Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

Pangalan:____________________________________ Paaralan:______________________
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

MGA TAMANG SAGOT


Ang trophic chains o food chains ay siklo ng enerhiya sa pagitan ng iba’t ibang uri ng
hayop sa isang komunidad na bayolohikal kung saan ang naunang kumain ay kakainin
naman ng ibang uri. Narito ang isang halimbawa ng food chain. Ang halaman ay kakainin ng
parasite na caterpillar, ang caterpillar naman ay magsisilbing pagkain ng maliliit na ibon na
kalaunan ay magiging pagkain ng malalaking ibon gaya ng agila at lawin, sa oras na
mamatay ang mga agila at lawing ito, ang kanilang katawan ay mabubulok at magiging
pataba sa tulong ng bakterya at fungi. Makaraang mabulok at maging pataba ang
katawan ng mga agila at lawin, uulit ang siklo.
https://www.exampleslab.com/20-examples-of-food-chains/
1. Ang binasang teksto ay prosidyural dahil nagbibigay ito ng ________.
a. ideya
b. proseso
c. posisyon
d. paglalarawan
2. Ang mga salitang naman at makaraan ay mga halimbawa ng
panandang naghuhudyat ng ________.
a. pagkakasunod-sunod
b. pagbibigay pokus
c. pagdaragdag
d. paglalahat
3. Sa huling pangungusap, ang dalawang salitang halos magkapareho ng
kahulugan ay ________.
a. makaraan-maging
b. mabulok-pataba
c. agila-lawin
d. uulit-siklo
4. Ang sumusunod ay halimbawa ng espesyalisadong wika o jargon
maliban sa isa.
a. trophic chain
b. caterpillar
c. komunidad
d. siklo
Buong mundo ay namumroblema sa plastik na basura. Bawat baybaying dagat ng mga
bansa ay may mga inaanod na plastik. Hindi lamang Manila Bay ang namumulaklak sa mga
I
basurang plastik kundi marami pa. Kung tutuusin, baka mas malala pa ang basura sa ibang
bansa.
Sa pag-aaral na ginawa, tinatayang 437 milyon hanggang 8.3 bilyon plastik ang inaanod
sa mga coastline sa buong mundo. Sa baybaying dagat ng America, tinatayang 7.5 milyon
II plastik ang nakatambak at maski ang mga namumuno roon ay problemado sa mga inaanod na
basura.
Pan-daigdig ang problema sa mga basurang plastik kaya marami ang nananawagan na
ang bawat bansa ay magdeklara ng paglaban sa plastic pollution. Ipag-bawal na ang paggamit
ng plastik na sumisira sa kapaligiran. Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansang may maraming
plastik na basura. Nangunguna ang China at pumapangalawa ang Indonesia.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

III
(A)Magandang malaman na aktibo si Environment Secretary Roy Cimatu sa paglaban
sa mga nagtatapon ng basura. (B) Minsang nagsalita siya sa isang forum, sinabi niyang tapos na
ang araw ng mga gumagawa ng krimen laban sa Inang Kalikasan. (C) Ang pag-abuso sa kalikasan
IV
ay tutuldukan na sapagkat mahigpit nang ipatutupad ang environmental laws, rules, regulations at
ordinances.
Nakatutuwa na ganito kasidhi si Cimatu sa pag-laban sa mga sumisira sa kalikasan. Sana
ang kasunod nito ay ang pagpapakita ng kamay na bakal laban sa mga iresponsableng
mamamayan na walang pakundangan kung magtapon ng plastic sa mga kanal at estero.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/02/11/1892742/editoryal-
plastic-na-basura

5. Ang binasang teksto ay argumentatibo dahil nagbibigay ito ng ________.


a. ideya
b. proseso
c. posisyon
d. paglalarawan
6. Sa apat na talata, ito ang nagpapakita ng estadistika bilang ebidensya.
a. I
b. II
c. III
d. IV
7. Sa apat na pangungusap sa unang talata ng binasang teksto, ito ang
pangungusap na naglalahad ng proposisyon.
a. Buong mundo ay namumroblema sa plastic na basura.
b. Kung tutuusin, baka mas malala pa ang basura sa ibang bansa.
c. Bawat baybaying dagat ng mga bansa ay may mga inaanod na
plastik.
d. Hindi lamang Manila Bay ang namumulaklak sa mga basurang plastik
kundi marami pa.
8. (A)Magandang malaman na aktibo si Environment Secretary Roy Cimatu
sa paglabansa mga nagtatapon ng basura. (B) Minsang nagsalita siya
sa isang forum, sinabi niyang tapos na ang araw ng mga gumagawa ng
krimen laban sa Inang Kalikasan. (C) Ang pag-abuso sa kalikasan ay
tutuldukan na sapagkat mahigpit nang ipatutupad ang environmental
laws, rules, regulations at ordinances.
Sa talata, ito ang mga pangungusap na ebidesya ng argumento.
a. A at B
b. A at C
c. B at C
d. A,B,C
9. Mali ang gamit ng gitling ng sumusunod na salita maliban sa isa.
a. pan-daigdig
b. ipag-bawal
c. pag-abuso
d. pag-laban
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

10. Pan-daigdig ang problema sa mga basurang plastik kaya marami ang
nananawagan na ang bawat bansa ay magdeklara ng paglaban sa
plastic pollution. Ipag-bawal na ang paggamit ng plastik na sumisira sa
kapaligiran. Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansang may maraming
plastik na basura. Nangunguna ang China at pumapangalawa ang
Indonesia. Anong uri ng pang-uring pamilang ang mga salitang nakahilig
at malaki ang tipo?
a. patakaran
b. panunuran
c. pamahagi
d. palansak
11. Hindi lamang Manila Bay ang namumulaklak sa mga basurang plastik
kundi marami pa. Ang talasalitaang malaki ang tipo.
a. tayutay
b. idyoma
c. malalim na salita
d. mabulaklak na salita
12. Sana ang kasunod nito ay ang pagpapakita ng kamay na bakal laban
sa mga iresponsableng mamamayan na walang pakundangan kung
magtapon ng plastic sa mga kanal at estero. Ang salitang malaki ang tipo.
a. tayutay
b. idyoma
c. malalim na salita
d. mabulaklak na salita
13. Sa pangungusap na “Nakatutuwa na ganito kasidhi si Cimatu sa
pag-laban sa mga sumisira sa kalikasan.” Ito ang indikasyon ng salitang
nakatutuwa.
a. pagtuligsa
b. pagsalungat
c. pagsang-ayon
d. pag-aalinlangan
14. Ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ay ginagamitan ng pormal na
salita. Sa ikalawang talata, sa halip na maski, ano ang pinakaangkop na
gamitin sa pagsulat?
a. gayundin
b. sa halip
c. bagaman
d. kahit
Ang panahon ay tumutukoy sa kasalukuyang kondisyon ng atmospera at mga pagbabago sa
kondisyon nito sa loob ng ilang oras hanggang isang linggo. Ito’y ang pagbabago sa temperatura, bilis at
direksyon ng hangin at iba pa. Ang klima naman ay ang pangkalahatang kalagayan ng atmospera sa
mahabang panahon.
(I) Ang klima ay naiimpluwensyahan ng karagatan, mga anyong lupa at ang bilis ng pagkatunaw ng
mga yelo sa mga poles ng daigdig at ito ay bumubuo ng isang climate system. (II)Madalas na napagpapalit
ng mga tao ang global warming at climate change. (III) Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura
ng daigdig na maaaring nagsimula bago ang papagsimula ng unang rebolusyong industriyal(1850 – 1900)
dahil sa mga gawain ng tao tulad ng pagsusunog ng langis at uling na nagdulot sa pataas ng lebel ng
greenhouse gases sa atmospera at naging rason upang makulong ang init mula sa sikat ng araw.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

(A) Ang climate change ay hindi lang tungkol sa pagtaas o pagbaba ng temperatura ng daigdig.
(B) Ito ay tumutukoy din sa labis na pagbabago ng mga sistema ng klima at panahon tulad ng pagdami at
paglakas ng mga bagyong tumatama sa ating bansa, hindi normal na pagtaas ng temperatura tuwing tag-
init o ang dahan- dahan na pagtaas ng lebel ng tubig sa mga dalampasigan sa mga bansang katabi ng
karagatan. (C) Ang global warming ay isa lamang sa aspeto ng climate change na dapat unawain at
aksyonan ng mga tao dahil ang mga isyu na ito ay nakakaapekto sa lahat ng tao sa ating lipunan. (D) Ang
halimbawa nito ay ang tag- init mula Nobyembre hanggang Mayo at ang tag-ulan mula Hunyo hanggang
Oktubre sa Pilipinas.

Mahalaga na tandaan ang mga pagkakaiba ng panahon at klima upang higit na maunawaan ang
isyu ng climate change.
(I) Ang Climate Change ay ang nasusukat na pagbabago sa mga katangian ng iba’t ibang climate
system na maaaring tumagal ng ilang dekada o mas matagal pa. (II) Ito ay maaaring dulot ng mga natural
na sanhi tulad ng pagsabog ng bulkan, pagbabago sa dami ng sikat ng araw na tumatama sa isang lugar o
ang mga pagbabago sa climate system sa isang bansa. (III) Ito ay maaaring dulot din ng tao dahil sa mga
paggamit ng mga kemikal na nakakasira sa ozone.
https://aralipunan.com/climate-change-at-global-warming/

15. Paraan ng paglalahad ng binasang tekstong impormatibo.


a. posisyon
b. proseso
c. paliwanag
d. paglalarawan
16. Ang estilong ginamit sa paglalahad ng teksto.
a. paglalarawan
b. paghahambing
c. panghihikayat
d. pag-iisa-isa
17. Mali ang pagkakasulat ng mga salitang nakasalungguhit maliban sa isa.
a. papagsimula
b. nakakaapekto
c. nasusukat
d. nakakasira
18. Ang sumusunod na salita ay espesyalisadong wika o jargon maliban sa isa.
a. atmospera
b. kondisyon
c. klima
d. temperatura
19. (I) Ang klima ay naiimpluwensyahan ng karagatan, mga anyong lupa at ang bilis ng
pagkatunaw ng mga yelo sa mga poles ng daigdig at ito ay bumubuo ng isang climate
system. (II)Madalas na napagpapalit ng mga tao ang global warming at climate
change. (III) Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng daigdig na
maaaring nagsimula bago ang papagsimula ng unang rebolusyong industriyal(1850 –
1900) dahil sa mga gawain ng tao tulad ng pagsusunog ng langis at uling na nagdulot
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

sa pataas ng lebel ng greenhouse gases sa atmospera at naging rason upang makulong


ang init mula sa sikat ng araw.
Ang pangungusap na nagpapakita ng sanhi at bunga.
a. I
b. II
c. III
d. I at II
20. (A) Ang climate change ay hindi lang tungkol sa pagtaas o pagbaba ng
temperatura ng daigdig. (B) Ito ay tumutukoy din sa labis na pagbabago ng mga
sistema ng klima at panahon tulad ng pagdami at paglakas ng mga bagyong
tumatama sa ating bansa, hindi normal na pagtaas ng temperatura tuwing tag-init o
ang dahan- dahan na pagtaas ng lebel ng tubig sa mga dalampasigan sa mga
bansang katabi ng karagatan. (C) Ang global warming ay isa lamang sa aspeto ng
climate change na dapat unawain at aksyonan ng mga tao dahil ang mga isyu na ito
ay nakakaapekto sa lahat ng tao sa ating lipunan. (D) Ang halimbawa nito ay ang tag-
init mula Nobyembre hanggang Mayo at ang tag-ulan mula Hunyo hanggang Oktubre
sa Pilipinas. Ang pangungusap na nagpapakita ng pangunahing ideya.
a. A
b. B
c. C
d. D
21. (I) Ang Climate Change ay ang nasusukat na pagbabago sa mga katangian ng
iba’t ibang climate system na maaaring tumagal ng ilang dekada o mas matagal pa.
(II) Ito ay maaaring dulot ng mga natural na sanhi tulad ng pagsabog ng bulkan,
pagbabago sa dami ng sikat ng araw na tumatama sa isang lugar o ang mga
pagbabago sa climate system sa isang bansa. (III) Ito ay maaaring dulot din ng tao dahil
sa mga paggamit ng mga kemikal na nakakasira sa ozone.
Ang pangungusap na kakikitaan ng bunga ng mga pangyayari.
a. I
b. II
c. III
d. I at II
22. Kung ikaw ang magbibigay ng pamagat sa teksto, alin ang pinakaangkop
na pamagat?
a. Ang Climate Change at Global Warming
b. Ang Pagkakaiba ng Climate Change at Global Warming
c. Ang Pagkakatulad ng Climate Change at Global Warming
d. Mga Sanhi at Bunga ng Climate Change at Global Warming

Ang Amerikanong kumpanya na DeLorme ay lumikha ng isang higanteng globo ng


Earth. Bumubuo ang samahang ito ng mga mapa at mga sistema ng nabigasyon ng GPS.
Ang diameter ng globo ay 12.6 metro, na ang taas ay isang apat na palapag na gusali.
Ngayon ang natatanging paglikha na ito ay matatagpuan sa lungsod ng Yarmouth sa Amerika.
Ang higanteng globo ay binubuo ng 792 mga fragment ng mapa na nakaayos sa bawat isa
sa pamamagitan ng mga nakatagong bolts sa isang malaking frame. Ang huling elemento ay
itinayo mula sa 6,000 mga aluminyo na tubo. Ang kakaibang katangian ng kamangha-manghang
istrakturang ito ay matatagpuan sa isang gusaling salamin at naiilawan mula sa loob, na
nagbibigay dito ng isang pambihirang hitsura.
Ang obra maestra na ito ay kasama sa Guinness Book of Records.
https://nashipoezda.ru/tl/tractor/opisanie-globusa-kakova-istoriya-sozdaniya-globusa.html
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

23. Ang artikulong binasa ay bahagi ng isang uri ng teksto.


a. naratibo
b. deskriptibo
c. impormatibo
d. persweysib
24. Ang Amerikanong kumpanya na DeLorme ay lumikha ng isang higanteng
globo ng Earth. Ano ang dalawang pang-uri sa pangungusap?
a. Amerikano at higante
b. Amerikano at DeLorme
c. kumpanya at higante
d. globo at kumpanya
25. Ang mga sumusunod ay pang-uri maliban sa isa.
a. apat na palapag
b. 12.6 metro
c. natatangi
d. nagbibigay
26. Ang kakaibang katangian ng kamangha-manghang istrakturang ito ay
matatagpuan sa isang gusaling salamin at naiilawan mula sa loob, na
nagbibigay dito ng isang pambihirang hitsura. Ilan ang pang-uring nakapaloob
sa pangungusap?
a. 2
b. 3
c. 4
d. 5

Nang dumaan ang bagyong Trix noong 1951, ang bayan ng Hagonoy ay nadamay.
Natatandaan ko pa na bago dumating ang bagyo, kami ng aking ama ay nagsusuhay ng
kawayan at nagbabagting ng malalaking alambre upang huwag magiba ang lumang bahay na
pawid. Ako noon ay isa palang binatilyo at patulong tulong lamang sa aking ama. Sa
kasagsagan ng bagyo, ang mga magulang ko at mga kapatid na babae ay lumikas at
nakituloy sila sa aming kapit-bahay na matibay ang tirahan na gawa sa bato. Ako at ang
aking kaibigan, si Tata Biting ay natulog sa aming bahay sa ilalim ng lamesa sa gitna ng
ugong ng hangin at langitngit ng bahay namin.
Naging okey naman kami hanggang sa humupa ang bagyo. Wala namang nasawi at
nasugatan. Kaunti lamang ang nasiraan sa aming lugar, maliban nalamang sa mga
mangingisda na inabutan ng unos sa dagat. Dalawang malayo kong pinsan na nagsusulib sa
gitna ng Manila Bay ay nalalad at hindi na natagpuan ang kanilang bangkay.
http://muntingnayon.com/103/103072/index.php

27. Ang artikulong binasa ay bahagi ng isang uri ng teksto.


a. naratibo
b. deskriptibo
c. impormatibo
d. persweysib
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

28. Ang teksto ay nasusulat sa anong panauhan?


a. una
b. ikalawa
c. ikatlo
d. ikaapat
29. Ang paksa na nakapaloob sa kuwento.
a. pagbangon
b. pagtutulungan
c. Bagyong Yolanda
d. Bagyong Trix
30. Ang suliraning nakapaloob sa kuwento.
a. Paano makaliligtas sa bagyo?
b. Paano mapatitigil ang bagyo?
c. Paano malalamnan ang sikmura sa panahon ng bagyo?
d. Paano mahahanap ang bangkay ng dalawang pinsan ng
nagsasalaysay?
31. Ako at ang aking kaibigan, si Tata Biting ay natulog sa aming bahay sa ilalim
ng lamesa sa gitna ng ugong ng hangin at langitngit ng bahay namin. Bahagi
ng pananalita na maitim ang tipo sa unang talata.
a. pang-uri
b. pangngalan
c. pangatnig
d. pang-abay
Para sa bilang 32-35
Sa kasagsagan ng bagyo, ang mga magulang ko at mga kapatid na babae
I
ay lumikas at nakituloy sila sa aming kapit-bahay na matibay ang tirahan na
II III IV
gawa sa bato.

32. Ang kohesyong gramatikal na anapora sa pangungusap.


a. I
b. II
c. III
d. IV
33. Ang salitang mali ang pagkakasulat sa pangungusap.
a. I
b. II
c. III
d. IV
34. Ang pangngalan sa pangungusap.
a. I at II
b. I at IV
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

c. II at III
d. II at IV
35. Ang panghalip sa pangungusap.
a. I
b. II
c. III
d. IV
Global Warming: Senyales na nga ba?
Isinulat ni Lakbay Diwa
Nararamdaman mo na ba ang pagbabago sa iyong paligid? Napapansin mo rin ba ang abnormal na dulot-
hatid ng panahon? Minsan makulimlim, minsan maaraw at bigla na lang uulan. Napapansin, narinig, napanood o
nabasa mo na ba sa mga pahayagan o balita ang katumalan sa mga huling isda ng mga mangingisda? Senyales na
kaya ito? Katapusan na nga ba ng mundo? Gumaganti na nga ba si Inang Kalikasan?
Ang lahat ng pagbabago o abnormal na pangyayari sa ating paligid at maging sa panahon ay dulot ng global
warming. Ang global warming o pag-init ng daigdig ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang
temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo.
Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang
pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa
petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing
sanhi ng pag-init ng mundo.
Nangyayari ang lahat ng ito dahil sa kapabayaan at kalapastanganan ng mga tao. Ang pagdaragdag ng
carbon dioxide (CO2) o methane (CH4) sa himpapawid ng mundo nang walang ibang pagbabago ay
makapagpapainit sa balat ng ating planeta. Lumilikha ang mga greenhouse gases ng likas na greenhouse effect na
kung wala nito tinatayang ang temperatura sa mundo ay mas higit ng 30 °C at hindi na matitirahan. Ang tinutukoy
na mga greenhouse gases sa atmophere ng ating mundo ay ang mga sumusunod: water vapor, carbon dioxide,
methane, nitrous oxide at ozone.
Malaki ang epekto ng global warming sa ating buhay at lalong-lalo na sa ating paligid. Kung may malasakit
at pagmamahal ka sa iyong paligid, kapwa at maging sa iyong sarili tulungan mong ihinto ang masamang dulot ng
global warming. Simulan mo ang pagbabago sa iyong sarili.
Nakatatakot isipin ang kahihinatnan ng ating mga buhay at lalo na ang ating iisang tahanan, ang ating planeta
sa paunti-unting pagdudurusa at paghihirap na dala ng global warming. Ating tandaan, kailangan nating magkaisa
upang labanan ang problemang ito. Tayong lahat ang gagawa ng solusyon laban dito. Hindi pa huli ang lahat.
Halaw sa http://www.lakbaydiwapinas.com/blog/global-warming-senyales-na-nga-ba

36. Ang artikulong binasa ay bahagi ng isang uri ng teksto.


a. naratibo
b. deskriptibo
c. impormatibo
d. persweysib
37. Ang teksto ay nasusulat sa anong panauhan.
a. una
b. ikalawa
c. ikatlo
d. ikaapat
Para sa bilang 38-41
I. Ang global warming o pag-init ng daigdig ay tumutukoy sa nararanasang
pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan
sa mundo.
II. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases
na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga


pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo.
III. Ang tinutukoy na mga greenhouse gases sa atmophere ng ating mundo ay
ang mga sumusunod: water vapor, carbon dioxide, methane, nitrous oxide at
ozone.
IV. Tayong lahat ang gagawa ng solusyon laban dito. Hindi pa huli ang lahat.

a. I b. II c. III d. IV
38. Ang pangungusap na nanghihikayat. d
39. Ang pangungusap na nagbibigay ng halimbawa. c
40. Ang pangungusap na nagpapahayag ng sanhi at bunga. b
41. Ang pangungusap na nagbibigay ng kahulugan. a
42. Ang kahulugan ng pahayag na “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon
ay gawa ng tao”.
a. Sinisisi ang tao sa pag-init ng mundo nitong nagdaang 50 taon.
b. Tao ang dahilan ng pag-init ng mundo nitong nagdaang 50 taon.
c. Tao ang gumagawa ng pag-init ng mundo nitong nagdaang 50 taon.
d. Makatutulong ang tao sa paglutas sa pag-init ng mundo nitong nagdaang 50 taon.
43. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na
resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan,
pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init
ng mundo. Ang talasalitaang maitim ang tipo.
a. tayutay
b. idyoma
c. malalim na salita
d. mabulaklak na salita
44. Ang kahulugan ng pariralang maitim ang tipo sa bilang 43.
a. pagsunog sa kagubatan
b. pagmimina sa kagubatan
c. pag-uuling sa kagubatan
d. pagputol ng mga puno sa kagubatan

Para sa 45-46
Nakakatakot isipin ang kahihinatnan ng ating mga buhay at lalo na ang ating
iisang tahanan, ang ating planeta sa paunti-unting pagdudurusa at paghihirap
na dala ng global warming.
45. Sa pangungusap, lahat ay tama ang pagkakasulat/pagkakabaybay
maliban sa isa.
a. nakakatakot
b. kahihinatnan
c. paunti-unting
d. pagdurusa
46. Ang salitang magkasingkahulugan sa pangungusap.
a. nakatatakot at isipin
b. buhay at tahanan
c. tahanan at planeta
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

d. pagdurusa at paghihirap

Ang mundo ay maihahalintulad sa isang napakalaking bola bagamat ito ay hindi gaanong
bilog (Sphere). Makikita lamang ang kabuuang laki at hugis nito mula sa kalawakan. Sa
pamamagitan ng globo, ang mundo ay maaaring pag-aralan. Ang globo ay modelo ng mundo.
Isang uri ng mapa ang globo. Nagpapakita ito ng tunay na hugis ng mundo.
Nakikita rin sa globo ang mga bahagi ng mundo. Ito ang bahagi ng tubig at bahagi ng
lupa. Kung hahatiin ang mundo sa apat na bahagi, sangkapat (¼) lamang nito ang lupa. Ang
tatlong-kapat (¾) ng mundo ay pawang bahagi ng tubig.
Ang magkabilang dulo ng mundo ay tinatawag na polo; ang Polong Hilaga at Polong
Timog.
Ang pinakamalaking anyong-tubig ay ang karagatan. May apat na malaking karagatan sa
mundo. Ang mga ito ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian at
Karagatang Artiko. Kontinente naman ang tawag sa pinakamalaking anyong-lupa. May pitong
kontinente sa mundo. Ito ang Europe, Asia, Africa, Hilagang America, Timog America, Australia
at Antartica. Pinakamalaki ang kontinente ng Asia. Ang Asia at Europe ay magkarugtong. Dahil
dito, kilala ito sa tawag na Eurasia
Halaw sa https://depeddistrict9.weebly.com/uploads/4/0/1/7/40171981/1_-
_ang_mundo_at_ang_globo.pdf
47. Ang artikulong binasa ay bahagi ng isang uri ng teksto.
a. naratibo
b. deskriptibo
c. impormatibo
d. persweysib
48. Bahagi ng pananalita na maiitim ang tipo sa unang talata.
a. panghalip
b. pangngalan
c. pang-uri
d. pang-abay
49. Bahagi ng pananalita na maiitim ang tipo sa ikalawang talata.
a. panghalip
b. pangngalan
c. pang-uri
d. pang-abay
50. Kung ikaw ang magbibigay ng pamagat ng teksto, alin ang pinakaangkop
na pamagat?
a. Ang Globo
b. Ang Globo at ang Mundo
c. Mga Katangian ng Mundo
d. Ang Globo Bilang Repleksyon ng Mundo
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of BulacaN

You might also like