Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata III – Aralin 1

B. Batis ng Impormasyon
Ang mga batis ng impormasyon o sanggunian ay makakategorya, katulad ng nabanggit
na, sa tatlo: primarya, sekondarya, at tersyarya; at hanguang elektroniko. (Ang pang-
apat na tatalakayon dito ay hindi kategorya, kundi isang uri ng lokasyon o midyum ng
mga hanguan.) Ang hanguan ng bawat kategorya ay hindi gaanong malinaw, ngunit
ang pagkilala sa bawat isa ay makatutulong sa pangangalap ng impormasyon o datos.
Ganito ang paglalarawan nina Booth, et al. (2008) sa mga nasabing batis ng
impormasyon o sanggunian:
1. Hanguang Primarya. Ang mga hanguang ito ang pinagmumulan ng mga raw
data, ika nga, upang masulit ang haypotesis at masuportahan ang mga haka.
Sa kasaysayan, halimbawa, kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa
panahon o taong pinapaksa, mga bagay-bagay, mapa, maging mga
kasuotan. Sa literatura o pilosopiya, ilan sa mga hanguang primarya ay ang
tekstong pinag-aaralan, at ang mga datos ay ang mga salitang nakalimbag sa
bawat pahina. Sa mga nabanggit na larangan, bihirang-bihirang makasulat ng
papel pampananaliksik nang hindi gumagamit ng mga hanguang primarya.
2. Hanguang Sekondarya. Ang mga hanguang sekondarya ay mga ulat
pampananaliksik na gumagamit ng mga datos mula sa mga hanguang
primarya upang malutas ang mga suliraning pampananaliksik. Sinulat ang
mga ito para sa mga iskolarli at o propesyonal na mambabasa. Binabasa ito
ng mga mananaliksik upang hindi mapag-iiwanan sa kani-kanilang larangan
at upang magamit ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o
kaya ay pagpapabulaan. Maaari ring magamit ang mga datos mula sa mga
hanguang sekondarya upang suportahan ang mga argumento.
3. Hanguang Tersyarya. Kinapalooban ito ng mga aklat at artikulo na
lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga naunang hanguan para sa
pangkalahatang mambabas. Ang mga aklat at artikulo sa ensayklopedya at
mga publikasyon para sa sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa
kategoryang ito. Sa mga unang yugto ng pananaliksik, maaaring gamitin ang
mga hanguang ito upang maging pamilyar sa paksa. Kung gagamitin ang
mga datos mula sa mga hanguang tersyarya upang suportahan ang isang
iskolarling argumento, maaaring hindi mapanaligan ng mga mambabasa ang
pananaliksik.
4. Hanguang Elektroniko. Kung dati, marami ang hindi naniniwala sa mga
impormasyon mula sa internet hindi na ito totoo sa kasalukuyan. Ang mga
mananaliksik ay umaasa na ngayon sa Internet upang maaakses ang mga
hanguang pang-aklatan, mga ulat ng pamahalaan at iba pang database, mga
tekstong primary amula sa reputableng tagapaglathala, pahayagan, maging
ang mga iskolarling dyornal na abeylabol online. Ang mga datos na ito ay
magagamit at mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang mga nakalimbag na
counterpart.
Maliban sa mga tradisyonal na hanguan, higit na maraming matatagpuan sa
Internet kaysa ano mang aklatan. Ngunit ang kalakasang ito ng internet ay siya
ring kahinaan nito dahil sa kawalan niyon ng gatekeepers. Ang internet ay
maihahalintulad sa isang tagalimbag na walang editor, o sa isang laybrari na
walang laybraryan. Marami ang nagpo-post sa internet tungkol sa ano mang
paksang kanilang kinawiwilihan o mapagkikitaan nang walang nagwawasto ng
kanilang katapatan o katumpakan. Dahil dito, totoong maraming datos ang
makukuha sa internet. Ang problema, hindi lahat ng nagmula sa internetn ay
mapagkakatiwalaan.
Sa ganitong kalagayan, ang payo ni Booth, et al. (2008), gamitin ang internet
kung ang hanguan ay primarya. Halimbawa, kung nais malaman ang reaksyon
ng mga manonood sa mga soap opera, ang mga fan blog ay maituturing
hanguang primarya. Iwasan ang internet para sa mga hanguang sekondarya,
lalo na sa mga tersyarya, liban nalang kung maipakikita sa mga mambabasa na
ang hanguang mula sa internet ay mapagkakatiwalaan.

You might also like