Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Name: Allen Christian Atis Date: August 25,2022

A. Kayo’y mga mananaliksik na nagbabalak lumahok sa susunod na kumperensya ng Ambagan.

B. Iisip kayo ng sampung salita mula sa isang wikang HINDI Tagalog.

C. Ang inyong mga salita ay dapat na may kabuluhang panlipunan at ginagamit sa isang larangan o kaya’y magkakaugnay
na larangan.

Wikang Pagmumulan ng mga salitang Ambag: Kapampangan

Pamagat ng Papel:

Mga Salitang Capampangan na Ugnay sa Agrikultura ng Pampanga o Ang Culinary Capital ng Pilipinas

Salita 1 at Kahulugan: paranum – patubigan sa bukid | karaniwan sa probinsiya makikita

Salita 2 at Kahulugan: gabun/balas – lupa

Salita 3 at Kahulugan: uman – halik

Salita 4 at Kahulugan: asan – maaring ulam o di kaya ay isda

Salita 5 at Kahulugan: pabukal – magpakulo ng tubig o kahit anong likido

Salita 6 at Kahulugan: magagtu – kapag di gaano naluto ang pagkain na niluluto

Salita 7 at Kahulugan: Tagilo/Tag-ilo – orihinal na paaran ng pagburo ng isda sa Pampanga

Salita 8 at Kahulugan: kaluguran– paraan ng pagpapakita ng paninindigan at may nais ipaglaban

Salita 9 at Kahulugan: mamadwas – nanghuhuli ng isda sa ilog

Salita 10 at Kahulugan: atbu – tubo (sugarcane)


Kabuluhang Panlipunan ng mga salita:

Ang kahalagahan ng pagkakaroon kaalaman sa mga salita o terminong ito ay para sa mas malalim na pag-unawa
sa iilang agrikulturang maitatampok ng cabalen sa loob at labas ng lalawigan ng Pampanga. Upang lubos na maunawaan
ang ideya ng aking papel, alamin muna natin ang maikling salaysay tungkol sa agrikultura ng Pampanga.

Sa patuloy na pagtaas ng mga oportunidad sa Pampanga at mga agrikulturang umuunlad sa probinsyang ito
hindi maikakaila ang pagsulong ng interes ng mga negosyanteng nais magpatayo rito ng mga imprastraktura, magsimula
ng mga bagong kalakalan, at makalakap ng mga kaalaman patungkol sa mga ito. Ang ilang pinakamaunlad na mga
agrikultura sa probinsyang ito ay pangingisda, pagsasaka, pagtutustos ng semento at ang pambihirang talento nila sa
pagluluto.

Sa mga lalawigan sa Rehiyon III, ang lalawigan ng Pampanga ay bumibilang sa humigit-kumulang 40% ng
produksyon ng maalat na isda sa Rehiyon, habang ang lalawigan ng Pampanga ay nagbabahagi ng humigit-kumulang
70% ng mga isda sa tubig-tabang na ginawa sa Rehiyon o humigit-kumulang 60% ng pambansang kabuuang produksyon
ng mga isda sa tubig-tabang. Natukoy din na sa Pampanga; palay ang pinakamahalagang pananim na sumasaklaw sa
humigit-kumulang siyam na pu’t anim (96) libong ektarya ng lugar na inaani. Naituturing din itong pinakamalaking
tagatustos ng mga semento sa bansang Pilipinas tulad na lamang ng BIG BOSS Cement, Inc. (BBCI), malaking
kompanyang tagatustos ng semento, ay gumagastos ng P10 bilyon para sa pagpapatayo ng dalawang pasilidad ng
semento sa bansa. Ang tagagawa ng semento sa pangunguna ng negosyanteng si Henry Sy, Jr ay kasalukuyang
nagsasagawa ng P7-bilyong pagpapalawak ng planta nito sa Porac, Pampanga. Kilala ang Pampanga bilang Culinary
Capital ng Pilipinas dahil karamihan sa pinakamasasarap na lutuing Filipino ay mula rito. Ang mga taong nakatira sa
Pampanga ay kilala rin na may hilig at husay sa pagluluto.

Sa lawak ng oportunidad na maaring i-alok ng probinsiyang ito, nararapat lamang na kilalanin ang mga salitang
may ugnay rito. Kaya naman ito ang mga salitang aking kinalap at nais ipagbigay kaalaman sa darating na
kumperensyang Ambagan. Aking hinihiling na mabigyang pansin ito dahil hindi lamang ito mga munting salita na maari
mong gamitin at sabihin sa pangaraw-araw, ngunit ito ay mga salitang maaaring makatulong sa iyo lalo na kung ikaw ay
isang indibidwal na nais magpaunlad ng negosiyo sa mapagkumbabang probinsya ng Pampanga.

Sintesis ng Pagkakaugnay-ugnay ng mga Salita:

Pambihira ang Pampanga pagdating sa kanilang lutuin at tinagurian na isa sa mga pinakamagaling at mainam sa
mga lutuing Pilipino. Ilan lamang sa mga ito ay ang tocino, longganisa, kare-kare, sisig at kilawin. Pagiging tagapagtustos
ng semento, pagsasaka at pangingisda ay ang mga pangunahing industriya ng cabalen (tawag sa mga residente ng
Pampanga) kung saan ang palay at tubo ang pangunahing pananim habang ang mga ilog at palaisdaan ay ang
pinagkukunan ng isda, hipon, at alimango. Sa mga kadahilanang ito, naispina kong ilagay ang mga salita na lubos na
magbibigay ng kaunting ideya kung anu-ano ang mga terminong maaari mong marinig kung ang iyong nais ay malaman
ang agrikultura ng Pampanga. Pagdating sa pagsasaka, ang mga salita tulad ng paranum at atbu ay ilan lamang sa mga
salita na maaari mong makaharap, habang sa pangingisda naman ay maaari mong marinig na may nagsasabi ng salitang
mamadwas. Baka ikaw rin ay maguluhan kapag may nagsabi ng salitang gabun sa iyo, huwag kang mag-alala kadalasang
maririnig mo ito pagdating sa semento o konkretong negosyo. Ngayon ay magpatuloy tayo sa mga termino na ginagamit
sa pagluluto at mga lutuin na talaga namang kailangan mong matutunan, ang mga salitang ito ay, tagilo, asan, magagtu,
at pabukal. Ang panghuli ay itong dalawang salita na Capampangan bilang bonus para sa inyo kung saan pwede mo ito
gamitin kapag nakikipag-usap ka sa isang tao na iniibig mo at mahalaga sayo, ito ay uman at kaluguran.
Batayan ng Pagmamarka
Kabuluhang Panlipunan ng mga salita (30%)- 15 puntos

Kabuuan ng mga Elemento sa Pagtalakay (60%) - 30 puntos

Wastong Baybay ng mga salita at kawastuhang Panggramatika(10%)- 5 puntos

You might also like