Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

MABALACAT CITY COLLEGE

INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION


(IASTE)

MODULE 1-2

EDFIL
ESTRUKTURA AT GAMIT NG
WIKANG FILIPINO

ALMA T. BAUTISTA, PHD


Instructor
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

MODYUL 1-2

MATATAMONG KAALAMAN:
Naipapaliwanag ang mga konseptong nakapaloob sa Estruktura ng Wikang Filipino.
Naibibigay ang pagkakaiba-iba ng Ponemang segmental sa Ponemang Suprasegmental

Paksa:
Batayang Kaalaman sa estruktura at gramatikang Filipino
Ponolohiya ng wikang Filipino
Sangkap ng Pananalita
Ang Pagsasalita
Ang mga Ponema
Uri ng Diin at Tuldik

Kagamitang Pampagkatuto:
Naka-assign na Babasahing Online:
(3 – 5 Minutes per link)
https://kupdf.net/queue/istruktura-ng-wikang-filipino_597fdc02dc0d605a7c2bb180_pdf?queue_id=-
1&x=1601206613&z=MTIwLjI5LjY5LjY3
https://www.slideshare.net/eijrem/edtech-ppt-2
https://www.coursehero.com/file/20550905/FIL101-ISTRUKTURA-NG-WIKA/
https://www.coursehero.com/file/32675336/documentpdf/
https://www.academia.edu/38595243/FIL_413_ISTRUKTURA_NG_WIKA_
https://www.coursehero.com/file/64661177/PONOLOHIYA-NG-WIKANG-FILIPINOpptx/
http://siningngfilipino.blogspot.com/2011/08/ponolohiya.html
https://www.academia.edu/35956094/
MAPANURING_PAGHAHAMBING_SA_PONOLOHIYA_MORPOLOHIYA_AT_SINTAKSIS_SA_PILING_WIKAIN_NG_
PILIPINAS_Bilang_Bahagi_ng_mga_Kakailanganin_sa_Asignaturang_FILC_601_Paghahambing_ng_Pag_aaral_n
g_Ibat_ibang_Wika_sa_Pilipinas
https://www.slideshare.net/MaechelleAnneEstomat/mga-prinsipal-na-sangkap-sa-pananalita
https://www.slideshare.net/VanessaRaeBaculio/ponema
https://www.coursehero.com/file/43479013/Mga-Ponemang-Suprasegmentalpdf/
https://www.academia.edu/2193102/
Komparatibong_Presentasyon_ng_Dalawang_Pag_aaral_sa_Ponemik_Ponetik_Isang_Prajek_para_sa_Ortogra
piya
https://www.coursehero.com/file/43479003/Mga-Uri-ng-Diinpdf/
https://www.slideshare.net/almareynaldo/mga-uri-ng-diin
http://teacherabiworksheets.blogspot.com/2015/07/filipino-uri-ng-diin.html

WIKA
 ang kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang tao.
 may pekulyar na paraan ng paggamit maging ito man ay pasulat o pasalita.

2
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

 Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at


isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa
iisang kultura.
 Isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para sa isang
partikular na layunin na ginagamitan ng berbal at biswal na signal para makapagpaliwanag.
(Bouman, 2014)
 “Ang wika ay parang isang tubig na dumedepende sa hugis na kanyang pinaglalagyan.”
(Abueg, 2005)
 Ang wika ay kumakatawan sa kung ano ang sinasabi ng isang tao at kung ano ang kaniyang
pagkatao.” (Almario, 2006)

MAHALAGA ANG WIKA SAPAGKAT:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;


2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

KATANGIAN NG WIKA
 Tunog
 Arbitraryo
 Masistema
 Pantao
 Pakikipagtalastasan
 Nagbabago
 Malikhain

ANG PONOLOHIYA O PALATUNUGAN


Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture),
pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening).

Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang


ponema ay malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nag iiba ngunit hindi ang kanilang mga
kahulugan. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. 

DALAWANG URI NG PONEMA

May dalawang uri ng ponema: ang segmental at suprasegmental.

1. Ponemang segmental

Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal
stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan
ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.

3
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig

Halimbawa:
ba: tah - housedress
tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit

c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.

d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi
nagbabago ang kahulugan ng salita.

Halimbawa:
babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon

e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil
nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa:
uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa – mass

2. Ponemang Suprasegmental

Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.

Halimbawa :
sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/
-ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito.

Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya.

APAT NA PONEMANG SUPRASEGMENTAL

4
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

1. Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig.
Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.

Halimbawa:
1. bu.kas -  nangangahulugang susunod na araw
2. bukas - hindi sarado

2. Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ng


mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa,
katamtaman at mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2 sa katamtaman
at bilang 3 sa mataas.

Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga - 231 (pagpapatibay)

3. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita


upang higit na maging malinaw ang mensahe.Maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit
na pahilis ( // ), o gitling ( - )

Halimbawa:
1. Hindi, siya ang kababata ko.
2. Hindi siya ang kababata ko.
                                                                                   
4. Diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong
sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang
malaking titik.

Halimbawa:
1. BU:hay - kapalaran ng tao
2. bu:HAY - humihinga pa
3. LA:mang – natatangi

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

1. Asimilasyon - kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang


                            panlaping pang- ay nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman
                            kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /.

Paalala: Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k, 


              m, n, ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( - )  kapag 
              ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig.

5
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

Halimbawa:
1. Pang + lunas - panglunas - panlunas
2. Pang = baon - pangbaon - pambaon
3. Pang + kulay - pangkulay
4. Pang + isahan - pang - isahan

2. Pagkakaltas - sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng


                            salita
Halimbawa:
1. Sunod + in - sunodin - sundin
2. Takip + an - takipan - takpan
3. Dala + han - dalahan - dalhan

3. Maypalit - may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita.


                      nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng
                      dalawang patinig.
Halimbawa:
1. Ma + dami - madami - marami
2. Bakod + bakudan - bakuran

4. Pagpapaikli ng salita - Pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita.

Halimbawa:
1. Hintay ka - Tayka - teka
2. Tayo na - Tayna - tena, tana
3. Wikain mo - Ikamo - kamo
4. Wika ko - ikako - kako

ANG PAGSASALITA

SALIK SA PAGSASALITA NG TAO


 Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
 Ang kumakatal na bagay o artikulador
 ang patunugan o resonador

Bilinggwal – taong marunong magsalita ng dalawang wika


Monolinggwal – isang wika lamang ang alam
Poliglot – bihasa sa mahigit tatlong wika

6
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

 Ang hanging may presyun na nanggagaling sa ating baga ay nagpapakatal ng babagtingang


tinig. At kapag kumatal ang babagtingang tinig, ito ay lumilikha ng alon ng tunog na siyang
binabago ng ating bibig o guwang ng ilong na ating naririnig sa pamamagitan ng hangin na
siyang midyum ng tunog.

PONOLOHIYA NG FILIPINO
1. Mga Ponemang Segmental/Ponema
Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito
sa sandaling ito’y alisin, palitan, ilipat o dinagdag.

 Ang Filipino ay may 21 ponema – 16 katinig at 5 patinig


 Mga katinig- /p,t,k,),b,d,g,m,n,h,s,ŋ,l,r,w,y/
 Mga patinig- /i,e,a,o,u/
 Ang ŋ ay tinutumbasan ng digrapo (dalawang letra ng “ng”)
 Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng pantig.

7
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

a. Mga Katinig
Ito ay maiaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas
nang may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.)

 Punto ng artikulasyon – saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala
sa pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig
 Paraan ng artikulasyon – papaanong gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa
pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng
alinman sa mga ponemang katinig

PARAAN NG PUNTO NG ARTIKULASYON


ARTIKULAS-YON
Panlabi Pang- Pang- Pangngalangala
ngipin gilagid Palatal Velar

Pasara p t k
w.t

m.t b d g

Pailong m n ŋ
m.t.

Pasutsot s
w.t.

Pagilid l
m.t.

Pakatal r
m.t.

Malapatinig y w
m.t.

b. Mga Patinig

Posisyon ng Dila Bahagi ng Dila

8
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

Harap Sentral likod

Mataas i u

Gitna e o

Mababa a

2. Mga Diptonggo
Magkasamang patinig at malapatinig sa isang pantig aw, iw, ay, ey, oy, uy. Kapag ang
malapatinig ay napagitan sa dalawang patinig, ito ay hindi na diptonggo
 giliw
 reyna
 kalabaw
 bahay
 aruy
 kahoy

3. Klaster o kambal-katinig
Magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig
Ang klaster ay matatagpuan sa unahan o inisyal at sa hulihan o pinal ng isang pantig
4. Mga Pares Minimal
Ang pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas
maliban lamang sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon
Ito ay ginagamit sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng magkakahawig ngunit
magkakaibang ponema
5. Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan
Magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa
kahulugan ng mga salita. Karaniwang nangyayari sa ponemang patinig na i at e, at sa o at u
6. Ang Glottal na Pasara o Impit na Tunog
Naging labing-anim ang ponemang katinig sa halip na labinlima lamang dahil sa ponemang
glottal na pasara
Kahit itinuturing na ponema, hindi ito inirereprisinta ng titik o letra
Sa halip ay inirereprisinta ito sa dalawang paraan:
 Nakasama ito sa palatuldikan at inirereprisinta ng tuldik na paiwa (`) kung nasa pusisyong
pinal ng salita. Ang mga salitang may impit na tunog sa pusisyong pinal ay tinatawag na
maragsa o malumi
 Malumi – bagà, pusò, saganà, talumpatì

9
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

 Maragsa – bagâ, kaliwâ, salitâ, dukhâ

Inirereprisinta ito ng gitling(-) kapag ito’y nasa loob ng salita sa pagitan ng katinig at patinig
Karaniwang matatagpuan sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat na
nagsisimula sa patinig.
Hal:
May-ari
Mag-alis
Pang-ako

7. Ponemang Suprasegmental
Sangkap na pampalasang ginagamit sa ating pakikipagtalastasan
Pantulong sa ponemang segmental; na higit na nagiging mabisa ang ating paggamit ng 21
ponemang segmental sa ating pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng mga pantulong o
suprasegmental na tono, haba, diin at antala

a. Tono
Ang pagtaas o pagbaba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang
hugit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa

3
2 pon

ka

b. Haba at Diin
1
Ang haba ay tumutukoy sa sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng
ha
pantig ng salita
Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig ng salita

 Ang Filipino ay sinasabing syllable-timed samantalang ang Ingles ay sinasabing stress-timed


 Ang tono, haba at diin sa pagbigkas ng isang salita ay karaniwang nagkakasama-sama sa
isang pantig
 Hal. halaman

c. Antala
Saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
nating ipahatid sa ating kausap
Ito ay inihuhudyat ng kuwit, tuldok, semi-colon o kolon

 Hindi puti.
Hindi, puti

 Hindi ako siya


Hindi ako, siya 10
 Hindi sila tayo

MABALACAT CITY COLLEGE


INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

DIIN-ay nagsasaad ng wastong paraan ng pagbigkas ng Salita.

Uri ng Diin
1.Malumay- ay mga Salitang mahina at malumanay Kung bigkasin. Ang mga Salitang malumay ay
maaaring magtapos sa patinig at katinig. Ang mga ito ay may pinultima(pagtaas ng boses) na
makikita sa ikalawang pantig ng Salita Mula sa hulihan.
Hal.
Buhay apa
Nanay ate
Bakal Tawi-tawi
Pangit pito
Bayan

2. Malumi- ay mga Salitang mahina rin ang pagbigkas at may pagtaas ng boses sa ikalawang pantig
ng Salita Kaya lamang ay mayroon itong impit na tunog(o glottal na pasara-ang bahagyang pagsara
ng lala unang sa pagbigkas ng Salita.) na matatagpuan sa huling pantig ng Salita. Ang mga Salitang
ito ay maaari lamang magtapos sa mga patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na paiwa(`) upang ipakita
ang Diin.
Hal.
Suka`
Hita`
Wika`
Suki`
Suko`

3. Mabilis- ay mga Salitang mabilis rin bigkasin. Maaaring magtapos ang mga Salitang ito sa patinig
at katinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) upang ipakita ang Diin.
Hal.
Kidlat
Sabaw
Masaya
Kamay
Ako

4.Maragsa- ay mga Salitang. Mabilis bigkasin ngunit mayroon itong impit na tunog sa huling pantig ng
Salita. Katulad ng mga Salitang malumi ito maaaring magtapos sa mga patinig lamang. Ginagamitan
ito ng tuldik na pakopya(^) upang ipakita ang Diin.
Hal.
Likha
Butiki

11
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

Salita
Dukha
Silakbo

Ang TULDÍK ay diin o marka na inilalagay sa ibabaw ng patinig ng salita upang ipahiwatig ang
tamang bigkas ng salita. Ito ay accent o stress mark.

TULDÍK PAIWA
tuldík paiwâ: tuldik (`) sa mga salitáng may diing malumi at inilalagay sa ibabaw ng hulíng patinig ng
salita
halimbawa: lumà, suyò, yumì
TULDÍK PAKUPYÂ
tuldík pakupyâ: tuldik (^) na pananda sa salitâng maragsa at matatagpuan sa patinig na nása dulo ng
salita
halimbawa: ngatâ, ngitî, tukô
TULDÍK PAHILÍS
tuldík pahilís: tuldik (´) sa mga salitâng mabilis at matatagpuan sa hulíng patinig ng salita
halimbawa: gandá, tagál
tuldík pahilís: tuldik (´) sa mga salitâng may diing malumay at matatagpuan sa pangalawa sa hulíng
patinig
halimbawa: gábe, bayábas
tuldík pahilís: tuldík sa mga salitáng may tatlo o mahigit na pantig at nangangailangan ng wastong
diin sa unang pantig
halimbawa: para maibukod ang bigkas ng kátuwáan sa katuwaán at mánggugúlo sa mangguguló
TULDÍK PATULDÓK
tuldík patuldók: tuldik (¨) na pananda sa tunog na schwa na matatagpuan sa mga katutubong wikang
gaya Ilokano, Pangasinan, at Ibaloy

Worksheet: # 3

Student No.
Pangalan:
Kurso/ Taon:

12
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCE & TEACHER EDUCATION

1. Gumawa ng isang tula na ang paksa ay tungkol Disiplina sa Sarili. Ang tula ay binubuo ng walong
taludturan, may tugma, may’walang sukat. Tiyakin na ang bawat talututuran ay may isang salitang
diptonggo. Walong salitang may diptonggo ang makikita/mababasa sat ula. Lagyan ng akmang
pamagat ito.
2. Gu,awa ng tulang Haiku na kung saan ang bawat taluturan ay may salitang klister. Malayang mag-
isip kung anong tema ng tulang Haiku ang nais gamitin.
3. Magbigay ng salita at isulat ang kanilang pares minimal.

Ipapasa ito sa isang araw bago ang ating klase.

Disclaimer:

It is not the intention of the author/s nor the publisher of this module to have monetary gain in using
the textual information, imageries, and other references used in its production. This module is only for the
exclusive use of a bona fide student of Mabalacat City College.
In addition, this module or no part of it thereof may be reproduced, stored in a retrieval system, or
transmitted, in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, and/or otherwise, without
the prior permission of Mabalacat City College.

Inihanda ni:

Alma T. Bautista, PhD


Instructor

13

You might also like