Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Week 6-7 – Quarter 3

Pagyamanin:
PAGSASANAY 1
Gamit ang mga larawang nakikita, pumili ng isa at ipaliwanag batay sa kung ito ba ay
pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan at paglalahad na pahayag.

Paliwanag: Paliwanag:
Pangangatwiran, dahil kung titignan mo Paglalarawan, sapagkat ipinapakita sa
ang larawan makikita na marahil sila ay
larawan kung gaanong kaganda ang lugar
nagtatalo o nagdedebate patungkol sa
isang bagay. na nasa larawan at kung ano ang itsura
nito

Paliwanag: Paliwanag:
Paglalahad ng pahayag, dahil makikita Paglalahad ng pahayag, dahil
na nagtuturo ang isang guro sa kaniyang nagpapayag ito ng isang ugali ng Pilipino
mga estudyante gamit ang teknolihiya at na matulungin kahit na ano pang
nagbibigay ang guro ng karagdagang sitwasyon tayo naroon.
pahayag.

PAGSASANAY 2:
Subukan mo naman na ikaw ang magbigay ng sariling reaksyon sa napapanahong isyu
sa inyong komunidad. Ano ang iyong opinyon/reaksyon sa iyong naging karanasan o
maging karanasan ng ibang tao.

1. Pagiging ilaw ng tahanan ng isang ama:


Sabi ng karamihan, pagiging ina ang may pinakamahirap na papel sa buhay ng bawat
pamilya, marahil nga araw-araw sila na kumikilos at gumagawa ng bagay para sa
ikabubuti ng pamilya. Sangayon naman ako sa kasabihan na ito ngunit para saakin
pantay lamang ang pagod, hirap at sakripisyo ng mga magulang para saatin. Ang
pagiging ilaw sa tahanan ay hindi ganun kadali para magampanan bilang isang ama,
napansin ko na halos ibibigay nila lahat ng kanilang pagod at hirap para lamang
matupad ang mga hinihiling ng pamilya. Dito mo makikita ang pagiging matatag ng
isang Ama, na kahit sa kabila ng dami ng problema, hinding hindi sila susuko dahil
ayaw nila magaya tayo sakanila. Magsusumikap sila para sa ating kinabukasan at para
gayahin din natin sila na mag pursigi para makamit ang ating mga pangarap.
2. Pagpili ng matalik na kaibigan:
Pag isipan mo palagi ng mabuti kung sino ang ituturing mo na matalik na kaibigan dahil
sa kilos lamang nila, malalaman mong tapat at totoo ang kanilang bawat intensyon sa
iyo. Sapat na siguro na ika'y mayroon lamang kakaunting kaibigan na nariyan palagi
sa'yo. Masarap sa pakiramdam na mayroon kang kaibigan na lagi. mong matatakbuhan
sa tuwing kinakailangan mo ng tulong. Kaya dapat kung pumili ka ng matalik na
kaibigan, piliin mo yung pipiliin ka, hindi dahil kailangan ka lang nila subalit pinili ka dahil
karapat dapat ka na piliin. Hindi mo kailangan ng maraming kaibigan, kailangan mo lang
ay iyong isang kaibigan na sapat at totoo. sayo. Hinding hindi ka nito iiwanan na kahit
talikuran ka man ng mundo, dahil kilala ka nila na mayroong mabuting prinsipyo sa loob
ng puso mo.
3. Kahalagahan ng takdang aralin:
Ang kahalagahan ng isang takdang aralin bilang estudyante ay nakakatulong ito para
hindi natin agad makalimutan ang ating napag-aralan sa eskwelahan, Mas tinutulungan
pa tayo nito na magkaroon ng malawak na pananaw sa isang paksa na natalakay sa
eskwelahan. Sigurado ako na kapag ang isang bagay ay inuulit maaring mas maaalala
mo ito sa paraan na hindi mo kinakailangan pang pag aralan ang isang paksa muli.
Tutulungan ka rin nito na mas maging interesado sa iyong mga aralin upang kung sakali
sa pagdating ng mga pagsusulit mayroon kanang iba't ibang ideya kung paano ito
sasagutin.
4. Pagiging masunurin sa mamamayan:
Likas na sa mga tao na maging masunurin, subalit dumarating ang oras na hindi na ito
nababantayan. Sa paglipas ng panahon tuluyan nang nakakalimutan ng mga tao kung
ano ang dapat susundin. Kaya naman nagkakaroon ng mga kaguluhan.o away sa
iisang lugar. Mas mabilis siguro umunlad ang isang bansa kung lahat lang ay marunog
sumunod sa simpleng patakaran o batas sa lugar. Hindi na ito magiging isang problema
sa mga namumuno dahil kampante silang matatapos at magagampanan ng maayos
ang isang problema. Tulad na lamang ngayon na may pandemya, hanggang ngayon
hirap parin ang mga namumuno dahil nga hindi parin maiwasan ang paghahawaan,
tunay naman talaga na mayroong parin maraming lumalabag sa batas kaya naman
mabagal ang pag-ahon sa kahirapan sa ating bansa. Pagiging masunurin na
mamamayan ay importante sa pang araw araw natin dahil hindi lang sarili natin ang
ating matutulungan natin subalit magiging huwaran pa tayo sa susunod na henerasyon
at duon mas gagawa pa sila ng ikabubuti sa para sa kanilang mamamayan.
5. Pagiging tapat sa kasintahan:
Pagiging tapat sa iyong minamahal ay isa sa pinaka magandang gawain sa buhay,
dahil alam mong nagmamahal ka ng totoo na walang pagdududa at pagsisisi. Maraming
mga tao ang takot na maging tapat sa kanilang kasintahan dahil baka sa huli sila ay
lokohin. Subalit hindi naman ganun ang sukatan ng pag-ibig. nagmahal ka dahil pinili
mo siya at dapat magmahal ka ng walang hinihinging kapalit, kumbaga huwag mong
asahan na mahalin ka niya dahil nga ganun ka rin. sakaniya. Talikuran ka man o
iwanan ng iyong kasintahan, hindi mo naman nawala ang iyong sarili sa proseso dahil
alam mong nagmahal ka lang ng totoo, sinayang ka nila. Pagiging tapat sa iyong
kasintahan ay parang pagmamahal mo sa iyong magulang, hindi madali na sukuan o
iwanan sila dahil ang iyong kasintahan. ay magiging parte narin ng iyong buhay. Maging
tapat ka lamang at duon mo makikita ang tunay na kasiyahan dahil hinding hindi mag-
aalinlangan ang mga bagay para biguin ka subalit ito pa ang magbibigay sayo ng
liwanag para mag patuloy na magandang magmahal ng tapat sa iyong kasintahan.
Isagawa:
PAGSASANAY 1
Mula sa mga paksang nakalahad, bumuo ng sariling reaksyon batay sa hinihinging uri
ng pagpapahayag.

1. Karanasan habang nasa ilalim ng ECQ o GCQ sa inyong barangay.


(Pagsasalaysay)

Simula nung nagkaroon ng pandemya, walang tigil na GCQ ang nangyayari na minsan
ay pagkalipas ng ilang buwan nagiging kapalit naman nito ay ECQ na naman. Napansin
ko sa aking lugar di' tulad nuon na sa daan maraming mga bata ay nagkakasiyahan,
nagkakatuwaan at naglalaro. Halos gugustuhin mo narin bumalik sa pagkabata na
walang iniisip na problema. Subalit simula nung paglaganap ng virus sa aming lugar,
ang mistulang napaka ingay na daan o kalye ay parang naging tahanan ng mga multo
dahil niiisa wala kanang makikitang bata na naglalaro. Parang isang lugar na
napabayaan o inabandona ng mga tauhan. Wala naring halos nagbebenta ng mga
pagkain o snack sa paligid dahil rin sa gawa na malulugi at kakaunti na lamang ang
lumalabas na tao. Simula nung naka GCQ, nasanay akong magtimpi sa aking kwarto at
nasanay din akong libangin ang aking. sarili dahil iyon lang naman ang dapat muna
gawin sa ngayon. Nakakalungkot isipin na sa gawa ng GCO at ECQ maraming mga
negosyo ang napasara at nalugi dahil halos wala nang tao ang lumalabas. Kung di
naman negosyo, marami ring ang mga nawalan ng trabaho, maraming nagugutom,
maraming nangangailangan ng pagkain. Kaya naman ang iba hindi mapigilang lumabas
at maghanap ng trabaho para mayroon silang mailalagay sa kanilang sikmura sa
kanilang buong araw. Naranasan ko kung paano bumilis ang oras dahil halos araw-
araw parehas lang ang aking ginagawa. Nasasayangan ako bilang estudyante sa
karansanan na makakasama ko na sana ang aking mga kaibigan at kaklase sa
paaralan. Sana sa madaling panahon, mababalik na sa maayos ang lahat.
3. Pansamantalang pagtigil sa pag ere ng ABS-CBN. (Paglalahad)

Naitigil sa pag ere ang isa sa pinakamalaking tv network sa Pilipinas, dahil ito sa
kanilang prangkisa na mayroong milyon-milyong utang na hindi parin nababayaran at
ang mga paglabag din sa mga batas na alinsunod sa National Telecommunications
Commission (NTC). Sari-saring grupo ang kumondena sa naging pahiwatig at desisyon
ng (NTC), lalo na ngayong pandemya na mas kinakailangan sila ng taong bayan para
mas mapabilis ang pagkalat ng balita. Napaso ang prangkisa ng ABS-CBN at
nakabinbin pa sa kamara ang mga bill para sa pagpapalawig nito. Maraming tao ang
nalungkot sa pangyayari dahil sa tagal ng pag ere ng ABS-CBN, ngayon pa ito
itinanggal na kung saan kinakailangan ito ng milyong mga tao sa kabila ng pandemya.
Lubos na humihingi ng tulong ang ABS-CBN bayan na magtulungan para maibalik ang
tv network sa pag ere at para. narin mabigyan ng trabaho ang mga libo-libong nawalan
ng trabaho. Ayon din sa mga kongresista pagpapaliwanagin nila ang NTC sa ginawa
dahil pinanghahawakan ng Kamara ang binitawang salita ng NTC sa komite noon na
binigyan nito ng provisional authority ang network para manatili sa ere pagka expire ng
prangkisa. Sabi dito na maliwanag naman daw kasi na may sulat ang kamara ang mga
resolusyon ng Senado para matiyak na manatili sa ere ang ABS CBN lampas ng
pagpaso ng prangkisa nito.

5. Frontliners: Sa panahon ng pandemya (Pagsasalaysay)

Ang mga frontliners ngayon ang itinuturing na mga tagapag ligtas sa mundo, o kung sa
mga napapanuod natin sa mga pelikulang may kathang-isip sila na ay tinuturing ngayon
na mga "super-heroes." Dahil ito sa kanilang katapangan at kasipagan sa pag lingkod
sa taong bayan na may katapatan na magagampanan nila ang kanilang trabaho, Labis
ako na napamangha sa mga ginagawa ngayon ng. mga frontliners dahil handa silang
isugal ang kanilang buhay kapalit ang proteksyon para sa taong bayan. Hindi ko
malilimutan ang kanilang sakripisyo dahil mas iniisip nila ang kaligtasan ng iba bago
ang kanilang sarili, na kahit pa man marami nang pumanaw na mga doktor o nars na
gawa ng malubhang sakit na virus. Hindi ito naging hadlang sakanila para tumgil at
magpatuloy sa pag serbisyo sa taong bayan. Kung mayroong mang Jose Rizal nuon na
itinuring na bayani ngayon, ganoon din ngayon dahil mayroon tayong mga frontliners na
ibubuwis ang buhay para lamang sa ikabubuti ng lahat. Hindi magiging maayos ang
lahat ng ito kung wala sila at bilang isa mamamayan sa aking lugar, saludo ako at
buong puso kong inaalay ang aking tiwala sakanila na magagampanan at matatapos
nila ito sa lalong madaling panahon.

PAGSASANAY 2:
Gamit ang mga pahayag sa loob ng kahon, tukuyin kung anong uri ng pahayag ang
isinasaad.

1. Paglalarawan
2. Pagsasalaysay
3. Pangangatwiran
4. Paglalarawan
5. Pangangatwiran
6. Pangangatwiran
7. Paglalarawan
8. Paglalarawan
9. Pagsasalaysay
10. Paglalarawan

You might also like