Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Kaalaman at Kasanayan sa

Pagtatanim ng Halamang Ornamental


(EPP4AG-0a-1)

Mga Layunin:
1. Natatalakay ang kaalaman sa pagtatanim ng
halamang ornamental
2. Naiisa-isa ang mga kasanayan sa pagtatanim ng
halamang ornamental
Pagganyak
Ano ang halamang ornamental? Anu-ano ang
halimbawa ng halamang ornamental? May
maitutulong ba saiyo ang pagkakaroon ng mga
halamang ornamental sa bahay?
Pagtatalakay
❖ Ang mga kahulugan ng iba’t ibang salita na
may kinalaman sa paghahalaman.

1. Halamang ornamental- ito ay mga tanim na


ginagamit na palamuti sa mga restawran , hotel,
simbahan, paaralan, bahay, parke at mga
lansangan.
2. Paghahalaman – Ito ay isang sining ng pagbabago
ng mga halaman, ginagawa ito sa labas o loob ng
bahay ito ay tinatawag ding paghahardin.
Pagtatalakay
3. Pangkabuhayan – Ito ay trabaho o
pangkabuhayan para sa pangangailangan ng
bawat isa o pamilya araw-araw.
❖ Ang mga halamang ornamental ay dapat may
tamang lalagyan o nakatanim sa mga paso o
plastik upang maging magandang tingnan. Ito ay
maaring namumulaklak o di-namumulaklak.
Pagtatalakay
❖ Ilan sa mga halimbawa ng namumulaklak ay ang
Santan, Rosas, Rosal, Dahlia, Coscos, Daisy at
marami pang iba.

Dahlia Daisy
❖ Ang San Francisco, Snake Plant, Fortune Plant at
Iguala ay mga halamang hindi namumulaklak.

San Francisco Fortune Plant


Pagtatalakay
❖ Ang ilan sa mga ito ay may matitigas na sanga
tulad ng Bougainvillea, Gumamela, Santan, San
Francisco, Rosas at marami pang iba. Ang lily,
Cosmos, Magic Rose ay may malalambot ang
sanga at may magagandang bulaklak.

Bougainvillea Magic Rose


Pagtatalakay
❖ Pabitin na mga bulaklak naman ang tawag sa mga
Orkidyas at Forever Flower.

Orkidyas Forever Flower


Pagtatalakay
❖ May iba’t ibang kasanayan at mga dapat isaalang-
alang upang maitanim ng maayos ang mga
halamang ornamental at angkop ang
kasanayang ginagawa sa paghahalaman.
Halimbawa:
• Bubungkalin muna ang tanim ng maayos at
kinakailangan ang tanim na binungkal ay
may kasamang kaunting lupa bago ito
ililipat sa lupang pagtataniman nito.
Pagtatalakay
• Ang tanim naman na binunot lamang na walang
kasamang lupa at diretsahang inilipat sa lupang
pagtataniman nito ay madaling malalanta o
kadalasan ito ay namamatay.

Kasanayan sa Pagtatanim ng mga Halamang


Ornamental:
• Paghahanda ng mga itatanim o patutubuing
halamang ornamental.
Pagtatalakay
• Pagpaparami ng mga halamang ornamental
o Paraang pagpuputol
o Paraang pagbubungkal ng lupa
o Paglalagay ng abono sa mga halaman
• Paggamit ng kagamitang paghahalaman.
• Pagpili ng mga itatanim na halamang ornamental
Pagtatalakay
Pagkukunan ng mga Halaman at Iba pang
Kailangan sa Halamang Ornamental
❖ Ang halamang Ormental ay ginagamit na palamuti
sa mga tahanan, paaralan, restaurant, at mga
lansangan. Gaya ng mga bulaklakin, halamang
baging, at halamang palumpong. Mga halamang
hindi namumulaklak at mga halamang medisinal.
Pagtatalakay
Mga mapagkukunan ng mga halamang ornamental
1. Humingi sa kapitbahay
2. Bumili sa mga flower shop
3. Humingi sa mga kaibigan
4. Bumili online
5. Humingi sa hardin ng simbahan, paaralan o
parke
Pagtatalakay
❖ Ang pagtukoy sa mga lugar na mapagkukunan ng
mga halamang ornamental ay isa sa mahalagang
aspeto ng pagtatanim dahil ito ay nakakatulong
na mapadali ang paggawa at pagpapaganda
ng taniman.
❖ Ang halamang ornamental ay may paraan ng
pagtatanim at pagpapatubo, isa na rito ang
tuwirang paraan. Ang itinatanim sa mga
halamang ornamental ay nagmumula sa sanga at
buto.
Pagtatalakay
❖ Ang tuwirang pagtatanim ay isang paraan ng
pagtatanim na kung saan diretso na sa taniman
ang pagtatanim, maaaring sanga o buto ang
itatanim.
❖ Mga halamang ornamental na sanga
ang itinatanim: Santan, Gumamela,
Rosas, San Francisco, Golden
Candle, at Sampaguita
❖ Mga halamang ornamental na buto ang itinatanim:
Sun Flower, Marigold, Cosmos, Margarita, Butones
at Padung-Padong
Pagtatalakay
Wastong Paraan ng Pagtatanim sa Tuwirang
Pagpapatubo:
1. Ihanda ang lupang taniman at diligan.
2. Lagyan ng patpat, tali o panukat upang maging
gabay.
3. Gumawa ng mga butas sa ilalim ng buhol.
4. Maghulog ng 2-3 buto o paglalagay ng sangang
itatanim.
5. Takpan ng manipis na lupa sa bawat butas na may
tanim.
6. Maingat na diligan ang paligid ng butas.
Pagtatalakay
Mga Wastong Paraan sa Pagtatanim sa Di-tuwirang
Pagpapatubo:
1. Ihanda ang kahong punlaan.
2. Ibabad ng magdamag ang mga butong pantanim
o sangang pantanim sa tubig.
3. Ipunla sa kahong punlaan ang mga buto/sanga at
takpan ito habang di pa lumalabas ang unang
sibol.
4. Itago muna ang kahon at kapag nagsisimula ng
sumibol ang mga buto, unti-unting ilantad sa araw
ang kahong punlaan.
Pagtatalakay
5. Kapag may nakita ka ng tatlo hanggang apat na
totoong dahon, maaring na itong ilipat sa kamang
taniman.
6. Piliin ang mga payat at dikit-dikit na punla. Itanim
sila na magkakahiwalay sa kahong punlaan
upang lumaki ng malusog saka sila ilipat sa
kamang taniman.
7. Iwasang mapinsala ang mga
ugat ng punla kung ito ay
ililipat nang tanim.
Paglalapat
Lagyan ng ✓ ang patlang kung ito ay tumutukoy sa
tamang mapagkukunan ng halamang
ornamental, at X naman kung hindi.
_______1. Bumili sa flower shop.
_______2. Humingi sa kapitbahay.
_______3. Mamitas sa paaralan ng hindi
nagpapaalam.
_______4. Mamitas sa parke habang walang
nakakakitang tao.
_______5. Humingi sa mga kaibigan.
Paglalahat
❖ Ang mga halamang ornamental ay dapat may
tamang lalagyan o nakatanim sa mga paso o
plastik upang maging magandang tingnan. Ito ay
maaring namumulaklak o di-namumulaklak.
Takdang-Aralin
Itala sa tamang hanay ang mga halamang
ornamental na napili sa kahon. (10 puntos)
Magic Rose Rosal Gabi-gabi Fortune Lily
Santan Rosas Kalachuchi Cosmos Daisy
Halamang matigas ang Halamang malambot ang
sanga sanga

You might also like