Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KWENTO

Talana, Rizza May R.


Tamargo, Precious L.
Tamayo, Mary Rose N.

Kwento-Ang kwento ay isang akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at bungang-isip na


hango sa isang tunay na karanasan o pangyayari sa buhay.

-tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

-Ito ay isang akdang naglalathala at nagsasalaysay ng mga makatutuhanang pangyayari sa


pang araw-araw na buhay.Ito ay nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng
tao.

Bakit mahalaga ang Kwento?


Ang mga kwento ay tumutulong sa mga bata na bumuo ng empatiya at
linangin ang mapanlikha at divergent na pag-iisip - iyon ay iniisip na bumubuo
ng isang hanay ng mga posibleng ideya o mga solusyon sa paligid ng mga
kaganapan sa kwento.

Elemento ng kwento:
1. Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala
angiba sa mga tauhan ng kwento.
2. tauhan- Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing
tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan
-Ito ang mga tao/bagay/hayop o mga tauhan kung kanino nakasentro ang mga
pangyayari at mga pantulong na tauhan.
3. tagpuan o panahon- Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar,
sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari
4. Saglit na Kasiglahan- Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa
pagkilala sa mga pagsubok o sulirannin na darating sa buhay ng mga tauhan sa
kwento.
5. suliranin o tunggalian- Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao
laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
6. Kasukdulan- Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya’y mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
7. kakalasan- Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa
kasukdulan.
8. Wakas- Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa
pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na
melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang
kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
9. Paksang Diwa- Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan- Ito naman ang mensahe ng kwento.
11. Banghay -Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.

Mga Bahagi ng Kwento:


Simula-Lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan
ng mambabasa. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod:
a. Pagpapakilala sa tauhan
b. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan.
c. Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng. damdaming palikitawin sa kwento.
d. Paglalarawan ng tagpuan
Gitna-Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang
saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
Wakas-Dito nabubuo ang kakalasan at katapusan. Dito nakikita ang unti-unting
pagkababa ng takbo ng isang kwento. Sa bahaging ito, naipapakita ang konklusyon ng
problema at kung paano ito na resolba.

Mga Uri ng Kwento:


Kwento ng Tauhan-Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian
ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila
ng isang mambabasa.
Kwento ng Katutubong Kulay-Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga
tao sa nasabing lugar.

Kwentong Bayan-Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa


kasalukuyan ng buong bayan.

Kwento ng Kabablaghan-Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi


kapanipaniwala.

Kwento ng Katatakutan- Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring


kasindak-sindak.
Kwento ng Madulang Pangyayari-Binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Kwento ng Sikolohiko-Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat
sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga
mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.

Kwento ng Pakikipagsapalaran- Nasa balangkas ng pangyayari ang interes


ng kwento ng pakikipagsapalaran.

Kwento ng Katatawanan-Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa


mambabasa.

Kwento ng Pag-ibig- Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.

Alamat-Mga kwentong pumapaksa sa pinagmulan ng isang lugar o bagay.

Parabula- Mga kwentong hango sa pagtuturo ng Panginoon Jesus.

Pabula- Mga kwentong tauhan ay mga hayop, halaman, o bagay na animoy


gumagalaw at nag-uusap na parang tao.

Anekdota- Maikling salaysay na nagbibigay aral at kasiyahan sa mga


mambabasa o tagapakinig.

Halimbawa ng Kwento
(SARIMANOK)
Kwentong Bayan

May kaisa-isang anak na dalaga ang sultan ng Maranao sa Lanao, si Sari. Siya
ay maganda, mabait, magalang, at matulungin. Kaya naman mahal na mahal ng sultan
at ng mga tao si Sari.

Nang sumapit ang ikalabingwalong kaarawan ni Sari, isang malaking piging


sa kanilang malawak na bakuran ang inihandog ng sultan para sa kaniyang
pinakamamahal na anak. Nagagayakan ang buong paligid. Marangya at masagana ang
inihandang salo-salo.

Nagkakasayahan ang lahat nang biglang lumitaw ang isang napakalaking


tandang. Namangha ang balana. Humanga sila sa magarang tindig ng manok. Lalo pa
silang namangha nang sa isang iglap ay nagbago ito ng anyo: naging isa itong
napakakisig na prinsipe. Magalang itong bumati sa lahat at pagkatapos ay nagsalita
nang malakas.

"Naparito ako upang kunin ang dalagang minamahal ko. Siya ay matagal ko
nang inaalagaan, binabantayan, at minamahal," ang sabi ng mahiwagang prinsipe. Sa
labis na pagkagulat, walang nakakilos o nakapagsalita man lamang sa mga naroon.
Muling nag-anyong tandang ang mahiwagang prinsipe at kinuha nito ang
dalagang binanggit niya na walang iba kundi si Sari. Lumipad itong paitaas. Mula
noon ay hindi na nakita pa si Sari at ang manok..

Labis ang kalungkutan ng sultan sa pagkawala ng kaniyang anak. Hinintay


nito ang pagbabalik ni Sari at ng manok, ngunit hindi na sila nagbalik. Iniutos ng
sultan sa pinakamagaling na manlililok ng tribu na ililok sa kahoy ang anyo ng
magilas na tandang na tumangay sa kaniyang anak.

Nayari ang isang napakagandang lilok. Mahal na mahal ito ng sultan. Tinawag
niya itong sarimanok. Naging simbolo ito ng tribu.

Maraming palagay at haka-haka tungkol sa sarimanok. Ayon sa iba, ito raw ay


gintong ibon na nagdala ng maraming biyaya sa mga tao sa pulo ng Mindanao.

Anuman ang hiwagang nakabalot hinggil sa sarimanok, ito ay mananatiling


sagisag ng mga Muslim sa Mindanao at maging ng ating bansa. Dapat nating
ipagmalaki ang sagisag na ito, isang likhang-sining at pamana ng ating mga ninuno.

You might also like