Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG KAGILAGILALAS NA PAGLALAKBAY NG MGA PAWIKAN

Sa isang Sea Turtle Nesting Facility sa Cavite ako


nagkaroon ng pagkakataong makilahok sa pagpapakawala ng
mga pawikan sa dagat. Habang sila ay itlog pa lamang ay
inalagaan na sila sa lupa at hinintay ang kanilang paglabas
mula rito. Sa araw ng kanilang paglabas sa kani-kanilang
mga itlog ay kailangan din silang pawalan agad. Ngunit hindi
sila maaaring ihagis sa tubig o dalhin sa dagat mismo. Ang
maliliit na pawikan
na ito ay pakakawalan ilang dipa mula sa tubig ng dagat.
Dito ay magaganap ang unang pagsubok nila bilang
nilalang—ang makarating sa tubig. Kailangan nila
magamay ang paglalakad sa buhanginan papuntang dagat
upang matutunan din nila ang makabalik,
Nakamamanghang pagmasdan na tunay ngang sa bahaging
dagat sila pumaroon. May mangilan-ngilan na napupunta sa
kanan o sa kaliwa ngunit pagdaka ay nakarating lahat sa
dagat at nagsimulang lumangoy. May ibang pursigidong
naglakad ay may iba rin naming hinintay na lamang
maanod ng tubig upang mabilis makarating sa dagat. Sa
dagat sila lalaki at magpaparami, ngunit sa lupa ay
muling babalik upang mangitlog. At hanggat nananatili
ang kanilang lahi ay masasabing napagtatagumpayan
nila ang
kanilang mga pagsubok. Tayong mga tao ay kasangkapan
lamang. Ngunit bilang mga nilalang, ang mga pawikan ay
gagawa din ng paraan, mabagal man o mabilis, makarating
lamang sa paroroonan.

You might also like