Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Bawal Judgemental

SHEKINAH: Saya, Kaba, Excitement, yan ang mga mararamdaman natin today dahil handa na
ang mga proweba dito sa larong bawal ang mapanghusga, ito ang bawal judgemental. Oras na para
chikahin ang judge natin for today. Kilalanin natin siya.
:(JOHN MICHAEL PAKILALA)
SHEKINAH: Welcome to bawal judgemental (name) ng (lugar).
JOHN MICHAEL: Hello po mga dabarkads.
SHEKINAH: Magshout out ka muna (name).
JOHN MICHAEL: (bumati)
SHEKINAH: Oh JOHN MICHAEL judgemental ka ba?
JOHN MICHAEL: Hindi masyado.
SHEKINAH: Magaling ka ba kumilatis ng tao?
JOHN MICHAEL: Ahm, sakto lang.
SHEKINAH: Galingan mo ngayon JOHN MICHAEL dahil ang jackpot prize na pwede mong
maiuwi ay up to Php.50,000. Alagaan mo yan at kilatisin mong mabuti ang mga pagpipilian dahil
bawat maling sagot ay may katumbas na Php.10, 000 na ibabawas sa pera mo. At para sa mga
kikilatisin mo (name) eto na ang ating mga dabarkads. Dabarkads, pasok. :Umpisahan natin kay
letter A.
MABEL: Hi mga dabarkads, ako si Placement at naniniwala sa kasabihang dapat tasahin ang pre-
requisite learning o skills ng isang mag-aaral upang mailagay siya sa angkop na lugar batay sa
kanyang kakayahan.
SHEKINAH: Eto naman si letter B.
ANGELICA: What’s up mga dabarkads ako si Diagnostic at naniniwala sa kasabihang dapat
tuklasin ang kahusayan o kahinaan ng mga mag-aaral sa partikular na aralin o asignaturang
kinukuha bago ito ituro.
SHEKINAH: Letter C
ROSELYN: Hello dabarkads ako si Formative at naniniwala sa kasabihang sa maikling panahon
ng proseso ng pag-aaral o pagkatapos ng isang instruksyon ang mga mag-aaral ay dapat sinusukat.
SHEKINAH: Dito naman tayo kay letter D.
JOBEL: Ako po si Summative at naniniwala sa kasabihang ako ang wakas. Nasa akin ang huling
halakhak.
SHEKINAH: Letter E.
HEIDI: Hi madlang dabarkads. Ako si Epik at naniniwala sa kasabihang dapat talakayin ang
kabayanihan ng tauhang nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.
SHEKINAH: At si Letter F.
IAN: Ako si Lam-ang mula sa Ilocos at naniniwala sa kasabihan ni epik.
SHEKINAH: Maraming salamat sa ating mga choices. (Name) nakilala natin sila, simulan na natin
ang Bawal Judgemental. JOHN MICHAEL Ano sa tingin mo ang tanong?
JOHN MICHAEL: Ahm, sino sino sa kanila ang may magandang pangalan?
HAHAHAHAHAHAH
SHEKINAH; Okay, ang layo. Ito na ang tanong……. sino-sino sa kanila ang apat na uri ng
pagsusulit. Kapag sinabi nating pagsusulit, ito ay isang uri ng pagtataya sa kaalaman at kakayahan
ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
JOHN MICHAEL: Ahm, si letter a, letter d, letter e, at letter f.
SHEKINAH: Siguro ka na ba diyan JOHN MICHAEL
JOHN MICHAEL: Siguradong-sigurado na.
SHEKINAH: Okay, simulan natin kay letter a. Ikaw ba ay uri ng pagsusulit?. (tunog ng tama).
SHEKINAH: Letter d, ikaw ba ay uri ng pagsusulit? (tunog ng tama).
SHEKINAH: Dalawa na lang JOHN MICHAEL.
SHEKINAH: Puntahan natin si Letter f, ikaw ba ay uri ng pagsusulit? (tunog ng mali).
SHEKINAH: Minus, Php. 10, 000. (name) mayroon ka na lang Php.40,000. Maiuuwi mo na ba
ito, o mababawasan pa?
SHEKINAH: Dito na tayo kay letter e, ikaw ba ay uri ng pagsusulit? (tunog ng mali).
SHEKINAH: Mali na naman. Minus Php.10,000. Anyare (name). Ganito kasi yan ang mga uri
ng pagsusulit ay ang placement, diagnostic, formative, summative, aptitude, discrete,
proficiency, closed, norm-referenced, at criterion-referenced. Habang ang dalawa mong maling
napili ay epiko ng mga tribo sa Pilipinas. Katulad ng:
Muslim - Bantugan
Maguindanao - Indarapatra at Sulayman
Malay - Bisidari
Sulu - Parang Sabir
Samar Leyte - Haraya at Lagda
Negros - Hari sa Bukid
Palawan - Dagoy at Subsod, Kudaman
Tagalog - Kumintang
Bagobo - Tatuang
Ilokano - Biag ni Lam-ang
Ifugao - Hudhud at Alim
Bicol - Ibalon at Aslon, Hadion
Panay - Hinilawod
Bisaya - Maragtas
Iloilo - Labaw Dunggon
Kuyonin - Ronsay
Manobo - Ulangiyen at Seleh
Ibaloy - Kabunian at Bendian

SHEKINAH: Pero okay lang yan JOHN MICHAEL. Ikaw ay nagwagi pa din ng Php.30,000.
Congratulations (name)
JOHN MICHAEL: Maraming salamat po dabarkads.
SHEKINAH: At salamat din sa ating mga nakachikahan today.
SHEKINAH: Muli, ito ang larong bawal ang mapanghusga, ito ang bawal judgemental.

You might also like