Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

11

Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 6:
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
(Panahon ng Espanyol at Rebolusyong Pilipino)
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Kasaysayan ng Wikang Pambansa
(Panahon ng Espanyol at Rebolusyong Pilipino)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Em-em T. Carangue
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido
Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T.
Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino

Unang Markahan – Modyul 6:


KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
(Panahon ng Espanyol at Rebolusyong Pilipino)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Panahon ng
Espanyol at Rebolusyong Pilipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Panahon ng Espanyol at
Rebolusyong Pilipino!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


(Panahon ng Espanyol at Rebolusyong Pilipino)

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang


pagtalakay sa wikang pambansa (F11PN-If-87)
2. Nasusuri ang pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika
(F11PB-If-95)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta?

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng isang bansa ay ang mga


pinagdaanan nito sa mahabang panahon upang makamit ang
tinatamasang kaunlaran, kalayaan at pagbabago. Ang kasaysayan ay
inaalam upang malaman ang mga dahilan kung bakit ang isang bansa
ay nasa kasalukuyang estado. Ang Pilipinas ay isa sa mga patunay ng
bansang may mayamang kasaysayan na kung saan ay nagbunga ng
maraming tradisyon, paniniwala at kasabihan. Dagdag pa rito ang
pagkakaroon ng iisang wika.
Sa modyul na ito, babalikan ang mga mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng espanyol
at panahon ng rebolusyong Pilipino na naging daan upang isilang ang
wikang pambansa.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na kayo po ay:

1. Natutukoy ang mga mahalagang pangyayari na may kinalaman sa wika sa


Panahon ng Kastila.
2. Nakapagpapatunay na ang mga bayani ay may malawak na kontribusyon sa
kasaysayan ng wikang pambansa sa Panahon ng Rebolusyon.
3. Napagkasunod-sunod ang mga pangyayari sa Panahon ng Kastila.
4. Naitala ang kontribusyon ng mga bayaning Pilipino sa Panahon ng
Rebolusyon.
5. Nagugunita ang mga dating kaalamang naidulot ng pananakop ng kastila at sa
panahon ng Rebolusyong Pilipino sa ating bansa.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

PANUTO: Read each item carefully and use your notebook to write your answers.
1. Ilan lahat ang titik ng silabiko o pantigan?
A. 17 B. 18 C. 19 D. 16
2. Kailan nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin
ang wikang kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan
ng Indio.
A. Disyembre 19, 1972 C. Disyembre 29, 1792
B. Disyembre 19, 1792 D. Disyembre 29, 1972
3. Ayon sa bayaning ito, sinabotahe ng mga relihiyoso ang programang
pangwika.
A. Marcelo H. del Pilar C. Andres Bonifacio
B. Dr. Jose P. Rizal D. Apolinario Mabini

2
4. Ano ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas?
A. Barlaan at Josaphat C. Nuestra Señora del Rosario
B. Doktrina Kristiyana D. Pasyon

5. Sino ang kauna-unahang kastilang gobernador-heneral?


A. Gobernador Tello C. Miguel Lopez de Legazpi
B. Haring Felipe II D. Carlos IV

6. Ang panahong ito ay tinatawag ding Himagsikang Pilipino o tinatawag ding


Himagsikan ng mga Tagalog.
A. Panahon ng Kastila C. Panahon ng Hapon
B. Panahon ng Rebolusyong Pilipno D. Panahon ng Amerikano

7. Pinamumunuan niya ang Katipunan ito ay isang kilusang magpapalaya sa


mga Pilipino laban sa mga Kastila.
A. Marcelo H. del Pilar C. Andres Bonifacio
B. Dr. Jose P. Rizal D. Apolinario Mabini

8. Isa siya sa naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad at may sagisag-


panulat na Laong Laan.
A. Marcelo H. del Pilar C. Andres Bonifacio
B. Dr. Jose P. Rizal D. Apolinario Mabini

9. Sa panahon ng himagsikan laban sa mga kastila isa sa mga manunulat na


natampok at kilala siya bilang utak ng katipunan.
A. Andres Bonifacio C. Antonio Luna
B. Emilio Jacinto D. Graciano Lopez-Jaena

10. Isa siya sa mga akda sa panahon ng himagsikan na gumamit ng sagisag


panulat na Taga-Ilog.
A. Andres Bonifacio C. Antonio Luna
B. Emilio Jacinto D. Graciano Lopez-Jaena

Magaling na magaling. Siguradong


hand aka ng matutuhan ang panibagong
aralin hinggil sa kasaysayan ng wikang
pambansa sa panahon ng Espanyol at
panahon ng Rebulosyong Pilipino.

3
TUKLASIN

GAWAIN 1

Ang ating lupain, bago pa man natuklasan ng mga Europeo, ay may sarili
nang sibilisasyon. Mayroon na itong sistemang pampolitika sa anyo ng mga
barangay, may konsepto ng mga diyos na sinasamba sa pamamagitan ng
paganismo, may sariling teknolohiya at mga kasangkapan na gamit sa iba’t ibang
gawain, may ugnayang panlabas, at may panitikan na nagsisilbing tagapag-ingat ng
kultura at kasaysayan. Isa pa sa mga wikang buhay, estruktura at lubos na
pinakikinabangan sa araw-araw.

Sa panahon ng Kastila marami ng pagbabagong naganap. Isa na rito ang


sistema ng pagsulat, ang pagpapakilala sa Kristiyanismo sa ating bansa. Ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng panankop ng
Kastila.

Ngayon, ay gagalugarin natin ang isang kaganapan na kung saan may mga
Pilipino na nag-alsa laban sa pamamalakad ng mga Kastila.

PANUTO: Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat sa inyong mga kuwaderno.

1. Nagkakaintindihan kaya ang mga tao sa buong kapuluan sa


pagkakaroon nila ng sariling wikang buhay?
2. Ano kayang dayalekto ang nangingibabaw kung dami ng mga taong
nagsasalita nito ang pinag-uusapan?
3. Mayroon bang mga Pilipino na nag-alsa laban sa mga misyonerong
Kastila?
4. Nanatili bang buhay ang mga lokal na wika sa Pilipinas na ginagamit ng
mga Pilipino?

SURIIN

4
PAGSUSURI

Pagkatapos mong ginawa ang aktibiti:

1. Ano ang napapansin mo sa gawain 1?


2. May naiisip ka bang kakaiba hinggil sa gawaing ito?
3. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong pag-
aaralan?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

ALAM MO BA NA..
Noong unang panahon nasakop tayo ng iba’t-iabng mga dayuhan, at isa na
rito ang papanakop ng mga Espanyol na lalong nagkawatak-watak ang mga
Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo.

At ngayong araw ay pag-aralan mo ang kasaysayan ng wika sa panahon ng


Espanyol at panahon ng Rebolusyon.

PANAHON NG ESPANYOL:

 Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating


pagsulat.
 Ang sinaunang Tagalog ay isinulat sa paraang silabiko at pantigan. Mayroon
itong 17 titik.: 3 pantig at 14 katinig. Hindi katulad ng alpabetong Romano na
magkabukod ang tunog patinig at katinig na nangangailangang pagsasama
ng dalawa o higit pa upang makabuo ng pantig, ang mga titik sa bayabaying
tagalog ay pinagsama ng katinig at patinig (ganap ng pantig) na na nag-iiba-
iba lamang ang bigkas depende esa pagkakaroon ng tuldokat posisyon nito.

5
 Matagumpay na nahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo.
Napanatili nila sa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino nang
humigit-kumulang sa tatlong daang taon.
 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop
ng mga kastila. Hindi naging mabilis ang panankop na ginawa sapagkat
nagkakaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon.
 Kaya ang Hari ng Espanya ay nagtatag ng mga paaralang magtuturo ng
wikang Kastila sa mga Pilipino upang maging mabilis ang pagtuturo ng
Kristiyanismo. Hindi naganap ang planong ito dahil sa paglabag na ginawa
ng mga prayle. Mas ninais nilang maging mangmang ang mga Pilipino upang
lalong madaling masakop.
 Ang mga misyonerog Kastila mismo ang nag-aaral ng mga wikang katutubo
sa Pilipinas. Ayon sa kanila, may magandang epekto ito sa kanila. Una, mas
madaling matutuhan ng misyonero ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa
lahat o kahit ilan lamang sa taong bayan ang Espanyol. Ikalawa higit, na
magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita
ng katutubong wika.
 Hindi naman ito mahirap dahil maraming tunog sa tagalog ang kahawig ng
tunog sa Espanyol (San Juan, 1974).
 Sa mga wika sa Pilipinas , kahit bago pa man dumating ang mga mananakop,
ang maituturing na pinakamaunlad at nag-angkin ng pinalamayang panitikan
ay ang tagalog. Ayon sa Paring Heswita Na si Padre Chirino ,sa Tagalog niya
nakita ang mga katangian ng apat na pinakadakilang wiak ng daigdig: ang
wika at hirap ng Ebreo, ang pagiging natatangi ng salita ng Griyego lalo na
sa mga pangngalang pantangi, ang pagiging buo ng kahulugan at
pagkaelegante ng Latin at ang pagiging sibilisado at magalang ng espanyol
( San Juan 1974)
 Ang Hari sa kanyang unang atas sa mga kleriko ay ipinapagamit ang wikang
katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya upang madaling mahikayat ng
mga Pilipino sa Kristiyanismo. Subalit hindi naman ito nasunod.
 Para kay Gobernador Tello noon May 25, 1956, iniatas niya na dapat turuan
ang mga Indio ng wikang Espanyol.
 Para naman kina Carlos I at Felipe II, kailangang bilinggwal daw ang mga
Pilipino. Kailangan may kakayahan at kasanayan sila sa paggamit ng wikang
katutubo at Kastila.
 Noon namang 1550, iniatas ni Carlos I na ituro ang Doktrinang Kristiyana sa
pamamagitan ng wikang Kastila. Inilahad ng batas ang tungkol sa
pangangailangang magkaroon ng guro ang mga Indion na magtuturo ng
kanilang dapat matutuhan sa paraang hindi sila mahihirapan.
 Noon naming Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol
sa pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo upang umunlad ang
pananampalataya ng mg taong bayan.
 Hindi naging matagumpay ang mga kautusang binanggit kung kaya si Carlos
II ay naglagda ng isang dekreto na inuulit ang mga probisyon sa mga
nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng parusa para sa hindi susunod ditto.

6
 Noong Disyembre 29,1792 nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekreto na
nag uutos na gamitin ang wikang kastila sa mga paaralang itatag sa lahat ng
mga pamayanan ng Indio.
 Nakapagpalabas ang monarkiya ng Espanya mula 1867 hanggang 1899 ng
14 na atas na nagtatakda ng paggamit at pagtuturo ng wikang Espanyol
ngunit lahat ng ito ay pawang nabigo. Isa sa mga tampok na atas pangwika
na ipinalabas ng monarkiya ng Espanya ay ang Dekretong Edukasyonal ng
1863 na nag-aatas ng pagtatatag ng primaryang paaralan sa bawat pueblo
sa Maynila upang mabigyan ng edukasyon sa Espanyol ang mga anak ng
mga katutubo. Itinakda rin nito na Espanyol lamang ang gagamiting midyum
ng pagtuturo dahil ang pangunahing layunin ng kurikulum ay ang
pagkakaroon ng literasi sa Espanyol (Catacataca at Espiritu,.2005).
Isinasaad pa sa dekreto na hindi pahihintulutang humawak ng anumang
katungkulan sa pamahalaan ang mga katutubong hindi marunong magsalita,
bumasa o sumulat sa espanyol, apat na taon makaraan publikasyon ng batas
upang mapilitan ang mga Pilipino na pag-aralan ang wika ng mga
mananakop.
 Sa kabila ng pagnanais ng monarka na mabigyan ng sapat na edukasyon
ang mga katutubo at maituro sa kanila ang Espanyol, nabigo ito dahil sa
paghadlang ng mga prayle. Ayon nga bayaning si Marcelo H. del Pilar,
sinabotahe ng mga relihiyoso ang programang pangwika.
 Sila ang may kasalanan kung bakit nananatiling mababa ang kalagayang
pang edukasyon ng Pilipinas. Ito ay dahil natatakot ang mga prayle na
maging kolonyang Hispano ang mga Pilipno sa halip na kolonyang monastiko
(Catacataca at Espiritu).

Sa mga nabanggit na batas, maliwanag na tunay ang hangarin ng


pamahalaang Kastila na turuan ang mga Pilipino ng wikang kastila. Mapatutunayan
ito sa pamamagitan ng may labing-apat na dekreto na inaprobahan mula noong
1867 hanggang 1899. Ang naging hadlang lamang upang hindi matupad ang
pagtuturo nito ay ang mga prayle na nangagasiwa at naging tagapamahala ng mga
paaralan sa bansa.

Kung tutuusin may gumagana nang wika ang mga katutubo bago dumating
ang mga miyonero na huwag na itong burahin, sa halip ay panatilihin at gamitin a
kanilang pakikipag-ugnayan sa mga katutubo. Kung may pamanang pangwika man
na naiwan ang mga Espanyol sa kanilang mahigit 300 taong pananakop, ito ay (1.)
romanisasyon ng silabaryo ng mga wikang ginagamit sa Pilipinas na naagpahintulot
ng mas madaling komunikasyon ng mga Pilipino sa daigdig na gumamit na rin ng
sistemang iyon, (2) ang yaman ng bokabularyong Espanyol na nakapasok sa
talasalitaan ng katutubong wika sa Pilipinas. Hinahadlangan man ng mga
misyoneryo ang ganap na pagkatuto ng mga katutubo ng Espanyol, naging kapalit
naman nito ay ang pananatiling buhay ng mga lokal na wika sa Pilipinas na
ginagamit ng mga Pilipino hanggang ngayon.

7
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPNO

Ang Panahon ng Rebolusyong Pilipino ay tinatawag ding Himagsikang


Pilipino o tinatawag ding Himagsikan ng mga Tagalog ay tunggalian ng mga
Pilipino sa Pilipinas at ng mga Espanyol na nanunungkulan sa ating sa bansa.
Nagsisimula ito noong ika-1896 ng Agosto nang matuklasan ng mga Kastila ang
Katipunan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio , ay isang kilusang magpapalaya
sa mga Pilipino laban sa mga Kastila. Sa panahon ng pagmimisa sa Caloocan ay
inoorganisa ng mga namumuno ng Katipunan ang kanilang sarili upang magtayo ng
isang kilusan laban sa Gobyerno. Pinangalanan nila ang bagong naitayo na
gobyerno na “Haring Bayang Katagalugan”.

Maaaring mabasa ang kabuuang nilalaman sa https://bit.ly/2HscHDf

Sa inilathala ni Bernardita Reyes Churchill sa kanyang “The Katipunan


Revolution” sumabog ang rebolusyon noong ika-23 ng Agosto 1896, sa isang
pangyayari na magugunita bilang ‘Cry of Pugad Lawin”. Sa labas ng bayan ng
Maynila ay nagtitipun-tipon ang mga miyembre ng isang sekretong rebolusyong
panlipunan na kilala bilang Katipunan (Kataas-taasang Kagalang-galang na
Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

Maaaring mabasa ang kabuuang nilalaman sa https://bit.ly/2Ht1p1x

Nanawagan si Bonifacio ng isang labanan ngunit nabigo ito. Gayunman ay


ang nakapaligid na lalawigan ay nagsimulang maghimagsik. Sa katunayan ang mga
rebelde sa Cavite na pinamumunuan ni Mariano Alvarez at Emilio Aguinaldo ay
nagtagumpay sa kanilang pakikipaglaban. Ang propaganda ay panahon nam kung
saan ang mga katutubong Pilipino ay nanawagan ng reporma o pagbabago na
nagsimula noong 1868-1898 at ang pinakaaktibo ay noong 1880 and 1895.

Maaaring mabasa ang kabuuang nilalaman sa https://bit.ly/3cuQHmv

 Sa pagtatapos ng kolonisasyon sa Espanya at unti-unti noong pag- usbong


ng sariling pamahalaan ang mga Pilipino, kinikilala ang halaga ng
pagkakaroon ng opisyal na wika.
 Ayon sa artikulo 8 ng kontitusyon ng Biak- na- Baton a inakda nina Felix
Ferrer at Isabelo Artacho at nilagdaan noong ika-1 ng Nobyembre 1897,
Tagalog ang dapat na maging opisyal ng Republika . Dagdag pa, ituro sa
elementarya ay wastong pagbasa, pagsasalita at pagsulat sa wikang opisyal
na Tagalog.
 Sa konstitusyon ng Malolos na inakda nina Felipe Calderon at Felipe
Buencamino at nilagdaan noong ika-21-ng Enero 1899, ibinalik naman ang
Espanyol bilang pansamantalang opisyal na wika sang-ayon sa artikulo 93,
habang pinipili pa sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas ang hihiranging
opisyal na wika at Kulturang Filipino.

Maaaring mabasa ang kabuuan sa aklat na ito: Reyes A. 2016


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Makati City , Diwa
Learning System.

8
 Tagalog naman ang ginamit ng mga manghihimagsik sa paglikha ng mga
tula, sanaysay liham at talumpati.
 Sa panahong ito marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang
damdaming nasyonalismo.
Nagtungi sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan .
a.) Dr. Jose P. Rizal
b.) Graciano Lopez-Jaena
c.) Antonio Luna
d.) Marcelo H. del Pilar

Maaaring mabasa ang kabuuan sa aklat na ito: Badayos P. et. Al 2010.


Komunikasyon sa Akademikong Filipino Aklat sa Filipino 1-Antas Tersarya Malabon
City Mutya Publishing House Inc.

Iba pang mga panulat na Tagalog at mga panulat na Tagalog at mga


manunulat sa panahon ng himagsikan. Si Marcelo H. del Pilar ay kilala rin bilang
dakilang propagandista. Ang kanyang pangalan sa diyaryo ay Plaridel. Binili niya
kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugotnito mula noong
1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang lika na ang La
Soberania Monacal at La Frailocracia Filipina. Isunilat rin niya ang “Dasalan at
Tuksuhan” na tumitira sa mga mapangabusong prayle.

Maaaring mabasa ang kabuuan sa link na


ito:http://fil.wikipilipinas.org.index.php/Marcelo_H._del Pilar

Isa sa pinakamatanyag na akda ni Antonio Luna na gumamit ng sagisag


panulat na Taga-Ilog ay ang Impresiones, isang kalipunan ng mga satirikong
obserbasyon, tala sa paglalakbay at puna sa mga gawi ng Espanyol. Nailathala ito
noong 1891, habang nasa Espanya siya kasama ang mga Propagandista.
Tagapagtatag din siya ng La Independencia na lumabas noong Digmaang Filipino-
Amerikano.

Maaaring mabasa ang kabuuan sa link na ito: http://kwf.gov.ph/si-heneral-


luna-bilang-manunulat-sa-kapihang-wika-ng kwf-2/.

Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag panulat na


Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidariad: at ang may akda ng
mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibustererismo na unang nalimbag at
nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyong Pilipino na mag-aklas
laban sa mga Kastila.Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa
Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos

Maaaring mabasa ang kabuuan sa link na ito:


https://libtong.wordpress.com/2011/12/02/panitikan-sa-filipino/

Sina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Jose Rizal ay sumulat
ng pahayagang La Solidaridad (Solidarity) na unang nailathala sa Barcelona noong

9
Disyembre 13,1888. The Propagandists mainly aimed for representation of the
Philippines in the Cortes Generales secularization of the clergy, the legalization of
Spanish and Filipino equality, creation of public school system independent of
catholic friars; Abolition of polo y servicio or labor services among others.

Ang kanilang pinakapangunahing isinulat ay ang La Solidaridad dahil sa


brutal na pamamahala ng mga Gobernador Heneral.

Isinulat din ni Rizal ang mga nobelang Noli Me Tangere na inilathala noong
1887 at El Filibusterismo na inilathala noong 1891.

Nakasaad sa link na ito ang kabuuang nilalaman ng paksang aralin:


https://en.wikipedia.org/wiki/propaganda_Movement

 Maraming akdang naisulat sa tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng


pagiging makabayan, masidhing damdamin laban sa mga kastila ang
pangunahing paksa sa kanilang isinulat.
 Simula ng pakikibaka sa kalayaan ginamit na ng mga Katipunero ang wikang
Tagalog sa mga opisyalesna nakasulat.

Maaaring tingnan ang mga video link na ito na makapaglarawan sa kinalalagyan


ng mga Pilipino sa Panahon ng Rebolusyon.
xiao time:Emilio jacinto, ang utak ng rebolusyon
https://www.youtube.com/watch?v-Nt XoWnzxGAxiao time: ang unang sigaw ng
himagsikan sa balintawak,kalookan
https://www.youtube.com/watch?v=fdP1ycFDTSU

Nakasaad ang kabuuang nilalaman sa sanggunian na ito: Badayos, P. et.al


2010. Komunikasyon sa akademikong Filipino sa Aklat 1Antas

HIMAGSIKAN LABAN SA MGA ESPANYOL

Ang pagkakataon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging babala ng
pagtatagumpay ng mga propagandista. Gayunman, hindi naman nanlupaypay ang
mga ibang masigasig sa paghihingi ng reporma. Ang iba ay hindi naniniwalang
reporma ang kailangan, naniniwala silang kailangan nan g marahas na pagbabago.
Si Deodato Arellano at ilan pang may diwang makabayan ay lihim na nagpulong
noong ika 7-ng Hulyo1892. Sa isang bahay sa Azcarraga. Itinatag nila ang
Kataastaasang Kagalang-galangan na Katipunan nang mga anak ng bayan ( K.K.K)
o Katipunan.

Nagsanduguan sila at inilagda sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang mga


dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng samahan.

Ang mga manunulat na natampok sa panahong ito’y sina Andres Bonifacio


(Ama ng Katipunan) at Emilio Jacinto (Utok ng Katipunan). Kabilang dito si Pio
Valenzuela. Ang wikang nagtatampok nang panahong ito’y ang Tagalog. Kung sa
panulat man ni Bonifacio’y sinasabi niyang”Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”.
Mababasa naming ang tinutukoy dito’y ang mamayang Pilipino, hindi naman niya
10
matatawag na mga Pilipino sapagksa at ang mga Pilipino noo’y ang mga KAstilang
ipinanganaksa Pilipinas, hindi rin naman maaring gamitin ang Indio sapagkat ito ay
panlilibak ng mga Kastila.

MGA PAHAYAGAN NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN

Hindi naging mabisa noong panahon ng Himagsikan ang mga katha. Ang mga
sanaysay ay pahayagan ang naging behikulo sa pagpapabatid sa mga tao ng mga
tunay na nangyayari sa kapaligiran. Ito ang naging mabisang tagaakay sa mga tao
upang tahakin ang landas tungo sa pagkakaroon ng kalayaan.

Ilan sa pahayagan noon ang:

1. Kalayaan- ang pamansag ng katipunan. Itinatag ito noong 1896.


Pinamatnugatan ito ni Pio Valenzuela.
2. Diario de Manila- ang pantulong ng kalayaan. Natagpuan ng mga Kastila ang
limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero.
3. El Heraldo de la Revolicion- Makalawa sa isang lingo kung lumabas ang
pahayagang ito. Limbag ito sa unang Republika ng Pilipinas noong 1898.
Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo
Filipino ang pangalan nito at Kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de
Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika-28 ng Disyembre, 1898
hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang dadaming
makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
4. La Independencia- naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong
ika 3-ng Setyembre 1898.
5. La Republika Filipina- pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong
1898.
6. Ang kaibigang kahapis-hapis- lumabas noong ika 24- ng Agosto, 1899.
7. Ang Kaibigan ng Bayan- lumabas noong 1898.
8. Ang Kalayaan- Tagapamalitang tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.

Nakasaad ang kabuuang nilalaman sa link na ito sa:


http://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-himagsikan-html

11
Mga Gawain

PANUTO: Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat sa inyong mga kuwaderno
ang sagot. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung ang pahayag
ay hindi wasto.

1. La Republika Filipina- pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong


1898.

2. Ang Kalayaan- Tagapamalitang tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.

3. Himagsikan- ang pamansag ng katipunan.

4. Isinulat din ni Rizal ang mga nobelang Noli Me Tangere na inilathala noong
1878 at El Filibusterismo na inilathala noong 1890.

5. Tagalog ang ginamit ng mga manghihimagsik sa paglikha ng mga tula,


sanaysay liham at talumpati.

6. Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aaral ng mga wikang katutubo
sa Pilipinas.

7. El Heraldo de la Revolicion - ang pantulong ng kalayaan.

8. Noon namang 1550, iniatas ni Haring Felipe II na ituro ang Doktrinang


Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila. Inilahad ng batas ang
tungkol sa pangangailangang magkaroon ng guro ang mga Indion na
magtuturo ng kanilang dapat matutuhan sa paraang hindi sila mahihirapan.

9. Ayon sa artikulo 8 ng kontitusyon ng Biak- na- Baton a inakda nina Felix


Ferrer at Isabelo Artacho at nilagdaan noong ika-1 ng Nobyembre 1879,
Tagalog ang dapat na maging opisyal ng Republika.

10. Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating
pagbasa.

12
ISAISIP

Ang mga misyonerong Kastila


mismo ang mag-aaral ng mga wikang
katutubo sa Pilipinas. Ayon sa kanila, may
magandang epekto ito sa kanila. Una,
mas madaling matutuhan ng isang
misyonero ang wika ng isang rehiyon
kaysa ituro sa lahat o kahit ilan lamang sa
taong banyaga ay nagsasalita ng
katutubong wika.
Ang kontribusyon ng mga bayani
sa panahon ng rebolusyon ay
nagpapakita ng kanilang matinding
pagmamahal sa bayan.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

PANUTO: Bumuo ng isang sanaysay na may kinalaman sa pag-unlad ng wikang


pambansa sa Panahon ng Espanyol at Panahon ng Rebolusyong Pilipino. Ito ay
binubuo ng 4 hanggang 5 talata. Bawat talata ay kailangang may limang
pangungusap pataas. Pumili ng angkop na pamagat sa iyong nabuong sanaysay.
Sa paglalapat ay makikita mo ang kriteryang pagbabasihan. (Answers may vary)

GAWIN MO!
Magiging gabay mo ang sumusunod na kriterya sa pagsulat ng isang sanaysay.

13
Kriterya:
Nilalaman ………………………………………………….25
Pagkakaorganisa ng nilalaman……………………..….. 15
Paggamit ng wika …………………………………………10

Kabuuan…………………………………………………………….50 puntos

KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

REFLEKSIYON

Sa pagdating ng mga Espanyol sa bansa ay nagkaroon ng iba't ibang


reaksyon ang mga Pilipino. Ang iba ay tinugunan ang pananakop ng pagwawalang
bahala at ang iba naman ay tinanggap na lamang ang kanilang kahihinatnan sa
kamay ng mga Kastila. Subalit, sa pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa ay
maraming Pilipino ang nakipaglaban at nagkaisa upang pabagsakin ang pamumuno
at supilin ang pagmamalabis ng mga Kastila.

Pagpapaliwanag:
 Ipagpalagay natin na nasa ganito kang kalagayan, ano ang gagawin
mo susundin mo ba ang pamamalakad ng mga kastila o makikiisa ka sa
mga Pilipino na makipaglaban para sa kalayaan? (Answers may vary)

14
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

A. PANUTO: Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong


sagutin ang mga sumusunod:

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa nagaganap ng Kastila.


Lagyan ng bilang 1-7.

________1956, iniatas ni Gob. Tello na dapat turuan ng wikang Kastila ang mag
Indio.
________1550, iniatas ni Carlo I na ituro ang Doktrina Kristiyana sa pamamagitan
ng wikang Kastila (kaunahang-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas.
________Dumating ang mga misyonerong Kastila sa PIlipinas.
________Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang
katutubo sa Pilipinas.
________Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang
katutubo sa Pilipinas.
________Ang hari sa kanyang unang atas kleriko ay ipinapagamit ang wikang
katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya upang madaling mahikayat ang mga
Pilipino sa Kristiyanismo.
_______Noong Marso 2, 1634 muling inulit ni Haring Filipe ang utos tungkol sa
pagtuturo ng wikang kastila sa lahat ng katutubo upang umunlad ang
pananampalataya ng mga taong bayan
_______Nakapagpalabas ang monarkiya ng Espanya mula 1867 hanggang 1899
ng 14 na atas na nagtatakda ng paggamit at pagtuturo ng wikang Espanyol ngunit
lahat ng ito ay pawang nabigo.

B. Pagpapaliwanag: sagutin ang sumusunod nang pakomprehensivo.


1. Ano-ano ang kontribusyon ng mga propagandistang ito sa pagpapaunlad
ng wikang Pambansa? 20 puntos
2. Bakit naging matindi ang damdaming nasyonalismo ng mga propagandista
sa panahon ng rebolusyon? 15 puntos

15
SUSI SA PAGWAWASTO

16
MGA SANGGUNIAN

Badayos P. et. Al 2010. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Aklat sa Filipino 1-Antas Tersarya Malabon City Mutya Publishing House Inc.

Badayos, P. et.al 2010. Komunikasyon sa akademikong


Filipino sa Aklat 1Antas

Reyes A. 2016 Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino. Makati City, Diwa Learning System.

https://en.wikipedia.org/wiki/philippine_Revolution
https://en.wikipedia.org/wiki/Propaganda_Movement
: http://fil.wikipilipinas.org.index.php/Marcelo_H._del Pilar
http://kwf.gov.ph/si-heneral-luna-bilang-manunulat-sa-kapihang-wika-ng kwf-2/.
https://libtong.wordpress.com/2011/12/02/panitikan-sa-filipino/
https://en.wikipedia.org/wiki/propaganda_Movement
https://www.youtube.com/watch?v-Nt XoWnzxGA
https://www.youtube.com/watch?v=fdP1ycFDTSU
http://zunal.com/conclusion.php?w=166224

17
EM-EM T. CARANGUE, siya ay nagtapos ng kursong (BSED) Bachelor
of Secondary Education major in FILIPINO mula sa Negros Oriental
State University Bayawan - Sta. Catalina Campus. At kasalukuyang
nagtuturo sa mataas na paaralan ng Sta. Catalina National High
School, Sta. Catalina District III.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like