Professional Documents
Culture Documents
Ap CBDRRM
Ap CBDRRM
Sa unang yugto ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan
ng pamayanan sa pagharap sa iba't ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga
impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang
isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad. Kabilang sa isinasagawa ang
Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito ang Hazard Assessment,
Vulnerability Assessment, at Risk Assessment. Tinataya naman ang kakayahan at
kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment. Sa pagbuo
ng CBDRRM plan, kinakailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya upang
maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at
sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad.
"Disaster Risk Assessment” - Ito ay ang pagtukoy sa mga potensyal na panganib at
pag-aralan kung ano ang maaaring mangyari kung mangyari ang isang panganib.
Hazard Assessment
Ito ang pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung
ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa
pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na
gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasawa
ng hazard assessment, bigyang pansin ang pisikal at temporal na katangian ng hazard.
Ang Hazard Mapping ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga
lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman,
kabahayan na maaaring mapinsala.
Sa Historical Profiling/Timeline of Events naman, gumagawa ng historical profile o
timeline of events upang makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan sa isang
komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala. Maaaring
gamitin ang talahanayan na ito para sa historical profiling.
Vulnerability Assessment
Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong
kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang
pinsala na dulot ng hazard. Halimbawa, kung ang isang komunidad ay walang pakialam
sa mga programang pangkaligtasan ng kanilang pamahalaan, hindi nila alam ang
kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ang mga mamamayang ito ay
matatawag na vulnerable dahil sila ang mga posibleng maging biktima ng sakuna o
kalamidad. Samantala, ang mga mamamayan naman na may maliit na kita ay
maituturing rin na vulnerable dahil maaaring hindi sapat ang kanilang suweldo upang
tustusan ang dagdag na gastusin sa panahon ng sakuna tulad ng bagyo o baha.
Sa usapin ng vulnerability ng isang komunidad, kailangan na maging mulat ang mga
mamamayan sa mga hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nila na magkaroon ng
kaalaman sa mga panganib at banta na maaari nilang maranasan. Bukod dito, dapat na
maging aktibo rin sila sa paglahok sa mga programa ng pamahalaan kabilang na dito
ang tungkol sa disaster management. Sa panig naman ng pamahalaan, dapat na
maging seryoso ito sa pagbuo ng disaster management plan. Hindi dapat kalimutan ng
pamahalaan ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga mamamayan sa lahat ng
aspekto ng pagbuo ng disaster management plan. Sa pamamagitan nito, magkakaroon
ng maayos na ugnayan sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan. Higit na
mauunawaan ng mamamayan ang programa ng pamahalaan kung sila ay kabahagi sa
pagbalangkas nito.
Ang vulnerability ng isang pamayanan ay nakabatay sa lokasyon nito, halimbawa, mas
vulnerable sa pagbaha, ang mga mabababang lugar. Samantalang vulnerable naman
sa landslide ang mga naninirahan malapit sa paanan ng bundok.
Capacity Assessment
Sa Pagtataya ng Kapasidad ay sinusuri ang kakayahan ng komunidad na tugunan at
harapin ang iba't ibang uri ng hazard. Gaya ng sa Pagtataya ng Kahinaan at
Kakulangan, mayroon din itong tatlong aspekto o kategorya: (a) Pisikal o Materyal, (b)
Sosyal o Panlipunan, at (c) Paguugali ng mamamayan tungkol sa hazard.
Risk Assessment
Nakapaloob sa Pagtataya ng Peligro ang sistematikong pagkalap ng mga datos na
mahalaga sa pagtukoy, pagtatala, at pagsusuri sa mga panganib, lalo na ang mga
marapat na unang bigyang pansin. Kung gayon, ang isa sa importanteng produkto ng
Risk Assessment ay ang rekord o tala ng mga hazard. Nakapaloob din sa Pagtataya ng
Peligro ang Prioritizing Risk-ang pagtukoy kung alin-alin sa mga naitalang panganib ang
dapat bigyan ng higit na atensyon o prayoridad.
Sa pamamagitan ng Pagtataya ng Peligro ay magkakaroon ng matibay na basehan ang
mga tinatayang maaaring maging epekto ng kalamidad. Ang produkto ng Risk
Assessment ay magsisilbing batayan sa paglikha ng mga akmang istratehiya, polisiya,
programa, at proyekto upang maihanda ang komunidad sa pagharap sa mga panganib.
Ang Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment) ay itinuturing na isang uri o hakbang sa
ilalim ng Mitigasyon ng Kalamidad.
Ang Mitigasyong Estruktural at Mitigasyong Di-estruktural Pansinin na ang unang yugto
sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay hindi lamang tungkol sa paghadlang kundi maging sa
mitigasyon ng panganib (Disaster Mitigation). Iminumungkahi na ang Mitigasyon ng
Panganib ay marapat isagawa bago pa ang pagtama ng sakuna o kalamidad upang
mapigilan o maiwasan ang matindi at malawakang pinsala nito sa komunidad o
mabawasan man lamang ang mga epekto nito.
Ang Mitigasyon ng Panganib ay mauuri sa dalawa: (a) ang Mitigasyong Estruktural at
(b) Mitigasyong Di-estruktural.
DALAWANG URI NG MITIGASYON
Mitigasyong Estruktural (Structural)
- Ito ay tumutukoy sa mga pisikal na paghahanda ng komunidad upang
mapaghandaan ang pagdating ng kalamidad.
Nakapaloob din dito ang pagsusulong ng public awareness at information
dissemination tungkol sa mga konkretong programa at proyekto at kaalaman
tungkol sa kalamidad na Nakapaloob rito ang pagtatayo ng mga estruktura
makahahadlang sa matinding epekto ng kalamidad. Halimbawa ay ang
pagtatayo ng dike at earthquake proof buidlings.
1. Needs Assessment
- inaalam ang pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad
katulad ng mga pagkain, tirahan, damit, gamot at iba pang kagamitan.
- Mahalagang malaman ang mga ito upang maibigay kung ano talaga ang
kanilang pangangailangan.
2. Damage Assessment
- inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng kalamidad.
- Mahalaga ito upang malaman ng kinauukulan kung ano dapat ayusin upang
manumbalik sa normal na buhay ang mga nasalanta ng kalamidad.
3. Loss Assessment
- inaalam ang mga nawalang serbisyo (suplay ng tubig, kuryente at maging
operasyon ng mga ospital at paaralan.)
- Inaalam kung natigil ang produksyon ng ilang pangunahing pangangailangan
- Mahalaga ang bahaging ito upang malaman ng mga kinauukulan kung anong
serbisyo o produksyon ang kinakailangang maibalik agad.
Gayundin, ang pagkasira ng mga lupaing-taniman, na isang uri ng damage, ay
magdudulot ng pagbaba o pagkawala ng produksiyon ng palay at mga gulay, na isang
halimbawa ng loss. Ang pagguho o pagkawasak ng isang ospital na maituturing na
damage ay magdudulot ng pagkaantala o pagkawala ng serbisyong pangkalusugan na
maituturing na loss.
Gaya sa mga naunang yugto, sa yugtong ito ay kailangan ng komunikasyon,
kooperasyon, at koordinasyon ng lahat ng sektor ng lipunan.
Sa Pagtugon Sa Kalamidad (Disaster Response) ay mahalaga rin ang kaligtasan ng
lahat kaya kailangang isaalaang-alang ang kakayahan ng bawat isa sa pagsasagawa
nito.
Sa ikatlong yugto ng pagbuo ng CBDRRM Plan ay mahalaga ang pagkakaroon ng mga
tamang datos sa naging pinsala ng kalamidad. Ang mga ito kasi ang magsisilbing
batayan para sa kasunod na yugto na ating tatalakayin, ang Disaster Rehabilitation and
Recovery.
2. Bottom-up Approach
Sa bottom-up approach ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran nararanasan ay isinasagawa ng mga
mamamayan at iba pang sektor ng lipunan. Ito ang konsepto na ginagamit sa
CBDRRM. Binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye ng hazard at kalamidad
Sa bottom-up may may kakayahan ang mga mamamayan na simulan at panatilihin ang
kaunlaran ng kanilang komunidad. Ipinapatupad rin dito ang grassroots development na
kung saan ang lokal na pamayanan at mga iba't ibang sektor ang may kakayahang
tumukoy sa pagbuo ng CBDRRM Plan. Ang mga mamamayan rin ay may malawak na
partisipasyon sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon
para matagumpay na bottom-up strategy. Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa
kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan dahil sila ang nakakaranas
ng epekto ng mga suliranin at maaaring sila rin ang makaresolba sa mga suliraning
kinakaharap. Sa pangkalahatan, sinasagot ng bottom-up approach ang kakulangan ng
top-down approach.