Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1 Kahulugan NG Ekonomiks
Modyul 1 Kahulugan NG Ekonomiks
Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:
Ang mga sumusunod ay mahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Iwasan na lagyan ng marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahin ng mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Panatilihin ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Muling ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos ng
sagutan ang lahat ng pagsasanay.
Pinagkunan:https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 at https://tinyurl.com/AP9Q1M2p3
Alamin:
YUNIT 1- MGA SALIGAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS
MGA TIYAK NA LAYUNIN:
Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito inaasahan na iyong:
1. Naibibigay ang kahulugan ng Ekonomiks;
2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang konsepto sa Ekonomiks;
3. Natatalakay ang saklaw ng ekonomiks; at
4. Nasusuri ang mga dibisyon ng ekonomiks
Subukin
Panimulang Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na konsepto. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Aralin
1 Aralin 1: Kahulugan ng Ekonomiks
Balikan:
Panuto: Suriin ang larawan.Isulat sa inyong kwaderno ang inilalarawan nito.
Pampreosesong Tanong:
1.Sa panahon ng ECQ, ano ang inyong pinagkakaabalahan ?
2.Sa mga ginawa mo, alin ang pinakagusto mo? Bakit?
Tuklasin
Gawain: 1 Handa Ka Ba?
Sitwasyon: Isang araw nagkataon nagkasabay-sabay ang mga sumusunod na gawain.
Ano
ang iyong uunahin? Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang pinakahuli.
______May online homeschooling ka. ______Maglaro ng Mobile Legend.
______Maghahanda ng merienda ______Manonood ng K-drama
______Mag-aalaga ng nakababatang kapatid.
Pampresesong Tanong:
1.Ano ang batayan sa iyong pagpili ng desisyon?
2. Bakit ito ang iyong napili?
Suriin:
Kahulugan ng Ekonomiks
● Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan.
● Ito ay ang pag-aaral sa kung paano ginagamit ng tao ang limitadong likas na
yaman at yamang tao ng isang bansa upang matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan.
● Ang salitang ito ay hango sa sa salitang Griyego na Oikonomia na
nangangahulugang “pangangasiwa ng sambahayan”.
2
● Ang agham ng pag-aaral ng ekonomiya ay nagsimula sa sistema ng
pangangasiwa ng isang ina o maybahay sa kaniyang sambahayan.
● Hindi nagtagal, lumawak at lumalim ang naging pagtingin sa pag-aaral ng
pangangasiwa ng iba’t ibang pinagkukunang yaman.
● Nagkaroon ng bagong hubog ang Ekonomiks bilang isang mahalagang sangay
ng agham panlipunan.
Ang Pag-aaral ng Ekonomiks
● Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay nagsisimula sa suliranin ng walang katapusang
pagtugon sa pangangailangan ng mga tao habang limitado lamang ang likas na
yaman at yamang tao ng bansa.
● Ang lahat ng bansa sa daigdig ay may limitadong kayamanan materyal man o
lakas-paggawa. Sa kabilang banda, ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
ay hindi mauubos o matatapos kailanman.
● Ang kakapusan ay pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mga suliranin
pang-ekonomiya. Ang kakapusan o scarcity ay umiiral dahilan ng mga
limitadong pagkuha ng yaman at walang hangganan o katapusan ang mga
pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan. Halimbawa ang
kakapusan ng Ventilator sa Pilipinas para sa mga pasyenteng malubhang
tinamaan ng COVID-19.
Ang Ekonomiks sa Iyong Buhay
Mahalaga na maunawaan mo kung paano magagamit ang ekonomiks sa iyon
buhay. Kailangan mong matutuhan kung paano pamahalaan ang iyong mga pag-aari
upang mapakinabangan mo ito nang mas matagal.
● Efficiency - Masinop na pamamaraan ng paggamit sa limitadong
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.Pangunahing binibigyang pansin sa pag-aaral ng ekonomiks
ang paglago ng ekonomiya (economic growth) ng bawat bansa.
● Equality-Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang distribusyon ng
pinagkukunang- yaman.Ang yaman ng tao ay nakabatay sa hirap at haba ng
kanyang paggawa sa pagkamit nito.
● Sustainability-Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman para tugunan ang
mga kasalukuyang pangangailangan at kagustuhan nang hindi nanganganib
ang kakayahan ng susunod na henerasyon.
Dibisyon ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon: maykroekonomiks a t makroekonomiks.
⏩ Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw at desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat indibidwal na yunit – sambahayan,
bahay-kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng bawat indibidwal ay napakahalaga sa
pag-unawa ng ekonomiya.
⏩ Ang makroekonomiks n aman ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang pangkahalatang antas ng presyo
at pambansang kita. Ito ay tumitingin sa kabuuan.
3
Paghahambing sa Dalawang Dibisyon ng Ekonomiks
5
Gawain 4 Paglinang ng mga kaisipan at kasanayan: Magbigay ng walong salitang
maiuugnay mo sa salitang ekonomiks.
Isagawa
Gawain 5: Ano ang Say Mo!
Panuto: Magtala ng mga suliranin na kinaharap mo at ng iyong pamilya sa panahon ng
Pandemya, COVID 19 at paano nabigyan ito ng solusyon? Sang-ayon ka ba sa ginawang
desisyon? Bakit?
Suliraning Desisyon ng iyong Sang-ayon ka Di ka ba
Pang-Ekonomiks sa magulang ba?Bakit? sang-ayon?Bakit?
iyong pamilya Ano ang mungkahi
mo?
Tayahin:
Panuto:
Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang salitang ekonomiks ay mula sa salitang oikonomeia n a ang kahulugan ay:
A. pamamahala ng negosyo. C. pamamahala ng tahanan.
B. pakikipagkalakalan D. pagtitipid.
2. Ang ekonomiks ay isang Agham Panlipunan sapagkat
6
A. Pinag-aaralan kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas
ang antas ng kabuhayan.
B. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
C. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. Pinag-aaralan kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
3. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga
pangangailangan at luho ng tao naman ay:
A. may hangganan din.
B. kaunti lamang kayat madaling tugunan.
C. parami ng parami at walang katapusan.
D. katulad pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
4. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
A. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng bansa
B. walang katapusang pangangailangan ng tao
C. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
D. pagpapalawak
ng kaalaman sa teknolohiya.
5. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin
ang pinakaangkop na kahulugan?
A. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
B. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
C. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang
makabuo ng mga produkto at serbisyongmakatutugon sa walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa buhay .
D. Paglikha ng mga makabagong makinarya at teknolohiya sa paglikha ng mataas na
kalidad na produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparamin
pangangailangan at luho ng tao sa presyo at paraang pinakamatipid.
6. Upang mapagkasya ang ayuda na natanggap ng pamilya ni Aling Puring siya ay namili
sa bagsakan ng gulay sa palengke. Anong konsepto ito ng ekonomiks na may kinalaman
sa sa pang-araw-araw mong buhay?
A. Efficiency
B. Sustainability C.Equality D. Equity
7. Pare-pareho ang natanggap na ayudang pagkain ng mga taga Brgy. Batasan. Anong
konsepto ito ng ekonomiks na may kinalaman sa sa pang-araw-araw mong buhay?
A. Efficiency B. Sustainability C.Equality D. Equity
8. Pinili ni Andrew na tumulong sa online selling ng kanyang nanay kaysa sa maglaro ng
online games . Anong konsepto ng ekonomiks ang ipinahihiwatig ng pahayag?
A. Opportunity Cost C. Trade-off
B. Incentives D. Marginal Thinking
9. Binili muna ni Aling Nena ang kanilang pangangailangan sa bahay at hindi muna
bumili ng bagong cellphone.
A. Opportunity Cost C. Trade-off
B. Incentives D. Marginal Thinking
10.Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng Ekonomiks para sa mga kabataan. Ano
sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa
Ekonomiks?
A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks.
C. Maisasaulo ang mga konsepto sa Ekonomiks upang madaling makapasa sa
kolehiyo.
D. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraan na
makakatulong sa iyo sa pagdedesisyon sa hinaharap.
7
Karagdagang Gawain:
Batay sa mga natutunan kaugnay sa kahalagahan ng pag-aaral ng
Ekonomiks.
A.Paggawa ng Slogan
Panuto: Gumawa ng Slogan na may kaugnayan sa kahalagahan ng ekonomiks. Sa
temang “ Ekonomiks sa Panahon ng Pandemya”
Pamantayan ng Pagmamarka
Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman Akma ang mensahe ng slogan ayon sa paksa. 10
Presentasyon Mahusay ang pagpapabatid ng kaalaman sa klase 10
Pagkamalikhain Mahusay ang pagkakaguhit ayon sa mensaheng nais iparating 10
KABUUAN 30
Sanggunian:
● Department of Education (2015), Ekonomiks 10- Araling Panlipunan- Modyul para sa mga Mag-aaral
Unang Edisyon pahina 12-22
● C Bon et.al,2015 Ekonomiks sa Makabagong Panahon JO-ES Publishing House Inc. pahina 3-21
● Department of EducationModyul sa Araling Panlipunan IV Pahina 1-3
● Baluyot et al. (2020) Daily Lesson Plan (Unang Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs). Unpublished
● EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
● Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
● De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
● Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
● Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Susi sa Pagwawasto