Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ARALIN “Ang Aso at Ang Leon”

1.2 (Pabula ng Maranao)


Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng
Posibilidad

Magkasabay nating pag-aralan ang isa pa sa mga akdang


pampanitikan ng Maranao, ang Pabula. Pinamagatan itong
“Ang Aso at ang Leon”. Nagpapakita ito ng hindi
matatawarang karanasan at makahulugang kaisipan ng
matatanda. Gayundin, maipaliliwanag mo kung mahalaga ba
ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng
posibilidad.

Balikan
Ating balikan ang inyong natutunan sa unang linggong aralin.
Kopyahin ang tanong at ibigay ang tamang sagot. Gawin ito sa
sagutang papel.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot ng
tamang gamit ng mga salitang nagbibigay patunay.

A. totoo B. sadya C. talaga D. tunay E. sapagkat F. kahit

1. Si Jun ________ ang nagnanais na malulok sa pwesto sa pagka Mayor.


2. Ang alahas na binigay niya ay ________ na diamante.
3. Pawang __________ lamang ang kanyang sinabi sa mga pulis.
4. ___________nilang winalang-bahala ang kautusan ng gobyerno.
5. Nagtitiis pa din siya __________ na nasasaktan na ito.
6. Nakakuha siya nang mababang marka _________ siya ay hindi nagbasa ng
libro.

Mga Tala para sa Guro


Ang bawat gawain sa panimula at katapusan ng bawat bahagi ay iyong
sasagutin sa loob ng isang oras. Mayroon lamang apat na oras ang
nakalaan sa asignaturang ito sa buong linggo. Basahing mabuti ang
panuto at paraan ng pagbibigay ng puntos upang kayo ay magabayan.
Huwag pumunta sa ibang gawain 1 kung hindi mo natapos ang
kasalukuyang gawain. Maraming salamat.
Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung may


alam ka na kung bakit hayop na nagsasalita at kumikilos na parang
tao ang karaniwang ginagamit na tauhan sa pabula.

GAWAIN 1. PAGHAHAMBING
Suriin ang kasunod na mga larawan. Isulat kung anong pag-uugali ng tao ang
maihahambing sa mga ito. Isulat sa sagutang papel.

______________ ______________ ______________ _______________

Suriin
Pagbasa sa paksang pinamagatang “Ang Aso at ang Leon” Pabula ng Maranao.
“Ang Aso at ang Leon”
(Pabula ng Maranao)

2
Isang araw, naligaw ang isang matandang aso
habang hinahabol ang kuneho. Mayamaya ay
napansin niya buhat sa malayo ang isang leon
na tumatakbo papalapit sa kaniya na may
tinging nagugutom. “Palagay ko’y lalapain
ako ng nilalang na ito,” sabi ng aso sa sarili.
Pabula(Fables)Archives-Wikakids
Nakakita ang matandang aso ng mga
butong nakakalat malapit sa kaniya. Umayos
siya na animo’y kakainin ang mga ito nang
nakatalikod sa paparating na leon. Nang
dadambahin na ng leon, sumigaw ang matandang aso, “isang napakasarap na leon!
Mayroon pa kayang iba rito?
Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang aso ay bigla itong
tumigil, at mabilis na nagtago sa puno. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong
iyon at marami nang napatay,” bulong niya sa sarili. Ang ardilya (squirrel) naman na
kanina pa pala nanonood sa malapit na punongkahoy ay alam ang pandarayang
ginawa ng aso at nag-isip na gamitin ang kaniyang nalalaman para sa kaniyang
sariling proteksiyon mula sa leon. “Siguro naman ay makukuha ko ang loob ng leon,”
nakangiting sabi nito sa sarili.
Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang nangyari at gumawa ng
kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng
ardilya. Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at nagwika, “sumakay ka
sa likod ko at nang makita mo ang mangyayari sa manlilinlang na iyon!” Natiktikan
ng matandang aso ang pagdating ng leon na may nakasakay na ardilya sa likod. Sa
halip na tumakbo, naupo siya at nagkunwaring hindi pa niya sila nakikita. Nang
malapit na ang dalawa at alam niyang siya’y maririnig, ang matandang aso ay
nagsabi, “nasaan ang ardilyang iyan? Inutusan ko siya, isang oras na ang nakakaraan
na dalhin sa akin ang isa pang leon!” Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa
ardilya. “Akala ko ba’y kakampi kita?” “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong
ipakain sa asong iyan?” Akala ng leon ay talaga ngang inutusan ng matandang aso
ang ardilya upang siya ay dalhin sa harap nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki
niya ay kaya niyang patayin at lapain ang matandang aso. Kumaripas ng takbo ang
leon, at ni hindi na nagawang lumingon. Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng
matandang aso at galit na nagwika, “akala mo siguro ay mapapatay mo ako sa
pamamagitan ng leong iyon!” Matanda na ako at marami ng karanasan. Hindi ninyo
ako mapaglalalangan. Nanginginig na humingi ng tawad ang ardilya.

GAWAIN 2: PAG –UNAWA SA BINASA


Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang mga
sagot.
1. Ilarawan ang mga tauhan sa binasang pabula . Gayahin ang kasunod na pormat
sa sagutang papel.
Ardilya Leon Matandang Aso

3
2. Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa sinabi ng matandang aso sa
artilya na “matanda na ako at maraming karanasan”?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________
3. Ano ang naging pananaw at saloobin mo sa naging kilos, galaw, o pananalita
ng mga tauhan sa akda?Karapat-dapat o di karapat-dapat ba ang paggamit ng
hayop bilang tauhan sa Pabula? Pangatuwiranan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________________________
Gawain 3: KATAUHAN SA TAUHAN
Magsaliksik ng larawan sa internet na higit na kakatawan sa tatlong tauhan sa
pabulang nabasa sa itaas. Ipaskil ang larawan sa grapikong pantulong sa ibaba at saka
ilarawan ang bawat isa sa pamamagitan ng kanilang katangian at ugnayan sa isa’t isa.

ARDILYA LEON MATANDAN


G ASO

Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong


tanong.

1. Ano ang ugnayan ni matandang aso kina Ardilya at


Leon?

2. Anong katangian ng mga tauhan ang naibigan mo sa pabula? Bakit?

3. Anong aspekto ng kulturang Maranao ang itinampok sa pabula? Ipaliwanag.

4
MGA EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG
POSIBILIDAD

Ang mga salitang posible, maaari, puwede, marahil, siguro, baka,


sa palagay ko at ibang kauri nito ay mga ekspresiyong
nagpapahayag ng posibilidad. Maaaring magkatotoo subalit hindi
pa matiyak o masiguro. Ginagamit ito sa pagsasabi ng mga bagay na maaaring
mangyari.

Halimbawa:
1. Posibleng manatili ka sa trabaho kung pagbubutihin mo
2. Maaari kang yumaman kapag pinagbuti mo ang iyong negosyo.
3. Puwede kang maging presidente ng kumpanya kapag pinanatili mo ang iyong
kasipagan.
4. Marahil ay nagsisisi din siya sa kaniyang ginawa.
5. Siguro ay hindi na malilimutan kailanman ng mga tao ang matitinding kalamidad
na tumama sa ating bansa.
6. Baka wala nang punong abutan ang susunod na henerasyon kung hindi natin
iingatan ang kalikasan.

KARAGDAGANG KAALAMAN O IMPORMASYON…


Ang puppet show ay isang uri ng pagtatanghal sa entablado sa pamamagitan ng
pagpapagalaw sa mga bagay na waring may buhay. Maaaring gamitan ng puppet na
pinagagalaw at pinagsasalita ng mga aktor na tinatawag na puppeteer na sadyang
nakatago mula sa paningin ng mga manonood. Narito ang iba’t ibang uri ng puppet.
1. Stick Puppet. Pinagagalaw ang kamay sa pamamagitan ng nakadugtong na
patpat o alambreng matigas

Clip art on office Online


.
2. Shadow Puppet. Ang puppet sa likod ng telon na ang nakikita ay anino
lamang.

Clip art on office Online


3. Puppet Pangkamay (hand puppet). Ito ay maaaring yari sa papel o tela.

Clip art on office Online

GAWAIN 4. I-SEND MO SA MESSENGER


Isang tanggap na kaugalian sa Islam na maaaring magkaroon ng higit
isa isang legal na maybahay ang isang lalaking Muslim. Hindi ito kinikilalang
pangangaliwa, subalit isang responsibilidad. Isang mainit naman na paksa sa
kasalukuyan ang pakikipagrelasyon nang higit sa isa sa parehong pagkakataon.
Kadalasan itong tampok sa mga teleserye at pelikula. Sa gawaing ito, ibabahagi mo

5
ang iyong opinyon ukol sa nasabing paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong sa
ibaba na gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad. I-send ang iyong
sagot sa messenger upang mabasa ito ng iyong guro.

TANONG:
Ano ang iyong opinyon sa pagkakaroon ng higit sa isang karelasyon sa
kasalukuyan? Bakit?

Clip art on Office Online

Pagyamanin

Gawain 5: PAGSUSURI NG TRAILER NG PELIKULA


Panooring mabuti ang trailer ng pelikulang Bagong Buwan sa link na
ito http://www.youtube.com/watch?v=v0Gj84B47kM. Bigyang-pansin ang mga
kaganapan, diyalago, tagpuan at mga kaugaliang itinampok. Sagutin ang mga
pamprosesong tanong matapos panoorin ang video clip.

Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.

1. Ano ang ibig sabihin ng pahayag ng pangunahing tauhan na “Hindi lahat ng


ipinaglalaban natin ay makukuha sa armas at dahas”?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______
2. Ipaliwanag ang pahayag na ito: “Ipagpatuloy natin ang laban sa paraang mapayapa
at kung kinakailangan ay sa paraan ng digmaan.”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______
3. Ano ang ipinahiwatig ng pangunahing tauhan nang sinabi niyang “Layunin ko ang
makatulong sa aking kapwa tao, Kristiyano man o Muslim”?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______

6
4. Mayroong bahagi ng trailer kung saan ipinakikita na nagdarasal ang isang
pamilyang Muslim at dalawang Kristiyano. Paano mo maiuugnay ang
pananampalataya ng dalawang pangkat ng tao sa napanood na trailer?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______
5. Anong impresyon ang nabuo sa iyong isipan ukol sa mga kaganapan sa Mindanao
batay sa napanood mong video clip? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______
Gawain 6: TAPATAN NG MGA HAYOP
Natunghayan mo sa ikatlong gawain ang isang trailer ng pelikulang
nagpapakita ng epekto ng hidwaan at digmaan sa Mindanao. Kaugnay nito, suriing
mabuti ang pares ng mga hayop sa ibaba. Tukuyin kung aling pares ng mga hayop ang
maaaring magkasundo o magkalamangan. Sa mga patlang sa ibabaw ng bawat pares
na larawan, ilagay ang simbolong = kung sa palagay mo ay magkakasundo ang
dalawang hayop; > naman kung malalamangan ng hayop sa unang larawan ang hayop
sa pangalawang larawan; at < kung sa palagay mo ay malalamangan ng hayop sa
ikalawang larawan ang hayop sa unang larawan.
1._____________ 2._______________

Clip art on
office Online

Clip art on Office Online

3. ___________________ 4. __________________

Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.


1. Ano ang iyong naging batayan sa pagkilala kung aling pares ang
maaaring magkasundo o magkakalamangan? Ipaliwanag.

7
2. Paano malalamangan ng isang hayop ang isa pang hayop sa mga pares ng larawan?

3. Paano mo nakikita ang lamangan sa lipunan sa kasalukuyan? Bakit?

4. Paano mo nakikita ang pagkakasundo sa lipunan sa kasalukuyan? Bakit?

Isaisip

ALAM MO BA NA….
Ang Pabula na nagmula sa salitang Griyegong muzos na ang ibig sabihin
ay myth o “mito” ay nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa
iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay
binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkwento ng naayon sa kultura
o kapaligirang kanilang ginagalawan.Ang ilan sa naunang kilalang
koleksiyon o kalipunan ng pabula ay nagmula sa mga kaugalian ng mga
bansa sa Silangan. Ang iba pang kolesiyon ay nagmula naman sa mga
Griyego at Romano kung saan masasalamin sa mga paksa nito ang mga
elementong panrelihiyon.
Noon ay hindi naman hayop ang ginagamit na tauhan sa pabula
kundi mga tao. Ang nagsimula sa paggamit ng mga hayop bilang mga
tauhan sa pabula ay si Aesop. Siya ang itinuturing na ama ng pabula, at
pinaniniwalaang nabuhay sa pagitan ng 620-564 BC sa Greece. Isa siyang
alipin sa
bilang mga tauhan na pabula
nagtataglay
ay singAesop.
mga kapansanan subalit pinalaya
Siya ang itinuturing na ama dahil
ng sa angking
pabula, at
husay sa pagkukuwento. Bilang simbolo ng kaniyang
pinaniniwalaang nabuhay sa pagitan ng 620-564 BC sa Greece. Isa siyang alipin napaggalang at
nagtataglay ngpagtanaw ng utang nasubalit
mga kapansanan loob sapinalaya
kabutihang-loob
dahil sangangking
kaniyanghusay
amo aysa
sinimulan niyang gamitin ang mga hayop bilang tauhan sa
pagkukuwento. Bilang simbolo ng kaniyang paggalang at pagtanaw ng utang na loobkaniyang mgasa
pabula upang huwag mapulaan ang mga tao.
kabutihang-loob ng kaniyang amo ay sinimulan niyang gamitin ang mga hayop bilang
tauhan sa kaniyang mgaKaraniwang ginagamit
pabula upang huwagang pabulaang
mapulaan upang
mgaitago
tao. ang katauhan at
Karaniwang ginagamit ang pabula upang itago ang katauhan at pag-uugali ng mga
tao sa lipunan na hindi masabi nang hayagan. Laging nagwawakas sa aral ang pabula.
Ang mga Pabula ay lumaganap na rin sa iba’t ibang bansa kabilang ang ating
8
bansa. Naging laganap ito maging nang bago pa dumating ang mga mananakop. Nagamit
din ng ating mga ninuno ang mga kwento at aral na taglay ng mga pabula sa pagtuturo ng
kagandahang-asal at mabuting pamumuhay sa mga tao lalung-lalo na sa kabataan. Sa mga
Isagawa

GAWAIN 7: PAGBUO NG CHARACTER PROFILE :


Ang epektibong paghabi ng mga tauhan sa pabula man o sa
iba pang uri ng akda ay isa sa pinakahahalagang bagay na dapat
isaalang-alang ng manunulat. Kailangang maging makatotohanan ang mga tauhan at
makaangkop sa mga ito ang mambabasa upang higit niyang mapahalagahan ang
binasa. Punan ang patlang sa bawat kahon o gumamit ng isang malinis na papel sa
pagbuo ng halimbawa ng character profile para sa isang mabisang tauhan ng pabula.
URI NG HAYOP:
____________________________________________________________
Paalala : Mahalaga ang pagpili ng tamang hayop upang epektibong maiparating sa
mambabasa ang mensahe ng pabula. Halimbawa, ang aso sa pabulang binasa mo ay
hindi maaring palitan ng pusa sapagkat hindi naman kasinlambing ng aso ang pusa.

PANGALAN : ______________________________________________________
Bigyan ng angkop na pangalan ang iyong tauhan. Tiyaking angkop ito sa katauhang
gagampanan. ANg isang malaki, matapang,at kinakatakutang leon halimbawa ay
hindi na kapani-paniwalang matapang kapag pinangalanang “Tingting”.

ËDAD :
______________________________________________________________
Kung hindi mo matukoy ang ensaktong edad ng iyong tauhan ay maaari kang
magbigay ng tantiya sa edad nito,

ITSURA :
____________________________________________________________
Magbigay nang maikling paglalarawan sa itsura ng iyong tauhan.

MAGAGANDANG KATANGIAN :
________________________________________
Magtala ng tatlong magagandang katangian ng inyong tauhan.

MGA KAHINAAN O KAPINTASAN :

9
___________________________________________________
Maging sa tunay na buhay ay mayroon ding mga kahinaan o kapintasan ang isang
nilalang. Ano- ano ang taglay na kahinaan o kapintasan ng iyong tauhan.

MAIKLING TALAMBUHAY :
_____________________________________________________________
Sumulat ng maikling paglalarawan sa buhay ng iyong tauhan. Paano ang kanyang
pamilya? Ano ang gawain niya? Sino-sino ang kaibigan niya? Saan siya nakatira?

RUBRIK SA PAGBUO NG CHARACTER PROFILE

MGA PAMANTAYAN 4 3 2 1
Ang mga inilahad na mga katangian ay angkop para sa
isang pabula.
Makatotohanan at makabubuo ng isang tauhang bilog ang
mga katangiang nakalahad.
Nakagamit nang maayos na mga salita at pangungusap sa
paglalahad.
Nakakompleto o natapos ang isang malinis na character
profile.
KABUUANG PUNTOS

Tayahin

Panuto : Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong


sagot mula sa mga pagpipilian.Isulat lamang ang titik ng tamang sagot
sa papel. Mahalaga ang katapatan sa pagsagot.

1. Sino ang tumatakbong papalapit sa aso na may tinging nagugutom?


A. Leon B. Ardilya C. Pusa D. Kaibigan
2. Sino ang narinig ng leon na sumigaw?
A. Ardilya B. Aso C. Pusa D. Kaibigan

3. “Marahil mabagsik ang matandang asong iyon ay marami nang napatay”.


Anong damdadamin ang ipinapahayag?
A. nababahala B. nasisiyahan C. natatakot D. nag-aalala
4. “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong ipakain sa asong iyan”. Sino ang
nagwika nito?
A. Ardilya B. Leon C. Pusa D. Kaibigan
5. Manlilinlang: manloloko ; Napoot : ______________
A. nagalit C. naligaw ng landas
B. laging nagugutom D. hindi pinakain
6. Gutumin: laging nagugutom ; Ginutom : ________________
A. nagalit C. hindi pinakain
B. nasisiyahan D. hindi pinakain

10
7. Alin sa pagpipilian sa bilang #5 ang kahulugan ng napariwara?
A. D B. C C. B D. A
8. Masasalamin: makikita ; Muzos : ________________
A. grupo o pangkat B. myth o mito C. tuso D. pantas
9. Pantas: dalubhasa ; Tuso : ______________
A. mapanlinlang B. pinamunuan C. paniniwala D. persepsiyon
10. Ang mga tao ay may iba’t ibang persepsiyon sa buhay. Ano ang ibig sabihin
sa salitang may salungguhit?
A. mapanlinlang B. paniniwala C. pinamumunuan D. tuso

Panuto: Bilugan ang salita o ekspresyong nagsasaad ng posibilidad sa bawat


bilang.
1. Maaari kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang maubos
tulad ng leon?
2. May posibilidad sigurong makatulong ang mga mamamayan para maisalba
ang mga hayop na ito?
3. Sa tingin mo, posible kayang maparusahan ang mga taong nagmamaltrato ng
mga hayop?
4. Baka mahirapan iyan dahil wala namang palaging nakabantay sa ating
kagubatan.
5. Siguro dapat maging mas mabigat ang parusang ibibigay sa mga lalabag sa
batas.
PANUTO: Suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tse ( ̷) kung ito ay
nagpapahayag ng posibilidad, ekis (x) naman kung hindi.
_____16. Umuulan ng malakas, marahil ay may bagyo.
_____17. Dahil sa pagbabago ng klima, maraming sakahan ang hindi na
pakikinabangan.
_____18. Maaari bang humingi ng tulong?
_____19. Posibleng yumaman ang taong may lakas ng loob na magtayo ng negosyo.
_____20. Siguro ay parating na ang aking hinihintay na padala.
_____21. Tumunog na ang bell, sa palagay ko ay mag-uuwian na ang mga mag-aaral.
_____22. Baka malimutan mo ang iyong dalang bag, iwan mo na muna sa kuwarto.
_____23. Tumakbo siyang parang kuneho.
_____24. Di na naman siya dumating sa oras, siguradong huli na naman siya.
_____25. Puwede nang makatanggap ng pensiyon ang mga nagsipagretiro na.
26-30. Ipaliwang: “Matanda na ako at marami ng karanasan.Hindi ninyo ako
mapaglalamangan”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________

Magaling! Natapos mo ang lahat na mga gawain para sa lingo na ito. Sana
ay may marami kang natutunan sa ating aralin.

11
Karagdagang Gawain

GAWAIN 8: MAGAGAWA NATIN:


Minsan, may mga taong nakagagawa ng hindi mabuti tulad ng panlalamang
makuha lamang ang isang bagay na gusto. Bumuo ng isang islogang nananawagan sa
ibang tao, lalo na sa kabataang tulad mo upang makaiwas sa mga negatibong epekto
ng panlalamang/panlilinlang. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN
1. talaga
2. tunay
3. totoo
4. sadya
5. kahit
6. spagkat
Sanggunian

“Panitikang Rehiyunal (Kagamitan ng Mag-aaral )


https://Bitmoji.com
http://www.youtube.com/watch?v=v0Gj84B47kM
Wikakids.com
https://brainly.ph
Inihanda ni:

JELLA E. ROSOLADA
SST-1
Mga Kasamahang Guro sa Filipino 7

Brigida A. Badlon Ma. Claire M. Fudalan


Mindacita D. Bancat Genellie I. Calipes
Rowena C. Salutan
Telephone Numbers (038) 412-3451, 412-2947, 501-5944 , 235-6176

12

You might also like