Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Angelika D.

Tabug G12 CDS

“EDUKASYON TUNGO SA
MAGANDANG KINABUKASAN”
Natanong na ba natin ang ating sarili kung bakit tayo nag-aaral o sadyang
nag-aaral lang tayo dahil ito ang sinabi ng ating mga magulang, dahil ito ang
ating kinamulatan o dahil ito ang ginagawa ng karamihan? Yan ang nais kong
bigyang kasagutan sa umagang ito. Nais kong linawin ang kahalagahan ng
edukasyon sa ating lahat.

Mula nang tayo ay bata pa lamang, karapatan na natin ang magkaroon ng


magandang edukasyon at makapag-aral ng maayos sa isang paaralan. Ito ay
parte na ng ating buhay: ang pumasok sa paaralan at matuto ng maraming
bagay. Na habang patagal ng patagal ay unti-unti tayong natututong pumasok
mag-isa, gumawa ng mga proyekto, at makihalubilo sa ating mga kamag-aral.
Natututo tayong huwag dumepende sa ating mga magulang bagkus ay tumayo
sa sarili nating mga paa.

Edukasyon! Edukasyon! Edukasyon! Isang salita ngunit nakapagbabago


ng maraming buhay. Isang salita na susi sa tagumpay. Marahil ay noong bata pa
lamang, hindi natin naiintindihan ang kahalagahan ng edukasyon ngunit
ngayon, alam kong unti-unti na natin itong nauunawaan.

Siguro naman narinig na natin mula sa ating mga magulang ang katagang
" Edukasyon lamang ang maipamamana namin sa inyo". Isang linyang gasgas
ngunit tunay ang ipinapahiwatig nito. Sa katunayan, isang malaking kagalakan
para sa ating mga magulang ang makapagtapos tayo ng pag-aaral. Ito ang
kayamanang maipamamana nila sa atin, kayamanang hindi mananakaw
ninuman, kayamang madadala natin kahit saan at magsisilbing gabay natin
tungo sa magandang kinabukasan. Kaya anumang hadlang, kahirapan man ito o
ang mga taong nasa paligid mo, huwag mo silang titignan dahil wala silang
karapatang diktahan ang iyong kinabukasan.
Ang edukasyon ay susi sa tagumpay sapagkat nagbubukas ito ng
maraming oportunidad. Ito ang magsisilbing hagdan natin tungo sa rurok ng
tagumpay sa pamamagitan ng pagpupursige, pagtiyatiyaga at pagtitiis.

Edukasyon lamang ang lunas sa kamangmangan. Ang kawalan ng


natapos o napag-aralan ang magsisilbing hadlang natin upang makamit ang
magandang kinabukasan. Sa katunayan, kung ikaw ay may pinag-aralan, ikaw
ay kagalang-galang, ngunit kung wala, kayang kaya kang tapakan ninuman.
Yan ang reyalidad kaya ngayon pa lamang, mag-aral ka na ng mabuti.
Magpursige ka dahil alam kong may mararating ka!

Subalit pakatandaan na kung makapunta man tayo sa rurok ng tagumpay,


huwag nating kalilimutan ang ating pinanggalingan. Patuloy tayong
magpakumbaba at tulungan natin ang mga taong tumulong sa atin nang tayo ay
nasa baba pa lamang. Pakatandaan na ang magandang kinabukasan ay nasa
ating mga kamay ngunit ang katuparan ng lahat ng ito ay nasa may kapal.

Muli, ako po si Angelika D. Tabug, nag-iiwan ng katagang, "


Edukayon ay pahalagahan tungo sa magandang kinabukasan".

You might also like