FILIP10 Q1 Modyul 2 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Filipino 10- Mga Akdang Pampanitikan ng Daigdig at El Filibusterismo

Unang Markahan: Mga Akdang Pampanitikan mula sa Mediterranean


Modyul 2: Pangaral

I. SUBUKIN (What I Know)

Kapag nagkakamali ka o nagkakasala ka sa isang tao, kaibigan man o kapamilya, ano ang
iyong mga ginagawa bilang pag hingi ng kapatawaran? Isulat sa hugis puso ang iyong
sagot.
II. TUKLASIN (What’s New)

Isa sa mga paraan ng pagkukuwento ay ang parabula (parable). Ito ay karaniwang maikling
salaysay na nagtuturo ng moralidad o kinikilalang mga pamantayang moral ng isang komunida o
lipunan. Sa tradisyong kanluranin, ang parabula ay batay sa mga kuwento at turo ni Jesus. Ang
43 na parabula sa Biblia ang patunay kung gaano kadalas ginamit ito ni Jesus sa kanyang
pangangaral.

Ang Alibughang Anak


(Lukas 15:11-32)

May isang ama na may dalawang anak na lalaki. Minsan ay hiningi na ng bunsong anak sa ama
ang hati ng kanyang mamanahin. Malugod naman ito ibinigay ng ama.Kaya’t nang makuha ng
bunso, nagpunta ito sa malayong lugar at inaksaya ang kanyang bagong angking kayamanan.

Subalit hindi naglaon, dumating ang panahn ng pagkagutom. Nagipit ang bunso kaya naman
napilitan siyang mamasukan at magsilbi bilang tagapag-alaga ng baboy sa isan mayamang tao sa
lugar na yaon. Kailangan niyang gawin ito upang magkaroon lamang ng laman ang kaniyang
tiyan. Subalit anong kamalasan din naman ang kanyang inabot dahil sa tira-tira pa ng pagkain ng
baboy ang kanyang knakain. Napag-isip-isip niyang mabuti pa ang mga utusang sa kanyang ama
na nakakakain nang mabuti at nasa oras. Kaya niya napagpasiyang bumalik sa kaniyang ama.
Malayo pa lamang at nakita na siya ng kanyang ama, kaya’t sinalubng ang anak, niyakap at
hinagkan.

“Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo. Hindi ako karapat-dapar na tawaging anak
mo; gawin mo nalang akong parang isa sa iyong mga utusan”nasambit na ng bunso ang matagal
niyang pinaghandaang sabihin sa ama.

Ngunit biglang nag-utos ang ama sa kanyang mga alila “Madali, dalhin ninyo rito ang damit na
lalong mahalaga at isuot ninyo sa kanya; suotan ninyo ng singsing ang kanyang daliri at ng sapin
ang kanyang mga paa. Kunin ninyo at patayin ang matabang bulo, kanin natin at tayo’y
magdiwang. Sapagkat ang anak kong ito’y namatay at muling nabuhay; nawala at muling
natagpuan.”

Sa sandali ring iyon ay nagkaroon ng pagdiriwang sa buong kabahayan. Siya namang pagdatin
ng panganay na anak ng ama. Narinig niya ang kanyang tugtugan at sayawan kaya siya
nagtanong. Nagalit siya nang malaman niyang ipinagdiriwang ng ama ang pagbabalik ng
kanyang kapatid. Sinubukang yakagin ng ama ang panganay na pumasok na sa bahay at makiisa
sa pagdiriwang.

“Mahabang panahon nang ikaw ay pinaglilingkuran ko, at kailanma’y hindi ako sumuway sa ga
utos mo; at kailanma’y hindi mo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing man lang upang
makipagsaya ako sa aking mga kaibigan. At ngayong dumating na ang anak mong ito, na
naglustay ng iyong ari-arian, ipinagpatay mo pa siya ng bulong mataba,” tugon ng panganay sa
paanyaya ng ama.

“Anak ikaw ay laging kasama ko at ang lahat ng akin ay sa iyo. Datapwa’t nararapat na tayo’y
magpiging at lumigaya, sapagkat itong kapatid mo ay namatay at muling nabuhay, nawala at
muling natagpuan” sambit ng ama sa kanyang panganay na anak.

III. PAGYAMANIN (What’s More)

Maghanap ng ibang pang parabula. Pumili at isalaysay sa VLOG. Ipasa sa google classroom.

Ang Pariseo at Kolektor ng Buwis


IV. TAYAHIN (What I have learned)

Ipakita ang iyong pagkatuto sa aralin. Sagutan ang Gawain sa ibaba.

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. I-VLOG ang iyong mga sagot.

1. Ano ang ibig sabihin ng “alibugha”? Sino sa dalawang anak ang alibugha?

2. Ano ang dahilan ng pag-alis ng bunsong anak sa kaniyang pamilya?

3. Ano ang tugon ng kanyang ama?

4. Ano ang reaksyon ng kapatid sa ginawang pagtanggap ng ama sa alibughang anak? Ano ang
kanyang katwiran?

5 Ano ang aral na iyong natutunan sa parabula?

You might also like