Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

ARALIN 1- MGA KATANGIAN NG WIKA

Wika ang pangunahing kasangkapan ng komunikasyon. Nagiging posible ang pag-uunawaan sa pagitan ng mga tao dahil
sayong pagsalita o pagkilos. Lahat ng Gawain ng tao ay dumadaloy sa pamamagitan ng wika. Ito ang instrumento ng
Pagkakaunawaan para sa lahat

MGA BARAYTI NG WIKA


Kakabit ng komunidad ang kulturang humubog sa kaniyang tiyak na mga paniniwala, tradisyon, at paraan ng
pamumuhay. Ang kulturang ito ay sumasakop sa pangkabuuang mga pananaw sa pinagmumulan ng iba’t ibang mga
ritwal, kasabihan, pagpapahalaga, asal, at gawi ng isang pamayanan. Kaugnay nito, Malaki ang papel ng wika upang
panatilihin, ipalaganap, o kaya naman ay paunlarin ang kultura ng anumang pangkat.

Sa wika mababanaag ang mga natatanging halagahin ng isang kultura. Halimbawa, ang napakaratingsalitang may
kaugnayan sa bigas gaya ng palay, kanin, sinaing, malata, malabsak, tutong, rukot, bahaw, sinangag, luhaw, atbp. Ay
nagpapakita ng mahalagangpapel nito sa kulturang Pilipino. Sa kabilang banda, ang kawalanng katutubong terminong
Filipino para sa burger atsteak ay nagpapakita na ito ay mga banyaga sa ating kultura.
Gayundin, ang mga kultural na salita gaya ng canao, vinta, t’nalak, bayanihan, ayadon, at pakbet ay nagpapahayag
naman ng multicultural na katangian ng higit sa 100 etnikong grupo sa bansa. Kung kaya sa leksikon o listahan palang ng
mga salita, maaari nang matukoy ang kakaibang katangian ng isang kultura. Samakatuwid, kung bibigyang-pansin ang
mga katangian ng wika, maaaring mailarawan at masuri kung paano nito ipinapahayag ang identidad ng kulturang
pinagmulan nito. Maaari ring matukoy kung paano nagagamit ang wika upang mag-ugnayan ang mga kabahagi ng isang
particular na kultura, pati na rin kung paano sila makiugnay sa mga taong hindi bahagi ng nasabing kultura.

Ang bawat lipunan ay binubuo ng speech community o lingguwistikong komunidad. Tumutukoy ito sa tiyak na
komunidad ng kinabibilangan ng mga taong may iba’t ibang oryentong panlipunan atay sa kanilang particular na grupong
kinabibilangan gaya ng lokasyon, katayuan sa buha, kasarian, mga interes, edad, lahi propesyon at iba pa. Bunsod ng
mga kategorya ng mgapangkat na ito, nag-iiba-iba rin ang gamit ng wika kung kaya nagkakaroon ng barayti ng wika.

DAYALEK

Ito ang barayti na hinuhubog ng hangganan ng mga bundok, dagat, ilog, at iba pang katangiang topograpikal na
nagdudulot ng paglilipat o pananatili ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa iba pa.
Nagbabago ang wika at masistema ang pagbabagong ito. Ayon kay rubric, isang lingguwistang Cebuano, kung hindi
maipasa ang anumang pagbabago na naganap sa sentro o sa alinmang rehiyon sa isang grupo, malamang na unto-unting
maging iba ang pagsasalita ng mga grupong iyon,
Ang dayalek ay maaaring magpakita ng pagkakaiba-iba sa tono, gamit ng salita, at paraan ng pagbubuo ng mga
pangungusap sa loob ng iisang wika. Halimbawa, kahit na tagalog ang katutubong wika sa mga lalawigan ng Bulacan,
Laguna, Rizal, Batangas, Aurora, Quezon at Nueva Ecija, may mga tiyak na paraan ng paggamit nito sa bawat lugar.

 Maging sa pagbigkas, nagkakaiba-iba ang mga dayalek. Bilang patunay, may barayti ng Iloko sa Cagayan, La
Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Baguio, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac, Isabela, Pangasinan, Mindoro, Abra,
at Cotabato. Halimbawa sa Ilocos Sur, ang pagsasabi ng “oo” o “wen” ay naiiba-iba sa mga lugar. “Wen” ang
bigkas sa Vigan, “wan” sa gitnang bahagi at “win” naman sa gawing timog (Silapan at Fabros 1997)

SOSYOLEK
Bukod sa dayalek, maari ding magkariin ng pagkakaiba-iba sa paggamit ng iisang wika batay sa mga grupong
kinabibilangan batay sa edad, kasarian, lahi, katayuang panlipunan, propesyon, interes, at iba pa. Social dialect o
sosyolek ang barayti ng wikang nabubuo ng ganitong mga kategorya.
Sa batayan ng edad, nagkakaiba-iba ang paraan ng pagwiwika ng mga bata kung ihaihambing sa mga kabataan at
nakatatanda dahil sa pagkakaiba-iba ng lawak ng kanilang mga karanasan. Maaaring limitado ang mga salitang bigkasin
ng mga batang may edad na pitong taon pababa ngunit naipapahayag pa rin nila ang kanilang saloobin sa pamamagitan
ng paglalaro ng mga tunog at paglikha ng sariling mga pahayag gaya sa mga awit na “Pen pen de Sarapen” at “Tong,
Tong, Tong, Pakitong-kitong.”
Kung pag-uusapan naman ang kasarian, napatunayan na ng mga naunang pag-aaral na magkaiba ang pagsasalita ng mga
lalaki at babaeng nasa kolehiyo. Mas malimit na ginagamit ng mga babae ang mga hiram na salita at mga positibong
pang-uri kaysa sa mga lalaki (sipi ni Rubrico kay Montenegro). Samantala, patuloy ang paglaganap ng wikang bakla na
kung tawagin ay gay lingo kahit na noong una ay eksklusibo ito para lamang sa kanila. Ngunit dahil sa dinamiko ang wika,
ang mga terminong tulad ng chila, jowa, syota, tsugi, charing, at iba pa ay nagagamit na rin ng nakararami.

Ang katayuang panlipunan ay isa ring mahalagang salik sa pagtuloy sa sosyolek, subalit kalimitan din itong may
mapanghati kundiman mapang-aping konotasyon. Kapwa ang pagbansag sa pagwiwika ng mga elite bilang “cono” at sa
mga mahihirap bilang “bakya” o “jejemon” ay nagpapahiwatig ng diskriminasyon. Ngunit kung susuriin , ang sosyolek ay
bahagi ng paghahangad ng bawat grupo, mayaman man o mahirap, na maipahayag ang kanilang sariling pananaw sa
paraang maalwan at malikhain.

Tulad ng edad, kasarian at katayuan sa buhay, maaari ding magkaroon ng barayti ng wika ayon sa iba’t ibang interes o
libangan, propesyon, o kaya naman ay lahing pinagmumulanng isang tagapagsalita. Halimbawa, kung iisa-isahin ang iba’t
ibang uri ng laro, tiyak na may mga jargob o kaban ng salitang bitbit ang mga ito.

Sa kasalukuyan, ang mga naglalaro ng mga larong kompyuter ang isa sa pinakaaktibong nakalilikha ng mga bagong salita
gaya ng GG (good game) at FTW (for the win), imba (sobrang galing o sobrang hina) at noob (baguhan).

Importante ang jargon sa paghahanay ng mga kahulugan ng mga salita dahil may partikular itong gamit ayon sa sosyolek
kung saan ito nag mula. Kaugnay nito, kailangang malay na malay rin ang ispiker kung kailan at paano dapat gamitin ang
tiyak na salita upang maging maayos ang pakikipagtalastasan.

MGA ANTAS NG WIKA

Patunay ang jargon ng bawat sosyolek na napakaraming salita ang ang nalilikha araw-araw. Marami rin ang nabago at
nagbago ang kahulugan at anyo ayon sa pangangailangan ng komunikasyon. Depende sa paksa, larangan ng usapan, at
ugnayan ng mga kalahok sa komunikasyon, maaaring maging pormal o di-pormal ang antas o register ng wika.

 Ang pormal na antas ng wika ay kalimitang ginagamit sa mg ausapang pang-akademikon, pang-negosyo,


pambatas, at panrelihiyon. Ang mga salitang ginagamit ay kalimitang natatagpuan sa mga nagsusulat na
dokumento gaya ng mga limbag na aklatat diksiyonaryo. Kung sa pagsulat, makikita ang pormal na wika sa mga
pampublikong dokumento na nagpapahayag ng mga batas, patakaran, at mga mensaheng nakatuon sa mga
usaping pambayan; mga kasunduan, katibayan, at sertipiko. Madalas ring naiuugnay ang pormal na antas ng
wika sa tradisyonal na panitikan na kalimitang gumagamit ng mga salitang may malalim at/o lumang kahulugan
gaya halimbawa ng tradisyong Balagtasan. Gayundin, pormal na wika ang ginagamit upang ipakilala ang
paggalang sa kausap tulad ng mga talumpati at debate o di kaya naman ay sa mga usapan sa pagitan ng bata at
nakatatanda, ng empleyado sa kaniyang superior o ng mga mamamayan sa president ng bansa.
 Samantala, ang impormal na register ng wika naman ay tumutukoy sa uri ng wika na ginagamit sa mga tipikal
na usapan ng mga magkakaibigan at mga malalapit na magkakagrupo. Ang impormal na wika ay mas
madalingbaguhin at bukas sa paglalaro sa anyo gaya ng mga binaliktad na salita: erpat (pater-tatay), yosi
(sigarilyo), dabarkads ( barkada). Ang mga pahayag na bulgar at bawal ay nakapaloob din sa antas na impormal
na kung tawagin ay balbal.

Kalimitan itong hindi ginagamit sa anyong pasulat at hindi rin agad-agad ipinapahayag upang mapanatili ang
matiwasay na relasyon.

Kung kaya tulad ng pananamit, may tiyak na uri ng wika para sa anumang sitwasyon ng komunikasyon. Isang
mahalagang hamon na dapat pagtagumpayan ng sinuman ang paggamit ng angkop na wika ayon sa sitwasyon at
ang pag-unawa sa kahulugan nito batay sa konteksto ng kulturang lumikha dito.

IDYOLEK
Hindi madaling unawain ang paraanng pagwiwika ng iba’t ibang grupo ngunit nakatutulong ito upang higit na
mapadali ang komunikasyon. Ang pag unawa sa mga barayti ng wika ay nagpapaliwanag na hindi homogenous
o iisa lamang ang wika sa halip heterogenous ito. Likas na may pagkakaiba iba at pagiging natatangi ang mga
grupong gumagamit ng wika kahit na kabilang sila sa iisang lipunan at iisang wika lamang ang pinag-uusapan.
Kung tutuusin, mas malinaw na mapapahalagahan ang pagkakaiba-iba ng mga barayti ng wika dahil sa
konsepto ng idyolek, o ang indibidwal at personal na gamit ng tao ng wika. Bawat isa ay may sariling paraan ng
paggamit ng wika batay sa kaniyang pinagmulang lahi, kasarian, edad, interes, at iba pang kinabibilangang
pangkat. Gayundin, dahil natatangi ang paraan ng pag-iisip at pagkilos ng isang indibidwal, walang taong may
kaparehas na idyolek. Kung kaya hamon na unawain ang iba’t ibang barayti mula indibidwal patungo sa kapwa
at lipunan.
PAGKAKAISA SA GITNA NG PAGKAKAIBA
Bawat tao ay may wikang katutubo. Ito ang wikang kaniyang kinagisnan at kinalakihan bilang unang wika at
tinatawag rin itong inang wika o mother tongue. Kalimitan ito rin ang wikang pinakamaalwan at komportable
niyang gamitin. Ang lipunang monolingguwal ay tumutukoy sa isang komunidad na mayroong iisang
katutubong wika tulad halimbawa ng bansang Britanya na Ingles ang wika. Sa kabilang banda, may mga
lipunan na billinguwal, kung saan dalawang wika ang umiiral sa komunikasyon. Bukod sa inang wika, may
pangalawang wika na maaring katutubo rin o kaya nama’y banyaga sa lugar na iyon tulad ng bansang Canada
na kapwa gumagamit ng Pranses at Ingles. Multillinguwal naman ang mga lipunang mayroong tatlo o higit
pang umiiral na mga wika gaya ng Pilipinas na may humigit-kumulang 170 wikang katutubo.

Ang isang lungsod, probinsiya, o rehiyon ay maaaring binubuo ng mga taong may iba’t ibang wika. Bilang
halimbawa, sa isla ng Tablas sa Romblon, nagtatagpo ang mga Asi, Onhan, at Romblomanon dahil ito ang
sentro ng kalakalan ng probinsiya. Sa lungsod ng Baguio naman namumuhay ang mga Bontok, Ifugao, Iloko,
Kankanaey, at iba pang mga grupo sa Norte. Maging sa Davao, may Cebuano, Davaweno, Tagalog, Bagobo,
Mamanwa, Manobo, Mandaya, at Mansaka.
Ang mga lugar na ito ay nangangailangan ng lingua franca o isang wikang pambalana para sa komunikasyon ng
mga PIlipinong may isab’t ibang katutubong wika. Cebuano ang rehiyonal na lingua franca sa Davao at iba
pang mga lugar sa Kabisayaan at Mindanao, Iloko naman sa Baguio at iba pang bahagi ng Kanlurang Luzon,
samantalang Filipino ang panlalawigang lingua franca sa Romblon at siya ring pambansang lingua franca sa
PIlipinas.

Kalimitan ang lingua franca ay pangalawang wikang natutuhan sa paaralan, sa kalakalan, o kaya naman ay sa
mass media at simbahan. Sa pamamagitan ng lingua franca, ang mga multillinguwal na lipunan ay nagkakaisa.
Nagiging possible ang ugnayan kahit na magkakaiba ang mga katutubong paniniwala at kultura. Nagkakaroon
din ng pagkakataong magbahaginan ng mga karanasan at pagpapahalaga sa isa’t isa.
Samantala, sa mga pagkakataong walang lingua franca sa pagitan ng mga tagapagsalita, lumilikha sila ng
pansamantalang wika na kung tawagin ay pidgin.
Gaya ng nangyari sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol ng nagresulta sa wikang Chavacano. Una itong
naging wikang pidgin mula sa halo-halong wikang Espanyol, Tagalog, Cebuano, Ilokano, at iba pa.

Nagyari ito nang magtayo ng kuta ang mga Espanyol sa Mindanao at pinagsama-sama ang mga Pilipino mula
sa Luzon at Visayas na noon ay hindi pa nagkakaintindihan. Ang Chavacano ay nagsimula bilang imbentong
pagpapahayag na pidgin. Nang lumaon, nag-asawahan ang mga Espanyol at ang mga Pilipino. Ginamit ng
kanilang mga anak ang pidgin, kung kaya ang imbentong wikang ito ay naging creole o inimbentong wika na
may katutubong tagapagsalita.

Samakatuwid, ang tao ay lagi’t lagging lumilikha ng wika at mga barayti nito ayon sa kaniyang mga
pangangailangan. Hindi limitado sa lokasyon o antas sa buhay ang katangian nito. Sa halip, nabibigyang-kulay
ng maraming mga katangiang panlipunan ang pagpapahayag ng iisang wika.

You might also like