Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KAHULUGAN NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto. Mula sa lahat ng iyong naging kabatiran at mga naging pag-aaral hinggil sa panitikan,
lagyan ng katumbas na salita ang akronim na PANITIKAN na sa iyong palagay ay naglalarawan
dito at ipaliwanag.

P - AGPAPAHAYAG. Ang panitikan ay inubuo ng mga malayang ekspresyon ng mga tao ukol sa
kanilang paniniwala o kaya'y nararamdaman patungkol sa isang bagay, gaya ng uri ng
pamumuhay, pagmamahal sa bayan at marami pang iba.

A - ESTETIKO. Ang ating panitikan ay ginagamitan ng masining na pamamaraan ng


ekspresyon. Ibat ibang istilo ang ginagamit. Sa pamamagitan nito ay mas nakakapukaw ng
pansin at damdamin ang awtor.

N - AISASALIN. Lumipas man ang panahon ay napapanatili parin ang panitikan sa pamamagitan
ng pagsasalin-kwento sa mga bagong henerasyon na naipapasa muli sa mga susunod pang
henerasyon.

I - NIINGATAN. Ang ating panitikan ay inaalagaan at iniingtan sapagkat patunay ito sa ating
pinagmulan at historya upang mapanitili at maisalin pa sa mga susunod na henerasyon.

T - ALAAN. Bahagi ng ating mayamang panitikan ang mga kwento at karanasan nga ating mga
mamamayan. Gayundin ang historya ng matapang na pakikipaglaban ng ating mga bayani para
sa kalayaan ng ating bayan.

I - MAHINASYON. Sa pamamagitan ng imahinasyon ng mga awtor ay nakakagawa ng mga obra


maestra na siyang nailalathala sa buong bansa. Sa pamamagitan ng malawak nabimahinasyon
ng mga manunulat ay nakikilala sila bilang isa sa mga tinatanghal na awtor.

K - ARUNUNGAN. Ang ating panitikan ang patunay na tayo ay mayaman sa kaalaman.


Ginagamit ito hindi lamang para ipahayag ang ating saloobin kundi ginagamit rin bilang mulat-
mata sa ating mga kababayan. Kagaya na lamang ginawa ng ating Pambansang Bayani.
A - kda. Ang ating panitikan ay binubuo ng maraming akdang pasulat at pasalita. Marami sa
mga akdang ito ay ginagamit sa pagpapakilala ng ating panitikan sa mga mag-aaral na siya
naman nilang inaaral at pinagyayaman.

N - ANGHIHIKAYAT. Ang ating panitikan ay mayaman sa mga akdang nagtatawag pansin sa


ating lipunan. Kagaya na lamang ng mga akda ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: May mga pahayag bang pasalita o kaya’y mga naisulat na akda na nagkaroon kng
malaking impluwensiya sa iyong paniniwala, pananampalataya o kaya naman ay kung paano ka
kumikilos o nabubuhay sa ngayon batay sa mga prinsipyong pinaniniwalaan mo na iyong
sinusunod? Isulat ang iyong kuwento.

Ang pelikulang A Thousand Words ay patungkol sa isang lalaking hindi marunong


magpatalo at mahilig itago ang katotohanan. Hindi niya pinahahalagahan ang kanyang mga
sinasabi. Lalong lalo na sa kanyang pamilya. Hindi niya iniisip ang mga salitang lumalabas sa
kanyang bibig. Sa kanyang trabaho ay hindi siya nagdadalawang isip na baluktutin ang
katotohanan para lamang sa kanyang sariling kaligayahan at kapakanan. Hanggang sa isang
araw ay nakatanggap siya ng usang sumpa.

Biglang may isang puno na lumitaw sa kanyang bakuran. At nang siya ay magsalita
nalagas ang ilang dahon. Kanyang napag alaman na sa tuwing siya ay magsasalita ay may
katumbas itong dahon na malalagas sa puno. May isang babaeng dumalaw sa kanyang bahay at
sinabi na kapag nubos ang dahon sa ouno ay siya niya ring ikamamatay. Sa una ay hindi niya
inalintana ang bilin ng matanda. Patuloy siya sa pagsasalita ng mga bagay na masama at walang
kabuluhan. Ngunit di nagtagal ay naniwala siya sa matanda. Naging mahirap sa kanya ang
bawat araw dahil narin sa knyang masamang ugali at mga nakasanayan. Hanggang sa kaunti
nang ang dahon na natitira sa puno nagbabadya na malapit na siyang pumanaw.
Naging daan ito sa kanyang pagbabago at ginamit niya ang kanyang mga nahuhuling
salita para ayusin ang kanyang relasyon sa kanyang pamilya at sa mga taong nakapaligid
sakanya. At naubos ang dahon sa puno at siya ay inatake sa puso at nawalan ng malay. Ngunit
biglang tumunog ang kanyang selpon at siya ay nagising. At ang punong nawalan ng dahon ay
lumago at napuno muli ng dahon at natapos ang sumpa. Siya ay tuluyan ng nagbago at
namuhay ng masaya kasama ang kanyang pamilya.

Nahinuha ko sa pelikulang ito kung gaano kahalaga ang relasyon sa ating pamilya,
bagamat tayo ay nagkakamali nariyan parin sila inaantay ang ating pagbabalik. Handa nila
tayong tanggapin anumang kasalanan ang ating nagawa. Sila ang ating pamilya bagamat minsan
nagkakalayuan ng loob nananatili parin ang pagmamahal. Isa ring natutunan ko rito ay kung ano
ang kayang gawin ng ating salita. Maaaring para sa atin ay salita lamang ang mga ito pero ang
mga ito ay may kahulugang naipaparating sa mga taong nakapaligid sa atin. Sa pamamagitan ng
salita ay maaari tayong makasakit, maaaring maging sanhi ito ng di pagkakaunawaan.
Makapangyarihan ang ating salita. Kaya nararapat lamng na tayo ay mag ingat at mag isip bago
magsalita. Dapat ay intindihin natin ito bago natin iparating. Bawat buka ng bibig ay may
katumbas na mensahe. Gaya na lamang ng ginawa ng ating mga bayani, ang kanilang salita ay
nagturo sa ating mga mamamayan. Ang kanilang salita ay ginamit nila upang ipahayag ang
pagmamahal sa bayan. Nagsimula ng himagsikan hanggang makamit ang kalayaan. Ganito
dapat natin gamitin ang ating salita. Gamitin sa tama ang bawat salitang binibigkas.

URI NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto: Sagutin nang mabilisan ang mga sumusunod na bugtong:

ANINO. Maikling landasin, di maubos lakarin.

SINTURON. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.

SAPATOS. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.


LANGGAM. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.

KANDILA. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.

III.PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento na maaaring
naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya) na hindi pa nailathala
na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak o kaya’y kakilala. Ikuwento ito
dito bilang bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino.

Ang Kwento ng Ilog ng Dianawan

Noong unang panahon ay may isang tribong pinamumunuan ng isang magiting na lider.
Kilala siya bilang isang matapang at magaling sa pangangaso. Siya ay may nag iisang babaeng
anak na pinangalanang Diana. Namatay man ang kanyang asawa sa panganganak biniyayaan
naman sila ng ubod ng gandang anak na babae. Sabi ng iba siya raw bigay sakanila ng diwata ng
kabundukan kung saan naninirahan ang buong tribo. Dahil narin sa patuloy na pag aalaga ng
kanilng lider sa kagubatan.

Lumipas ang panahon ay isa nang dalaga ang anak ng lider. Maraming mga matitiluno at
matatapang na mangangaso ang subukan bihagin ang puso ng dalaga ngunit walang
nagtagumpay. Sa pag usbong ng kalakalan naging gawain ng tribo ang pamumutol ng
malalaking puno at gawing tabla na siya namang labis na ikinagalit ng diwata ng kagubatan.
Nagpakita ang diwata sa lider ng tribo sa kanyang panaginip at sinabing babawiin niya lahat ng
anumang binigay sakanila. At hanggang sa isang araw dumating ang malakas na ulan at tinangay
ng rumaragasang tubig ang buong tribo. Nakaligtas ang lider ngunit hindi niya mahanap ang
kanyang nag iisang anak. Ang dating lugar na tinatayuan ng kanilang tribo ay isa ng ilog. Labis
labis ang paghihinagpis ng lider kaya naman hindi niya iniwan ang ilog. Hindi natigil sa pagsigaw
ang lider, binabanggit ang pangalang Diana. Sinisi ng lider ang diwata ng kagubatan. Hanggang
isang araw nakita ang lider na wala ng buhay. Sa paglipas ng panahon ay kumalat ang kwento at
tinawag ang ilog na Dianawan bilang pag alala sa lider at sa kanyang anak. Sa kasalukuyan ay isa
ng baranggay ang Dianawan na pinaninirahan ng mga igorot.

You might also like