Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Anilo James P.

Ledesma
12 – STEM Beyzym
Dalawahang pagkikritik tungkol sa Aborsyon sa Pilipinas

Sa ating panahon ngayon marami tayong problemang hinaharap. Isa na dito ay ang Aborsyon sa
Pilipinas. Maraming nagsasabi na ang aborsyon ay Ilegal, pero kung tutuusin ito nga ba talaga ay Ilegal?
Maraming kababaihan lalo’t na ang mga dalaga na hindi inaasahan ang pagbubuntis o kaya ang mga
babae na biktima sa kasong rape ang namomoblema dito. Karamihan ay hindi na alam kung ano ang
gagawin kapag nangyari ang mga problema na ito.

Maraming naniniwala na ang aborsyon ay krimen dahil sa paraang ito parang pumatay ka na rin
ng tao ngunit ito pa lang ay nasa loob pa lang ng sinapupunan ng babae. Maraming tao din ang
naniniwala na bawal ang aborsyon dahil sa kanilang mga paniniwala. Ngunit, hindi lamang ang Diyos ang
may karapatan na pag desisyonan ito kundi ang ina din dahil siya ang nagdadala ng responsibilidad sa
paglabas ng bata. May ginawa ring batas ang gobyerno na bawal ang aborsyon, Ito ay lumalabag sa penal
code ng Pilipinas. Kahit nakakapagbigay ito ng panganib o mas malala ay kamatayan sa ina, mga biktima
ng rape at incest ay makukulong pa rin ng anim na taon. Maraming babae rin ang hinahayaan na lang ang
kanilang mga anak sa kalsada. Meron rin ay iniiwan ito sa mga mga establisyemento ng mga gobyerno o
awtoridad upang may mag alaga o sa madaling salita ay mayroong mag-aadopt sa bata. Nangyayari ang
mga ito dahil ang ibang mga kababaihan ay wala pa nasa tamang pag-iisip sa pag-aalaga ng bata. Isa pa
ay parang nagagalit sila sa sanggol dahil sa hindi inaasahang trahedya na nangyari. Ngunit malaking
tulong talaga ang pag lelegal ng aborsyon dito sa Pilipinas. Isang rason dito ay makakatulong ito sa
pagkontrol ng populasyon ng ating bansa. Batay sa mga report 1.43 milyon ang pagbubuntis, kalahati nito
ay hindi ginusto ang kanilang pagbubuntis. Kahit na bawal ang aborsyon dito sa Pilipinas maraming
kababaihan ay nagpalaglag na lang ng patago.  Malaking epekto din ito kapag ang sanggol ay lumabas na,
hindi rin maibibigay ng magulang ang mga dapat na maranasan ng bata dahil sa kakulangan sa pera at
mga gamit.

Kung tutuusin mas mainam na gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas upang hindi na magdusa at
mahihirapan ang mga kababaihan na hindi naman nila ginusto ang kanilang pagbubuntis. Ang mga tao
din dapat ay maging open-minded sa mga problema na ito dapat ay hindi na nila pakialamanan ang
desisyon ng isang kababaihan dahil hindi naman nila nararanasan o napagdaanan ang mga ito. Ang
gobyerno at ang mga awtoridad dapat ay magbigay na aksyon agad sa problemang ito, upang wala nang
ilegal na aborsyon na mangyayari at mas magiging ligtas na ang kalagayan ng mga kababaihan.

You might also like