Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Preliminary Activities:

Bilang panimula, inaanyayahan ko ang lahat na tumayo para sa isang panalangin na


pangungunahan ng pangulo ng ating klase.

IANA: (Magdarasal)

Magandang Araw mga mag-aaral ng ikalimang baiting

ALL: Magandang Araw din po

Bago kayo umupo ay pulutin muna ninyo ang mga kalat na makikita sa ilalim ng inyong mesa at
upuan

Maaari ng umupo ang lahat

Ngayon naman ay alamin natin kung mayroon bang lumiban sa ating klase para sa araw na ito,
kalihim ng klase mayroon bang lumiban?

ZENROSE: Ikinagagalak ko pong sabihin sainyo na walang sinuman ang lumiban sa aming
klase sa araw na ito

Mahusay! Lahat kayo ngayon ay narito at handang matuto sa panibagong aralin na ating
tatalakayin sa

araw na ito.

Kahapon ay binigyan ko kayo ng takdang aralin hindi ba?

ALL: Opo

Ilabas ninyo ang inyong mga kwaderno at ipasa sa gawing harapan at ako na lamang ang
magwawasto ng mga ito

(Passing of papers)

Bago tayo magpatuloy, ano nga muli ang aralin na ating tinalakay kahapon? Sige nga Shiela

SHIELA: Kahapon po ay tinalakay natin ang Tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya sa pag-
aayos ng tahanan

Mahusay. Mayroon pa ba kayong katanungan tungkol sa ating aralin kahapon?

ALL: Wala na po

Sa puntong ito ay may ipapakita akong larawan sa inyo at nais kong tukuyin ninyo kung ano ang
inyong makikita batay sa larawan
(Flash house)

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

ALL: Bahay po

Ano ang masasabi niyo sa larawan?

Zenrose: Maganda at Malaki po

Nais niyo rin bang tumira sa ganito kagandang bahay?

ALL: Opo

Pamilyar ba kayo sa paglalakbay o tour kung tawagin sa wikang ingles?

ALL: Opo

Nais niyo ba na tayo ay magkaroon ng isang munting paglalakbay?

ALL: Opo

Kung gayon ay sige, tayo ay magkakaroon ng isang paglalakbay. Ngunit bago tayo magsimula,
ano nga ba ang dapat nating tandaan sa oras na tayo ay magsimula na?

Patricia: Tumahimik at makinig po

Tama, dapat tayo ay tumahimik kapag tayo ay hindi tinatanong o kaya naman ay hindi tayo
sasagot. Ano pa? Iana

Iana: Magpakita po ng partisipasyon

Mahusay, kailangan na magpakita tayo ng partisipasyon dito sa ating aktibidad, sapagkat kayo
rin ang matututo sa ating gagawing aktibidad.

Handan na ba kayo?

ALL: Opo

Kung gayon ay atin ng sisimulan ang isang makabuluhang paglalakbay sa tahanan de


kapayapaan

You might also like