Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Paksa: Pabago-bago ng Kurikulum ang Pilipinas , nararapat ba ito?

Epekto ng Pagbabago ng Kurikulum sa Pilipinas!


Sa mga nakalipas na panahon sinasabing ang kurikulum ay napakahalaga sa isang istitusyon .Dito
nakapaloob ang gabay kung paano matuto ang isang mag-aaral at kung paano magtuturo ang isang
guro.Ngunit sa mga nagdaang taon patuloy pa rin ang pagbabagong ito para sa kaunlaran ng bawat mag-
aaral na nais matuto.

Ang K to 12 act o (RA 10533) o mas kilala sa tawag na K to 12 Basic Education na nilagdaan ng pangulong
Aquino nong Ika-13 ng Mayo,taong 2013 na naging epektibo nong ikawalo na Hunyo parehas na
taon.Ang programang ito ay naglalayong dagdagan ng dalawang taon na pag-aaral, anim na taon sa
elementary, anim na taon sa sekondarya .Ang sekondaryang pag-aaral ay nahahati sa apat (4) na taong
junior high school at dalawang (2) taon ng Senior High school.Nakatuon ang kurikulum na ito sa learner-
centered approach at pag-uugnay ng mga aralin sa kanilang pamumuhay. Bagama’t maraming nag-
aalalang mga Pilipino sa maaaring epekto sa ekonomiya ng bawat pamilya ngunit may mangilan-ngilan
namang nasiyahan sapagkat mas lalong madaragdagan ang abilidad at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ilang mga magulang ang nagreklamo sapagkat sinabing kulang ang kanilang kinikita sa bawat araw
na,hindi kayang matugunan ang dalawang taon pang idinagdag sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Ngunit may mga mag-aaral ang nagsabing may magandang epekto para sa kanila ang nasabing dagdag
na taon na siyang tutugon para sa pagtuon sa kanilang kakayahan at abilidad sa makabagong Panahon.

Wika nga ng isang estudyante, “Makabagong panahon,babangon sa makabagong kurikulum!”

ANDREA P. AGRAVANTE
nagbabalita
Paksa: Pabago-bago ng Kurikulum ang Pilipinas , nararapat ba ito?

GUSTO KO BA ITO?
Lathalain ni ANDREA P. AGRAVANTE

Naranasan mo na ba ang pakiramdam na naiwan kang mag-isa sa mundo mo? Naiwan


ka kasi wala kang pagpipilian kundi ang manatili sa kinalalagyan mo? Kailanagan mo ba talagang
makipagsabayan sa takbo ng mundo ? Ang dami kong tanong sa isipan na di’ ko matiyak ang
kasagutan.

Sa buhay maraming pangyayari ang hindi mo inaasahan. Sabin g iba ang lahat daw ay
may dahilan kung bakit kailangan mangyari ang hindi mo inaasahan.

Unang araw ko sa klase , tuwang-tuwa ako sapagkat ito na ang huling taon para ako ay
makapagkolehiyo . Tuwa, takot, kaba ang nararamdaman ko tuwing iniisip ko na iba na naman
ang tatahakin pagkalipas ng isang taon. Tinanong ko ang aking kaklase nang makasabay ko siya
sa pagpasok sa entrance .

“ Ano ba ang gusto mong kuning kurso kapag ikaw ay nasa kolehiyo na?”, nahihiya man
sinagot niya ko, “Batsilyer ng Edukasyon ang nais kong kunin”.

Laking tuwa ko kasi may makakasama ako sapagkat ganun din ang nais kong kunin.

“Sabay tayo ah” sabay tapik at ngiti ko sa kanya.

Lumipas ang ilang buwan nang mabalitaan kong magbabago na ang


kurikulum .Bumagsak ang dalawa kong balikat at napabulong sa sarili, “dalawang taong dagdag
sa sekondarya?ano ito? Tatanda akong aral lang nang aral?Bakit kailanagan dagdagan pa ang
pasakit sa mga mag-aaral? Kulang pa ba?” usal ko na parang baliw na walang sumasagot sa
aking mga katanungan.

“K to 12 Basic Education, ikinasa na!, balitang maririning sa TV pati na rin sa radyo.


Tanging pagtakip na tainga ang aking ginawa.

Dumating ang araw ng pagtatapos. Oo , naisisyahan ako ngunitmay halong lungkot.


Pagod na ko sa paulit-ulit na ritmong naririrnig ko, dalawang taong dagdag para sa pagkatuto at
paghahanda raw sa kolehiyo ng mga mag-aaral na Pilipino.

Natapos ang dalawang buwang bakasyon. Natutuwa ba ako?Hindi!Ayaw ko ng


pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas. Hindi na ito nararapat , sana dalawang taon na ang
maibubuno ko kung wala ang dagdag na taon na ito, pero sige lang kasi may pangarap ako.
Mayroon daw ritong espesyalisasyon, parang kolehiyo na rin, strand ba ang tawag doon? Hindi
ko alam, hindi ako interesado!ngunit kailangan kong pumil, napagdesisyunan kong
TVL(Technical Vocational and Livelihood) na lamang ang aking kukunin.

Pasukan na , kahit mabigat ang pakiramdam pinilit ko kasi kailangan. Sa unang araw ,
pagkabagot ang aking naramdaman . kailan kaya ito matatapos? Wala!ito na nga ang realidad
na kailangan tanggapin ang pagbabagong nagaganap. Hanggang isang linggo na ang lumipas ,
tila batid kong wala akong natutunan.Panahon na upang tanggapin ang katotohanang “Walang
Permanente sa mundo, kundi Pagbabago”.

Ikalawang linggo , nagulat si ma’am nang bigla akong tumayo at nagtanong, “Bakit
kailangan pabago-bago ang kurikulum?, simple lang ang naging sagot niya, “Ang pabago-bago
ang siyang magtuturo sa inyo sa malalim at praktikal na pag-unawa sa inyong buhay”. Bigla
akong natahimik hanggang ngayon ito ang pagbabalik-tanaw ng aking nakaraan, kung bakit
nasa maayos akong kinalalagyan.

Oo, ako ang isa sa naging eksperimento ng K to 12 Basic Education Curriculum, ngunit
malaki ang aking pasasalamat na binago ang kurikulum ng Pilipinas. Handa at kaya ko ng
makipagsabayan sa iba’t ibang panig ng mundo, dahil sapat ang aking abilidad at kaalaman sa
pagbubuno ng halos labing anim na pag –aaral. Ginusto ko ba ito?Hindi! Gusto ko ito!
Paksa: Pabago-bago ng Kurikulum ang Pilipinas , nararapat ba ito?

“Sistema sa Edukasyon kailangan ng Kooperasyon”


Editoryal

Sa isang obra ni Gat. Jose Rizal binigyan diin niya na ang kabataan ang pag-asa ng
bayan . Ang kasabihang ito ay patuloy na nadala nating mga Pilipino magpahanggang ngayon,
ngunit sa paanong paraan magagamit o maisasabuhay ng mga kabataan? Edukasyon, ito ang
natatanging paraan na magmumulat sa mga kabataan sa realidad ng buhay. Hinuhubog nito
ang pagkatao at kaisipan ng bawat isa upang maging handa ang lahat ng indibidwal sa mga
hamon na kakaharapin sa buhay. Sa paglipas ng panahon, ang sector ng edukasyon ay
nakararanas din ng mga pagbabago. Isa na rito ang isyu sa pagbabago ng kurikulum sa halos
napakaikling panahon. Ano nga ba ang kahalagahan ng kurikulum sa edukasyon ata nararapat
ng ba na pabago-bago ito?

Sa mga nakalipas na taon, napakasimple ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ang


Kurikulum ayon kina Ragan at Sheperd ay isang mabisang daan upang mapadali ang daloy ng
pagtuturo sa pagitan ng mga guro at estudyante. Ito ay isang planong pampaaralan na
magbibigay gabay sa kung paano ang tamang pag-aatal, pagkatuto at pagtanggap sa mga
programa na ibinibigay ng gobyerno para sa mga mag-aaral. Ang lumang kurikulum ay mayroon
lamang 14 taon ng pag-aaral, 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sa sekondarya at 4 o 5 sa kole
hiyo. Ito ang nakamulatan natin sa mahabang panahon, kung kaya’t ng mabigyang bisa ang K-12
na kurikulum taong 2013 marami ang nabigla at nagreklamo sapagkat ito ay may karagdagang
dalawang taon sa sekondarya. Marami ang hindi sangayon dahil ang katwiran nila ay dagdag
gastos at pagod lamang ito, subalit walang nagawa ang reklamo at protesta ng karamihan dahil
natuloy ang implementasyon nito. Panibagong pagsasaayos na naman sa parte ng mga guro at
mga estudyante pati na rin sa ibang kawani ng edukasyon. Binigyang diin na ang K-12 ang
magandang kurikulum dahil dito mas marami ang matutunan ng mga mag-aaral. Inihahanda
nito ang mga estudyante sa pagpasok sa kolehiyo. Dito mkakapili na ang mga estudyante
espesyalisasyon nang sa gayun ay alam na nila kung anong kurso ang nararapat sa kanila.

Marahil marami ang hindi ang pabor sa pabago bagong kurikulum sa PIlipinas, subalit ito
ang kagustuhan ng ating gobyerno at ito ay para rin sa ikauunlad ng larangan sa edukasyon sa
ating bansa. Dumaan ito sa proseso at pag-aaral bago ang implementasyon kaya’t makasisiguro
sila na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral at guro. Kailangan lamang ang pasensya at
koordinasyon o kooperasyon ng bawat isa upang mas maging maayos ang sistema nito sa ating
mga paaralan.

You might also like