Dapat Nga Bang Ituloy Ang Diborsyo Sa Pilipnas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DAPAT NGA BANG ITULOY ANG DIBORSYO SA PILIPNAS?

Maganda at mapagpalang umaga sa inyong lahat, kami ang pangkat Mabuti


at Masigasig na sumasang-ayon sa deborsyo. Ang deborsyo ay legal na
pagwawalang bisa ng kasal. Ito rin ay ipinapasa upang ang mga ibang mag asawa
ay magkahiwalay,lalo na sa mga mag asawang nagsasakitan. Ito ay pagwawalang
bisa sa kasal at upang mag hiwalay na ng tuluyan ang mga mag asawa. Ngunit,
hindi ibig sabihin ng diborsyo ay hinihikayat namin na mag hiwalay ang dalawang
mag asawa, hindi namin hinihikayat na sa simpleng bagay ay mag hihiwalay na
yung dalawang mag asawa. Kailangan din ipasatupad ang diborsyo sa Pilipinas kasi
kapag hindi na gumagana yung pagpapakasal o kapag hindi kana masaya sa isang
relasyon nagiging toxic at kapag nangyare yun madalas na humahantong sa
abusadong mga magulang, at kapag nangyare yun susunod na dito yung kawalan
ng empatiya, kawalan ng pagmamahal, kawalan ng respeto at karamihan non ay
ginagamit ang kanilang anak na maaaring maapektohan. Mas lalong
maaapektuhan ang kanilang anak kung patuloy silang makikitang nag aaway.
Nitong Setyembre 17, 2019 binigyang diin ang panukalang deborsyo sa
bans ana maituturing hakbang upang bigyan ng pag unawa at proteksyunan ang
mga kababaihan at mga bata laban sa pang aabuso na bunga ng nasirang pamilya.
Ito naman ay taliwas sa patuloy nap ag angat ng bans ana pagmumulan ng iba’t
ibang usapin gaya ng pagiging legal sa pagpapakasal ulit at isantabi ang mga naka-
abang na responasibilidad.
Kaugnay nito, taong 2018 pa nang lumabas ang senate Bill no. 67-
recognizing the foreign decree of termination of marriage, senate bill no. 288 at
356- Instituing Absolute devorce and Dissolution of Marriage in the Philippines
nina Sen. Pia Cayatano at Sen. Risa Honteveros upang maging Malaya ang mga
kababaihan at maitaguyod nito ang sarili at pamilya sa pamamagitan ng totoo at
makahulugang relasyon.
Nakatakda sa Article 68 of the family code ay kailangang mayroong Respeto
ang mag asawa sa isa’t isa. Ang pang aabuso sa iyong asawa ay isa sa mga matibay
na rason sa pag labag ng artikulong ito. Ayon sa R.A. 9262- VIOLENCE AGAINST
WOMEN & THEIR CHILDREN ACT OF 2004 AN ACT DEFINING VIOLENCE AGAINST
WOMEN AND THEIR CHILDREN, PROVIDING FOR PROTECTIVE MEASURES FOR
VICTIMS, PRESCRIBING PENALTIES THEREFORE, AND FOR OTHER PURPOSES. Ito ay
batas na naglalayong tugunan ang pagpalaganap ng karahasan laban sa
kababaihan at sa kanilang mga anak. Ang pang aabuso sa iyong asawa ay isang
rason sa pag labag ng batas na ito.
1. Bakit kailangan hindi maisatupad ang diborsyo?
2. Ano ang inyong mga batayan sa hind pagsang-ayon sa pagpapatupad ng
diborsyo?
3. May maitutulong ba ang bibliya kung ikaw ay inaabuso ng iyong asawa?
4. Matatawag mo pa rin bang banal ang inyong relasyon kung a ng isa sa
inyo ay lumabag na sa karapatang pantao?
5. Kailangan pa nga bang sundin ang nakasaad sa bibliya na bawal ang
diborsyo kung parehas patuloy lang kayong nasasaktan?

Ang diborsyo ay legal na pagwawalang bisa ng kasal. Ito rin ang ay ipanapasa
upang ang mga ibang mag-aswang nasasakitan o hindi nag kakaintindihan. Ito ay
pagpapawalng bisa sa kasal upang maghiwalay na ng tuluyan ang mag-asawa.
Sinasabing may positibong dulot ang deborsyo sa mga anak na nasa tamang edad
na naiipit sa sitwasyon ng magulang, sa una ay masakit tanggapin at mahirap ang
lumaki sa marahas, mapang-abuso, galit o labis
Ang isyung diborsyo ay matagal nang matagl ng pinagdedebatihan ng mga
mambabatas.Ito na nagnanais na ihain para sa mga Pilipino ay itinuturing ding
isang pamamalakad na sasangayon sa pamilya,mga bata,at kababaihan ,sapagkat
ayon sa karamihang pangyayari sa mga mag-asawa, mga babae ang gusting umalis
sa mapang-abusong relasyon. Ang proseso nito ay magsisimula sap ag oobserba
sa mga mag-asawa sa ilalim ng anim na buwan bilang huling pagsasama upang
magkasundo. Ang pagpapatupad nito sa Pilipinas ay magbibigay diin sa tumataas
na bilang ng mga inaabuso sa sariling tahanan. Kasama na sa panukalang batas na
ito ang sitwasyon ukol sa pangangalaga sa mga anak, paghahati ng mga pag-aari
ng mag-asawa, at “alimony” o pera na matatanggap ng isang asawa.
Kumg sakali mang maipatupad ang diborsyo sa Pilipinas, tiyak na hindi
mawawalan ng mga taong maapektuhan nito. Ang mga panauhin na pihadong
maapektuhan dito ay ang mga anak ng maghihiwalay na mag-asawa, dahil
maaring humina ang pakikipag-ugnayan ng mga anak sa mga magulang sa
kadahilanan na hiwalay na ang mga ito, at possible rin itong makaapeto sa
kanyang pagiisip o sa pagtanaw sa buhay. Maari ring magdulot ang diborsyo ng
emosyonal na pangkaisipan na pagkabalisa ukol sa karanasan nito na humatong
sa diborsyo ang problemang mag-asawa. Ang pagdidiborsyo ay hindi pagtatapos
ng responsibilidad bilang isang magulang sa mga anak, ngunit ito ay pagtatapos ng
relasyon ng mga magulang.

You might also like