Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

I.

PAMAGAT: Project SLICCS (School Library Club and Classification System)

II. PROPONENT NG PROYEKTO: Lara Nicole Bayani, Paul Justine Castillo, Clifford Niño
Gerona, Mekiah Lujille Glipo, Phoebe Neli Medina, John Francis Ocol, at Neo Rillo

III. KATEGORYA: School-Based Project


Ito ay isang mabisa at pangmatagalang proyekto na mapapakikinabangan ng mga mag-
aaral maging ang mga guro sa Vinzons Pilot High School. Inaasahan sa proyektong ito na
mabigyan ng bago at mas epektibong istante ng libro, magpatupad ng Dewey Decimal System at
maging mas organisado ang loob ng silid-aklatan ng paaralan.

IV. PETSA:
Ang mga sumusunod na petsa ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan at
matapos ang mga nais gawin na pagbabago sa silid-aklatan sa Vinzons Pilot High School.

PETSA MGA GAWAIN LOKASYON

Nobyembre 3-4, 2022 Paghingi ng permiso sa VPHS


punong guro upang
maisagawa ang proyekto.

Nobyembre 5 - 18, 2022 Pangangalap ng VPHS at Daet, Camarines


kakailanganing badyet at Norte
pagbili ng mga materyales.

Nobyembre 21 - 22, 2022 Pag anunsyo sa pagsisimula VPHS


ng inobasyon ng silid-aklatan.

Nobyembre 23, 2022 Pagcontact at pagpapaliwanag Daet, Camarines Norte


ng konsepto ng bookshelf sa
manggagawa.

Nobyembre 23 - 24, 2022 Simula ng pag-oorganisa ng VPHS


School Library Club

Nobyembre 23- Disyembre 1, Pagsisimula ng paggawa ng Daet, Camarines Norte


2022 bookshelf.

Disyembre 2, 2022 Pagpapadala ng bookshelves VPHS


sa VPHS

Disyembre 3 - 16, 2022 Pag-oorganisa ng mga libro sa VPHS


loob ng silid-aklatan sa
pamamagitan ng DDC system

Disyembre 19, 2022 Pagtatapos ng proyekto at VPHS


pagbubukas ng bagong ayos
na silid-aklatan.

V. RASYONAL:
Ang Vinzons Pilot High School ay binubuo ng iba’t-ibang pasilidad na naglalayong
pagaanin at pagandahin ang paaralan para sa ika-giginhawa ng mga guro at mag-aaral. Isa sa
binibigyang pansin ng proyektong ito ay ang pagbabago sa silid-aklatan, naglalayon ang
proyektong ito ng mas organisadong pagkakaayos ng mga libro upang gawing mas epektibo ang
silid-aklatan ng paaralan.
Layunin din ng proyektong ito na mabigyan ng mas matibay na paglalagyan ang mga
libro sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga damaged/impaired bookshelves. Ang proyektong ito
ay hindi lamang naglalayon sa pagpapabuti ng silid-aklatan kundi maisulong din ang disiplina sa
pagpapanatili ng kalinisan at pagiging organisado ng mga gamit sa silid-aklatan.
Itinataguyod nito ang pagbibigay ng komportableng espasyo sa pag-aaral at magbigay
tulong para sa pagbuo ng mga bago at malikhaing ideya ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng
proyektong ito mabibigyan ng maaasahan na mapagkukunan ng impormasyon ang mga mag-
aaral para sa kanilang pananaliksik, proyekto, at iba pang mga gawain.
VI. DESKRIPSYON NG PROYEKTO:

Ang Dewey Decimal System ay isang sistema ng klasipikasyon ng mga libro na


pagmamay-ari ng silid-aklatan. Sa tulong nito madali ang pagsasaayos at pagdagdag ng mga
bagong libro sa kanilang naka ayon na lokasyon batay sa paksa nito. Magtatalaga ng mga
numero na nagtuturo sa lokasyon ng isang partikular na libro at ganun din ang iba pang mga
kaugnay nito sa silid-aklatan. Ipapaskil ang talaan sa mga istante ng libro upang magsilbing
gabay para sa paghahanap ng mga paksa na gustong basahin o pag-aralan.
Matapos maayos ang bookshelves na ipapagawa, magsisimula na ang paglilipat ng mga
librong tinanggal sa mga bookshelves na nais palitan.
Ang kasalukuyang mga organisasyon sa VPHS gaya ng English club ay maaaring
makipag tulungan para sa pagsasaayos ng mga libro.
Isang club ang mabubuo na tatawaging School Library Club upang pamahalaan ang mga
aktibidad sa silid-aklatan. Ito ay binubuo ng Chancellor, Vice-chancellor, Secretary, Treasurer,
Auditor, Tech Officer, at Representative Members.
Maglalagay ang nasabing club ng mga signage sa loob ng silid-aklatan na makukuha agad
ang atensyon ng mga mag-aaral. Ilalagay nila ang mga bawal at dapat gawin sa loob at maaari rin
silang maglagay ng mga motivational quotes para mas maramdaman nila ang positive vibes sa
loob ng silid-aklatan.
Sila ay maaaring mamahala sa mga kaganapan katulad ng thematic book displays at book
talks upang maitaguyod ang pagbasa sa paaralan. Sila rin ang gagabay sa mga mag-aaral sa loob
ng silid-aklatan kapag ang librarian ay may kinakailangang asikasuhin. Maaaring sila rin ang
mamamahala sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan ng mga libro at iba pang gamit sa loob ng
silid-aklatan.
VII. BADYET:

Ang badyet ng proyekto ay maaaring magmula sa pamamagitan ng pagbigay ng budget


proposal para sa School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE). Maaari rin itong
magmula sa English Department, maging ang mga nais tumulong na mga mag-aaral sa Vinzons
Pilot High School na magkukusa para sa donasyon ay maaaring magamit para sa badyet na
nakalaan. Narito ang talahanayan ng mga materyales na gagamitin para sa proyektong ito.

Mga Kagamitan Presyo Dami Kabuuan

¾ Plywood/ Ply ₱1400 10 ₱14000


Board (Marine Type)

Wood Glue (Stikwel) ₱250 6kg ₱1500

½kg Wood Filler ₱300 4kg ₱1600


(Bosny)

Common Wire Nails ₱150 4kg ₱600


(2 inches) ₱200 ½ kg ₱100
Finishing Wire Nails
(0.5 inches)

Varnish ₱100 3600mL ₱400

Kabuuan: ₱18,400.00

Expenses Presyo Panahong Itinagal Kabuuan

Labor ₱1500/day 4 na araw ₱6000

Transportasyon ₱400/cabinets 2 na araw ₱800

Kabuuan: ₱6,800.00
Kabuuang gastusin: ₱ 23,850.00

VIII. PAKINABANG:

Nailatag ang panukalang proyektong ito sa iba’t-ibang kadahilanan, malaki ang


maitutulong nito sa mga mag-aaral at maging sa mga guro. Ang pagpapalit ng mga damaged
bookshelves ay nagbibigay karagdagang kaligtasan para sa mga pumapasok sa silid-aklatan. Sa
pamamagitan ng pagbuo ng panibagong club mas mabibigyan pansin ang ating silid-aklatan.
Ang club din ay makakatulong para sa pagsasaayos ng mga libro para sa Dewey Decimal
System.

You might also like