Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. LAYUNIN
a. Natutukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga elemento ng alamat, mito at
kuwentong-bayan.
b. Nakakagamit nang wastong angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Pamagat: Si Mangita at Si Larina
B. Materyal/Kagamitan: Video clip Presentation
C. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7
Ailene G. Baisa-Julian; Nestor S. Lontoc; Carmela H.
Esguerra
p. 315-331

III. PAMAMARAAN:
a. Panimulang Gawain:
✓ Panalangin
✓ Pagtsetsek ng liban at hindi liban sa klase
✓ Pagbati

b. Paggaanyak
✓ Magpapanood ng maikling video presentation

c. Paglalahad

MGA ELEMENTO NG MITO, ALAMAT, AT KUWENTONG-BAYAN


Tulad ng ibang mga akdang tuluyan, ang mito, alamat, at kuwentong-bayan ay binubuo
ng mahahalagang elemento. Una rito ay ang banghay kung saan makikita ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda. Ito ay ang mga sumusunod:
⚫ Panimulang Pangyayari -- Dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at
suliraning kakaharapin.
⚫ Papataas na Pangyayari -- Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang
suliraning magpapasidhi sa interes o kapanabikan.
⚫ Kasukdulan -- Pinakamasidhing bahagi kug saan haharapin ng pangunahing tauhan ang
kanyang suliranin.
⚫ Pababang Pangyayari-- Sa bahaging ito nalulutas ang suliranin at natatamo sa
pangunhing tauhan ang layunin.
⚫ Resoslusyon-- Sa bahagi namang ito nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang
wakas.

Isa pang mahalagang elemento ng mga ito ay ang tagpuan o ang pook, lugar, at panahon
kung saan nangyari ang kabuoan ng alamat. Mahalaga ang elementong ito sapagkat dito
masasalamin ang kaangkopan ng paksa, banghay, at mga tauhang nagsiganap sa akda. Sa
pamamagitan ng tagpuan mabibigyang linaw ang ikinilos ng mga tauhan gayundin ang
kanilang mga hanapbuhay, paraan ng pag-iisip, at takbo ng mga pangyayari.
Mahalaga ring elemento ng mito, alamat, at kuwentong-bayan at anumang akdang
tuluyan ang mga tauhan. Katunayan, nakasalalay sa maayos at makatotohanang pagkakahabi
ng mga tauhan ang pagiging epektibo ng isang akda.
Ang mga karaniwang tauhang bumubuhay sa mito, alamat o kuwentong-bayan at sa
anumang akdang tuluyan ay ang pangunahing tauhan na siyang pianakamahalagang tauhan sa
akda. Sa kaniya umiikot ang kuwento, mula sa simla hanggang wakas. Ikalawa ay ang
katunggaling tauhan na siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauha. Ikatlo ay ang
pantulong na tauhan na gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, siya ay karaniwang kasama ng
pangunahing tauhan. Ang huli ay ang may akda. Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang
awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng katha. Bagama’t ang anririnig lamang ay ang kilos
at tinig ng tauhan, salikod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang
awtor.

Angkop na mga Pahayag sa Panimula, Gitna, at Wakas

Sa pagpapahayag ng partikular sa pagsasalaysay o pagkukuwento, mahihikayat ng


nagsasalita ang kanyang tagapakinig sa mahusay na simula. Kapag nailahad ang layunin ng
epektibo ay napupukaw ang kaisipan ng mambabasa o taga-pakinig na patuloy na alamin ang
kawing-kawing na pangyayari sa papataas at aksukudulan sa gitna ng kuwento. Hihintayin din
nila ang wakas kung makamit ang layuning inilahad sa panimula.
⚫ Simula -- Ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang interes ng tagapakinig o
ng mambabasa. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa
isinasalaysay. Maaaring simulan ito sa: Noong unang_____, Sa simula pa lamang, at iba
pang pananda sa pagsisimula. Pagkatapos nito ay maaaring isunods ang:
➢ Pang-uri gaya ng halimbawa ng
Napakadilim at napakalamig ng paligid….
Napakalawak ng lawa…
➢ Pandiwa gaya halimbawa ng:
Nagtatakbuhan ang kalalakihan at naghahanda ang kababaihan nang…
Nagmamasid ang matanda at misteryosong kuba habang…
➢ Pang-abay
Maagang gumising ang tribo…
Nananabik na masaksihan ang apgdiriwang…

⚫ Gitna-- Sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang kawing-kawing na pangyayari at


paglalarawang nasimulan. Aabangan kung paano magtatagumpay o magwawagi ang
pangunahing tauhan, maiwawasto ang mali o matuto ang katunggaling tauhan habang
tumataas ang pangyayari. Maaaring gamitin ang: kasunod, pagkatapos, walang
ano-ano’y, at iba pa na maghuhudyat ng kasunod na pangyayari.
⚫ Wakas--Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng tagapakinig o ng
mambabasa. Dito nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o magpapabago sa kalooban
at isipan ng lahat--na ang kabutihan ang nagwawagi at may kaparusahan ang gumagawa
nang masama. Maaaring gumamit ng : sa huli, sa wakas, o iba pang panandang
maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.

IV. PAGTATAYA:
A. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari batay sa akdang binasa. Lagyan ng bilang
1 hanggang 10 ang nakalaang espasyo.

___1. Agaw-buhay si Mangita nang bumalik ang matanda at kanyang napatunayan ang
masamang ugali ni Larina nang hindi nito alagaan ang kanyang kapatid.
___2. Bumalik ang matandang pulubi sa tahanan ng magkapatid upang bigyan ng mumunting
buto ng halaman si Mangita at nang gumaling ito sa kaniyang sakit.
___3. Hindi nakayanan ni Mangita ang matinding pagod lalo na’t hindi siya tinutulungan ng
ni Larina kaya’t siya’y nanghina at nagkasakit.
___4. Ipinagbilin ng matanda kay Larina na subuan ang kapatid ng mumunting buto oras-oras
hanggang sa kaniyang pagbabalik ngunit hindi ito ginawa.
___5. Isang araw ay may isang matandang pulubing humingi ng kanin kay Larina ngunit
sinigawan at itinulak lamang niya ito.
___6. Naging isang matipunong prinsipe ang matanda at pinarusahan si Larina dahil sa
kasamaan ng kanyang ugali.
___7. Nakita ni Mangita ang nangyari kaya’t tinulungan niya ang matanda.
___8. Namatay ang ama ng magkapatid kaya’t napilitang magtrabaho si Mangita upang sila’y
may makain.
___9. Noong unang panahon ay may dalawang magkapatid na nanirahan sa pampang Laguna
de Bay na maagang naulila sa ina.
___10. Si Larina ay nasadlak sa lawa at walang tigil na sinuyod ang kanyang buhok upang
hanapin ang mga butong kaniyang itinago.

B. Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang sumusunod. Isulat sa espasyo kung ito’y sa
simula, gitna o wakas.

____________ 1. Dito pinannatili ang kawing-kawing na pangyayari.


____________ 2. Ito ang maiiwan sa isip ng tagapakinig o mambabasa.
____________ 3. Ito ay nakapupukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang makinig
o magbasa.
____________ 4. Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba pang pangyayari.
____________ 5. Sa pagsisimula ay maaaring gumamit ng pandiwa, pang-uri, at pang-abay
pagkatapos banggitin ang hudyat sa pagsisimula..

V. TAKDANG ARALIN:
Naisusukat ang Buod ng Isang Mito/Alamat/kuwentong-Bayan nang May Maayos na
Pagkakaugnay-ugnay ng Pangyayari.

Ipagpalagay na isa kang manunulat ng isang pahayagang lokal na may pitak sa isang
website kaugnay ng turismo. Pinasusulat ka ng iyong editor ng buod ng isang
mito/kuwentong-bayan nang may maayos na pagkakaugnay ng mga pangyayari upang
maipakita ang magandang mensahe at aral na hatid nito. Bukod sa pagsulat ay humanda ka
ring isalaysay ito nang masining sa harap ng klase. Gamitin mo ang nasaliksik mong mito,
alamat, o kuwentong-bayan sa nakaraang aralin.

Gawing gabay ang rubric sa ibaba sa para sa agawaing ito.

Mga Pamantayan

Organisado at may kaisahan ang talata 5 4 3 2 1

Magkakaugnay at maayos ang pagkakalahad ng 5 4 3 2 1


pangyayari.

Nakagamit nang angkop na pahayag sa simula, 5 4 3 2 1


gitna, at wakas.

Naisasalaysay nang masining buod na nabuo 5 4 3 2 1

Tama ang balarila/gramatika sa pagsulat 5 4 3 2 1


Tama ang balarila/gramtika sa pagsulat 5 4 3 2 1

Kabuoang Puntos

5 -- Napakahusay 2 -- Di-mahusay
4 -- Mahusay 1 -- Sadyang Di-mahusay
3 -- Katamtaman

Inihanda ni

Gng. Faridah R. Faisal

Binigyang Pansin:

Ma. Wendyrica G. Bañares, Ed.D.

Resource Speaker Resource Speaker Resource Speaker

You might also like