sa tulong ng pamahalaan
b. Paghingi ng tulong sa barangay
c. Tandaan ang mga paalaala sa mga dapat gawin sa panahon ng sakuna
d. Isawalang bahala ang mga paalaala

A. Panuto: Basahing mabuti at unawain ang teksto. Piliin sa loob ng kahon ang
tamang sagot ng mga sumusunod na tanong.

Karapatan ng mga Bata


ni Antonette S. Espora

Araw ng Sabado, ang magkapatid na Bimbim at Yeye ay nag-uusap habang


tumutulong sa paghahanda ng agahan. Ang kanilang ina na si Aling Maring ay
naghahain ng ulam at nakikinig sa kanilang usapan.
Yeye: Ate, maaari mo ba akong tulungan mamaya sa aking takdang aralin?
Bimbim: Oo naman. Bakit ano ba yon?
Yeye: Tungkol sa karapatan ng mga batang Pilipino.

Bimbim: Ah! iyon ba? Napag-aralan na namin ‘yan. Tayong mga bata ay may mga
karapatan na dapat nating malaman at maintindihan. Ito ay ang mga sumusunod:

 Maisilang at magkaroon ng pangalan


 Maging malaya at magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
 Mabigyan ng sapat na edukasyon
 Mapaunlad ang kakayahan
 Magkaroon ng sapat na pagkain, tirahan, malusog at aktibong pangangatawan

 Matutunan ang mabuting asal at kaugalian


 Makapaglaro at makapaglibang
 Mabigyan ng proteksyon laban sa pagsasamantala, panganib, at karahasan
 Manirahan sa isang payapa at tahimik na pamayanan
 Makapagpahayag ng sariling pananaw o opinyon

Yeye: Salamat ate, sabihin mo uli yan mamaya ha? Nang maisulat ko.
Aling Maring: Ngayon, alam na ninyo ang inyong mga karapatan. Ibabahagi ko rin ang
mga kaakibat na tungkulin ninyo sa bawat karapatan.

Mga bata: Talaga po nanay? Makikinig po kami at susunod nang maayos.

Mga tanong:

___1. Ano ang pamagat ng kuwento?


___2. Sino ang dalawang bata na tumulong sa paghanda ng agahan?
___3. Kailan nangyari ang kuwento?
___4. Ilan lahat ang karapatan ng mga bata?
___5. Paano natutunan ni Bimbim ang karapatan ng mga bata?

a. Bimbim at Yeye
b. Araw ng Sabado
c. Nagpag-aralan nila sa
paaralan.
d. Karapatan ng mga Bata
e. Sampu
f. Kaakibat na tungkulin sa bawat
karapatan
Panuto: Basahing mabuti ang mga talata. Kilalanin kung ito ay opinyon o katotohanan at isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Marami ang naghihirap sa buhay. Katunayan, may mga pamilyang isang beses lang
kung kumain sa maghapon. Maraming hindi malaman kung saan nila kukunin ang susunod na
kakainin.

_______2. Dahil sa kahirapan ng buhay kaya maraming nangyayaring krimen. Ang kahirapan
ang isa sa mga ugat kaya may nangyayaring pagnanakaw.

_______3. Kilala ang mga Pilipino sa galing sa musika. May mga mangaawit at manunugtog na
Pilipino sa iba’t ibang panig ng daigdig, at marami sa kanila ang naging tanyag at nagtagumpay.

______4. Ayon sa mga manghuhula o psychic, malapit nang magunaw ang mundo. Maraming
senyales ang nangyayari sa ngayon gaya ng pagbaha, paglindol ng malakas, paglaganap ng
sakit, pagputok ng bulkan at pagkagutom ng maraming tao.

______5. Talagang napakahusay ng Pilipino sa musika. Kahit dahon ng halaman ay


nagagawang instrumento, gaya ng ginawa ni Levi Celerio, na isang tunay na maestro sa musika.

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay opinyon o katotohanan. Isulat ang
OP kung ito ay opinyon at KA naman kung katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago
ang bilang.

_____ 6. Ang mga Pilipino ay likas na magalang, masipag at mapagmahal. _____ 7. Hindi
mabuti sa katawan ang paggamit ng mga gamot na nabibili sa botika.

_____ 8. Ang pagharap sa mga hamon ng buhay ay dapat nating samahan ng katatagan at
pananalig sa Panginoon.

_____ 9. Hindi hadlang ang kahirapan sa pagtulong sa ating mga kababayang nasalanta ng
bagyo at baha.

_____10. Imposible ang edukasyon sa panahon ng pandemya kapag walang gadget at internet
connection.

Panuto: Basahing Mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Linggo

Ateneo Blue Eagles

UAAP Season 80

88-86

De La Salle Green Archer


Mga tanong:

1. Anong koponan ang naging kampeon sa UAAP Season 80 men’s basketball?

2. Kailan naganap ang kampeonato?

3. Sino ang kinalaban ng nanalong koponan?

4. Ano ang iskor ng bawat koponan pagkatapos ng kampeonato?

5. Anong organisasyon ang nilahukan ng dalawang koponan?

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga kalagayan. Suriin ang teksto at isulat ang √ kung ang
pahayag ay katotohanan at X kung opinyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_______ 1. Mas mahalaga ang kalusugan kaysa sa kayamanan, isang katunayan ayon sa
salawikaing “ang kalusugan ay kayamanan.” Hindi magiging produktibo ang isang tao kapag siya
ay sakitin.

_______ 2. Ang droga ay nakasisira sa kinabukasan ng mga kabataan. Maraming mga kabataan
ngayon ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at walang maayos na trabaho dahil nalulong sa
droga.

_______ 3. Mahalaga ang kagandahan dahil ito ang batayan sa ating lipunan. Ang magaganda
ay maraming kaibigan at tagahanga. Kagandahan din ang isa sa batayan kapag naghahanap ng
trabaho.

_______ 4. Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang
tanging bansa sa Asya na 10 taon lamang ang taon ng pag-aaral ng basic education. Marami sa
mga propesyunal nating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa ang muli pang nag-
aaral para makumpleto ang hinihinging kwalipikasyon sa kanila sa edukasyon.

_______ 5. Isa si Lea Salonga sa mga tanyag na Pilipinong naging matagumpay sa larangan ng
musika. Katunayan siya ay napabilang sa “Miss Saigon”, at iba pang pagtatanghal sa labas ng
ating bansa.

You might also like