Professional Documents
Culture Documents
Periodical Test
Periodical Test
Periodical Test
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag pagkatapos ay piliiin at isulat sa sagutang papel ang letra ng inyong
napiling sagot.
_____1. Ang “Ama” ay isang halimbawa ng maikling kuwento na isinalin ni Mauro R. Avena na mula sa bansang
_______.
A. Pilipinas B. Malaysia C. Singapore D. Taiwan
_____2. Ano ang layunin ng kuwentong binasa na pinamagatang “Ang Ama”?
A. magbigay-aral B. manghikayat C. mang-api D. mag-alala
_____3. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito ay mauuri bilang maikling
kuwentong_____.
A. kababalaghan B. katutubong kulay C. pantauhan D. makabanghay
_____4. Elemento ng maikling kuwento kung saan matatagpuan ang kasukdulan.
A. Simula B. gitna C. wakas D. simula at gitna
_____5. Ano ang dahilan ng pag-iyak ng ama sa kuwento nang siya ay dumalaw sa
puntod ng anak?
A. pagsisisi B. pagmamahal C. pagkalungkot D. pagkabalisa
_____6. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa _____
A. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
B. Pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
C. Pagtukoy sa mga pangunahing ideya sa pangungusap.
D. Pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari.
_____7. Alin sa mga pahayag o pangyayari ang naiuugnay sa maikling kuwentong “Ang Ama?”
A. Iresponsable ang ama ni Mui-mui ngunit nakitaan ng pagbabago sa dulo ng kuwento matapos na namatay
ang isang anak nito.
B. Inalagaang mabuti ni Adrian ang kaniyang ama katuwang ang kaniyang asawa.
C. Nalabanan ni Rebo ang kaniyang sakit kaya masaya siyang nakikipaglaro ng Beyblade sa kaniyang mga
bagong kaibigan.
D. Makabanghay ang mga nabasang maikling kuwento dahil naglalaman ito ng mga pangyayaring inagmulan
ng mga bagay-bagay.
_____8. Kung umuwi ang ama ay pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain _______ ang mga bata’y
magsisiksikan at takot sa anumang ingay na maaaring magawa nila. Aling pangatnig ang angkop sa patlang?
A. Subalit B. kaya C. sa wakas D. saka
_____9. Hindi niya itutuloy ang kanyang pagpunta sa ibang bansa____mapipilitan siyang maghanap na lamang ng
trabaho malapit sa kanyang pamilya.
A. kung gayon B. sa wakas C. saka D. subalit
_____10. Kinabukasan, maagang gumising ang ama_______nahuli pa rin siya sa kaniyang
trabaho. Alin sa sumusunod na pangatnig ang angkop na gamitin sa pangungusap?
A. kung B. samatala C. dahil D.ngunit
Ayusin ang pagkakasunod-sunod na mga pangyayari
1
_____11. Ang ayos ng mga pangyayari ay magiging ___________.
A. 1-2-3-4-5
B. 5-4-3-2-1
C. 2-3-1-5-4
D. 2-3-4-5-1
_____12.Sino si Raden Kaslan sa kuwentong “Takipsilim sa Dyakarta”?
A. Ang mayamang nagmamay-ari ng restawran.
B. Ang mayamang nagmamay-ari ng pulang Cadillac.
C. Ang pulis na dumating sa pinangyarihang banggaan.
D. Ang kaibigan ni Fatma na dumating sa mamahaling restawran.
_____13.Sa kuwentong “Takipsilim sa Dyakarta”, dinakip ng mga pulis si Pak Idjo dahil
sa pagkakasalang ________.
A. sinipa ng kabayo nito ang salamin ng Cadillac ni Raden Kaslan
B. basag na basag ang lahat ng salamin ng Cadillac ni Raden Kaslan
C.binangga ng karwahe nito ang kotse ni Raden na naging dahilang ng matinding pagkasira
D. nabangga ng kanyang karwahe ang kotse ni Raden Kaslan na naging dahilan ng pagkagasgas ng pintura at
pagkabasag ng salamin nito
_____14. Ano ang ginampanang papel ni Pak Idjo sa kuwentong “Takipsilim sa Dyakarta”?
A. Ang kutserong mayaman na nabangga ni Raden Kaslan.
B. Ang nagmamay-ari ng kalesang nakabangga sa Cadillac ni Raden Kaslan.
C. Ang kutserong tumakas pagkatapos mabanggo ang kotse ni Raden Kaslan.
D. Ang nakabangga ng Cadillac ni Raden Kaslan sa lansangan.
_____15. Sino ang pangunahing tauhan sa akdang "Timawa"?
A. Rustica Carpio B. Andres Talon C. Agustin Fabian D. Lian-chaio
_____16.Sa akdang Timawa, ano ang kursong kinuha ni Andres sa kolehiyo?
A. abogasya B. piloto C. doktor D. guro
_____17. Ano ang kahulugan ng timawa sa panahon ngayon?
A. Malaya B. Dukha C. Alipin D. Maharlika
_____18. “Kaya mo iyan, Lyka. Huwag kang magiging duwag,” binubulong ni Lyka sa kanyang sarili habang hawak-
hawak niya ang tali na gagamitin upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid sa kapahamakan.
A. tao laban sa tao C. tao laban sa lipunan
B. tao laban sa sarili D. tao laban sa kalikasan
_____19. “Sige, inay ihanda ninyo ang iyong sarili. Dadalhin na kita sa ospital,” sabi ni Carla sa kanyang ina. “Hindi na,
anak. Matanda na ako. Itago mo na ang perang iyan para sa iyong kinabukasan,” tugon ng kanyang ina. Anumang
pilit ang ginawa ni Carla ay hindi niya nakumbinse ang kanyang ina na madala sa ospital.
A. tao laban sa sarili C. tao laban sa lipunan
B. tao laban sa kalikasan D. tao laban sa tao
_____20.Ang babae lang ang dapat ang gumawa ng gawaing-bahay. Ano ang pahayag na ito?
A. opinion B. mensahe C. ekspresyon D. katotohanan
_____21. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang katotohanan?
A. Mabait ang bata.
B. Ang mga pulitiko ay ibinuto ng mga tao.
C. Ang babae lang ang dapat gumagawa ng gawaing-bahay.
D. Mas gusto kong magkaroon ng kapatid na babae kaysa lalaki.
_____22.________________ ng sarbey, nangunguna ang bansang Amerika sa dami ng nabakunahan.
A. Mula kay B. Tinutukoy sa C. Mababasa sa D. Batay sa resulta
_____23. Isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng tao sa paraang pataludtod, pasaknong at kung
minsan ay may tugmaan ang mga tunog sa huling bahagi ng salita.
A. Tula B. Nobela C. Sanaysay D. Maikling Kuwento
_____24. Isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
A.Saknong B.Sukat C.Tugma D.Talinghaga
_____25. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.
A.Saknong B.Sukat C.Tugma D.Talinghaga
_____26. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog
A.Saknong B.Sukat C.Tugma D.Talinghaga
2
_____27. Anong damdamin ang nagingibabaw sa taludtod na ito?
“May haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo, at tangis ng pamamaalam.”
A. Nalulungkot B. Nangangalit C. nalilito D. wala sa nabanggit