Filipino PT#2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kalikasan ay Pangalagaan

Ano ang kalikasan? Bakit kailangan natin itong pangalagaan? Kumusta na kaya ang
kalikasan? Asul pa ba ang mga ilog? Ilan lang yan sa mga tanong na gusto kong
malaman, dahil ngayon ang mga tao ay sinisira ang kalikasan para lang sa kanilang
pera. Pera na galing sa maling pamamaraan, gaya ng pagsira ng kalikasan.
Ang kalikasan ay tumutukoy sa buhay at di-buhay na mga bagay. Ito ay ang likha ng
ating Diyos. Ang kalikasan ay ang bumubuo sa kalahatang pisikal ng mundo at hindi
kinabibilangan ng mga istruktura o konsepto na gawa ng tao. Ang kalikasan ang ating
pinagkukunan ng mga pangangailangan gaya ng sariwang hangin, mga pagkain,
pangkabuhayan at ito rin ang ating kayamanan. Dahil ang ating kalikasan ang
nagbibigay sa atin ng napakaraming benepisyo hindi lang para sa mga tao, para na rin
sa mga bagay at hayop na nabubuhay dito. Likas sa kalikasan ang marami nitong
benepisyo kaya naman dapat itong pangalagaan at bigyan ng importansya. Pero sa
nakalipas na mga panahon, marami na rin ang pangyayari sa ating kapaligiran na
dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan. Ang mga delubyong sumisira sa ating
kapaligiran na hindi lang dahil ito ay natural kung hindi ay kagagawan din ng mga tao.
Nasisira ang kalikasan dahil sa tao, mga taong mahilig magtapon ng mga basura kung
saan-saan na nagiging sanhi ng baha at pag-baho ng ilog, at mga taong nagpuputol ng
mga kahoy na pinagkakakitaan at hindi napapalitan. Ilan lang yan sa napakaraming
dahilan kung bakit ang ating kalikasan ay unti-unti ng nasisira.
Gayunpaman, marami pa rin ang mga taong gustong ayusin at gawing maayos ang
kalikasan, may mga organisasyon na nanghihikayat sa mga tao na paunlarin ang
disiplina sa sarili para mapaayos ang kalikasan na syang malaking tulong sa ating lahat.
May mga organisasyon na naglalayon ng kaayusan at pagpapaganda at pag papaunlad
ng ating kalikasan. Gaya ng “TNC, Greenpeace, Earth Action,” at marami pang
organisasyon na tumutulong para mapanatiling malinis at maaliwalas ang kalikasan na
ating pinapakinabangan. Sila ang nagsisilbi o tumatayong tagapangalaga sa
kapaligiran, na kung saan hindi lang tao ang prino-protekhan kundi pati na rin ang mga
hayop na nakatira at umaasa din sa kalikasan.
Ang kalikasan ang ating pinagkukunan ng mga bagay na kailangan natin kaya naman
dapat itong pangalagaan. Dahil ang kalikasan ay biyaya na ipinagkaloob sa atin, dito
nanggagaling ang ikinabubuhay natin. Mula sa pagkain, tirahan, at marami pang iba.
Dahil ito ang ating pinagkukunan ng pangkabuhayan, kailangan natin ng disiplina sa
ating sarili at hindi na magtapon ng basura kung saan-saan at lumahok sa mga
organisasyon na naglalayon ng kaayusan kalinisan ng kapaligiran. Hindi man natin
maibabalik ang dating orihinal na itsura ng ating kapaligiran o kalikasan, dapat gumawa
tayo ng aksyon o paraan para masolusyonan ang problema na ating kinakaharap.

You might also like