Professional Documents
Culture Documents
Konfili Notes - Module3 & 4
Konfili Notes - Module3 & 4
Konfili Notes - Module3 & 4
Pagpoproseso ng Impormasyon
Pagpoproseso ng Impormasyon
Aktibong pakikinig
Pagtatala
Paghahaylayt
Antas 1: Pag-alala
Antas 2: Pag-unawa
Antas 3 - Paggamit
Antas 4 – Pagsusuri
Antas 6- Paglikha
Nakabubuo ng bagong ideya, produkto o paraan kung paano titingnan ang mga
bagay
A. Pagbabasa ng teksto
1. Gumamit ng “survey approach” sa pagbabasa ng kabanata ng aklat tulad ng
pagbabasa ng “heading” at “subheading”, pagsusuri sa mga tsart, pagbabasa ng
buod.
2. Tanungin ang sarili bago basahin ang teksto. Maging aktibo sa pag-uusisa ukol sa
materyal sapagkat makatutulong ito sa pagkakaroon ng konsentrasyon,
komprehensyon at pag-alala sa binabasa.
3. Basahin ang bawat seksyon para sa pag-unawa. Sikaping maalala ang lahat ng
mahahalagang puntong isinasaad ng binabasa.
4. Habang nagbabasa ng teksto, magtala “notetaking” sa mardyin ng teksto. Magtala
ng susing termino at gayundin ang kanilang depinisyon.
5. Kung magtatala ng detalyadong impormasyon, gawan ito ng balangkas upang
mapaigsi ang at iorganisa ang materyal sa mas madaling matukoy na kategorya.
B. Pakikinig sa Lektyur
1. Kapag magtatala ng impormasyon ay gumamit ng balangkas. Siguraduhing
mayroong heading ang bawat seksyon at natutukoy mo ang depinisyon,
mahahalagng puntos, suportang detalye, mga halimbawa at sarili mong ideya.
2. Sikaping isulat o magtala ng impormasyon gamit ang sarili mong salita
3. Husgahan ang nilalaman ng paksa o materyal hindi sa paraan ng pagkakadeliber
nito. Makinig sa mga ideya, gawing bukas ang isipan, sumulat ng mga tanong at
iwasan ang anumang distraksyon.
Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalinang ng mga katunayan na kailangan
para makagawa ng mga pahayag na may kaalaman hinggil sa isyu, penomenon o
panlipunang reyalidad. Ang batis ng impormasyon ay nahahati sa tatlong
hanguan: primarya, sekondarya at elektroniko
Kategorya:
Halimbawa:
panayam mula sa indibidwal o awtoridad
panayam sa grupo o ogranisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, organisasyon,
samahan, simbahan o gobyerno
mga pagmpublikong kasulatan o dokumento tulad ng batas, kautusan, kontrata at
lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, journal o talalarawan
dokumento ng obserbasyon mula sa field study (personal na naratibo)
tesis, disertasyon, journal (akademiko)
ulat, memorandum
tula, larawan, talumpati, liham
awtobiyograpiya
teksbuk
rebyu ng kaugnay na pag-aaral
kritisismo ng literari
biyograpiya
Artikulo sa dyaryo gaya ng editorial,sulat sa patnugot
Ensayklopidya /Tesoro
Manwal o gabay na aklat
sanaysay
abstrak
mga kagamitan sa pagtuturo gamit ang powerpoint
I. Pagpili ng angkop na impormasyon
1. Sa pagpili ng mga impormasyong mula sa mga balita, piliin ang mga sorses na
walang politikal na pagkiling
2. Alamin ang mga sorses na dapat iwasan tulad ng mga social media posts ng ibang
taong hindi masasabing eksperto gayundin ang Wikipedia
3. Alamin kung saan galing ang impormasyon (i.e mapagkakatiwalaang mga artikulo
mula sa mga relayabol na mga journal tulad ng UP online journal)
II. Ano ano ang mga pinaghahanguan ng batis ng impormasyon?
3. Mga eksperto
LAYUNIN: Ang dahilan kung bakit mayroong impormasyon The reason the
information exists.
Ayon kina Constantino at Atienza (1996 binanggit nina San Juan et al, 2018), kailangan
ng tao ng wika bilang behikulo ng komunikasyon para sa panlipunang
pagkakaintindihan at pagkilos (p.81). Sa bawat aspekto ng ating pag-iral ay
nakikipagtalastasan tayo- sa paaralan, sa tahanan, sa simbahan at kahit saanmang
lugar tayo mapadpad. Pagmulat ng ating mata, gumagamit na tayo ng wika sa
pakikipag-ugnayan
A. Tsismisan
Ang tsismis sa pag-aaral ni Dela Cruz(2014) sa isang banda ay positibo dahil a) sa
kasiyahang naidudulot nito bilang pangtanggal umay sa monotoni ng buhay; b) ang
tsismis ay hindi lamang simpleng pagbabalita kundi ebalwasyon sapagkat pagtataya
ito kung anoa ng normal at karapat-dapat; c) ang tsismis ay proseso ng samahan
kung saan eksklusibo sa isang grupo; at d) bilang pakikipagkapwa ay nagpapatibay
ng samahan ng isa’t isa.
Ang tsismis ay isang uri ng usapan o huntahan na posibleng nangyayari na bago pa
man dumating ang mga mananakop sa bansa (Tan, 2016).
Sa kabila ng negatibong konotasyon ng tsismis, ito ay bahagi pa rin ng daynamiks
ng interaksyon ng mga Pilipino sa kapwa at maaring magbigay sa mga
magkakausap ng sikolohokal na koneksiyon at kultural na ugnayan sa lipunang
ginagalawan
Nagbibigay rin ito ng mga panimulang ideya hinggil sa mga isyung binibigyang
pansin ng mga mamamayan.
Ang tsismis ay maituturing na isang hamon sa pag-alam o paglalantad sa
katotohanan, lalo na kung may katuturang panlipunan ang paksa
Sa mga mapaglaro ang isipan na sangkot sa “social marketing” maaring magamit
ang tsismis para takamin ang mga tao hinggil sa isang bagong teknolohiyang
panlipunang maaring ilako para mapakinabangan ng marami.
Sa politikal na pananaw, sinasabing ginagamit ng mga naghaharing –uri ang tsismis
bilang “instrumento ng kapangyarihan” para linlangin ang taumbayan (Dela Cruz,
2014)
B. Umpukan
Usapan, Katuwaan at Iba pang Malapitang Salamuhaan
Kahit saan mang lugar sa Pilipinas o lugar sa ibang bansa na may Pilipinong
komunidad - ang umpukan ay isang karaniwang gawain.
Impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para mag-usap na
magkakaharap
Ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng pagkakataon
Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit para
makiumpok, mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit.
Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang usisero na
ang tanging magagawa’y manood at making sa mga nag-uumpukan; kung siya ay
sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga nag-uumpukan at isiping siya ay
intrimitida, atribida o pabida
Likas na sa umpukan ang kwentuhan kung saan may pagpapalitan, “pagbibigayan,
pagbubukas-loob at pag-uugnay ng kalooban”
Walang tiyak o planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan tulad ng tsismisan
Ang umpukan ay puwedeng dumako rin sa seryosong talakayan, mainit na
pagtatalo, masayang biruan, malokong kantiyawan, at maging sa laro at kantahan.
Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas talagang maisingit ang biruan, na minsa’y
nauuwi sa pikunan.
Taal na sa maraming Pilipino ang pagkapikon dahil sa “isang kulturang buhay na
buhay at masigla dahil sa pagbibiruan”( Enriquez (1976) ).
Ang umpukan ay isang masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para mapanatili at
mapalakas ang ugnayan sa kapuwa.
Dito umuusbong at napapayabong ang diwa ng ating pakialam sa kapuwa
Ang magkakaumpukan ay sinusubukang umugnay sa isa’t isa, may pakialam sa isa’t
isa, at nagbabahagi at sumasagap ng mga impormasyon mula sa usapan ng mga
magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang pagiging kasapi ng pamayanang
kinabibilangan at kaniyang pakialam dito.
Dito rin naisasalin at napapalaganap ang mga kuwento ng bayan, ang mga lokal na
pananaw, ang pagkaunawa sa mga katutubong kaugalian, at iba pang salik na
panlipunan at kultural na reyalidad
Ang salamyaan ay isang halimbawa ng tradisyon kung saan tampok ang umpukan.
Binigyang pansin ni Petras (2010) ang kahalagahan ng salamyaan bilang
talastasang bayan sapagkat kinapapalooban ito nng dinamikong salaysay ng iba’t
ibang kalahok kung saan makikita ang pagkakapantay-pantay at pagkakataong
makapagbahagi ng sariling salaysay na nagbubunsod sa pag-uugnay ng kalooban o
pakikiisang-loob ng lahat ng kasama sa usapan
Isa pang halimbawa ng komunikasyong pangkomunidad kung saan tampok din ang
umpukan at iba pang kagawiang pangkomunikasyon ay ang ub-ufon ng mga tubong
Kadaclan sa Barlig, Bontoc, Mt. Province na naninirahan sa Siyudad ng Baguio
Madalas na ginagawa ang ub-ufon sa isang itinakdang ator o dap-ayan (lugar), ng
pagsasama-sama ng mga umuli (magkabahayan) para magpakilala, mag-usap
hinggil sa iba’t ibang isyu, magbigayan ng payo, magresolba ng mga alitan, magturo
ng tugtukon (customs/traditions) sa nakababata, mag-imbita sa mga okasyon, at
magtulungan sa mga problema kagaya ng pinansiyal na pangangailangan
(Protectan, 2012 binanggit ni San Juan et al. 2018, p86).
Sa pananaliksik naman, maaaring gamitin ang umpukan bilang dulog sa
pagtatanong-tanong at pakikipagkwentuhan ( San Juan et al. 2018, p86)
C. Talakayan
Masinsinang Palitan at Talaban ng Kaalaman
Pagpapalitan ng ideya ng dalawa o higit pang kalahok ukol sa isang paksa
Ito ay maaring pormal, impormal o mediated ( ginamitan ng anumang midya)
Ang pormal ay nagaganap sa talakayan sa paaralan, telebisyon o radio
samantalang ang impormal naman ay sa ano ng tsismisan o umpukan
Ang karaniwang layunin ng talakayan ay ang pagbusisi sa isyu upang magkaroon ng
aral, linaw at pagkakaunawaan gayundin ang pagkakaroon ng solusyon o
makapagmungkahi ng solusyon
Kahingian ang bukal sa loob na pagpapalitan, masinsinang pagsusuri at pagtatasa,
at pagtatahi ng mga opinion, kaalaman at proposisyon
Inaasahan na magkakaroon ng pagpapalitan at pagbabanggaan ng magkakaibang
pananaw, pagkritik sa mga ibinahaging ideya at impormasyon, at maging ang
marubdob na pagtatalo-talo lalo na kapag kontrobersiyal o sensitibo ang paksa.
Sa isang pangkatang talakayan, hindi maiiwasan ang pagkakainitan ng mga kalahok
Sa lipunang Pilipino, mas madalas mangyari ang harapan kaysa mediated na
talakayan, na maaaring iangkla ang pagiging makalipunan nating mga Pilipino at sa
“personal” na pakikipag-ugnyan natin sa kapuwa ( San Juan & Soriaga, 1985).
Bagamat sa ibang pagkakataon, mainam ang mediated na talakayan ayon kay
Quebral (1988) dahil :
1. naiigpawan nito ang hadlang sa distansiya kung ang mga kalahok ay magkakalayo
2. maraming tagapakinig o manonood ang naaabot ng talakayang isinasahimpapawid
3. ang midyang pangkomunidad ay mainam gamitin sa mga talakayan hinggil sa mga
gawaing pangkaunlaran na nakatuon sa mga tukoy na pamayanan at may dulog na
partisipatori
Nahahasa ang kakayahan ng isang tao sa pagsasalita, pagpapaliwanag at
pangangatwiran sa pamamagitan ng talakayan.
Nagkakaroon ng talakayan sa oras na magkaruon ng hindi pagkakaunawaan hingil
sa mga isyu o detalye na nangangailangan ng paglilinaw upang mangibabaw ang
katotohanan.
D. Pagbabahay-bahay
Ang pangangapitbahay ay nakapagpapatatag ng samahan sa mga mamamayan ng
isang komunidad
Nagaganap ang kamustahan o usisaan sa buhay ng bawat isa, bahagian ng iniisip
at saloobin, hingian p palitan ng mga material na bagay maging ang tsismisan at
umpukan
Layon ng Interaksyon: karaniwang intindihin at gawain sa araw-araw
Ang pagbabahay-bahay ay karaniwan ding ginagawa ng mga kinatawan ng ahensya
ng pamahalaan, pribadong institusyon o NGO na may tiyak na layong panlipunan na
nagangailangan ng kontribusyon, pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga residente
ng isang komunidad
E. Pulong Bayan
Marubdob na Usapang Pampamayanan
Ito ay ang pagtitipon ng isang grupo ng mga mamamayan sa tinakdang oras at
lunan upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyunan kung maari ang mga
isyu, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping pangpamayanan.
Isinasagawa ito kapag may programang isinasakatuparan; problemang kailangang
lutasin; at mga batas na nais ipatupad sa isang komunidad
Ang mga kalahok ay maaring – kinatawan ng iba’t-ibang sector sa isang
pamayanan, kinatawan ng pamilya o sinumang residenteng apektado ng paksang
pinag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin.
Sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan ang tradisyunal na “saragpunan” o tipunan
ng mga Tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar kung saan may
malalaking batong nakaayos nang pabilog na nagsisilbing upuan ng mga kalahok sa
pulong.
Maaring layon ng pulong-bayan ay ang pagkonsulta sa mga mamamayan, paghimok
sa kanila na sumuporta o sumama, pagpaplano kasama sila, paggawa ng isang
desisyon na binalangkas nila, o pagmomobilisa sa kanila hinggil sa isang isyu,
problema gawain o programang panlipunan.
F. Komunikasyong Di-Verbal
Ito ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa pamamagitan ng samut-
saring bagay maliban sa salita . Ang paggamit ng mga di-verbal na pamamahayag
ay tanghalan din ng mapagpahiwatig na komunikasyon.
Mayaman ang kulturang Pilipino sa komunikasyong di-berbal na naoobserbahan sa
mga taong kalahok sa pakikisalamuha mula sa bahagi ng katawan ng mga kalahok
hanggang sa espasyo sa pagitan ng mga nakikisalamuha.
Naisasagawa ito sa pamamagitan ng mga ss: 1)paggalaw ng isang bahagi ng
katawan, 2)kombinasyon ng ilang bahagi ng katawan, 3) panahon ng
pagsasalamuha, bilis o bagal kawalan o dalas at oras o araw ng interaksyon 4) pook
at kaligiran ng pagsasalamuha, 5)kasuotan at burloloy sa katawan at 6)iba pang
simbolismo gaya ng kulay
1. Ang galaw ng katawan ng tao ang pinakagamiting di berbal na senyales
Ilan sa halimbawa ng pahiwatig na ito ayon kay Maggay (2012), ay panlalaki ng
mata, pagtaas ng kilay,pagkunot ng noo, pagnguso, pagkagat ng labi, pag-umang
na nakakuyom ang kamao,pagngisi, pagkibit ng balikat at pagkuyakoy ng mga hita o
binti habang nakaupo.
Makikita sa mga pahiwatig ng kilos ng tao ang pagsasama-sama ng mga galaw na
nabanggit.
2. Ang panahon ng pakikisalamuha ay may iba’t ibang kahulugan din. Maaring:
Minamadali ng kalahok ang interaksyon dahil marami pa siyang gagawin
Nagtatagal ang interaksyon sapagkat nasisiyahan ang kalahok
Walang interaksyon na nangangahulugan ng galit o tampo
3. Lugar at kaligiran ng aksyon
Paghalakhak nang malakas sa simbahan -kawalan ng asal
Pagbabasa ng aklat sa parke – pagpapalipas oras
Manliligaw na nagyayasa mamahalin kainan- galante
Umiiyak sa sinehan habang nanoood ng drama- mababaw ang luha
4. Iba’t ibang piraso ng kasuotan at aksesorya
Kulay ng damit na suot- nagpapahiwatig ng emosyon
Tatak ng suot- sosyo ekonomik na kakayahan
Lapat o laki ng suot- hubog ng katawan
5. Espasyo /proxemics
Mas malawak sa kanluraning bansa ang pagpapakahulugan sa espasyo
Ang mga Pilipino ay sanay sa malapitang pag-uusap tulad ng tsismisan at umpukan
Hindi partikular ang Pilipino sa kaayusan kapag nagsasagawa ng talakayan
sapagkat karaniwan sa Pilipino ang magkakalapit kapag sumasali sa usapan
(Maggay, 2012)
6. Kulay /colorics
Iba’t ibang kahulugan sa ating kultura
Pula –masaya at umiibig
Itim- nagdadalamhati/malungkot
Politika – dilaw- Aquino