Kuwintas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Wakas”

Pagkatapos sabihin ni Madame Forestier na ang kuwintas na kaniyang ipinahiram kay Mathilde ay
pawang imitasyon lamang, labis na nabigla si Mathilde at nanlumo dahil sa tingin niya ay nawalan nang
saysay ang kaniyang paghihirap sa loob ng sampung taon upang mabayaran ang kanilang mga
kautangan sa pagbili ng kwintas at ito pa ang naging sanhi ng kanilang karalitaan. Naiisip niya na kung
sana ay sinabi niya nalang ang katotohanan kay Madame Forestier, malamang ay di siya maghihirap at
mananatiling namumuhay sa karangyaan.

Sa kabutihang palad ay ibinalik ni Madam Forestier ang kanyang kuwintas, labis naman ang
pasasalamat ni Mathilde. Tiningnan niya ang kwintas ng mabuti at kanyang napagtanto na ang kwintas
na iyon ay ang pinakaunang bagay na kaniyang pagmamay-ari na napasakanya sa pamamagitan ng
kanyang pagsisikap at pagtatiyaga.

Umuwi siya kaagad sa kanilang bahay at kinuwento sa kanyang asawa ang nangyari sa kanilang
pagkikita ni Madam Forestier. Sabik niyang tinawag sa kaniyang asawa at agad namang lumapit sa
kaniya ito. Kinuwento niya ang pagkikita nila ni Madame pero parang nabagsakan siya ng langit at lupa
sa sinabi niyang kaniyang asawa.

Pinaupo siya ng kanyang asawa at sinabihan ng totoo. Isiniwalat ng kanyang asawa ang katotohanang
siya pala ang nagtago ng kuwintas habang si Mathilde ay natutulog sapagkat alam niyang hindi
kakayanin ni Mathilde na sabihin kay MadameForestier na naiwala niya ang kuwintas at paniguradong
gagawin niya ang lahat para maisauli ito. Nagpupuyos sa galit si Mathilde ngunit bago pa siya magwala
ay hinawakan siya ng kaniyang asawa at pinakalma. “Alam kong pawang panloloko ang aking ginawa
ngunit nais ko lamang turuan kang magsikap at alam kong hindi mo ito gagawin kung mababaw na
dahilan kaya ginawa ko iyon, sana mapatawad mo ako. Gayunpaman, naging epektibo naman ang aking
ideya at natuto ka nang magtrabaho at makuntento, alam kong naging masaya ang ating buhay sa
nakalipas na sampung taon”, marahang sambit ni Ginoong Loisel habang ginagawa ang lahat para
mapaintindi kay Mathilde. Walang nagsalita sa kanilang dalawa at maririnig lamang ang hagulgol ni
Mathilde dulot ng samo’t-saring emosyon, pagkatapos ng ilang minute ay binasag ni Mathilde ang
katahimikan sabay sabing, “Hindi katanggap tanggap ang iyong ginawa sa akin, ngunit naintindihan ko.
Napagtanto ko rin na ang tunay na kaligayahan ay hindi nabibili ngunit pinaghihirapan”, agad na
napangiti ang kanyang asawa at niyakap siya ng napakahigpit.

Sa paglipas ng panahon, unti-unti rin silang nakabangon at naging matagumpay na manunulat si


Ginoong Loisel sa pamamagitan ng paglathala ng kuwentong “Ang Kuwintas” na kaniyang binase sa
pangyayari sa kanilang buhay. Si Mathilde nama’y naging mabuti at responsableng asawa.

###

Isinagawa ng Ikaapat na Pangkat

You might also like