Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Anilo James P.

Ledesma

12- Beyzym

BATANGAS

Tulad ng ibang pamilya, lahat ay nangangarap na makapag travel o makapunta sa isang


magandang destinasyon. Sa kabilang banda, ako ay isa sa swerte na tao dahil ako ay nakaranas na mag-
travel o bumisita ng mga magagandang lugar na nakikita lamang sa Internet.
Sobrang saya nang nalaman ko na kami ay pupunta at makikita ko ang aking mga pamilya na
nasa kabilang banda ng Pilipinas at ito ang Manila. Ito ang kauna-unahang pagsakay ko ng eroplano. At
nung nakasakay na kami sa eroplano, ako ay tuwang-tuwa dahil. Nakikita ko ang buong lungsod ng
Zamboanga at kung gaano kaganda ito. Nung nakarating na kami sa Manila kami ay pumunta sa isang
magagandang destinasyon dito sa Manila, at ito ang Manila Ocean Park. Kung saan ito ang kauna-
unahang first world-class marine Theme Park dito sa Pilipinas. Sobrang tuwa ko dahil first time kong
makakita ng mga malalaking Aquarium at iba't ibang klase ng mga hayop. Tulad ng mga penguin, sea
lion, shark at mga pagi. Ako ay sobrang namangha dahil sobrang laki pala ng lugar na ito. Saglit lang ang
aming pagbisita dito dahil may isang destinasyon pa kaming pupuntahana.
Sa mga susunod na araw kami ay bumyahe papuntang Batangas. Dito ay nadaanan namin ang
iba't ibang magagandang tanawin sa Batangas. Dito rin ay unang pagpasok ko sa isang SM mall.
Namangha ako dahil sobrang laki nito kumpara sa mga mall sa Zamboanga. Kami din ay pumunta sa
isang magagandang tanawin sa Batangas at ito ay ang Monte Maria Shrine, kung saan meron dito
malaking estatwa ng Mahal na Birhen. Ito ay pinupuntahan o dinadayo ng mararaming tao dahil isa din
ito sa pinakasikat na tanawin na makikita sa Batangas.
Sobrang sulit ang aming bakasyon dito dahil ako ay nabigyan ng pagkakataon na makakita ng
iba’t ibang magagandang tanawin dito sa Pilipinas. Makakilala ng ibang tao at makapag try ng iba’t ibang
masasarap na pagkain. Worth it lahat ng pagod at gastos sa aming naging munting bakasyon.

You might also like