Professional Documents
Culture Documents
KOMUNIKASYON
KOMUNIKASYON
KOMUNIKASYON
Lesson 1
Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999)
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura.
Bernales et al. (2002)
Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
Mangahis et al. (2005)
May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan
Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap
ang isang grupo ng mga tao.
Bienvenido Lumbera (2007)
Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamitin
ang bawat pangangailangan natin.
SA PANGKALAHATAN
Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na
binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. Bawat
bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at kaisipan
ng mga mamamayan nito.
KAHALAGAHAN NG WIKA
Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang
pagiging instrumento nito sa komunikasyon.
Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at
pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.
Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa,
nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya.
Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga
karunungan at kaalaman.
Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para
magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may
kani-kaniyang wikang ginagamit.
Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa
pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan tungo sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa.
KALIKASAN NG WIKA
Ang wika ay may masistemang balangkas.
Ang wika ay arbitraryo.
Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
Diyalekto
Sosyolek
Jargon
Idyolek
Pidgin
Creole
Diyalekto
Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito
ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o
pook, malaki man o maliit.
HALIMBAWA:
Pampango - Pampanga
Bikolano - Bicol
Ilocano - Ilocos
Ibanag - Isabela at Cagayan
Sosyolek
Barayting nabubuo batay sa dimensyong
sosyal. Tinatawag din itong sosyal na
barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
HALIMBAWA:
Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming
daw ang mga banda dun! (rakista)
Oh my God, nakatabi ko kanina sa bio ang crush
ko! Tapos nakasabay ko pa s'yang mag-lib!
(estudyante).
Idyolek
Nakagawiang pamamaraan o estilo sa pagsasalita ng isang
indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao
HALIMBAWA: Mga Broadcasters
PIDGIN
Tinatawag sa Ingles na nobody's native language. Nagkakaroon
nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang
magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang
magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
HALIMBAWA:
a. Suki, ikaw bili tinda, mura.
b. Kayo bata aral buti para laki ganda trabaho
Creole
Isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na
wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga
tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika.
REHISTRO NG WIKA
Isang baryason sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o
gumagamit ng wika.
FIELD (PAKSA NG PINAGUUSAPAN)
Nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng
komunikasyon.
WIKANG PANTURO
Ito ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
Ito ang wika ng talakayang guro-mag-aaral sa mabisang pagkatuto.
Ginagamit sa pagsulat ng aklat at kagamitang silid-aralan.
Filipino at Ingles ang Wikang Panturo sa mga paaralan.
WIKANG OPISYAL
Ito ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, pamahalaan,
politika, komersyo at industriya
Ayon sa konstitusyon ng 1973, Artikulo IV, Sek.3 – hanggang
walang ibang itinatadhana ang batas, ang Filipino at Ingles ang
magiging opisyal na wika
Samantala ang Ingles ay ginagamit sa pakikipag-usap sa mga
pahayagang nasa Pilipinas at pakikipagkomunikasyon sa iba’t
ibang bansa sa daigdig.
ANTAS NG WIKA
INTERAKSYONAL
Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao
Pasalita: pormulasyong panlipunan
Pasulat: Liham pangkaibian
(Hal. Magandang Umaga! Maligayang Kaarawan! Nakikiramay
kami sa inyong pamilya.)
INSTRUMENTAL
Gamit ng wika para may mangyari o may maganap na bagay-
bagay.
Pasalita: pag-uutos
Pasulat: liham-pangangalakal, mga liham na humihiling o
umoorder
REGULATORYO
Gamit ng wika para kumontrol o gumabay sa kilos at asal ng iba.
Pasalita: pagbibigay ng panuto, direksyon o paalala
Pasulat: resipe, mga batas
PERSONAL
Gamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
Pasalit: pagtatapat ng damdamin ng isang tao
Pasulat: editoryal, liham sa patnugot.
HEURISTIKO
Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at
pag-unawa.
IMPORMATIBO
Gamit ng wika sa pagpaparating ng kalaman tungkol sa daigdig,
pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga
pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe.
IMAHINATIBO
Nagagamit ang malikhaing-isip ng isang indibidwal.