Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1. Para sa akin ang pananaliksik ay nagpapayaman sa ating kaisipan.

Lumalawak ang
ating kaalaman dahil sa pagbabasa, pag-iisip, panunuri at paglalahad ng ating
interpretasyon upang madagdagan ang impormasyon na ating nalalaman. Sa
pakikisalamuha natin sa ibang tao upang kumalap at manghaligap ng datos tayo’y
nakikipagkomukasyon sa kanila. Lumalawak ang ating eksperyensya sa mga bagay
bagay na maaari nating maging gabay sa ating ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Nalilinang din ang pansariling pagtitiwala at tumataas ang respeto sa sarili pag
naiisagawa ang isang matagumpay pananaliksik.at maayos na pakikipagkomunikasyon
sa mga taong nakakasalamuha. Bukod dito nakakadiskubre tayo ng bagong kalaaman
at nahuhubog din ang ating kamalayan sa larangang pagsasaliksik. Sa
pakikipagkomunikasyon sa mga tao maari nating malaman ang suliranin ng isang
problema at mabigyan ito ng karampatang solusyon.
2. Ang mga batis ng impormasyon ay mga sources ng mga impormasyon na nakukuha ng
mga nagbabasa at nakikinig. May dalawang uri ng batis ng impormasyon para sa
komunikasyon na naitala. Una, ang primaryang batis. Ang primaryang batis ay
naglalaman ng mga impormasyong galing mismo sa isang bagay o taong pinag-
uusapan sa kasaysayan. Sa pamamagitan nito makagagawa tayo ng makakatohanang
koklusyon para sa ating inisinaliksik. Ikalawa, ang sekondaryang batis. Ang
sekondaryang batis ay naglalaman ng impormasyong mula sa pangunahing batis ng
kasaysayan. Dahil dito may mapagkukunan tayo ng impormasyon upang magsilbing
gabay sa ating gagawing pagsasaliksik.
3. Ang tsismis ay maaring totoo, bahagyang totoo, binaluktot na katotohanan, dinagdagan
o binabawasang katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o narinig, pawing haka-
haka sadyang di totoo o imbentong kwento. Ito’y halaw sa salitang Español na
“chismes” isang uri ng usapn/huntahan sa posibleng nangyare.
Negatibo nito ay pagkakaroon ng hindi magandang larawan ng taong
pinagchichismisan.  Dahil dito mapapasama ang tingin sa kanya ng tao kapag kumalat
ito at maaring maging kahihiyan niya ito kahit di naman totoo.  Positibo naman ay
maaaring nagkakaisa kayo dahil ito nalang ang inyong oras na makapag kwentuhan at
magbigay ng kanya kanyang himuha sa isang pangyayari o sa taong pinag uusapan.
4. Obserbasyon ng unang tao o grupo, nakakita o nakarinig sa tsismisan o sa itsinitsismis.
(pinagmulan ng tsismis)
Inembentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang puri sa kapwa. (taong
insikyur sa sarili)
Pabrika ng teksto ng mga nagmamanimula o naglilinang sa isang grupo o sa isang
madla. (politiko)

You might also like