Professional Documents
Culture Documents
Diagnostic Test in Kontemoraryong Isyu With Answer Key
Diagnostic Test in Kontemoraryong Isyu With Answer Key
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Maraming kaganapan sa ating paligid araw-araw. Mga isyung kinakaharap ng ating mga pamayanan o
komunidad. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kontemporaryong isyu?
a. pagkatuklas sa Taong Tabon
b. pagbabago ng klima sa buong mundo
c. pagiging isang archipelago ng Pilipinas
d. pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
2. Malaking pinsala sa mga ari-arian ang idinulot ng mga bagyo at pagbaha. Alin sa mga sumusunod ang
kasanayang kailangan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
a. bias
b. katotohanan
c. kongklusyon
d. opinion
3. Maraming mga bagay, pangyayari, suliranin, at isyu sa ating kapaligiran ang nalalaman natin sa iba’t-
ibang paraan: Makakakalap tayo ng mga kaalaman sa pamamagitan ng articles, encyclopedias at
kuwento ng mga hindi nakasaksi sa pangyayari. Anong sanggunian ang tinutukoy dito sap ag-aaral ng
kontemporaryong isyu?
a. primaryang pinagkukunan
b. sekundaryong pinagkukunan
c. tersaryong pinagkukunan
d. wala sa nabanggit
4. Alin sa mga sumusunod ang babala, abiso, klasipikasyon, at sukat ng ulan mula sa PAGASA kung ito
ay: Babala Bilang 3 (PSWS #2)?
a. Sa loob ng 24 na oras, inaasahang darating ang hanging may lakas na 61 hanggang 100 kph.
b. Sa loob ng 12 hanggang 18 oras, inaasahang darating ang hanging may lakas na 121-170 kph.
c. Sa loob ng 12 oras o di kaya’y mas maaga pa, darating ang bagyong may lakas na 171-220-
kph.
d. Sa loob ng 36 na oras, inaasahan ang pagdating ng hanging may lakas na 30-60 kilometro
bawat oras (kph).
5. Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang namumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na
mararanasan ng bansa?
a. DILG
b. Disaster Risk Mitigation
c. PAG-ASA
d. NDRRMC
7. Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon sa buong mundo. Ang mga sumusunod ay
iba’t-ibang SANHI nito MALIBAN sa?
a. matinding polusyon
b. labis na paggamit ng enerhiya
c. pagkamatay ng mga halaman at hayop
d. paggamit ng mga produkto at mga gawaing nagpaparami sa mga greenhouse gases
8. Ang pagdami ng sakit, pagkakaroon ng matitinding bagyo at pagbaha pati na rin ang labis na init ay
maituturing na suliranin at tumatalakay sa anong aspeto ng climate change?
a. bunga
b. dahilan
c. epekto
d. sanhi
9. Alin sa mga sumusunod ang kemikal na nakakasira ng ozone layer ng ating mundo at ginagamit bilang
refrigerants o pampalamig, aerosol propellants, at iba pa.
a. chlorofluorocarbons
b. greenhouse gases
c. methane
d. nitrous oxide
10. Ano ang kalagayan ng isang taong aktibong naghahanap ng trabaho ngunit hindi makahanap ng
trabaho?
a. employed
b. job displacement
c. underemployed
d. unemployment
11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang maituturing na MALI tungkol sa unemployment?
a. May pagkakatulad ang estadistika ng unemployment sa Pilipinas ayon sap ag-aaral ng iba’t-
ibang organisasyon.
b. Ang unemployment rate sa Pilipinas ay mas mataas kumpara sa buong rehiyon ng Timog-
Silangang Asya.
c. Ang pagpaparami ng mga dayuhang negosyante ang tanging solusyon sa suliranin ng
unemployment.
d. Maraming mga manggagawang Pilipino ang hindi nakakakuha ng tenure at benepisyo sa
trabaho.
12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Department of Labor and Employment?
a. Sangay ng pamahalaan na nagpapaunlad ng mga industriya at kalakalan sa bansa.
b. Sangay ng pamahalaan na tumitingin sa paglikha ng mga trabaho para sa masa upang
masolusyunan ang problema ng kahirapan.
c. Departamento ng pamahalaan na namamahala sa mga patakaran at suliranin sa paggawa at
empleyo at pinangangalagaan nito ang kapakanan ng mga manggagawa.
d. Ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mamamayan na mapaunlad ang kanilang
kasanayan sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga paaralang pambokasyonal.
13. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng unemployment sa
bansa?
a. modernisasyon ng agrikultura
b. mabagal ang pag-unlad ng bansa
c. mahirap na proseso para makapagnegosyo
d. kakulangan ng oportunidad para makapagtrabaho
15. Ano ang pangunahing layunin sa pagtatatag ng Asia Pacific Economic Council (APEC)?
a. maipagtanggol ang mga bansang kasapi sa Asya-Pasipiko laban sa terorismo
b. isulong ang paglago ng kalakalan sa rehiyong Asya-Pasipiko
c. magkaroon ng iisang kultura ang rehiyong Asya-Pasipiko
d. magkaisa ang mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko
16. Ano ang pangunahing layunin sa pagtatatag ng World Trade Organization (WTO)?
a. magkaisa ang mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko
b. magkaroon ng malayang kalakalan sa iba’t-ibang panig ng mundo
c. bumuo ng ng mga patakaran na magpapasigla at magsa-saayos ng malayang kalakaln ng mga
kasaping bansa
d. tulungan na paunlarin ang kalakalan at pagpapaunlad ng bansa at itaas ang antas ng
pamumuhay ng tao
17. Paano tinutugunan ng ating pamahalaan ang panganib na tuluyan nang umasa sa kamag-anak na
OFW ang mga Pilipino?
a. Nag-anyaya ng libreng pagsasanay para sa mga kaanak ng OFW.
b. Nagbigay ng mas maraming pribelehiyo para sa mga kaanak ng OFW.
c. Nag-alok ng mas maraming hanapbuhay para sa mga kaanak ng OFW.
d. Naglunsad ng mga programa upang makapagtayo ng negosyo ang mga kaanak ng OFW.
20. Paano nakatutulong ang globalisasyon sa pagbabawas ng tensiyon hinggil sa mga suliraning teritoryal?
a. Dahil sa globalisasyon, ang kayamanan ng isang bansa ay hindi na nakatali sa teritoryong
nasasakop nito kung hindi sa lawak ng impluwensiya ng ekonomiya nito.
b. Dahil sa globalisasyon, nagkakaroon ng malinaw na batas at hukbong pandagat na pumipigil
sap ag-aagawan ng mga teritoryo ng mga bansa.
c. Dahil sa globalisasyon, nagkakaroon ng isang daigdig na walang hangganan.
d. Dahil sa globalisasyon, nagiging malapit ang ugnayan ng iba’t-ibang bansa.
21. Paano nakapamamayani ang political dynasty sa ating bansa bagaman ipinagbabawal ito ng ating
Saligang Batas?
a. Lantarang lumalabag sa batas ang mga politiko.
b. Pinapasa ng mga politico ang kanilang posisyon sa kanilang kamag-anak.
c. Binabayaran ng mga politico ang mga husgado upang hindi sila makasuhan.
d. Binoboto sila ng mga mamamayan bagama’t alam nilang kabilang ang mga ito sa political
dynasty.
22. Paano nagkakaugnay ang mga isyu ng political dynasty at graft and corruption?
a. Ang mga dinastiyang political ang susi sa paglutas ng suliranin ng graft and corruption.
b. Maraming politikong pamilya ang yumayaman dahil sa pangungurakot mula sa kaban ng bayan.
c. Ang mga dinastiyang political ay madalas masangkot sa mga isyu ng katiwalian sa
pamahalaan.
d. Ang mga politikong pamilya ang may kapangyarihang pigilan ang mga katiwalian sa
pamahalaan.
25. Paano napakikinabangan ng mga teroristang pangkat ang demokrasya sa ilang bansa?
a. Inaabuso nila ang mga karapatang ibinibigay sa mga mamamayan.
b. Gumagamit sila ng dahas upang mapabagsak ang demokratikong pamahalaan.
c. Nagtatayo sila ng mga kompanyan upang pagtakpan ang kanilang mga illegal na Gawain.
d. Ginagamit nila ang kalayaan sa pamamahayag upang maiparating ang kanilang mga hinanaing.
26. Bakit hindi nagtagumpay ang mga programang pangkabuhayan ng pamahalaan para sa ARMM?
a. Papalit-palit ang liderato sa ARMM.
b. Hindi makuha ang kooperasyon ng mga Muslim.
c. Labis ang kahirapan ng mga Muslim sa Mindanao.
d. Hindi mabuti ang pamamahala at pamamahagi ng mga pondo nito.
32. Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Katipunan ng mga Karapatan ng ating Saligang
Batas?
a. Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan.
b. Nakasaad dito ang kabuuan ng ating mga likas at konstitusyonal na karapatan.
c. Nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan ng isang demokratikong
estado.
d. Ang labag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan sa ayon sa batas.
34. Paano naiimpluwensiyahan ng relihiyon ang pananaw ng mga tao tungkol sa homoseksuwalidad?
a. Sinusunod ng mga tao ang turo ng kani-kanilang mga relihiyon.
b. Itinatanggi ng iba’t-ibang relihiyon ang pagkakaroon ng mga homoseksuwalidad.
c. Walang impluwensiya ang relihiyon sa pananaw ng tao tungkol sa homoseksuwalidad.
d. May mga pangkat ng relihiyon na tumatanggap sa mga homoseksuwalidad at may mga pangkat
ding kumokondena sa kanila.
38. Bakit tutol ang simbahan sa sex education para sa mga kabataan?
a. Mas mahalaga raw na pagtuunan ng mga kabataan ang mga gawaing maka-relihiyon.
b. Ang mga magulang daw, hindi paaralan, ang dapat magturo sa mga kabataan ukol sa sex.
c. Hindi pa raw handa ang murang kaisipan ng mga kabataan para sa pagtalakay ng ganitong
paksa.
d. Dapat daw nila ilaan ang pondo ng pamahalaan sa ibang mga mas kapaki-pakinabang na
gawain.
39. Paano nasisiguro ng RH Law ang mga karapatan ng mga manggagawang babae para sa reproductive
health?
a. Pinagbabayad nito ng buwis ang mga kompanyang hindi tumutupad sa mga probisyon ng RH
Law.
b. Naglalaan ito ng pondo upang mabigyan ng libreng serbisyong medical ang mga babaeng
manggagawa.
c. Itinakda nito ang pagbibigay ng mga libreng kontrasepsiyon para sa lahat ng mga
manggagawang babae.
d. Inuutusan nito ang mga kompanyang magbigay ng serbisyo para sa kalusugang reproduktibo
ng kanilang mga babaeng empleyado.
43. Bilang isang batang mamamayan, paano ka makatutulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon
sa pamayanan at bansa?
a. pag-aaral ng mabuti
b. pagbibigay-galang sa mga guro
c. pagsuporta sa mga proyekto ng paaralan
d. paghihikayat sa kapwa kabataan na mag-aral
44. Paano sinisiguro ng pamahalaan ang pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa ating bansa?
a. sa pagpapatupad ng mga tuntunin
b. sa pagpapatupad ng mga programa ng DepEd
c. sa pagkakaloob ng libreng eukasyon para sa lahat ng batang Pilipino
d. sa paghingi ng tulong at suportang pang-edukasyon mula sa ibang bansa
46. Bakit kailangang makilahok ang mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko?
a. Upang malinang ang kakayahan ng bawat isa.
b. Upang mapigil ang mga katiwalian sa pamahalaan.
c. Upang matamasa ang mga karapatang ipinagkakaloob sa atin.
d. Upang makatugon sa pangangailangan ng pamayanan at bansa.
47. Paano maipapakita ang ating pagkamakabayan?
a. pagtangkilik sa kapwa Pilipino
b. pagbili ng mga produktong banyaga
c. paghahanap ng trabaho sa ibang bansa
d. pakikilahok sa halalan ng mga pinuno ng bansa
48. Bakit mahalagang sundin ng lahat ng mga mamamayan ang mga batas ng bansa?
a. upang lubos na maunawaan ang mga ito
b. upang masiguro ang kapayapaan at seguridad ng bansa
c. upang matulungan ang mga pulis at sundalo sa pagsupil sa kasamaan
d. upang maparami ang mga pagkakataong makapagtrabaho ang mga mamamayan
49. Ayon sa isinasagawang pag-aaral, paano pinipili ng karamihan sa mga Pilipino ang mga kandidatong
kanilang ibinoboto?
a. ayon sa mga katangian at popularidad ng kandidato
b. ayon sa popularidad at pag-endorso ng mga kilalang tao
c. ayon sa benepisyo sa botante at pamamaraan ng partido
d. ayon sa mga katangian ng kandidato at programa ng partido
*** w a k a s ***