Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SAFILIPINO VI

SY 2022-2023

Pangalan:__________________________________ Baitang at Seksiyon:____________________


Petsa:_______________________________ Iskor:_____________

I. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin ang pangngalang ginamit sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.
1. Kumain ng masusustansiyang pagkain upang makaiwas sa sakit.
____________________________________________________
2. Siya ang pintor na pinarangalan dahil sa kanyang natatanging talento sa pagguhit.
____________________________________________________
3. Nagtulong-tulong sa paglilinis ang pamunuan ng paaralan upang makaiwas sa sakit na Dengue.
____________________________________________________
4. Itinalaga ang Bise Presidente bilang Kalihim ng Edukasyon.
____________________________________________________
5. Maging mabuti sa iyong kapwa mag-aaral.
__________________________________________________

II. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangyayari/sitwasyon. Isulat at piliin ang titik sa angkop na hinuha sa
bawat pangyayari.

_____6. Patuloy ang pagtatapon ng tao ng basura sa ilog


A. Dudumi ito at mamatay lahat ang isda rito
B. Magiging malinis ang kapaligiran dahil sa pagtapon ng basura sa ilog.
C. Magiging malusog ang isda sa ilog
D. Maging sariwa ang hangin ng mga taong nakatira malapit sa ilog.
_____7. Paglanghap ng makapal at maitim na usok na ibinubuga ng tambutso ng sasakyan.
A. Ito ay nakapagdudulot ng kaginhawaan sa mga tao
B. Maraming magkakasakit sa baga.
C. Magiging maliksi ang mga tao dahil sa usok na kanilang nilalanghap
D. Ang mga puno sa paligid ay magiging malusog.
_____8. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang mag-ama.
A. Ang mag-ama ay mangingisda sila sa dagat
B. Ang mag-ama ay magliwaliw sa dagat
C. Ang mag-ama ay maliligo sa dagat
D. Ang mag-ama ay nagkayayaan tingnan ang dagat
_____9. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ng magsasaka.
A. Ipagbibili ng magsasaka ang mga palay
B. Ipamimigay niya sa mga nangangailangan
C. Itatago niya ito habambuhay
D. Ipapakain niya sa mga alaga niyang hayop.
_____10. Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng kalaro at kababata ni Cris.
A. Nais lang ng nanay makakain ang kaniyang mga kapit- bahay
B. Nais ng nanay na ipagyabang na sila ay maraming pagkain
C. Kaarawan Ng kaniyang anak na si Cris
D. Masaya ang nanay na makita maraming tao sa kanilang bahay.

III. Panuto: Gagamitin ang angkop na panghalip sa sumusunod na salaysay. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

Naranasan (11)______________ na bang lumangoy sa dagat? (12)____________ ay may nakatutuwa ngunit


nakakatakot na karanasan sa dagat. Namasyal (13)___________ roon sa dinarayong Boracay beach, ang una kong
nakitang ay malinaw at kulay berdeng tubig na dalampasigan. Malinis at malamig ang tubig. Hindi ( 14)__________
makakalimutan ang karanasan na nagdulot ng saya .Nais (15)___________ na balikan ang Boracay kasama ang mga
kaibigan?

IV. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na pangyayari upang mabuo ang maikling kuwento. Isulat
ang bilang 1-5 sa loob ng kahon.

16. Napakaraming bulaklak at halamang malalago


17. Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang nagbubuga ng mga usok, unti-unting namayat ang mga
halaman.
18. Hindi na maganda ang halaman ni Mang Henry
19. Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry.
20. Ngayon ay wala ng bulaklak ang mga halaman

V. Panuto: Tukuyin ang damdamin ipinapahayag ng sitwasyon o pangyayari sa sumusunod na bilang. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.

_____21. “Huwag na huwag ka magpapanggabi. Maykapreng gumagala sa ating barangay.” Paano naipinapahayag ang
damdamin sa pangungusap.
A. Galit B. lungkot C. pag-aalala D. inis
_____22. “Akala ko pa naman mapanood ako ni inay at itay “.
A. lungkot B. nanghihinayang C. inis D. galit
_____23. “Saan ka kumuha ng ibinili ng mga iyon? Napakarami naman para sa atin.”
A. pagtataka B. pagkagalit C. pagbabanta D. pagkagalak
VI. Sagutin ang mga sumusunod na tanong base sa nabasang pabula. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
May isang uhaw na uhaw na uwak na gustong uminom sa pitsel na naiwan sa mesa. makipot lamang ang
bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ng tuka ang ulo upang sipsipin ng uwak ang tubig. Hirap na hirap abutin ng
uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan. Kahit anong pilit ay hindi mabawasan ang sobrang pagkauhaw ng ibon.
Tumingala siya at luminga- linga at tumingala siya sa paligid. Alam niya may kasagutan sa alinmang problemang
kinakaharap natin. Tama siya! sa isang iglap ay naisip niya tanging ang kasagutan. Lumipad siya sa labas at tumuka siya
ng munting bato na inihulog sa loob pitsel. Nagpabalik balik siya sa paglagay ng mumunting bato hanggang umabot ang
tubig sa makitid na bunganga ng pitsel. Nakainom ang uwak at natugunan ang pagkauhaw niya sa isang iglap lamang.
_____24. Ano ang naging suliranin ni uwak?
A. Uhaw na uhaw siya
B. Makipot ang bunganga ng pitsel kaya di niya maipasok ang tuka upang sipsipin ng tubig.
C. Mahirap pabalik balik kumuha ng maliliit na bato
D. Hindi natugunan ang kaniyang pagkauhaw
_____25. Paano nalutas ng uwak ang kaniyang suliranin.
A. Itinumba niya ang pitsel sa pamamagitan ng kaniyang tuka upang makainon ng tubig.
B. Tumuka siya ng mumunting bato at inihulog sa pitsel hanggang umabot ang tubig sa makitid na bunganga
C. Pinilit niya ipinasok ang kaniyang ulo sa bunganga ng pitsel
D. Inantay niyang may tao magpuno ng tubig sa pitsel.
_____26. Paano mo lulutasin ang suliranin Kung ikaw si uwak?
A. Gagawin mo ba ang ginawa ni uwak upang matugunan ang iyong pagkauhaw?
B. Iwanan mon a lang ang pitsel at maghanap na ibang maiinuman?
C. Patumbahin ang pitsel upang makainom.
D. Magtawag ka ng mga kasama mo upang tulungan ka.
_____26. Maari mo bang hulaan ang mangyayari kung sakali hindi nakainom si uwak sa oras ng Kaniyang pagkauhaw?.
A. mamatay si uwak
B. magwawala si uwak
C. manghihina si uwak
D. magkakasakit si uwak
_____28. Kung sakali ikaw ang magbigay ng pamagat ng kuwento. Alina ng pipiliin mo?
A. Ang Paglipad ng Uwak
B. Ang Uwak at Ang Pitsel
C. Ang Uhaw na Uwak
D. Ang Tubig at Ang Uwak
VII. Ibigay ang kahulugan ng sawikain na ginamit sa pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa patlang.
29. “Bakit hindi ka nakasagot diyan? Para kang natuka ng ahas.”
_______________________________________________
30. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.
_______________________________________________
31. Namuti ang mata ng mga kaibigan ni Otep sa pangako niyang makikipaglaro ito sa kanila.
_______________________________________________
32. Ang mga anak ni Aling Puring ay may taingang kawali sa mga iniuutos nito.
_______________________________________________
33. Ibinaon na ni Aj sa hukay ang lahat ng ala-ala ng kaniyang nakaraan.
_______________________________________________
_____34. Nagpapaliwanag sa pangalan tumutukoy ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
A. pangngalan B. panghalip C.konkreto D. di- konkreto
_____35. Mula sa iyong natutunan ang mga sumusunod ay mga pangngalang konkreto maliban sa isa.
A. upuan B. prutas C. kapayapaan D. sabon
_____36. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa lansakan pangngalan
A. lahi B. kasakiman C. eroplano D. kabayanihan
_____37. Tukuyin ang panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari
A. pangngalan B. panghalip C. pambalana D. lansakan
_____38. Ito ay uri ng pinagkukunang impormasyon na nagsasaad ng pinakabagong impormasyon tungkol sa politika,
kawilihan ng isports, relihiyon, at iba pang nagyayari sa loob ng isang taon.
A. Atlas B. Almanac C. Diksyunaryo D. Aklat
_____39. Naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang lugar, gaya ng lawak, layo, populasyon, anyong – lupa at
anyong-tubig.
A. Atlas B. Almanac C. Diksyunaryo D. Aklat
_____40. Gusto mong malaman ang detalyadong impormasyon tungkol sa pinakamataas na bundok sa mundo. Ano ang
pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ang iyong gagamitin.
A. Atlas B. Encyclopedia C. Diksyunaryo D. Aklat

"Ang inyong pinakamalaking kahinaan ay ang pagsuko. Ang pinakatiyak na paraan upang magtagumpay ay laging sumubok ng isang beses.”
"BE HONEST! Good luck and God bless!
STA MONICA ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATION
ASSESSMENT IN FILIPINO VI
QUARTER 1
SY. 2022-2023

COGNITIVE PROCESS DIMENSIONS

Learning Competencies Perce No. Of 60% 30% 10% Item


ntage Items place
Rem. Und. App. Ana. Eval. Cre. ment

Natutukoy ang pangngalang 20% 8 34-36 1-5


ginamit sa pangungusap.
Nakapagbibigay ng hinuha 12.5% 5 6-10
tungkol sa maaaring
kalabasan ng mga
pangyayari sa binasang
talataan at teksto.
Nagagamit nang wasto ang 15% 6 37 11-15
mga panghalip sa
pangungusap
Napagsunod-sunod ang 12.5% 5 16-20
mga pangyayari sa kuwento/
talata binasa.
Natutukoy ang damdamin 7.5% 3 21-23
ipinapahayag ng sitwasyon o
pangyayari
NAsasagot ang mga tanong 12.5% 5 24-28
sa nabasa o napakinggang
pabula, kwento, tekstong
pang impormasyon at
usapan
Nabibigyang kahulugan ang 12.5% 5 29-33
sawikain.
Natutukoy ang iba’t ibang 7.5% 3 38-40
pangkalahtang sanggunian
sa pananaliksik
total 100% 40 0 6 8 16 5 5

Inihanda ni:

ALFREDO D. PADUGA JR.


Grade VI Bangkal Adviser

Iniwasto ni:

MERIAM G. FERREOL
Master Teacher I
SUSI SA PAGWAWASTO

1. Pagkain
2. Pintor
3. Paaralan/Dengue
4. Bise Presidente/Kalihim ng Edukayon
5. Mag - aaral
6. A
7. B
8. A
9. A
10. C
11. mo
12. ako
13. kami
14. ko
15. namin
16. 2
17. 3
18. 5
19. 1
20. 4
21. C
22. D
23. A
24. B
25. B
26. A
27. C
28. A
29. walang nakakibo o nakasagot/ nawalan ng lakas ng loob sumagot
30. gulo o rambulan/ matinding labanan sa pagitan ng isa o marang tao
31. walang inaasahan/ pinaasa
32. nagbibingi-bingihan / walang naririnig
33. kinalimutan
34. A
35. C
36. A
37. B
38. B
39. A
40. B

You might also like