Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1. Ano ang pamagat?

Ipaliwanga ang kaugnayan nito sa nilalaman ng


kuwento.
 Ang pamagat ng pelikula ay “Bata, Bata…Pa’no ka ginawa?”. Sa unang dinig,
maaaring iisa lamang ang pumasok sa ating isipan. Iyong literal nitong
kahulugan. Subalit, kung papanoorin mo ito hanggang dulo ay malalaman mong
may mas malalim pa itong kahulugan. Tungkol ito sa paghubog sa kamalayan ng
mga bata at paglinang sa kanilang kakayahang magpasya. Masasalamin dito
ang mahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan hindi lamang sa
proseso ng pagbuo ng bata kundi pati na rin sa pagpapalaki sa mga ito.
Binibigyang-diin nito ang katungkulan ng kababaihan sa lipunan na ibang-iba sa
dating kaugalian kung saan sunod-sunuran lamang ang kababaihan sa
kalalakihan at ang tanging papel na ginagampanan lamang nila ay ang paggawa
ng mga gawaing bahay, pangangalaga sa mga bata at pagsuporta sa kanilang
mga asawa. Pinaglalaban nito ang ideyang simula pa lang sa pagpapalaki ng
anak ay malaki na ang gampanin ng kababaihan sa pagbuo ng isang disente at
makataong lipunan kung kaya’t nararapat lang na mabigyan sila ng pantay na
karapatan sa lipunan.

2. (Mga Tauhan) Sinong artista ang gumanap? Anong papel ang ginampanan
at anong katangian ng bawat isa?
Vilma Santos bilang Lea Bustamante
 Isang mapag-aruga at mapagmahal na ina kina Ojie at Maya. Mayroon siyang
matatag na paninindihan ukol sa estado at kahalagahan ng kababaihan sa
lipunan. Sa katunayan, nagtatrabaho siya sa isang non-government agency na
tinatawag na Women in Crisis Center kung saan ipinaglalaban ang karapatang
pantao partikular ng mga kababaihan. Naniniwala siya na mas mainam na
sabihin agad ang totoo sa mga bata kaysa malaman pa nito sa iba kung kaya’t
hindi na lihim sa kanyang mga anak na magkaiba ang kanilang ama. Naniniwala
rin siyang ang magulang ay hindi dapat nakikialam sa pagpapasya ng kanyang
mga anak kung kaya’t sinanay niya ang kanyang mga anak na gumawa ng sarili
nilang pagpapasya. Noong naipit siya sa sitwasyon kung saan napilitan siyang
papiliin ang kanyang mga anak sa pagitan niya at ng mga tatay nito, kahit na
alam niyang maaaring hindi siya piliin ng mga ito ay hindi pa rin siya nakialam sa
pagpapasya ng mga ito dahil bilang isang ina ayaw niyang mawalan ng sariling
pagpapasya ang kanyang mga anak na maaaring pagsisihan nila sa huli.
Ariel Rivera bilang Raffy
 Siya ang naging unang asawa ni Lea na napilitang makipaghiwalay nang hindi ito
pumayag na sumama sa Surigao kung saan siya nakakuha ng trabaho.
Makalipas ang ilang taon ay bumalik siya sa Maynila upang makasama ang
kanyang anak. Mayroon na rin siyang asawa at magtatatlong buwan na itong
buntis. Hindi siya sang-ayon sa pagtatrabaho ni Lea dahil napapabayaan daw
nito ang mga anak, bagay na madalas nilang napagtatalunan bilang mga
magulang ni Ojie. Naniniwala siyang ang babae ay dapat na nasa bahay lamang,
katuwang ng kanyang asawa sa pag-aalaga ng mga anak habang nasa trabaho
ito.
Albert Martinez bilang Ding
 Siya ang ama ni Maya at tumayong pangalawang asawa ni Lea kahit na hindi
sila kasal. Siya ang pumuno sa pagkukulang ng una nitong asawa. Kahit na hindi
siya totoong ama ni Ojie ay naging mabuti ang pakikitungo niya rito. Bagamat
mainitin ang ulo kahit kalian ay hindi niya ito nagawang pagbuhatan ng kamay
ngunit may minsang kinaila niyang kapatid ito ni Maya at sinabing magpinsan
lamang ang dalawa dahil na rin siguro ayaw niyang mapagkamalan itong anak
niya dahil natatamaan ang kanyang pagkalalaki. Hindi man niya sabihihin, alam
ni Lea na nahihiya siya dahil hindi siya ang unang asawa nito. Lagi rin siyang
nasa bahay ng kanyang ina, bagay na madalas nilang pag-awayang mag-asawa.
Dahil sa madalas nilang hindi pagkakaunawaan ay nagbago rin ang pagtingin
niya kay Lea hanggang sa umabot sa puntong nagpakasal siya sa iba.
Carlo Aquino bilang Ojie
 Siya ang panganay na anak ni Lea na nais sanang dalhin ni Raffy sa Amerika.
Kahit na kinaiinisan si Maya ay mahal na mahal niya ito at nais niyang ipakilala
sa kanyang tatay. Tulad ng isang inosenteng bata ay napakarami pa niyang hindi
naiintindihan. Madalas niyang itanong sa kanyang ina kung bakit naghiwalay sila
ng kanyang ama, kung bakit hindi ito sumamasa sa kanyang ama sa Surigao at
kung mahal pa ba nito ang kanyang ama. Umabot pa nga siya sa puntong sinisi
niya ito sa mga bagay na hindi nagawa ng kanyang ama para kanya at sa
pagkakaipit niya sa sitwasyon kung saaan kinailangan niyang pumili sa pagitan
ng dalawa. Ngunit sa huli ay unti-unti niya na rin itong naintindihan at pinili niyang
manatili sa tabi nito.
Serena Dalrymple bilang Maya
 Siya ang bunsong anak ni Lea na nanalo sa Ms. Kinder sa kanilang paaralan.
Masayahin siya, madaldal at matalinong bata. Lagi siyang may pangangatwiran
sa anumang sitwasyon. Kahit na madalas silang mag-away ng kanyang kuya na
si Ojie dahil sa pagkakaroon nila ng magkaibang ama ay mahal na mahal niya
ito. Hindi rin matatawaran ang pagmamahal niya sa kanyang mga magulang
kung kaya’t masyado siyang naapektuhan nang malaman niyang maghihiwalay
na ang mga ito. Naipit siya sa sitwasyon kung saan kinailangan niyang pumili sa
pagitan ng dalawa. Sa huli, bagamat lagi niyang ipinagtatanggol ang ama sa ina
sa tuwing nag-aaway ang dalawa ay pinili niya pa ring manatili sa pangangalaga
ng kanyang ina.
Rosemarie Gil bilang Mrs. Zalamea
 Siya ang principal ng pinapasukang paaralan ng mga anak ni Lea. Hindi maayos
ang pakikitungo niya kay Lea noong una dahil akala niya ay isa itong hospitality
girl dahil sa pagkakaroon nito ng dalawang anak sa magkaibang lalaki. Ngunit
nang malaman niyang nagtatrabaho si Lea sa isang human rights organization
ay nagbago ang pagtingin niya rito. Nakakita siya rito ng paghanga at kalauna’y
naging malapit na kaibigan nito. Tulad ni Lea ay ipinaglalaban niya rin ang
karapatang pantao. Sa katunayan ay sumusuporta siya sa mga miletanteng
grupo. Hindi nga lang siya direktang sumasali dahil sa katungkulan niya bilang
isang principal.
Raymond Bagatsing bilang Johnny Deogracias
 Siya ang katrabaho’t pantasya ni Lea. Lagi siyang nalalapitan nito sa tuwing ito
ay may problema.

You might also like