Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PANGASINAN II
Binalonan
HOMEROOM GUIDANCE
Grade 2
Division Diagnostic Assessment
TAGALOG
S.Y. 2022-2023

Pangalan: ______________________________ Petsa:______


Paaralan: Iskor:_______
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na
sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Si Lisa ay pumapasok sa paaralan. Anong


karapatan ang kanyang tinatamasa?
a. Karapatang makapaglaro.
b. Karapatang makapag-aral.
c. Karapatang magkaroon ng tirahan.
d. Karapatang mabigyan ng pangalan.

2. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng


talento?

a. b. c. d.

3. Binigyan ka ng regalo ng iyong Nanay sa iyong kaarawan.


Ano ang pakiramdam mo?
a. galit
b. masaya
c. matamlay
d. malungkot
4. Si Allan ay isang mabait na bata. Tumutulong siya sa mga
nangangailangan. Alin sa mga larawan ang nagpapakita
ng katangian ni Allan?

a. b b. c. d.

5. Si Ana at si Bella ay magkaibigan. Si Ana ay malusog


samantalang si Bella naman ay payat. Saan sila
magkaiba?
a. sa pag-uugali
b. sa paniniwala
c. sa pamumuhay
d. sa pangangatawan

6. Ang _______ ay binubuo ng ama, ina at mga anak.


a. bahay
b. bansa
c. pamilya
d. barangay

7. Bilang isang anak, ano ang tungkulin mo sa iyong pamilya?


a. kumain lang
b. manggulo ng mga gamit
c. maglaro sa labas ng bahay
d. tumulong sa gawaing-bahay

8. Nakita mong may naglilinis sa tapat ng inyong bahay.


Ano ang gagawin mo?
a. tumulong sa paglilinis
b. maglaro sa harap nila
c. huwag silang pansinin
d. magkalat ng pinagkainan
9. Piliin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagtulong sa
iyong kapwa.

a. b. c. d.

10. Ano ang maaring mangyari kung ikaw ay laging


lumiliban sa klase?
a. Tataas ang iyong marka.
b. Bababa ang iyong marka.
c. Bibigyan ka ng gantimpala.
d. Matutuwa ang iyong magulang.

11. Nabasag mo ang plorera habang naglalaro ka sa loob


ng inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
a. Papalitan mo ng ibang plorera.
b. Sasabihin mo sa nanay mo ang totoo.
c. Hindi mo sasabihin ang totoo sa nanay mo.
d. Itatapon mo at magkunwaring hindi mo alam.

12. May bago kayong kaklase na galing sa ibang lugar.


Nais mo siyang maging kaibigan. Ano ang gagawin mo?
a. Awayin mo siya.
b. Umiwas sa kanya.
c. Pagtawanan mo siya.
d. Makipagkaibigan ka sa kaniya.

13. May gagawin kang takdang-aralin pero dumating ang


kaklase mo at niyaya kang maglaro muna sa kanilang
bahay. Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo?
a. Sasama ka sa kaniyang maglaro.
b. Mangongopya ka na lng sa kaklase mo.
c. Hindi mo gagawin ang takdang-aralin mo.
d. Gagawin mo muna ang takdang-aralin mo bago
ka maglaro.
14 . Palaging inaaway ng kaklase mo ang kaibigan mo.
Takot siyang magsumbong sa inyong guro. Ano ang
gagawin mo?
a. Awayin mo ang kaklase mo.
b. Pag-awayin mo silang dalawa.
c. Sasabihin mo sa inyong guro ang ginagawa sa
kanya.
d. Hahayaan mo lang na awayin niya ang kaibigan
mo.

15. Alin sa mga sumusunod na larawan ang maaaring


mangyari kapag naglaro ka ng apoy sa loob ng inyong
bahay?

a. b. c. d.

16. Nagkalat ang mga basura sa tabing-ilog dahil dito


nagtatapon ang mga tao. Ano ang mangyayari sa ilog?
a. Lilinaw ang tubig sa ilog.
b. Masarap maligo sa ilog.
c. Mamamatay ang mga isda.
d. Dadami ang mga isda sa ilog.

17. Ang mga sumusunod ay matatamasa mo kapag nag-


aral kang mabuti maliban sa isa.
a. Magkakaroon ka ng mataas na marka.
b. Magkakaroon ka ng magandang buhay.
c. Makakahanap ka ng maayos na trabaho.
d. Wala kang mahahanap na magandang trabaho.

18. Inutusan ka ng nanay mo na bumili sa tindahan.


Nasalubong mo ang iyong mga kaibigan. Niyaya kang
maglaro sa plasa. Ano ang gagawin mo?
a. Sasama ka sa kanila upang maglaro.
b. Bibili ka muna sa tindahan bago ka maglaro.
c. Magdadabog ka dahil inutusan ka ng nanay mo.
d. Hindi mo susundin ang inuutos sa iyo ng nanay mo.
19. Tuwing Sabado, tumutulong sa pag-iigib ng tubig si Alex
habang naglalaba ang kaniyang nanay. Paano
nakakatulong si Alex sa kaniyang pamilya?
a. Wala siyang naitutulong sa kaniyang nanay.
b. Napapadali ang trabaho ng kaniyang nanay.
c. Mas nahihirapan ang nanay niya sa paglalaba.
d. Lalong matatagalan ang gawain ng nanay niya.

20. Siya ang nagtuturo sa mga bata para matutong


magbasa at magbilang.

a. b. c. d.

21. Sino sa mga nasa larawan ang gumagamot sa mga


may sakit?

a. b. c. d.

22. Naramdaman mong lumilindol habang nasa loob ka ng


inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo?
a. Umiyak sa isang sulok.
b. Sumigaw ng malakas.
c. Tumakbo at makipagtulakan sa kaklase.
d. Lumabas ng kalmado at pumunta sa ligtas na lugar.

23. Palagi kang nakakakuha ng mababang marka dahil


inuuna mo ang paglalaro sa selpon mo. Sinabihan ka ng
tatay mo na itigil mo ang paggamit nito. Ano ang
gagawin mo?
a. Susundin mo ang sinabi ng tatay mo.
b. Magdadabog ka at sagutin ang Tatay mo.
c. Aalis ka ng bahay at makikitulog sa kaklase.
d. Magtatago ka at maglalaro pa rin ng selpon mo.
24. Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit mo sa
iyong pamilya?
a. Magkalat sa loob ng bahay.
b. Makipaglaro sa kapit-bahay.
c. Makipag-away sa mga kaklase.
d. Tutulong ka sa mga gawaing- bahay.

25. Araw-araw ay nagtatabi ng pera si Rose para sa


kaniyang nalalapit na kaarawan. Alin sa mga ito ang
nagpapahayag ng kaniyang pag-uugali?
a. Pagiging matipid
b. Pagiging mabait
c. Pagiging masunurin
c. Pagiging madasalin

26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Gintong -


Aral?
a. “Kung may itinanim, may aanihin.”
b. “Kapag may isinuksok, may madudukot.”
c. “Huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong
gawin sa iyo.”
d. “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi
makakarating sa paroroonan.”

27. May napulot kang pera at hindi mo alam kung kanino


ito. Ano ang gagawin mo?
a. Itatago mo.
b. Ibibili mo sa tindahan.
c. Hahayaan mo na lang ung pera.
d. Ipagtatanong mo at isusuli sa may-ari.

28. Sa iyong palagay, bakit mahalagang ihiwalay ang


nabubulok sa di-nabubulok na basura?
a. Para makapagkalat.
b. Para dumami ang kalat.
c. Para bumaho ang paligid.
d. Para makuha ang mga pwede pang
mapakinabangan.
29. Magkakaroon ng paligsahan ng pag-awit sa inyong
paaralan. Napili ka ng iyong guro ngunit ikaw ay
mahiyain. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ka sasali sa paligsahan.
b. Sasali ka para maging sikat ka.
c. Hindi ka na papasok sa inyong paaralan.
d. Sasali ka para malinang ang kakayahan mo.

30. Namasyal kayo ng kaibigan mo sa parke. Nakita ninyong


maraming basura ang nakatambak sa tabi ng kalsada.
Ano ang gagawin ninyo?
a. Itutuloy ninyo ang paglalaro.
b. Hahayaan ninyo na lang ang basura.
c. Pupulutin ninyo at itatapon sa tamang basurahan.
d. Aawayin ninyo ang mga taong nagtapon ng basura.

31. Magkakaroon ng Tree Planting Activity ang inyong


barangay. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa
iyong komunidad?
a. Makikilahok ka sa Tree Planting.
b. Hindi ka sasama sa pagtatanim.
c. Yayayain mo ang kaibigan mong maglaro.
d. Makikilahok ka sa paliga ng inyong barangay.

32. Habang naglalaro kayo ng basketball, nakita mong


tinulak ng kaibigan mo ang kalaro ninyo. Ano ang
gagawin mo?
a. Tawanan mo ang kalaro ninyo.
b. Hahayaan mong gawin uli ng kaibigan mo.
c. Pagtutulungan ninyong itulak ang kalaro ninyo.
d. Pagsasabihan mo ang kaibigan mo na huwag niyang
gawin iyon.

33. Nakita mong tatawid ang isang matanda sa kalsada.


Hirap itong maglakad at may tungkod na hawak. Ano
ang gagawin mo?
a. Sisigawan mo siya.
b. Lalampasan mo ang matanda.
c. Tutulungan mo ang matanda sa pagtawid.
d. Sasabihan mo sa matanda na bilisan ang paglalakad
34. Para maiwasan mo ang pagkakaroon ng Covid-19 virus,
alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat gawin?
a. Laging maghugas ng kamay.
b. Laging magsuot ng facemask.
c. Makipagsiksikan sa maraming tao.
d. Kumain ng masustansiyang pagkain.

35. Bakit nagkakaroon ng matinding pagbaha kapag may


malakas na ulan?
a. Malinis ang ilog.
b. Maraming pananim sa bukid.
c. Maraming puno sa mga bundok.
d. Pinuputol ang mga kahoy sa mga bundok.

36. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na makukuha


natin kapag tayo ay nagtatanim ng gulay sa ating
bakuran maliban sa isa. Ano ito?
a. Makakatipid tayo sa pambili ng pagkain.
b. Wala tayong pakinabang sa pagtatanim ng gulay.
c. Mapagkakakitaan natin ang mga pananim na gulay.
d. Makakasiguro tayong malinis at walang halong
kemikal.

37. May kaso ng Covid-19 virus sa inyong lugar. Ano ang


gagawin mo para maiiwasang mahawa ka at ang iyong
pamilya?
a. Lumapit sa may sakit.
b. Makipaglaro sa labas.
c. Huwag lalabas ng bahay.
d. Huwag mag facemask kapag lalabas ng bahay.

38. Nakita ni Ana na itinago ng kaibigan niya ang napulot


niyang pera. Sinabi ni Ana na huwag niyang itago at
ibigay sa may-ari. Tama ba ang ginawa ni Ana?
a. Opo, dapat ibalik ang pera sa may-ari.
b. Opo, para may pambili sila ng pagkain.
c. Hindi po, dapat huwag siyang makialam.
d. Hindi po, para may baon ang kaibigan niya.
39. May angking galing ka sa pagsayaw at pag-awit subalit
mahiyain ka. Paano mo malilinang ang iyong talento?
a. Itago na lang ang iyong talento.
b. Magkunwaring hindi mo alam sumayaw.
c. Lumiban sa klase at huwag ng pumasok.
d. Makilahok sa mga programa ng paaralan.

40. Gusto mong maging mahusay na doktor paglaki mo.


Paano mo maabot ang pangarap mo?
a. Liliban ka palagi sa klase.
b. Hindi ka makikinig sa guro mo.
c. Umasa ka sa iyong mga magulang.
d. Pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral.

Prepared by:

ELEANOR R. BLANCO
Master Teacher I
VACANTE ELEMENTARY SCHOOL
Checked by:

MILDRED M. GAGAR, PhD


District ESP Coordinator

Noted:

REBECCA T. GONZALES, EdD, JD


Public Schools District Supervisor

Validated by:

RHEMY CRIS S. DELA CRUZ


Principal II

EMETERIO F. SONIEGA, JR. EdD


EPS In-Charge in ESP/GUIDANCE/DORP
ANSWER KEY

1. B 21. B
2. D 22. D
3. B 23. A
4. A 24. D
5. D 25. A
6. C 26. C
7. D 27. D
8. A 28. D
9. B 29. D
10. B 30. C
11. B 31. A
12. D 32. D
13. D 33. C
14. C 34. C
15. A 35. D
16. C 36. B
17. D 37. C
18. B 38. A
19. B 39. D
20. C 40. D

You might also like